Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

CHAPTER 29


APRIL 16, 2025

HINDI maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman habang naglalakad ako sa pulang carpet suot ang puting traje de boda. Mas lumawak ang nakaukit na ngiti sa aking labi nang matanaw ko sa malapit sa dalampasigan ang lalaking pinakamamahal ko. Suot niya ang kaniyang puting tuxedo.

Kahit malayo pa ako sa kaniya, kitang-kita ko ang kaniyang matamis na ngiti. Ang mga ngiti niyang iyon ay sumasabay sa banayad na pag-alon ng dagat. Marahan akong napakagat sa aking labi dahil pinipigilan ko ang pagluha ng mga mata ko.

Mas lalong nangibabaw ang hindi maipaliwanag na galak sa aking puso dahil sa saliw ng musika na nagmumula sa pagtugtog nila ng violin at piano. Ang tugtog na iyon ang siyang araw-araw na magpapaalala ng pagmamahal ko kay Hezekiah. Ang "Anghel na Kakandili sa Iyo".

Tatlong taon na ang nakalilipas simula noong sagutin ko si Hezekiah. Masasabi kong hinding-hindi ko pinagsisisihang tanggapin ang kaniyang pag-ibig na ako ang nagpasimula. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kaniyang buong-pusong pagmamahal sa akin.

Walong taon na ang nakalilipas noong una akong nagkagusto sa kaniya. Natatandaan ko pa ang araw na iyon, April 16, 2017. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Dati ay iniibig ko lang siya mula sa malayo.

Nasira ang pagsasamahan naming dalawa ngunit ngayon ay naayos na. Muli itong nahulma kahit pa matagal na panahon bago ito muling nabuo. Hindi iyon naging imposible dahil ang muling humulma ng aming pag-iibigan ay ang Maykapal na may likha ng lahat. Siya ang muling bumuo ng pag-iibigan namin.

Paano iyon nangyari? Simple lang, Siya ang naging sentro at pundasyon ng pag-iibigan namin. Higit sa lahat, alam naming ito ay perfect will.

Nang marating ko ang kaniyang tabi ay nagkatitigan kaming dalawa habang nakaukit ang matatamis na mga ngiti sa aming labi. Sumabay pa ang magandang view dahil malapit na ang paglubog ng araw. May-maya pa ay nagsalita na si Bishop.

"Nagtipun-tipon tayo ngayon upang ipagdiwang ang kasal nina Hezekiah Peregrino at Merry Crisostomo. Narito kayo ngayon upang ibahagi ang inyong suporta at pagmamahal, at para masaksihan ang pagiging isa nina Hezekiah at Merry."

Nandito lahat ng mga taong importante sa akin para saksihan ang pagiging isa namin ni Hezekiah. Mga co-members ko sa life group, sina Rica at Rachelle, basta lahat ng mga taong importante sa akin. Nandito nga rin si Ate Lana, eh. Engaged na rin silang dalawa ni Kuya Mike at sa susunod na taon din sila ikakasal.

Kahit matagal ng wala sa piling namin si Kuya Melchi, alam kong masaya siya para sa akin ngayon. Kung nabubuhay lamang sana siya ay baka kasal na rin siya sa taong mahal niya ngayon.

Muli kaming nagkatinginan ni Heze. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat-lahat. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito samantalang noon ay tinatanaw ko lamang siya sa malayo.

Habang on-going ang wedding ceremony ay tila bumabalik sa aking memorya ang mga masasaya kong alaala kasama si Hezekiah. Pagkatapos ng kasal na ito ay mas marami pa kaming bubuuing alaala at babaunin namin hanggang sa pagtanda.

Hanggang sa pagsapit ng declaration of intent ay hindi pa rin mabura ang ngiti sa aking labi kahit na nangingilid na ang aking mga luha dahil sa saya.

"Do you, Hezekiah Peregrino, take this woman to be your wedded wife?" tanong ni Bishop. Napatingin sa akin si Hezekiah. Ngumiti muna siya atsaka sumagot.

"I do," tugon niya.

Ibinaling naman ni Bishop ang tingin niya sa akin. "Do you, Merry Crisostomo, take this man to be your wedded husband?" tanong din niya sa akin.

Saglit akong tumitig sa mga mata ni Hezekiah. Siguradong-sigurado na ako sa kaniya kaya tumugon na ako nang walang pag-aalinlangan.

"I do."

Maya-maya pa ay dumako na sa exchanging of vows. Ang bibigkasin ko sa kaniya ngayon ay ang tulang matagal ko ng isinulat. Mauuna muna siya bago ako.

"Hayaan mong bigkasin ang tulang aking binuo bilang simbolo ng aking pangako sa iyo," panimula niya. Hindi ko akalaing tula rin ang bibigkasin niya sa akin ngayon!

"Imahe mo'y laging umuukil sa tingkala--

Sa tuwing ika'y aking nasisilayan,

Bumubukal sa pagkatao

Ang sensasyong hindi matatap

At tila ba isang talinghaga.

Ikaw ang aking nagsilbing tumbasan

Sa talinghaga ng aking problema,

Nalilingid at 'di matarok na kasagutan

Ay sa iyo lamang naapuhap.

Isulat man ang bawat letra

Sa kalangitang napakaganda,

Subalit ito'y hindi sasapat

Sa pag-ibig ko sa iyong tapat.

Ikaw ang siyang inaasam

Sa gabing puno ng kalungkutan.

Sa aki'y dulot mo ay saya,

Sa matamlay na umaga.

Merry, mahal na mahal kita."

Tuluyang napatulo ang aking mga luha nang matapos niyang sambitin ang kaniyang tula. Hindi ko akalaing makakagawa siya nang mahabang tula para sa akin. Hindi sumagi sa aking isip na aalayan niya ako ng tula.

Napakagat muna ako sa aking labi at huminga nang malalim bago nagsalita. Nakita ko naman ang pagpatak ng kaniyang luha habang siya ay nakangiti.

"Hayaan mo namang bigkasin ang isinulat kong soneto para sa iyo." Nginitian ko siya at tumingin sa kaniyang mga mata.

"Araw-araw, nais kang makita,

Ngunit ikaw sa aki'y mailap.

Higit ka pa sa liwanag, sinta;

Ngiti mo ay nais maapuhap.

Ika'y nais makita sa dilim,

Sapagkat ikaw ang aking ilaw.

Ika'y perpektong obra sa akin;

Ang dulot mo sa akin ay tanglaw.

Nawa'y makita ka hanggang dulo;

Yayakapin pati ang 'yong mali,

Pagkat mahal kita hanggang dulo;

Higit sa paghangang sinasabi.

Nawa'y tayo hanggang hinaharap;

Pag-ibig mo ay aking pangarap."

Nakangiti pa rin siya hanggang matapos kong bigkasin iyon. Matagal ko ng naisulat iyan at ngayon ay dumating na ang pagkakataong maisasambit ko na ito sa kaniya. Ang sunod naman ay sabay na naming binigkas na dalawa.

"In the name of God, I, Merry Crisostomo/Hezekiah Peregrino, take you, Hezekiah Peregrino/Merry Crisostomo, to be my husband/wife, to have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow."

Makalipas ng ilang minuto ay malapit ng matapos ang seremonya. Pagkatapos ng seremonyang ito ay mag-uumpisa na ang bagong pahina ng aking buhay kasama siya.

Matapos maisuot ang aming singsing ay humakbang pa papalapit sa akin si Hezekiah at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"By the power of your love and commitment, and the power vested in me, I now pronounce you husband and wife! You may kiss each other!"

Sandali kaming nagkakatitigan. Kasabay ng tuluyang paglubog ng araw at pagsilay ng mga makukulay na ilaw ay ang paglapat ng labi niya sa akin. Nagpalakpakan naman ang mga tao at may narinig pa akong sumigaw ng "sana all" na sigurado akong si Azarel iyon.

Nang humiwalay siya sa akin ay pareho kaming natawa. Hinalikan niya ulit ako sa noo saka humarap na kami sa mga tao. Agad na lumapit sa amin ang mga magulang namin na parehong maluha-luha.

"Welcome to our family! Isa ka ng Peregrino ngayon," puno ng galak na sabi ng mama ni Hezekiah.

"Thank you po, Tita Jayne—I mean, Mama," tugon ko at niyakap siya.

"Noong unang beses kang pumunta sa bahay noon, alam kong ikaw na talaga ang para kay Hezekiah," saad naman ni Tito Ivan—Papa.

"Iba rin ang kinang ng mga mata niya habang ikinukwento ka niya sa amin noon. Ang pakilala niya, nakababatang kapatid pero 'yon pala iba na ang gustong sabihin ng kaniyang puso," pang-aasar ni Ate Eileen kaya napangisi si Heze habang namumula ang kaniyang magkabilaang pisngi.

Naalala ko pa tuloy noong na-sisterzoned ako. Lumayo pa ako sa kaniya at tuluyan siyang pinalaya sa aking puso na parang isang paru-paro. Ngunit gaya ng aking sinabi tungkol sa tunay na pag-ibig, bumalik nga siya sa akin.

"Ikaw na ang bahala sa bunso namin. Huwag na huwag mo na ulit siyang sasaktan," bilin ni dad kay Heze kaya napatawa kaming lahat.

"May tiwala naman akong hindi niya na sasaktan si Merry, eh," saad naman ni mom.

Maging ako ay nainiwala akong hindi niya na ako sasaktan. Matagal ko na siyang kilala, at alam kong kung ano man ang nangyari noong nasaktan ako nang labis dahil sa nangyari, hindi niya na ulit iyon gagawin.

Pagkatapos ng picture taking ay pupunta na sana kami sa reception ngunit sadyang tuso sina Rica. Pinagtabi-tabi niya kami nina Hezekiah, Ate Lana, Kuya Mike, at Azarel. Nasa pagitan ako nina Hezekiah at Azarel tapos si Ate Lana naman ay nasa pagitan nina Hezekiah at Kuya Mike saka kami kinuhanan ng picture.

Nagpunta na sila sa loob ng hotel dahil doon ang reception. Kami naman ni Hezekiah ay nagpaiwan muna saglit. Habang magkahawak ang aming mga kamay ay nagtungo kami sa dalampasigan.

"Kinilig naman ako doon sa tula mo kanina," panimula ko kaya napatingin siya sa akin.

"I can be a poet for you," tugon niya at pinisil ang aking ilong.

"Heze, sa totoo lang hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon. Eight years ago, tinatanaw lang kita sa malayo. Eight years ago, hindi ako nag-e-exist sa buhay mo... eight years ago, I thought it was unrequited love," wika ko habang nakatingin sa banayad na pag-alon ng dagat.

"I regret what happened to you eight years ago. Nabasa ko ang diary mo, 'yong mga tula na ginawa mo, pati na rin 'yong mga letters. Parang sinasaksak ang puso ko noon habang binabasa ko ang mga iyon," tugon niya at marahang pinisil ang kamay ko.

"Pero ngayon kasal na tayo. I am now Mrs. Peregrino kaya kung ano man ang mga nangyari eight years ago ay isa na lamang alaalang kapupulutan ng aral," sabi ko at nginitian siya.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang mga iyon.

"Isusuot ko ulit ang mga ito sa iyo," wika niya at ikinabit ang asul na hairpin na hulmang feather sa aking buhok, at sunod naman niyang isinuot sa akin ang kuwintas na ibinigay niya sa akin noon.

"Akala ko ay hindi mo na ulit ito ibibigay sa akin," natatawang wika ko at kinapa ang bilog na pendant ng kuwintas.

"Akala mo lang iyon," tugon niya at pareho kaming napatawa.

"Let's continue loving each other until eternity. I love you so much and let God be the center of our married life."

Hindi pa man ako nakakapagsalita nang hilain niya ako papalapit at unti-unting naglapat ang aming mga labi. Sobrang bilis ang pagtibok ng puso ko. Tila ba nakikipagkarerahan ito habang ang malambot niya labi ay dadampi sa akin.

Until eternity...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro