CHAPTER 10
CHAPTER 10
DECEMBER 22, 2017
KAHIT na ilang beses ko pang sampalin ang sarili ko, hindi ako magigising mula sa malalim na pagkakatulog dahil nasa reyalidad ako. Totoo ang mga nangyayari. Totoong nag-e-exist na ako sa buhay niya. Totoo ang lahat.
"A-Ano pong ginagawa niyo rito?" nauutal na tanong ko habang papalabas ako ng kuwarto ko.
Halos hindi ako makapagsalita, at maging ang mga tuhod ko ay nanghihina dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
"Merry! Bumaba na raw kayo rito para dito kayo makapag-usap nang maayos!" narinig kong sigaw ni Kuya Mike mula sa sala kaya agad kaming pumunta roon.
Pagkababa namin sa sala, nadatnan ko si Azarel na gulat na nakatingin sa amin. Marahil ay hindi rin siya makapaniwala na magkasama kami ni Hezekiah.
"Nandito pala si Hezekiah—I mean, Kuya Hezekiah!" ani Azarel at hindi inaalis ang pagkakapako ng tingin sa amin.
"Ano pala ang sadya mo rito?" tanong naman ni Kuya Melchi. Mabuti na lang ay kami-kami lamang ang naririto. Sina dad ay umalis na naman.
"Isasama ko pala si Merry sa life group namin," tugon naman ni Hezekiah at isinalaysay pa kung ano ang gagawin namin.
Pumayag naman si Kuya Melchi, ngunit si Kuya Mike naman ay ngisi nang ngisi na parang nang-aasar.
Kung hindi lang siguro nakaharap si Hezekiah, matagal ko na siyang binato ng tsinelas ko. Parte na talaga ng pamumuhay ni Kuya Mike ang asarin ako nang asarin.
Sinabihan ako ni Hezekiah na magdala ako ng extra notebook at ballpen. Pati na rin ang Bible kung mayroon daw ako. Wala akong nahanap, mabuti na lamang ay may naka-install na Bible app sa cellphone ko.
Makalipas ang limang minuto ay umalis na kami sa bahay. Isinasama nga si Azarel pero tumanggi siya. Ito ang napansin ko kanina, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako dahil nakita kong sinimangutan kami ni Azarel noong papaalis na kami ni Hezekiah.
"May lima akong miyembrong ipakikilala ko sa iyo mamaya. Schoolmates mo lang din sila kaya tiyak na magiging ka-close mo sila kaagad," wika ni Hezekiah habang iminamaneho niya ang kotse na pinagsasakyan namin. Ni hindi ko alam kung saan kami papunta.
"G-Gan'on po ba?"
Ngumisi naman siya at sinabi sa akin, "Oh, bakit parang nahihiya ka sa akin?" Bahagya siya lumingon, "Huwag ka ng mahiya dahil simula ngayon, para mo na rin akong kuya."
Para mo na rin akong kuya. Hanggang kuya na lang ba talaga? Ayos na rin sa akin ito. Kahit papaano ay nagkakaroon na kami ng closure at nage-exist na rin ako sa buhay niya.
"S-Sige po... kuya," matipid na tugon at bahagyang ngumiti.
Tahimik lamang kami buong biyahe. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi naman talaga ako pala-salita. Hindia ko makapag-open ng topic, lalo na at nahihiya ako sa kaniya. Isa pa, hindi ako makapaniwala na darating din pala ang panahong ito.
Noong makarating na kami sa aming pupuntahan ay agad na akong bumaba. Siya naman ay inayos ang pagkakapark sa sasakyan. Nasa San Alidrona Park kami ngayon.
Napapikit ako habang dinadama ang sariwang simoy ng hangin. Kahit alas tres pa lang ng hapon ay lumalimig na rin ang simoy ng hangin dahil Desyembre na. Idagdag pa ang paghalo ng mababangong halimuyak ng mga bulaklak.
"Nandito na tayo sa San Alidrona Park. Tuwing walang pasok ay dito tayo magkakaroon ng service. Kapag may pasok naman ay sa school niyo na," wika niya habang nakatayo sa tabi ko.
"Nakapunta ka na rito noon,'di ba?" tanong ni Hezekiah kaya napatingin ako sa kaniya. Paano niya alam na nakapunta na ako dito noon?
Hindi kaya siya 'yong nagpalipad ng paper plane na nag-landing sa binabasa kong libro noon? Pero paano niya naman alam ang pangalan ko noon? Atsaka, 'yong lalaking nakabunggo ko dito rin sa park na ito ay kasing hubog ng katawan ni Hezekiah!
"Paano niyo po alam na nakapunta na ako rito noon?" nagtatakang tanong ko.
Kung kanina ay nakatingin siya sa mga makukulay na bulaklak, ngayon naman ay napatingin siya sa akin.
"Ah... ano kasi, natatandaan ko na. Ikaw 'yong babaeng nagbabasa ng libro na nakabunggo ko rito noon," tugon niya saka nag-iwas na ng tingin.
Tama ako! Si Hezekiah nga ang nakabunggo ko noon! Hindi ko akalain na bago pa man ako mahulog sa kaniya noon ay nagkatagpo na pala ang mga landas namin.
Kung siya 'yong nakabunggo ko noon, ibig sabihin ay siya rin 'yong nagpalipad ng paper plane dahil doon siya nanggaling sa pinanggalingan ng nagpalipad ng paper plane.
"Kayo po ba 'yong nagpalipad ng paper plane noong nagbabasa ako sa silong ng isang Fire Tree?" tanong ko pa kaya napatingin ulit siya sa akin.
Kumunot naman nang bahgya ang kaniyang noo sabay sabi, "A-Anong paper plane?"
"Ah, wala po. Tara na po baka hinihintay na po tayo ng iba," sabi ko na lang kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Muli na naman akong namagha sa buong paligid. Kahit na ilang beses na akong nakapunta rito, manghang-mangha pa rin ako dahil tila nasa isang paraiso ako, tapos ang linis ng paligid.
Lumawak naman ang ngiti sa aking labi dahil doon daw sa ilalim ng mga Fire Trees ang life group namin ngayon.
Pagkarating namin ay sinalubong kami ng mga miyembro na sinasabi niya. Tatlong babae at dalawang lalaki—kilala ko sila. Sila 'yong mga nasa first section. Hindi na kami nagkahiyaan pa dahil tatlo sa kanila ay naging kaklase ko na noong Elementary.
Ipinakilala pa rin ako ni Hezekiah sa lima. Binigyan ako nang matamis na ngiti ni Crissel at Irish. Si Marie naman ay nakipagkamay pa sa akin. Silang tatlo 'yong mga naging kaklase ko noong Elementary. Ang dalawang lalaki naman, sina Jerico at James ay nakipagkamay rin sa akin. Lahat sila ay magkakaklase ngayon.
"Gusto ka pa naming makilala, Merry. Tell us more about yourself," sabi ni Crissel. Nahihiya man ako ay nagsalaysay pa rin ako tungkol sa aking sarili.
"Mas masaya ako sa tuwing nag-iisa ako. Madalas ay mag-isa lamang akong nagbabasa ng mga libro sa kuwarto ko o kaya naman ay nagsusulat. Para sa iba, napakaboring ang buhay ko. Para sa akin naman, mas nasisiyahan ako sa tuwing mag-isa lamang ako," pagsasalysay ko habang sila naman ay nakikinig lamang sa akin.
"Maganda rin naman kapag mag-isa ka lamang, pero tandaan mo na hindi ka lamang nabubuhay para maging mag-isa at walang katuwang. Kaya ngayon, nandito na rin kami para maging kasama mo," sabi naman ni Hezekiah.
May punto siya, hindi habang buhay ay mag-isa ako. Hindi maitago ang aking saya dahil sa sinabi niya dahil umaasa akong magiging kasama ko nga siya—magiging katuwang ko siya. Sana ay sa panghabang buhay na rin.
"Wala ka bang mga kapatid o kaibigan?" tanong ni Jerico.
"May dalawa akong kuya, sina Kuya Mike at Kuya Melchi. Nakaka-bonding ko naman sila minsan, pero hindi ko maiwasang ma-out of place lalo na at mag-isa lamang akong babae. May dalawa rin akong bestfriend at napakaswerte ko sa kanila dahil sa kasiyahan o kalungkutan man ay nariyan sila sa akin," tugon ko naman. Napatingin naman ako kay Hezekiah noong bahagya niyang itinaas ang kanang kamay niya.
"Sino naman iyong lalaki kanina na kasama nina kuya mo?" tanong ni Hezekiah. Sina Crissel at Irish naman ay napangiti na parang may nais ipahiwatig.
"K-Kaibigan ko lang din po iyon. Anak siya ng kaibigan nina mommy," tugon ko pero parang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.
"Sige, mamaya na ulit tayo magkuwentuhan. Umpisahan na natin para hindi tayo late na matapos," wika ni Hezekiah kaya umayos na kami ng upo. Ako ang nasa pinakagilid, katabi ko naman si Crissel.
Pagkatapos i-lead ni Hezekiah ang opening prayer ay nagkaroon muna ng worship, atsaka na nag-proceed sa mismong pag-aaral.
"Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa Perfect Will versus Permissive Will," panimula ni Heze, "Noong nakaraan, ang topic natin ay tungkol sa Perfect Will," dugotng pa habang binubuklat ang kaniyang Bible. Sayang at hindi ko naabutan ang topic nilang iyon.
"Hindi mo pala naabutan iyon, Merry," sabi ni Jerico habang inihahanda ang kaniyang notebook at ballpen.
"Hindi bale, matatalakay pa naman natin iyon ngayon dahil kasama pa rin iyon sa pag-aaralan natin," tugon naman ni Hezekiah.
"Perfect will refers to the divine plan of God for your life. Ito talaga 'yong kung ano ang plano at inilaan ng Diyos sa buhay mo," pagpapaliwanag ni Hezekiah na siya namang agad kong isinulat.
May sinabi pa siyang verse na isinulat ko rin. Lahat ng mga importanteng sinasabi niya ay isinusulat namin.
"Written in Jeremiah 1:5, 'Before I formed you in the womb, I knew you; before you were born I sanctified you; I ordained you a prophet to the nations.' Ibig sabihin, bago pa man tayo lalangin ng Diyos sa sinapupunan ng ating ina, at bago pa man tayo isilang sa mundong ito, may plano na Siya para sa atin," dagdag pa niya.
Tahimik lamang kaming nakikinig sa kaniya at sa tuwing may sasabihin siyang mga verses ay agad kong inililista.
Isa pang verse na sinabi niya ay 'yong sa Jeremiah 29:11. "For I know the thoughts that I think toward you, says the LORD, thoughts of peace and not of evil, to give you a future ang a hope."
"Paano po namin malalaman kung ang nangyari po ba ay plano o kalooban ng Diyos?" tanong ni Irish.
"Malinaw naman ang sinabi ng Diyos sa Jeremiah 29:11. Thoughts of peace and not of evil. Kapag ang isang bagay o pangyayari ay nakasisira na sa atin, ibig sabihin ay hindi iyon ang perfect will ni God," tugon ni Hezekiah kaya maging ako ay napatango dahil ako nabigyan din ako ng linaw tungkol sa perfect will.
"Diyan na pumapasok ang permissive will. It is what God permits. Ito 'yong mga prayer natin na hindi naman kalooban ng Diyos pero binibigyan Niya ng permit na mangyari iyon. Minsan kasi, may mga prayers tayo na hindi naman kalooban ng Diyos kaya in the end, napapahamak tayo," sabi pa ni Hezekiah kaya napatigil ako sa pagsusulat.
Pakiramdam ko ay natatamaan ako sa mga bawat salitang binibitiwan niya. Hiindi ko rin maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman ito. Marahil ay baka para talaga sa akin ang topic na ito.
"Bakit parang namutla ka?" pabulong na tanong sa akin ni Crissel kaya napaayos ako ng upo.
"H-Ha? Hindi," pagpapalusot ko kaya napatango lang siya.
Habang pinapakinggan ko ang mga pagpaliwanag niya ay hindi ko maiwasang mabagabag.
Paano kung maging kami nga ni Hezekiah pero permissive will lang pala iyon? Ano ang magiging consequences?
"Ano ang aral na natutunan niyo ngayon?" tanong ni Hezekiah pagkatapos niyang isara ang kaniyang Bibliya. Napatingin naman siya sa akin na senyales na ako ang unang sasagot.
"Hindi lahat ng mga prayers natin na natutupad ay kalooban ng Diyos. Maaaring magkatotoo nga ang mga ito, ngunit sa huli ay masama pala ang magiging epekto nito sa atin," may bahid na lungkot na sabi ko. Mabuti na lamang ay hindi nila ito nahalata.
"Para sa akin naman, mas maganda ng hintayin na lamang natin ang Perfect Will ng Diyos dahil iyon talaga ang makabubuti sa atin at hinding-hindi natin pagsisisihan," sabi naman ni Crissel.
Halos pareho naman ang sinabi nina Irish at Marie. Si Jerico at James naman ay hindi na sumagot dahil ayon sa kanila, nasabi naman na raw naming ang dapat sabihin.
"Lahat ng mga sinabi ninyo ay tama. Lagi niyong tatandaan, minsan, sinisira Niya ang ating mga plano kung alam niyang ang plano nating iyon ang sisira sa atin," dagdag naman ni Hezekiah kaya napatango ako.
Sang-ayon ako sa sinabi niya. May mga plano kasi tayo na palagi na lang nasisira o naaantala. Minsan ay hindi natin maintindihan kung bakit gan'on. Ang totoo, ang mga plano o gawaing iyon pala ay makasisira sa atin kaya sinisira na ng Diyos iyon upang hindi tayo mapahamak.
Matapos ang i-lead ni Hezekiah ang closing prayer inayos na naming ang aming mga gamit. Tumabi naman sa akin sina Marie, Irish, at Crissel habang nag-uusap naman sina Hezekiah, Jerico, at James.
"Napansin ko kanina, medyo lumungkot ka noong tungkol sa permissive will. Naka-relate ka ba?" natatawang tanong ni Marie kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Paano ko ba sasabihin naka-relate nga ako.
"Ano bang sinasabi mo? H-Hindi ah. Atsaka, paano naman ako makaka-relate?" tanong ko at pilit na nagpapalusot.
Hindi nila puwedeng malaman na matagal ko ng hinahangaan si Hezekiah. Hindi nila puwedeng malaman na nahulog na ako sa taong hindi ko naman alam kung kaloob ba ng Diyos o hindi.
"Sigurado kang wala kang problema?" tanong naman ni Irish. Paano ba ako makaiiwas sa mga tanong nila?
"Wala talaga..." Pero ang totoo ay mayroon.
"Alas singko na pala. Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong naman ni Jerico habang panay ang tingin niya sa kaniyang relo.
"Puwede naman na kayong umuwi. Mag-ingat kayo sa pag-uwi," sagot ni Hezekiah kaya nagsitayuan na sila. Ako naman ay nananatiling nakaupo kaya luminga sa akin si James.
"Hindi ka sasabay sa amin sa pag-uwi?" tanong ni James kaya napatingin ako kay Hezekiah.
"Sa akin sasabay si Merry. Kailangan ko siyang ihatid dahil ako ang mananagot sa mga kuya niya." Si Hezekiah na ang tumugon para sa akin.
Nagpaalam na silang lahat kaya tinanaw ko na lamang sila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Dalawa na lamang ulit kami ni Hezekiah na naiwan kaya hindi ko maiwasang mailang.
"Bakit pala mas gusto mong mag-isa ka lang?" tanong sa akin ni Hezekiah kaya napatingin ako sa kaniya.
Hindi maawat sa pagkabog ang puso ko nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ang malamig na ihip ng hangin ay walang nagawa dahil sa pag-init ng magkabilaang pisngi ng mukha ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya, at bigla niyang inilapat ang likod ng kanang kamay niya sa aking noo. Halos sumabog na ang puso ko at mas lalo akong namula.
"Ayos lang po! Mas gusto ko lang pong mag-isa dahil malayo sa mga judgements ng ibang tao. Ang totoo, pinipili ko po kasi ang mga dapat pakisamahan ko," dali-daling sagot ko para hindi na siya makahalata pa.
Hindi masukat ang galak na nararamdaman ko dahil hindi ko akalaing makakasama ko ng gaya ng ganito si Hezekiah. Idagdag pa ang magandang tanawin at kamangha-maghang paglubog ng araw.
"Hayaan mo na ang mga gan'ong klaseng mga tao. Hindi ka man piliin ng mga tao, pinili ka naman ng Diyos. Hatulan ka man ng mga tao base sa pisikal mong anyo, ngunit hindi naman iyon gagawin ng Diyos dahil ang nasa puso mo ang kaniyang tinitignan," sabi niya naman kaya napangiti ako.
"Salamat po sa pagbibigay ng linaw sa akin," saad ko. Maging siya ay napangiti rin habang nakatitig sa akin.
Ang mga ngiti niya ang nagbibigay rin ng dagdag na kagalakan sa puso ko. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang kaniyang matatamis na ngiti.
"Dahil nakilala mo na ako, asahan mong magiging parte na ako ng buhay mo. Bilang isang leader mo sa life group, nandito ako para damayan ka kung may problema ka. Kaagapay mo at magbibigay ng payo sa tuwing hindi mo na alam kung ano ang iyong gagawin."
Iyon naman ang gusto ko, 'di ba? Ang maging parte ng buhay niya. Iyon naman ang dalangin ko, eh. Binigyan na ng katuparan ng Diyos ang matagal ko ng ipinapanalalangin. Pero kasi iba ang nais ko sa pagiging parte ko sa buhay niya.
"Ang tahimik mo talaga, Merry! Magkuwento ka pa tungkol sa buhay mo. May boyfriend ka na ba?"
"Wala po," matipid na tugon ko.
Bahagya naman siyang napatawa dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya ako mapagsalita nang mapagsalita.
"'Yong totoo?" tanong niya na prang hindi kumbinsido sa sagot ko.
"Wala po talaga." Wala, dahil ikaw ang gusto ko.
"Ang tahimik mo talaga. Hindi ka madaldal gaya nina Crissel, Irish, at Marie. Hayaan mo, kapag nakasama mo pa ako ng matagal tuturuan kitang dumaldal nang dumaldal," pabirong sabi niya.
Habang tumatagal ay mas nagiging komportable na ako sa kaniya. Hindi namin namamalayan ang oras. Mas lumulubog na ang araw kaya mas naging kulay kahel ang kalangitan na tila ba inaagaw ng kadiliman.
Abala kami sa pag-uusap nang tumunog ang cellphone niya dahil may tumawag sa kaniya. Lumayo naman siya ng kaunti para sagutin iyon. Makalipas ang dalawang minuto ay muli siyang lumapit sa akin.
"Hintayin mo ako rito saglit," saad niya at tumayos na. "May pupuntahan lang ako, babalikan kita rito." Tumango na lamang ako at pinukulan siya ng ngiti.
"Mag-ingat po kayo."
Gaya ng sabi niya ay hinintay ko siya. Kalahating oras na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Unti-unti ng nagsisi-alisan ang mga tao, at maging ang kaninang kulay kahel na kalangitan ay tuluyan ng nilamon ng kadiliman.
Hinintay ko pa siya dahil sinabi niya na babalikan niya ako. Lumipas na naman ang kalahating oras ngunit wala pa rin siya. Madilim na at kitang-kita na ang mga bituin sa kalangitan. Napatingin ako sa relo ko at napabuntong-hininga ako nang makitang alas siete na ng gabi. Nasaan ka na ba, Hezekiah?
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko dahil may natanggap akong message mula sa messenger account ko. Agad ko itong binuksan nang makita na galing kay Hezekiah ang message.
Sorry, Merry. Hindi kita maihahatid dahil may emergency. Kailangan ko kasing sunduin si Lana. Sorry talaga...
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa nabasa ko. Hinintay ko pa siya pero hindi niya rin pala ako babalikan. Wala na akong kasama dito sa park at nakakatakot ng maglakad mag-isa dahil madilim na. Sana sinabi niya na lang ng mas maaga na umuwi na lang akong mag-isa.
Ang bilis na lumipas ang lahat. Kanina lamang ay masaya akong kasama siya. Kanina lamang ay labis-labis pa ang kagalagakan ko, ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis na napawi.
Kinuha ko na ang sling bag ko at lumakad na. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang maluha. Nakadama rin ako ng takot dahil may mga lalaki akong nakakasalubong na iba kung makatingin.
Kung tutuusin naman, hindi niya ako responsibilidad na ihatid dahil sino nga ba naman ako? Isa pa, mas importante sa buhay niya si Ate Lana kaya wala akong karapatang magreklamo.
Habang naglalakad ako ay panay naman ang pagpunas ko sa luha ko, ngunit napatigil ako nang makita ko ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa akin. Habang papalapit siya ay kita ko sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Noong makalapit siya sa akin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya mas lalo akong napaluha.
"Azarel..." umiiyak na sabi ko at mahigpit din akong napayakap sa kaniya.
"Tahan na, Merry. Nandito na ako."
***
NAGULAT na lamang ako nang bigla niyang itiniklop ang aking diary matapos niyang basahin ang entry ko sa araw na iyon. Nagtataka naman akong napatitig sa kaniya ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin.
"Anong problema?" tanong ko at kinuha ang aking diary. Napayuko naman siya at bumuntong-hininga.
"Ang dami kong mga napagtanto," tugon niya at bakas ang kalungkutan sa kaniyang mukha.
"Ang importante tapos naman na ang mga iyan," tugon ko naman kaya umayos na siya sa pagkakaupo.
"Hindi ka masisisi kung sumama ang loob mo noon. Kahit sino naman ay masasaktan," aniya kaya nginitian ko na lamang siya.
"Tama na nga iyang drama. Dapat nga ako ang nagdadrama dito," natatawang sabi ko at itinuloy ko na lamang basahin ang susunod na mga entries.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro