CHAPTER 30
CHAPTER 30
APRIL 16, 2028
"HAPPY 3rd anniversary!" masayang bati sa akin ni Hezekiah at hinalikan ako sa noo. Napabangon naman ako at niyakap siya nang mahigpit.
"Happy 3rd anniversary sa atin at happy 11th anniversary sa pagmamahal ko sa iyo!" tugon ko at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Umupo naman siya nang maayos sa tabi ko at pinagpag ang mga buhangin sa likuran ko.
"Sabi ko kasi sa iyo huwag kang hihiga dito sa buhanginan," saad niya habang pinapagpagan ang damit ko.
"Masaya kaya!" giit ko at hinila siya kaya pareho kaming napahiga sa buhanginan. Napangiti naman ako nang maramdaman ko ang pagtama ng alon sa paa ko.
Tatlong taon na rin ang nakalilipas simula noong ikinasal kami ni Hezekiah. Ang bilis lumipas ng mga taon. Parang kahapon lang noong nagsimula akong nahulog sa kaniya. Parang kahapon lang hinahangaan ko lang siya.
Nasa dalampasigan kami ngayon nng Islands of Merdes. Kaunti lamang ang mga tao rito ngayon kaya hindi gan'on kaingay. Nakikisama rin ang kalangitan sa amin dahil makulimlim. Hindi tuloy nakasusunog sa balat ang init.
"Ang ganda talaga rito. Sana isinama natin si Maryjoy para tatlo tayo," wika ko at napahikab.
Nakakaantok kasi ang tunog ng alon sa dagat. Naka-relax kaya parang hinihila ako nito para matulog.
"Ngayon na nga lang kita masosolo, eh. Kahati ko na si Mika sa atensyon mo," sambit niya at napanguso.
Mahina ko namang pinalo ang dibdib niya at tinawanan siya. "Nagseselos ka ba sa batang dalawang taon?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya habang nakangisi.
"Syempre joke lang. Baby natin iyon, eh. Siya ang bunga ng ating labis na pagmamahalan. Siya ang patunay kung gaano kita kamahal. Siya ang patunay na maganda ang lahi namin—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil tinawanan ko siya nang malakas. Napatigil naman ako sa pagtawa nang yakapin niya ako nang mahigpit na halos hindi ako makahinga.
"Hindi ako makahinga! Oo na, maganda na ang lahi niyo!" sigaw ko at pilit siyang itinutulak.
"Tara doon sa rock formation," anyaya niya at inalalayan ako sa pagbangon.
Tinanaw ko naman ang rock formation na ilang metro ang layo sa amin. Napaka-divinely ang view doon kaya maganda ang pasya ni Heze na pumunta doon. Habang naglalakad kami sa pampang ay maghawak ang aming mga kamay. May mga taong napapatingin sa amin pero hindi na lang namin iyon pinansin.
Inakyat namin ang rock formation dahil hindi naman iyon gan'on kataas. Umupo kami sa cliff at pinanood ang pag-alon ng dagat. Kung minsan ay may tumatalsik pang mga tubig sa amin.
"Ang bilis din lumipas ng mga taon lalo na kapag ine-enjoy natin ito habang magkasama tayo," saad niya. Sumandal naman ako sa bisig niya at pumikit.
"Parang kahapon lang noong ikinasal tayo," sabi ko naman. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking buhok kaya napangiti ako.
"Naalala ko tuloy no'ng nalasing si Azarel tapos umiiyak siya sa dalampasigan," dagdag ko kaya pareho kaming natawa.
"Nalasing o talagang naglasing?" tanong niya.
"Bakit naman maglalasing?"
"Kasi kasal ka na sa akin," sagot niya.
Sabagay, kahit naman sinabi sa akin noon ni Azarel na masaya na siya kung anong meron sa amin alam ko naman na nasasaktan pa rin siya n'on. Naaawa tuloy ako sa kaniya noong araw na iyon. Mabuti na nga lang ay may ikinukwento na siyang babae sa akin ngayon.
"Naalala ko rin! Si Ate Lana 'yong nakasalo no'ng bulaklak pero sina Jerico at Marie naman ang sumunod na ikinasal," sabi ko naman.
Tama ang hinala ko noon na sina Jerico at Marie ang magkakatuluyan. Isang taon lang pagkatapos ng kasal namin ni Heze ay sila rin ang sumunod. Ilang buwan lang din pagkatapos ng kasal nila ay sina Ate Lana at Kuya Mike rin ang sunod na ikinasal. Limang buwan ng buntis si Ate Lana kaya excited na excited na si Kuya Mike.
Masaya rin ako para sa kaniya simula noong nakilala niya si Ate Lana. Nagbago pati ang ugali niya. Hindi na siya mayabang, hindi na siya pabaya, at mas naging mabait siya. Siya na ngayon ang CEO ng Crisostomo Laboratory Instruments Company, at masasabi kong napakagaling niya dahil mas napalago niya ang kompanya.
Ngayon nga lang din ako nagkaroon ng mas maluwag na oras dahil
Sayang nga lang si Kuya Melchi.
"Nakakapagod bang maging Vice President sa kompanya niyo?" natatawang tanong ni Heze kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit mo naman natanong bigla?" tanong ko rin ngunit tumawa lamang siya.
"Heze, tungkol nga pala kay Ate Lana... 'yong noon... noong bago nililigawan mo pa lang siya... at... at siya pa 'yong gusto mo..."
Halos hindi ko mabigkas ang sasabihin ko. Ilang taon na kaming nagkakasama ngunit ngayon ko lamang ito babanggitin sa kaniya.
Napapaisip kasi ako kung anong klase ang naging pagsasama nila noon. Hindi naman sa nagseselos ako o nagdududa pa rin ako ngayon, kundi nagiging curious lang ako. Wala namang masama kung tatanungin ko o malalaman ko dahil may kaniya-kaniya na kaming mga buhay. Kasal na ako kay Hezekiah at kasal na rin si Ate Lana kay Kuya Mike.
"Bakit mo naman natanong bigla?" tanong niya rin at ginaya niya pa 'yong pagtaas ng kilay ko sa kaniya kanina.
"Wala, curious lang ako," matipid na tugon ko habang pinagmamasdan ang mga alon.
"Huwag mo ng intindihin iyon dahil ang mahalaga ay kung ano ang mayroon tayo ngayon. Hindi man ikaw ang unang minahal ko subalit sinisigurado ko sa iyo na ikaw lamang ang itinitibok ng puso ko ngayon. Ikaw ang babaeng pinakamamahal ko kahit pa hanggang sa pagtigil ng paghinga ko. Ikaw ang pipiliin ko araw-araw," tugon niyo.
Mas lumawak naman ang ngisi sa aking labi at tumitig sa kaniya mga mata. Hanggang ngayon talaga kinikilig pa rin ako sa kaniya.
"Oo nga pala, hindi ko pa ito nasasabi sa iyo," sabi pa niya.
"Ano naman iyon?"
"Ang totoo niyan, simula noong nagsimula akong tumugtog sa church noon, lagi ko ring ipinagdarasal na ang perfect will Niya ang nais ko, lalo na sa babaeng mapapangasawa ko. Ang nakamamangha, kahit na hindi pa kita nakikita noon, palagi na kitang napapanaginipang nakasuot ng wedding dress at naglalakad papalapit sa akin." Napaawang ang aking bibig sa ikinuwento niya, at hindi ako makaimik.
Napatingin naman siya sa mga alon at ipinagpatuloy ang pagsasalaysay.
"Kahit pa noong nagkalapit ang mga namin ni Lana, ikaw ang pilit na ipipinapakita Niya sa akin. Ang laki ng pagkakamali ko dahil ipinagsawalang-bahala ko ang ipinagdasal kong iyon. Lalo na noong sinabi kong kapatid lamang ang turing ko sa iyo. Simula noon, hindi na mapalagay ang isipan ko. Noong lumayo ka, doon ko lamang napagtanto na ikaw ang perfect will Niya sa akin."
"I-Ibig sabihin pala, bago pa mag-krus ang mga landas natin, ipinagdarasal mo na ako?" tanong ko. Napatango naman siya at ngumiti.
"Oo, at masaya ako na ikaw ang ibinigay niya sa akin," sagot niya at hinaplos ang aking pisngi. Hinalikan niya akong muli ako sa noo atsaka siya tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ko at akmang tatayo pero pinigilan niya ako.
"Hintayin mo ako dito dahil may kukunin lang ako," saad niya kaya napatango ako.
"I love you," dagdag pa niya at bumaba na.
Naiwan tuloy akong mag-isa dito sa rock formation. Tumayo naman ako para panoorin siya habang siya ay lumalakad papalayo. Napatingin naman ako sa ibaba. Tama nga si Heze na hintayin ko na lang siya dito dahil baka mapahamak pa ako kung mag-isa lang akong bababa.
Pinanood ko na lamang ang pag-alon ng dagat. Unti-unti ng nagdidilim ang kalangitan kaya naman panay ang paglinga ko sa paligid. Siguro ay kalahating oras na ang nakalilipas simula noong umalis si Heze. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa ibabaw ng rock formation. Nagising na lamang ako dahil sa pagpatak ng ulan sa katawan ko. Medyo malakas ang ulan at gabi na ngunit hindi pa rin siya bumabalik.
Dumaloy na ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako makapakali. Nagpalakad-lakad na ako sa ibabaw ng rock formation at naglakas-loob na akong bumaba. Dahan-dahan ako sa pagbaba at napadaing ako nang nagkamali ako sa pagbagsak dahil nadulas ako.
Paika-ika akong naglakad at bumalik sa loob ng hotel. Pinagtitinginan pa nga ako ng ibang mga tao dahil para akong basang sisiw na paika-ika. Punung-puno ng buhangin ang bistida kong puti tapos ay basang-basa ako ng ulan.
Noong makarating ako sa kuwarto namin, mabilis akong naligo at nagbihis. Wala rin siya rito sa loob kaya mas lalo akong kinabahan. Kinuha ko na lamang ang payong ko at lumabas na ng hotel.
Naglakad-lakad ako sa kung saan-saan para hanapin siya. Namalayan ko na lamang na nakalayo na pala ako sa Islands of Merdes at nakarating na ako sa kalsada. Mas lalong nabuhay ang kaba sa aking dibdib dahil may pinagkukumpulan ang mga tao.
May mga pulis din na nagkalat, at natanaw ko sa 'di kalayuan ang dilaw na parang tape, at may kasulat doong "POLICE LINE DO NOT CROSS" at sa loob n'on ay may nakatumbang motor na halos mawasak na.
Paika-ika akong lumapit doon. Napalunok ako dahil parang pamilyar sa akin ang eksenang ito. Parang ganito 'yong napanaginipan ko noon! Naagaw naman ng aking atensyon ang pinulot ng police na boquet of roses.
"To Merry Peregrino ang nakalagay!" sabi ng police na nakapulot ng boquet kaya tuluyan akong napaluha.
Kahit masakit ang paa ko, dali-dali akong lumapit sa kaniya at inagaw ang bulaklak sa kaniya. Napahagulgol ako nang makita ko ang mga bahid ng dugo sa bulaklak.
"Ikaw ba si Merry Peregrino?" tanong ng police kaya napatango ako.
"B-Bakit ganito? Bakit may dugo ito? Nasaan si Hezekiah? Ang alam ko ay naka-motor siya!" aligagang wika ko habang lumuluha.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kong ang motor ni Heze ang nakita ko kanina.
"Nagkaroon ng hit-and-run at ang Hezekiah na tinutukoy mo ay nabangga ng truck. Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang pagtakbo ng truck kaya sinalpok nito si Hezekiah. Dinala siya ngayon sa ospital at siguradong kritikal ang kondisyon niya," pagpapaliwanag niya kaya tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa kalsada.
Nabitawan ko ang payong ko at ang bulaklak at tuluyang napahagulgol nang malakas.
"Hindi ito totoo!" paghihinagpis ko.
Wala ako sa aking sarili nang ihatid ako ng mga pulis sa ospital at doon ay nakita ko si Hezekiah sa ICU at nag-aagaw buhay.
Eksakto namang pagkarating nina Mama Jayne, nawalan ako ng malay at bumagsak sa sahig. Pagkagising ko ay nakita ko kaagad si mom na nakaupo sa aking tabi. Nasa ospital pa rin ako dahil may may nakakabit na naman suwero sa akin.
Kahit tila umiikot pa ang paningin ko ay bumangon ako kaagad ngunit pinigilan ako ni mom.
"Magpahinga ka muna," naiiyak na wika ni mom pero umiling ako.
"Hindi, mom! Hindi ako makakapagpahinga hangga't hindi ko nakikita ang kalagayan ni Hezekiah. Please, dalhin niyo ako sa kaniya," humahagulgol na wika ko ngunit nanatili siyang umiiyak.
Tila dinudurog ang puso ko dahil kinukutuban ako na baka wala na siya. Kanina bago ako nawalan ng malay ay nag-aagaw buhay siya!
Napahawak ako nang mahigpit sa kumot habang humahagulgol. Hindi ko akalaing darating kami sa ganitong punto. Ni hindi sumagi sa isip ko na pahihintulutan ng kalangitan ang ganitong pagsubok sa amin. Akala ko ay tuluy-tuloy na ang pag-iibigan namin.
Lord, huwag niyo pa po sanang babawiin sa akin si Hezekiah...
Nang makabawi ako ng lakas ay muli akong nakiusap kay mom na puntahan si Hezekiah kung nasaan man siya. Dinala niya ako sa ICU at doon ay nakita ko ang kritikal na lagay ng taong pinakakamahal.
Pagkatapak ko pa lang sa loob ng ICU ay halos manlumo ako. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Sobrang sakit sa puso nang makita ko siyang nakahiga at kung ano-ano ang nakakabit na aparato sa katawan niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya at nang marating ko ay agad na bumuhos ang napakarami kong luha. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak pero pilit na kumakawala ang paghihinagpis ng puso ko.
Gumuguhit sa puso ko 'yong kirot. Sobrang sakit kapag ang mahal mo sa buhay nakikitang mong nasa bingit ng kamatayan. Nakakatakot. Natatakot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala siya. Hindi ko kakayanin. Nawala na sa akin si Kuya Melchi at ayokong pati si Hezekiah ay mawawala sa akin.
"Tahan na, Merry. Hindi pa patay si Hezekiah. Huwag kang panghihinaan ng loob," sabi saakin ni mom
Iyan din ang pilit na ipinapasok ko sa utak ko, pero 'yong puso ko nararamdaman niya pa rin 'yong sakit. Paano kung hindi siya maka-survive? Paano kung mawala na siyang tuluyan sa akin?
Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin nagigising si Hezekiah. Hindi ako umalis sa kaniyang tabi dahil gusto ko ay nasa tabi niya ako kapag nagkamalay na siya. Lumipas pa ang mga linggo ngunit hindi pa rin siya nagigising.
Matiyaga akong naghintay sa kaniyang paggising, ngunit isang buwan na ang nakalilipas pero nanatili siyang comatosed. Ganitong-ganito 'yong napanaginipan ko noon. Akala ko ay mananatiling panaginip lamang iyon.
Hanggang sa lumipas pa ang napakaraming araw at buwan. Hindi ko na mabilang kung ilang araw o buwan na akong umiiyak. Wala pa ring improvments sa kondisyon ni Heze. Sa bawat araw na nakaratay siya sa ICU ay mas nanghihina ang katawan niya.
***
Hanggang sa matapos kong basahin ang aking diary ay hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Halos mapunit na ang pahina ng aking diary dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dito.
"Merry, tahan na. Lakasan mo ang loob mo," pagpapakalma ni Azarel sa akin pero napailing ako.
"Sobrang sakit, Azarel. Walong buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin siya nagigising. Noong mga nakaraang buwan ay pinili kong magpakatatag upang sa paggising niya ay hindi niya ako makitang umiiyak. Tagumpay nga akong hindi umiyak ng halos apat na buwan, ngunit muli na namang bumalik lahat ng sakit dito sa puso ko," puno ng paghihinagpis na tugon ko.
"Sinabi ko kasi sa iyo na huwag mo ng babasahin iyang diary mo, eh," litanya niya sa akin.
Eksaktong pagkakuha niya ay may nalaglag na orange na sticky note mula doon. Pinulot ko naman iyon at mas lalo akong naluha sa nabasa ko.
"Hindi pa ito ang huli,
May pag-asa pang nag-aabang,
Kaya't ito ang 'yong tatandaan...
Ako ang anghel na kakandili sa iyo."
Hinayaan lamang ako ni Azarel na umiyak hanggang sa napatigil ako dahil may tumawag sa akin. Si Ate Eileen...
"Pumunta ka na rito. Si Hezekiah..."
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali na kaming nagtungo sa ospital at pagdating ko pa lamang sa kinaroroonan ni Heze ay hindi ko inaasahan ang nadatnan ko.
A long beep coming from the holter monitor and a flat line.
"Hezekiah! Hindi!" sigaw at niyakap siya nang mahigpit.
Habang nakayakap ako sa kaniya ay isa-sang nagfa-flashback sa aking isip ang mga katagang binigkas namin noong ikinasal kami na siya namang binigkas ko sa kaniya habang ako ay umiiyak.
"For better or worse, for richer or for poorer, in sickness and in health... to love and to cherish, until we are parted by death..."
God, I still believe in Your Perfect Will.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro