CHAPTER 16
CHAPTER 16
FEBRUARY 09, 2018
NGAYON ay araw ng biyernes, kaya muli ko na namang kasama ang mga co-members sa life group. Gaya ng dati, si Heze ang nagtuturo sa amin. Kasama na rin namin sa life group sina Rachelle at Rica.
"Dahil Love Month na ngayon, ang topic natin ay tungkol din sa pag-ibig," panimula ni Heze pagkatapos naming magdasal at umawit na worship song.
Gaya rin ng dati, tahimik lamang kami sa tuwing siya ay nagpapaliwanag. Atsaka lamang kami nagsasalita kung sasagot kami sa mga katanungan niya. Masyadong interesting ang topic kaya kailangan kong makinig mabuti at isulat ang mga importanteng detalye.
"Ang Diyos ang orihinal na may akda ng pag-ibig kaya nga palagi nating naririnig sa karamihan na ang Diyos ay pag-ibig. Kailangan nating mahalin ang bawat isa dahil kung hindi natin iyon ginawa, hindi natin kinikilala ang Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig," pagpapaliwanag ni Heze at may binanggit pa siyang verse tungkol dito at agad ko iyong isinulat. "7Beloved, let us love one another: for love is of God; and everyone that loveth is born of God, and knoweth God. 8He that loveth not knoweth not God; for God is love." (1John 4:7-8)
Nabanggit niya rin na ang tunay na pag-ibig ay ang pagmamahal ng walang anumang kondisyon. Unconditional love kung tawagin sa Ingles, at Agape naman sa salitang Griyego. Masasabing tunay ang pag-ibig mo sa isang tao kung tatanggapin mo kahit anong mga imperfections ang mayroon siya.
Kasalukuyan akong may isinusulat na importanteng detalye sa aking notebook nang bigla akong napatigil noong marinig ko ang ang halimbawa niya sa Agape.
"Isang pang halimbawa sa unconditional love ay ang agwat ng edad ng dalawang nagmamahalan," aniya kaya napatingin lamang ako sa kaniya.
Halos magwala ang puso ko nang mapansin kong nakatingin din siya sa akin. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking pisngi.
Bakit sa dinami-rami ng puwedeng maging halimbawa ay iyan pa ang naisip mo, Heze?
"Hindi hadlang ang edad sa dalawang taong tunay na nagmamahalan kahit pa higit na mas matanda o mas bata ang isa sa kanila," wika niya at inilipat ang tingin sa iba. "Iba pang halimbawa, mahal mo siya kahit na hindi siya marunong magluto, mahal mo kahit mas bata sa iyo, mahal mo kahit mas matanda sa iyo, at higit sa lahat mahal mo siya kahit hindi siya perpekto."
Napahinga ako nang maluwag matapos ang tungkol sa Agape. May iba pa siyang binanggit gaya ng Phileo o friendly love, Storgy o natural affection gaya ng pagmamahal na ina sa anak, at ang Eros o ang sexual love.
Napatitig na naman ako sa isinulat kong verse sa aking notebook. "12This is my commandment, that ye love one another, as I have loved you. 13Greater love hath no man this, that a man lay down his life for his friends."
Pinakadakilang pag-ibig ang handang mag-alay ng buhay para sa taong kaniyang pinakamamahal. Ako, ano nga ba ang handa kong iaalay para sa taong mahal ko? May mapapala kaya ako?
Pagkatapos ng life group namin ay binilisan na namin ang pagkilos para makauwi na kami. Gaya rin ng dati, tuwing may life group ay si Heze ang naghahatid sa akin pauwi sa bahay.
Magkakasabay ng umalis sina Rachelle at Rica at iba pang mga members kaya kami na lamang ulit ni Heze ang naiwan. Mabilis ang bawat paghakbang namin dahil alas sais na at inaaagaw na ng dilim ang kalangitan.
Habang naglalakad kami ay napatigil siya at napahawak sa kaniyang sentido. Napapikit siya habang hinihilot iyon.
"May masakit po ba sa inyo? Ayos lang po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko, at inilalayan siyang umupo sa malaking bato na hindi kalayuan sa pinag-parking-an niya ng kaniyang motor.
"Napagod lang siguro ako dahil marami kaming ginawa sa school kanina," tugon niya at napaubo pa. Agad ko namang ibinigay sa kaniya ang aking tumbler na may laman pang tubig para painumin siya.
"Hindi bale, isang taon pa ay ganap na kayong isang architect," wika ko habang umiinom siya ng tubig.
"Salamat," aniya at ibinalik sa akin ang tumbler. "Oo nga, kaunting tiis na lang at masusuklian din lahat ng mga pagod ko," tugon niya.
Makalipas ang sampung minuto ay niyaya niya na ako para umuwi. Ayos na rin daw ang pakiramdam niya kaya puwede na siyang mag-drive. Inaagaw na ng kadiliman ang kalangitan kaya nagniningning na ang mga ilaw galing sa mga kabahayan at mga streetlights.
Tahimik lamang ako habang nakaangkas sa likuran niya at nakakapit sa kaniyang balikat. Dumistansya rin ako sa kaniya upang hindi kami magkadikit. Dinama ko na lamang ang malamig na simoy ng hangin habang nasa biyahe kami.
Pagakarating namin sa tapat ng bahay ay inalalayan niya ako sa pagbaba.
"Mag-iingat po kayo sa inyong pag-uwi," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kaniyang nakabibighaning mga mata.
"Oo naman. Goodnight, Merry," malumanay na tugon niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
Hindi ko talaga akalain na darating ang mga ganitong pagkakataon. Dati ay sa imahinasyon ko lamang ito nangyayari, ngayon ay nagaganap na pati sa totoong buhay. Totoo na ang lahat ng ito.
Noong makaalis na siya ay 'saka na ako pumasok sa loob ng bahay. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nakadama na ako ng labis na pagkaantok kaya nagpaalam na ako kina mommy na matutuog na ako. Dapat sana ay manunood pa kami ng pelikula sa sala, ngunit hindi ko na mapigilan ang antok ko.
Nabulabog ako mula sa pagkakatulog dahil sa pag-ring ng aking cellphone, kaya agad ko iyong sinagot. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nanginginig ang aking kamay habang hawak ang aking cellphone.
"H-Hello."
"M-Merry, si Ate Eileen ito! Pumunta ka dito sa hospital. Si Hezekiah, nadisgrasya sa kaniyang motor kagabi!" humahagulgol na wika ni Ate Eileen.
Nabitawan ko ang aking cellphone. Nanghina maging ang tuhod ko at hindi ako makapagsalita. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
Pinulot ko naman ang cellphone ko nang makita kong may ipinadala pang text message si Ate Eileen.
Dali-dali akong nagpasama kay Kuya Mike sa hospital na sinabi ni Ate Eileen sa text. Habang nasa kotse kami ay napatingin ako sa labas ng bintana habang umiiyak.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nagkalat na mga dugo sa kalsada malapit sa subdivision namin. May nakapalibot naman doong kulay dilaw na parang tape at may nakasulat na, "POLICE LINE DO NOT CROSS."
"Tiyak na riyan nadisgrasya si Hezekiah," wika ni Kuya Mike at napailing-iling pa.
Napatakip namanan ako sa aking bibig habang lumuluha. Nai-imagine ko kung paano siya nadisgrasya kahit pa hindi ko ito nakita. Pumapasok sa aking isipan ang katawan niyang naliligo sa kaniyang sariling dugo.
Nadatnan ko si Ate Eileen sa labas ng Intensive Care Unit na namumugto ang mga mata. Pinagsuot nila ako ng hospital gown bago ako pinapasok sa loob. Nanlumo ako nang makita ko ang sitwasyon niya na kung ano-anong mga aparato ang nakakabit.
"Nabangga siya ng truck kagabi," tumatangis na ani Ate Eileen kaya mas lalo akong napahikbi.
Kasalanan ko ito. Kung hindi sana niya ako ihinatid kagabi, hindi ito mangyayari sa kaniya.
Sa mga sumunod na araw ay wala pa ring pinagbago sa kaniya. Isang linggo na siyang comatosed ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Hindi ito maaari. Kasalanan ko ito...
Napabangon ako habang pawis na pawis at tila tumakbo ng kilo-kilometro. Napahawak ako sa pisngi ko na basang-basa dahil sa luha.
Kahit panaginip lang iyon ay muli nitong pinapakirot ang puso ko kaya mas lalo akong napaluha. Hindi ko kaya kung mangyayari sa totoong buhay ang nangyari sa aking panaginip. Hindi siya puwedeng mawala sa akin o kahit pa sa mundong ito.
Dahil sa panaginip na iyon ay hindi na ako nakatulog pa. Tila isang bangungot iyon sa akin at ayoko ng maituloy pa kaya namuo ang takot sa aking dibdib. Iyon ang dahilan kung bakit dilat na dilat ang aking mga mata hanggang sa sumikat na ang araw.
FEBRUARY 14, 2018
ITO na ang araw na inaabangan ng karamihan. Kahit pa alam ko sa sarili ko na hindi ako ang kasama ng taong mahal ko sa araw na ito, ay masaya pa rin ako dahil ito ang unang pagkakataon na sasapit ang Araw ng mga Puso na may minamahal na ako.
"Ako ang maghahatid sa iyo ngayon sa school niyo," sabi sa akin ni Kuya Melchi habang inaayos ko ang aking bag na pupunta sa school.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at nagtatakang napatingin sa kaniya.
"'Di ba may pasok ka rin ngayon? Atsaka si Kuya Mike ang naghahatid sa akin sa school," litanya ko naman at isinuot na ang aking sapatos.
"Mas gusto mo na pala si Mike ngayon kahit asar siya nang asar sa iyo," wika niya at napangisi pa.
"Eh, bakit nga ba kasi bigla ka na lang nagpresenta na ikaw ang maghahatid sa akin?" tanong ko. Mas lalo siyang napangiti, ngunit ang mga ngiti niya ay tila may bahid ng kaba.
"Pupuntahan ko si Rica ngayon. Aamin na ako," tugon niya kaya halos malaglag ang panga ko at napatayo.
"Seryoso ka diyan? Hindi ka na takot na baka ma-reject ka?" sunod-sunod na tanong ko kaya napatango lamang siya.
"Bibigkasin ko na sa kaniya iyong tula ni MD Serene na mine-memorize ko noon," sabi pa niya at hinila na ako papunta sa kotse niya.
Habang nasa daan kami ay pina-practice pa niya ang tula na bibigkasin niya mamaya. Sinabi na rin niya sa akin ang planong gagawin kay Rica mamaya. Mabuti na lamang ay hindi regular ang klase ng mga Grade 10 at 12 ngayon dahil practice at preparation lang ng mga sasama para sa prom bukas.
Seryoso talaga si Kuya Melchi kay Rica. Kaibigan lang talaga ang turing nina Ate Karel at Kuya Melchi sa sa isa't isa. Iyon ang sinabi niya sa akin kanina noong ngatanong ako tungkol sa kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa.
Pagkarating namin sa school ay sumama sa akin si kuya hanggang sa loob ng classroom kaya napatingin lahat ng mga kaklase ko sa amin. Maging sina Rachelle at Rica ay nagtataka.
Noong mailapag ko na ang aking bag sa upuan na katabi ni Rica ay kaagad ko siyang hinila palabas ng classroom na walang pasabi. Naunang naglakad si Kuya Melchi at si Rachelle naman ay sumunod lamang sa amin. Tanong nang tanong sa amin si Rica kung ano ang mayroon at bakit ko siya hinihila ngunit hindi ako sumagot.
Nakarating kami sa garden ng school kung saan walang ibang tao bukod sa aming apat. Ayaw kasi ni Kuya Melchi ng surprise na agaw eksena at pinapanood ng napakaraming tao lalo pa at aamin siya ngayon. Lalo naman si Rica, ayaw niya rin naman ng gan'on kaya napagplanuhan namin ni Kuya na aamin siya kay Rica na kami lamang na magkakaibigan ang saksi.
"Bakit tayo nandito?" pabulong na tanong sa akin ni Rica, ngunit hindi niya inaalis ang pagkakapako ng tingin sa kuya ko.
"Basta. Umupo ka lamang diyan at huwag aalis," tugon ko at pinaupo siya sa bench. Hinila ko naman sa gilid si Rachelle at bahagyang lumayo.
Napabungisngis ako at hindi ko maiwasang kiligin nang lumapit na si kuya sa harap ni Rica ngayon ay nagtataka pa rin.
"B-Bakit?" tanong ni Rica na namumula pa ang magkabilaang pisngi.
"May gusto sana akong bigkasing tula sa iyo. Gusto ko ring pakinggan iyon mabuti at intindihin mo," sagot naman ni Kuya at umayos na sa pagkakatayo at inumpisahan ng bigkasin ang tula ni MD Serene na 'Pagsintang Natatangi'.
"Ang pagsinta kong busilak
Ay higit pa sa pilak.
Haplos mo'y aking galak,
At ito lamang ang nais na maapuhap."
Tahimik lamang si Rica na nakikinig ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pagkamangha habang idine-deliver ni kuya ang tula. Napakaromantiko ng boses niya at damang dama ang pagmamahal habang pinapakinggan namin iyon.
"Sapagkat iniibig kang tunay,
Hindi man lahat ng yama'y maibigay;
Hindi rin susungkitin ang mga tala--
Aking pusong dalisay ang iyong mapapala. "
"Hindi ka rin una sa'king puso,
Sapagkat ang Maykapal ang una;
Subalit Siya ang aking saksi
Na ikaw lamang ang iniibig na binibini."
Lumakad pa papalapit si kuya kay Rica kaya isang metro na lamang ang pagitan nila.
"At hanggang sa aking huling sandali—
Sa aking pagbabalik sa alabok,
Pagsinta ko'y sa iyo pa ring kandili;
Sa puso mo, ako'y mananatili."
Pagkatapos basahin ni kuya ang tula ay inilahad niya ang kaniyang kamay kay Rica. Humawak naman siya sa palad ni kuya kaya at tumayo.
"B-Bakit sa inyo binigkas ang mga iyan sa akin? G-Gusto niyo ba ako?" nauutal na tanong ni Rica kaya napatango si kuya.
"Dahil ang pagsinta ko sa iyo ay natatangi," sambit pa ni kuya.
"T-Talaga?"
"Oo, Rica, may gusto ako sa iyo matagal na. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong ipamalas ko sa iyo ang pag-ibig ko. Hayaan mo sanang ligawan kita," tugon ni kuya.
Tuluyang napaawang ang bibig ng aking kaibigan at dahan-dahang tumango. Kahit papaano naman ay naging magkaibigan din sila. Iyon nga lang ay sa mga chats lamang kaya ito na ang pagkakataon para makilala nila ng isa't isa.
Pagkatapos ng eksenang iyon ay magkasama na sina Rica at Kuya Melchi. Hindi ko rin alam kung saan sila nagpunta dahil malaya namang nakalalabas ngayon ang mga Grade 10 at Grade12 students para sa preparation ng prom bukas.
Si Rachelle naman ay nagpaalam na para sumama sa ibang mga kaklase ko dahil may practice na sila. Naiwan akong mag-isa sa classroom dahil ako lang naman ang hindi kasama roon sa prom.
Naalala ko na naman iyong panaginip ko kay Hezekiah noong nakaraang linggo. Kahit alam ko namang panaginip lamang iyon ay patuloy akong binabagabag nito. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa kaniya.
Napasimangot ako nang mapagtanto kong may tsansa na magkasama sina Heze at Ate Lana ngayon upang i-celebrate ang Araw ng mga Puso. Wala namang masama roon dahil may namamagitan naman sa kanilang dalawa.
Napagpasiyahan kong magbasa na lamang sa aking cellphone imbes na nagmumukmok ako. Habang nagbabasa ako, napahinto ako nang may pumasok sa loob ng classroom namin. Si Azarel.
"Oh, bakit ka nandito? Wala ba kayong pasok?" tanong ko at inilagay ang aking cellphone sa bulsa ng aking palda.
Umupo naman siya sa aking tabi. "Marami kaming mga vacant ngayon, kaya naisip kong puntahan ka dahil alam kong mag-isa ka lamang ngayon."
"Gusto mo bang maglakad-lakad?"
Wala naman kaming magawa kaya mas mabuting maglakad-lakad na lamang kami at libutin ang school kahit na ilang beses na naming napuntahan ang bawat parte ng school.
Habang naglalakad kami ay namayani ang katahimikan, kaya umisip ako ng mga maaaring itanong at sabihin sa kaniya.
"May gusto akong malaman," sambit ko kaya napatingin lamang siya sa akin.
"Alam kong marami ka pang gusto kong sabihin at aminin sa akin kaya ibinibigay ko na ang pagkakataong ito para sabihin mo lahat sa akin."
"Alam mo naman na sigurong may gusto ako sa iyo kahit na hindi ko iyon aminin sa iyo," sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad. Tama nga si Heze, may gusto sa akin si Azarel.
"Kailan pa nag-umpisa?"
"Noong Grade 9 ka pa lang," tugon niya kaya napaawang ang aking bibig. Ibig sabihin ay matagal na rin pala.
"Paano naman nag-umpisa?"
"Pareho lang naman tayo ng subdivision kaya palagi kong nadadaanan ang bahay niyo noon. Sa araw-araw yata na dumadaan ako, palagi kang mag-isa sa terrace ng kuwarto mo at nagbabasa ng libro kaya lagi ko tuloy naiisip na parang ang boring naman ng pamumuhay mo dahil lagi ka lang mag-isa at nagbabasa," natatawang sabi niya kaya napangiti rin ako.
"Tapos palagi na rin kitang nakikita sa school kasama sina Rica at Rachelle. Noong nasa garden ako kasama ang isang kaklase ko ay naroon din pala kayo. Nagkukwnetuhan sa mga paborito niyong mga libro at kung ano-ano pa," pagsasalaysay pa niya habang ako ay tahimik lamang na nakikinig habang naglalakad kami.
"April last year, galing ako sa bahay ng isa kong kaibigan, umuwi na ako dahil umulan nang malakas at ayoko namang magabihan doon. Dahil malapit lang naman ang bahay nila sa subdivision, ay naglakad na lamang ako kahit pa malakas ang ulan. May payong naman ako, eh."
Napatigil ako sa paglalakad dahil naaalala ko noong umulan din ng malakas noong April tapos ay nagpaulan ako at bumagsak sa kalsada. May sumagip sa akin na lalaking hanggang ngayon ay palaisipan sa aking kung sino.
"Habang naglalakad ako, may natanaw akong babaeng tumatakbo sa ilalim ng malakas na ulan at laking gulat ko nang bigla na lamang siyang bumagsak sa kalsada. Noong lapitan ko ay mas nagulat ako noong mapagtantong ikaw pala iyon kaya dinala kita sa bahay ninyo," dagdag pa niya kaya hindi ako nakagalaw.
Ibig sabihin ay siya pala ang lalaking sumagip sa akin. Ang tagal naging palaisipan sa aking kung sino ang lalaking iyon. Inakala ko pa ngang si Heze iyon pero siya pala. Simula pa pala noon ay siya na ang palaging sumasaklolo sa akin.
"I-Ikaw pala ang sumaklolo sa akin noon," nauutal na sambit ko, at hindi pa rin maihakbang ang mga paa ko.
"Oo at ako rin ang nagbigay sa iyo ng libro. Ipinabili ko iyon sa kaibigan kong pinuntahan ko dahil siya ang maraming alam sa mga libro. Mabuti na lamang ay nasa plastic iyon at nakalagay sa maliit na bag ko kaya hindi nabasa. Ibinilin ko na lamang iyon kay Ate Weng bago ako umuwi," tugon niya, at inalalayan akong umupo sa bench ng garden kung saan umupo kanina si Rica.
"Alam ko rin na iniisip mo na may namamagitan sa amin ni Ate Weng. Nagkakamali ka roon. Naging gan'on lang naman ang akto niya dahil nagulat siya na ako pala ang anak ng kaibigan nina mommy at daddy mo. Nataranta rin ako no'n dahil akala ko ay ibubunyag niya na ako ang sumagip sa iyo kaya kinausap ko siya na kung maaari ay sekreto lang naming iyon."
Napahilot na lamang ako sa aking noo dahil mali pala ako ng inakala sa kanilang dalawa. Gusto ko tuloy lumubog sa kahihiyan. Kung ano-ano kasi ang iniisip ko na hindi naman pala totoo.
"Bakit kasi ayaw mong ipasabi?"
"Hindi ko rin alam sa sarili ko, eh. Atsaka, matagal na nga palang alam ni Ate Weng na gusto kita dahil palagi kitang naikukwento sa kaniya. Ikaw palagi ang topic naming dalawa." Kahit na kanina lamang ay nanghihina ang mga tuhod ko.
"Matagal niya na palang alam? Bakit hindi niya sinabi sa akin?"
"Sekreto nga lang kasi namin. Atsaka, napapansin mong parang ang weird naming dalawa dahil pareho kaming natataranta sa tuwing nagkakaharap-harap tayong tatlo," tugon niya at bahagya pang napatawa.
Ang tagal-tagal na inakala kong may relasyon silang dalawa dahil sa inaakto nila. Iyon pala ay dahil sa akin kaya sila nagkakagan'on.
"Ah, alam ko na! Ikaw rin siguro iyong nagpa-landing ng paper plane sa libro ko noon," sabi ko at inunahan na siya dahil alam kong sasabihin niya rin iyon.
Lumawak naman ang ngiti sa kaniyang labi.
"Tama ka, ako nga," tugon niya kaya napaupo ako sa tabi niya.
"Salamat, Azarel, dahil simula pa pala noon ikaw na ang sumasaklolo sa akin. Sorry nga pala dahil hindi ko nagawang suklian ang mga iyon. Sorry dahil hindi ko kayang mahalin ka pabalik," nakayukong wika ko ngunit ginulo niya ang buhok ko.
"Ano ka ba, 'wag mo ng isipin iyon. Masaya na ako sa ganito. Atsaka, ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo dahil hindi mo ako iniwasan at nanatili kang kaibigan sa akin," masiglang sabi niya at pilit akong pinapangiti.
"Tanggap kong hinding-hindi ako magiging leading man sa istorya ninyong dalawa," nakangiting sabi niya.
Binabasa ko sa kaniyang mga mata kung may bahid ba ng lungkot ngunit wala akong makita. Totoo siya sa sinabi niya.
Noong sumapit na ang hapon ay mag-isa akong naglalakad palabas ng school dahil sina Azarel ay gagabihin daw sa pag-uwi dahil may gagawin pa sila sa school.
Pagkalabas ko ng gate ay laking gulat ko ng may humarang na lalaki sa akin at hinigit ang aking kamay. Hindi ko maaawat ang aking puso sa pagkabog nang mabilis nang makita ko kung sino ang gumawa n'on.
"Kuya Heze?"
"Tara, sumama ka sa akin dahil may pupuntahan tayong dalawa," wika niya at hinigit niya ako papunta sa motor niya.
"B-Bakit naman po? Bakit po ninyo ito ginagawa sa akin?"
"Dahil espesyal ka sa akin. Espesyal ka sa buhay ko."
***
HINDI ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko ang mga entries sa mga araw na iyon. Ang dami-daming nabunyag na hindi namin lubos na inaakala.
"Ang lawak ng ngiti mo, ah," sita niya sa akin. Magkasama kaming dalawa ngayon sa garden ng bahay. Pagkatapos ng umagahan ay ipinagpatuloy ko ang pagababasa dahil ito na ang pangatlong araw na binabasa ko ang aking diary. May apat na araw pa akong natitira.
"Huwag mo akong intindihin," natatawang tugon ko at binuklat sa susunod na pahina ang aking diary.
"Siya nga pala, pasensya na dahil aalis ako ngayon. Pupunta kasi ako sa opisina ngayon," pagpapaalam niya kaya napatango ako.
"Mag-iingat ka," bilin ko. Noong makaalis na siya ay itinuloy ko na naman ang pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro