CHAPTER 3
CHAPTER 3
MAY 21, 2017
ALAS-SAIS pa lang pero bihis na bihis na ako. Mabilis na lumipas ang mga araw, at hindi ko namalayan na higit isang buwan na pala ang nakalipas simula noong mahulog ang loob ko sa lalaking iyon.
Palagi ko rin namang ipinagdarasal na kung mali ang nararamdaman ko, sana ay unti-unti ng mawala. Ayokong makaramdam ng pag-ibig na hindi naman dapat para sa akin. Iyon nga lang, kahit anong pilit kong paged-deny ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa dinning table. Inaasahan ko na kumakain na rin doon sina mommy pero mali ako. Sina Kuya Mike at Kuya Melchi lang ang nandoon. Napatigil naman sila sa pagkain at napatingin sa akin.
"Bihis na bihis ang bunso, ah. Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Melchi sa akin.
"Pupunta tayo sa church ngayon, 'di ba?"
"Next time na lang daw sabi nina mommy at daddy," tugon niya.
Hinila ko naman ang upuan para umupo sa harap ng mesa at kumuha ng tinapay. "Bakit daw ba?"
Nanghihinayang tuloy ako sa effort na inilaan ko. Alas singko pa lang ay gising na ako.
"Pupunta raw dito 'yong kaibigan nina mommy, si Tita Zandra" sagot pa niya sabay higop ng kape. Si Kuya Mike naman ay sa pagkain lamang nakatuon ang atensyon.
"Oo nga, Merry, kaya ito todo linis kami. Pero mamaya uuwi ako sa bahay namin," singit naman ni Ate Weng sa usapan.
Kaya naman pala pati 'yong mga cook dito sa bahay ay todo handa, tapos 'yong ibang maids ay sobrang maglinis.
"Gan'on po ba? Kailan po balik ninyo?"
"Bukas din ng umaga."
Madali kong tinapos ang pagkain at walang ganang tumayo. Aalis na sana ako pero may sinabi si Kuya Mike.
"Magpalit ka raw ng damit mo sabi ni mommy. Ang isuot mo raw ay 'yong inilagay ni Ate Weng sa kuwarto mo," sabi ni kuya at tumango lang ako at matamlay na umakyat pabalik sa kuwarto ko.
Nagpalit na ako ng damit pero hindi ko muna isinuot 'yong sinasabi ni kuya. Maghintay na lang daw ako ng text ni mommy.
Lumabas ako ng kuwarto ko, at banas na banas na bumaba ng hagdan. Nadatnan ko naman si Kuya Mike na may kalandian sa sala kaya pumunta na lang ako sa hardin. Pinagsisipa ko ang mga bato na makita ko sa daan.
Pag-upo ko sa marmol na upuan sa garden, nakita ko si Kuya Melchi na tutok na tutok sa laptop niya. Pumunta ako sa likod niya at sinilip ang laptop niya. Hindi niya alam na nasa likuran niya na pala ako. Gugulatin ko sana siya pero ako pa ang nagulat sa nakita ko.
"Hala! Kuya, totoo ba itong nakikita ko?" sigaw ko habang nakatakip sa bibig ko.
Nakatingin lang ako sa screen ng laptop niya at maging siya ay nagulat dahil hindi niya magawang isara ang laptop niya.
"M-Merry? W-Wait, magpapaliwanag ako," nauutal na sabi niya at agad na isinara ang laptop niya.
Pinanliitan ko siya ng tingin, "Bakit ang dami mong pictures ni Rica sa laptop mo." Napaiwas naman siya ng tingin at sumipol-sipol lang.
"Type mo si Rica, ano? Type mo ba ang bestfriend ko?" Agad niya namang tinakpan ang bibig ko at luminga sa paligid.
"Huwag mo ng sasabihin sa kaniya!" sabi sa akin ni kuya kaya kunwari napatango na lang ako.
Nginitian ko siya at tinapik ang kaniyang braso. "Huwag kang mag-alala, Kuya. Hindi naman ako madaldal gaya ni Kuya Mike."
Mabilis na lumipas ang oras kaya 'yong mga cook namin ay abalang-abala sa paghahanda at pagluluto para sa dinner. Sabi nina daddy papunta na raw sila kaya initusan na ako ni Kuya Mike na mag-ayos na.
"Oh, mag-ayos ka na, hindi 'yong pang bata, ha?" pang-aasar ulit sa akin ni Kuya Mike kaya kinurot ko ang braso niya.
"Ouch! Joke lang! Sige na, magpalit ka na."
Iniwanan ko na siya roon at nagmadali ng naligo. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang damit na ipinapasuot nila sa akin. Tinignan ko ang repleksyon ko sa full-body mirror.
Hindi ako sanay magsuot ng ganitong damit. Five inches above the knee ito kaya parang hindi ako komportable. Buti na lang hindi mababa sa may chest line.
Sakto naman na pagkalabas ko ay ang pagdating ng kotse nila daddy. Napatingin ako sa wall clock at alas siete na pala ng gabi. Nakatayo lang kaming tatlo nina kuya sa sala at nag-aabang na may papasok sa pintuan. Maya-maya pa ay bigla na itong bumukas.
"Good evening po," bati naming tatlo.
Una akong lumapit kina mommy at hinalikan sila sa pisngi. Lumapit ako doon sa babaeng kasing edad ni mommy at nakipag-beso sa kaniya.
Ngayon ko lang napansin na may kasama silang isang dalaga at isang binata. Napatingin ako doon sa babaeng parang isang modelo. Mas lumilitaw ang kaputian niya dahil sa suot niyang dress na kulay pula. Kasing edad niya siguro si Kuya Melchi. Kita ko ang pagtitig ni Kuya Melchi doon sa babae.
Napatingin din ako roon sa lalaki na nakakulay itim na polo, siguro ay mas panganay ito sa akin ng ilang taon lang. Nakatalikod siya dahil may kausap siya sa kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang napatingin siya sa akin.
Saglit ding nanlaki ang kaniyang mga mata, ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin.
"Na-late kami ng dating dahil hinintay pa naming ang anak ni Tita Zandra mo tapos traffic pa," sabi ni daddy at tumingin doon sa lalaki.
"Zandra, sila nga pala ang mga anak namun. Ang panganay ko, si Michael. Sunod naman si Melchor, at ang aking bunso na si Merry," pagpapakilala ni mommy sa amin.
"Ang gugwapo at ganda naman ng mga anak niyo, Caroline at Caezar" pagkokometo ni Ms. Zandra.
"Syempre po. At sa aming dalawa ni Melchi, ako ang pinakagwapo," mahanging sabi ni Kuya Mike kaya pinanliitan siya ng tingin ni Daddy.
Napayuko naman ako at napalunok dahil kanina pa ako iniiwasan ng tingin ng lalaki nilang anak. May problema ba siya sa akin?
"Dalawa lang ang mga anak ko, sina Karel at Azarel." Kinamayan ako ni Ate Karel pero 'yong Azarel, parang iwas lang nang iwas ng tingin sa akin.
Nagyaya na sa dining table si daddy. Siya ang umupo sa pinaka-una. Katabi ni mommy si Kuya Mike tapos ang katabi naman ni Kuya Mike ay si Kuya Melchi.
Ang katabi ko ay si Azarel, sunod naman sa kaniya ay si Ate Karel tapos si Tita Zandra. Mas lalo tuloy akong naiilang.
Tahimik lang ako sa pagkain dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila; puro business lamang.
Nalaman ko rin na sila Tita Zandra ay nagmamay-ari ng kompanya ng mga gamot. Kami kasi ang nagpo-produce ng mga laboratory equipments at apparatus.
"Naghahanap nga kami ng researcher," nadinig kong sabi ni Tita Zandra. Unang pumasok naman sa isip ko ay si Kuya Melchi.
"Really? Si Melchi nga pala, mahilig sa mga research," sabi ni mommy. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Kuya Melchi.
"'Di ba sabi mo kanina mahilig din sa mga ganyan si Karel?" tanong naman ni daddy kaya tumango si Tita Zandra.
"Ibig sabihin pareho pala ng passion and interests. Bagay sila," nakangising sabi ni Tita Zandra kaya muntik ng mabilaukan si Kuya Melchi.
"Pagka-graduate ni Melchi, iha-hire ko siya sa amin," sabi pa ni Tita Zandra.
Ang dami nilang napag-usapan tungkol sa business kaya ang tagal din ng kainan.
Pagkatapos naming kumain, niyaya ni daddy sina mommy at Tita Zandra sa office niya. Si Ate Karel naman ay kausap ni Kuya Melchi. Ang bilis nilang magkasundo at puro research ang pinag-uusapan nila.
Si Kuya Mike naman, parang masama raw ang pakiramdam niya kaya pumasok na siya sa kuwarto niya. Hindi lang napansin ang ipinagmamalaki niyang kagwapuhan niya, sumama na ang pakiramdam niya.
Pumunta na lang ako sa garden, sa may gilid ng pool, at tumingala sa langit. Ang aliwalas na kalangitan kaya ang daming mga bituin na nakikita.
Napatuwid ako ng tayo nang makaramdam ako ng ibang presensya ng tao sa tabi ko. Napatingin ako at si Azarel lang pala. Hindi naman ako umimik.
"Pasensya na pala kanina," pangbasag niya sa katahimakan kaya tumango lang ako.
"I'm Azarel Fortuito," sabi pa niya at inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Ngayon ay mas natitgan ko siya nang malinaw, hindi gaya kanina dahil iwas siya nang iwas. Kahit na matangkad na ako, higit na mas matangkad pa rin siya sa akin dahil hanggan leeg niya lang ako.
Mas matangos din ang ilong niya sa akin, at mas makinis din ang kaniyang mukha—parang hindi tinutubuan ng tigyawat. Higit sa lahat, pareho rin pala kami ng kulay ng mata—kulay kape.
"Merry Crisostomo," matipid na sabi ko at nakipagkamay sa kaniya.
"Pasensya ulit kung hindi ka naging komportable kanina noong iwas ako nang iwas ng tingin sa iyo," saad niyang muli kaya pinukulan ko siya ng ngiti.
"Ayos lang," matipid na sagot ko.
Alas dies ng gabi nang umuwi sila Azarel. Nagpalit na ako ng damit at humiga sa kama ko.
Napatitig lang ako sa kisame habang inaantok. Naalala ko tuloy noong unang nagkatinginan kami. Mayroon talagang kakaiba sa kaniya. Lagi siyang nag-iiwas ng tingin sa akin at tila naiilang. Parang may itinatago siya.
Pero kahit na gan'on, para sa akin walang impact yun. Hindi katulad no'ng violinist sa church. Noong unang beses na nagkatama ang mga mata namin ni Azarel, wala akong ibang naramdaman.
Nagpabangon na lamang ulit ako at nagtungo sa terrace ng aking kuwarto. Sakto namang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya hanggang doon lang ako sa hindi nababasa ng ulan.
Napatingin ako sa paligid at wala ng tao sa labas. Lahat ng tao ay nasa loob na ng kaniya-kaniya nilang mga bahay, siguardong tulog na ang lahat. Pinagmasdan ko ang isang ibon naghahanap ng malililiman, mayamaya ay sumilong siya sa terrace malapit sa akin.
Habang bumubuhos ang ulan ay parang ibinubuhos din ang damdamin ko. Sa bawat pagpatak nito ay ang lalaking iyon lang ang naiisip ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito. Hindi ito maganda, pakiramdam ko ay masasaktan lang ako. Kailangan kong itigil ito dahil ako din lang ang kawawa sa huli.
***
PAGKATAPOS niya akong ihatid kanina ay itinuloy ko ang pagbabasa ng aking diary sa mini-library ko. Hindi ko namang maiwasang mapangiti dahil hindi nagbago ang ayos ng library ko, pati na rin ang kuwarto ko. Ang mga isinulat kong mga entries noon ay siya namang binabasa ko ngayon. Dito rin mismo kung saan ko isinulat.
Muli na namang bumalik ang kalungkutan sa puso ko pagkatapos kong basahin ang entry ko sa mga araw na iyon. Hindi ko naman kasi ginusto na magkagusto ako sa taong hindi naman ako nag-e-exist sa buhay niya.
Nakaramdam na ako ng antok habang nagbabasa ng diary ko kaya itinago ko na iyon at natulog na. Bukas ko na lamang itutuloy itong basahin sa park kasama siya gaya ng sinabi niya kanina.
Gaya ng dati, araw-araw pa rin niya akong pinupuntahan. Palagi niya akong pinupuntahan tulad noon. Hindi siya nagsasawa, dahil sabi niya nga sa akin, hinding-hindi siya magsasawa basta para sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro