Epilogue [1] : Covid's Pov
Epilogue [1]
Covid's Point of View,
"May 10 minutes na lang 'yung mga junior culinary students. Tara na raw sa labas," sabi ni Maki. Isa sa mga kaklase ko sa Culinary arts class.
"Kinakabahan ako," sabi ko habang umuupo kami sa mga upuan namin.
"Magjujudge lang naman tayo sa juniors. Bakit ka kinakabahan," natatawang tanong niya sa akin pero umiling na lang ako.
Tama naman siya e. Magjujudge lang naman ako ngayon pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero tingin ko may hindi magandang mangyayari ngayon.
Prente na akong nakaupo sa upuan ng mga judges at isa ako doon. Lima kami. Isang proctor mula sa senior high department, isa sa junior high department, ang secretary ng principal namin, at kaming dalawa ni Maki na senior representative mula sa college department. Culinary arts students kami at kami ang may top grades sa buong department namin kaya kami sinali sa board of judges.
"Nais naming ipakilala sa inyo ang mga judges natin bago nila bigyan ng hatol ang bawat putahe na ihahanda ng mga junior culinary arts students," sabi ng emcee na nasa tabi naming mga judge.
Maraming nanunuod dahil nasa campus space kami ngayon. Uwian na rin ng ibang mga courses kaya malaya nila kaming napapanood.
Pagkatapos kaming ipakilala, dumating na 'yung halos labing limang mga junior culinary arts students. May dala silang mga plato kung nasaan ang mga hinanda nilang putahe. At base sa plating nila, mukhang nasanay sila nang maigi ng mga professor nila.
"Nakakagutom naman 'yung mga dala nila," sabi ni Maki kaya parehas kaming natawa.
Binanggit sa amin ng emcee kung anong criteria for judging. Madali lang naman magjudge lalo pa't tinuruan kami ng professor namin kung paano masasabing tama at sakto ang lasa ng isang pagkain. At kung may kulang, madali lang din namin madedetermine dahil napagdaanan na rin namin ang ganitong stages during our junior years.
Isa-isa naming tinitikman ang mga pagkain. 'Yung ilan sa kanila, halos perfect na ang lasa ng gawa. 'Yun nga lang, nakukulangan kami dahil kulang sa spices 'yung iba. O kaya naman nasobrahan sa alat, sa tamis o sa anghang. Kung hindi strict ang mga judge, masasarapan sila, pero dahil sanay kami ni Maki sa pagtikim ng mga pagkain, alam naming may mali.
At madali naming napupuna 'yon.
Malapit na sana kaming matapos kaso may dumating na isang pamilyar na lalaki sa table ng mga judge. The angst and boastful look in his face is really intimidating and irritating. Bakit kaya nandito ang lalaking 'to?
"Bakit ka nandito Vince?" Tanong ko sa kaniya pero ngumisi lang sa akin 'to bago tingnan ang platong nasa harapan ko. Hindi ko pa natitikman ang putaheng ito dahil bigla siyang dumating. At mukhang manggugulo pa.
"Kakainin mo ba 'to? Mukhang masarap ah. P'wede bang akin na lang?" Tanong niya pero hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil bigla niyang kinuha ang gamit kong kutsara mula sa kamay ko, at nilantakan ang putaheng kanina'y nasa harapan ko.
"Vince! Ano ba! 'Wag kang manggulo dito!" Inis kong saad pero wala akong magawa kundi manood kung papaano niya ubusin ang pagkaing hindi ko pa nabibigyan ng grade dahil hindi ko naman natikman.
"'Wag niyo akong pigilan! Idudura ko sa inyo 'to!" Sigaw ni Vince habang kumakain. Natakot tuloy lumapit sa kaniya 'yung mga estudyanteng nanunuod. Pinapatigil siya ng faculties pero hindi pa rin siya nagpapatinag. Wala kaming nagawa hanggang sa maubos niya 'yung pagkain. "Nakakabusog. Akin na 'to ha, salamat," sabi niya bago kinuha ang bottled water na sa akin din.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? Lecheng barumbado talaga. Gusto mo bang upakan ko 'to?!" Tanong sa akin ni Maki pero inawat ko na lang din siya dahil alam kong wala naman siyang magagawa.
Vince is the campus walking trouble. Walang kumakalaban sa adik na 'to dahil matapang at matangkad. Kaya for sure, kahit suntukin ni Maki ang isang 'to, wala lang 'yon sa kaniya.
"You're done eating. Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kaniya habang pinipigil ang inis ko. Any moment from now, sasabog na talaga ako.
"Hindi pa rin babe---"
"Babe your face! Bakit ka ba nandito? Bakit ka nanggugulo rito!?"
"Hindi naman ako nanggugulo ah. Nakikain lang naman ako," aniya bago ngumisi kaya mas lalo akong nainis. Pinaglalaruan pa niya 'yung bote ng tubig na wala ng laman. "Ikaw? Bakit ka nandito? Eh hindi ka naman magaling magjudge e," dagdag pa niya.
"Really?" I tried to be sarcastic. Pero sobra na talaga akong naiinis sa kaniya. "Hindi ka pa rin pala titigil sa kakasunod sa akin. Ganiyan ka ba kapatay na patay sa akin?" Tanong ko sa kaniya bilang pang-aasar. Alam ko naman na ito ang gusto niya. Asaran. And I'm willing to give it.
"Oo. Patay na patay. Kahit na hindi ka naman talaga marunong magluto. Kahit tanga ka naman sa kusina. Kahit hindi mo alam kung anong kaibahan ng maalat, mapakla, walang lasa, maasim at matamis. Kahit na ang tanga mo naman mag-english kahit english club president ka. Patay na patay ako sa'yo, Corrine," saad niya.
Everyone gasps in disbelief. Namuo ang madaming bulungan at gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Hindi ko inaakala na ito pala ang mapapala ko for loving him.
Kung alam lang niya kung gaano ako nasasaktan dahil sa mga salitang never kong inakala na sa kaniya pa manggagaling. I love him. Hindi niya alam na since sophomore gusto ko na siya. Kahit sobrang sama niya sa lahat ng estudyante, nakikita ko pa rin ang tunay na Vince. 'Yung malambing at maalagain.
I become his stalker. Lagi akong nakasunod sa kaniya noon dahil gusto kong malaman kung bakit siya nagiging basagulero. That's when I found out na dahil wala siyang kasamang magulang. Ang nanay niya nasa ibang bansa, ang tatay naman niya lasinggero. Walang nagmamahal sa kanila kahit mga kapatid niya.
Pero alam kong kahit naging masama siya sa paningin ng iba, he's Vince. 'Yung Vince na sobrang bait at hindi nakikita ng mga tao sa school 'yon.
Pero mukhang nagkamali ako.
Pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.
Wala akong nasabi. Ang tangi kong nagawa ay umalis sa school at umiyak nang umiyak dahil sobrang sakit. Hindi ko matanggap na sa kaniya ko pa makukuha ang mga salitang 'yon. Akala ko mahal niya rin ako. Ramdam ko 'yon dahil sunod din siya nang sunod sa akin. Pinaparamdam niya na may gusto siya sa akin.
Kaya nakakapagtaka.
Vince, why?
2 DAYS AFTER.
Hindi ako pumasok sa school. Kalat sa buong page ng Westhood University, ang school namin, ang kahihiyan ko. Well, mas lalong nakilala si Vince dahil sa ginawa niya. Pero mukhang wala lang sa kaniya 'yon dahil sanay na siya sa kahihiyan. Wala nga yata siyang gano'n.
Hindi ko kinayang pumasok. Iniisip ko pa lang, gusto ko nang lamunin ng lupa.
Iyak lang ako nang iyak sa k'warto. Hanggang sa makatanggap ako ng message mula sa isang unknown number. Binigyan ako nito ng numero. Hindi ko alam kung kanino. Ang alam ko lang, kung para saan ang numero na 'yon.
From : Unknown
Text, 09*********, release the pain.
Hindi ko alam kung anong trip ng nagsend sa akin. Pero salamat sa kaniya dahil may napagbuntungan ako ng galit. Nakapatay rin ako ng oras dahil sa numero na 'yon.
Dali-dali akong nagtext sa number na 'yon habang inaaalala kung anong tinawag sa akin ni Vince.
Tanga.
Tama siya.
Tanga nga ako.
Nagpakatanga ako sa kaniya. Umasa na iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Umasa ako na someday, ilalabas niya ang tunay niyang ugali. 'Yung mabait, malambing at maaalalahanin na Vince. Pero tingin ko hindi talaga siya 'yon. Siguro nagkamali ako. Baka isa siyang huwad at nagpapanggap lang para mahulog lang ako sa patibong niya.
Hindi siya 'yung Vince na inaasahan ko.
Siya si Vince na gago.
Ang walking trouble ng campus namin.
You:
Hello hampas lupain! My name are Covid Dioke. 19 year olds, at naniniwalang walang dapat paniwalaan ang taong naniniwala dahil hindi siya dapat paniwalaan. And I, thanks you.
Ang mis'yon ko ay manghawa ng katangahan.
Sent.
Kung tingin sa akin ni Vince ay tanga. Then magpapakatanga talaga ako. English club president? Madali lang sa 'king magpakatanga. Nagawa ko nga sa kaniya eh.
You:
Please passed thiss messages bago maghating gabi para lumaganap ang katangahan sa daigdig ninyong mga hampas lupain.
Sent.
NOONG UNA, akala ko walang sasagot sa number na 'yon. Hindi ko naman kasi kilala kung sino ang may-ari ng number na 'yon. Hindi ko nga rin kilala kung sinong nagsend sa akin mg number na 'yon. Ang alam ko lang, kailangan ko ngayon ng stress reliever.
Sumagot 'yung may ari ng number. At simula no'n, palagi na akong nagtext sa kaniya. Unti-unting humupa ang galit ko kay Vince sa tuwing mapapatawa ako ng estrangherong may-ari ng numero. Ilang beses kong inalam ang pangalan niya, pero ayaw talaga niyang sabihin. Buti na lang, nickname ko ang sinabi ko sa kaniya. Covid. Short for Corrine Vidal.
Nagtagal ang texts namin for almost 3 months.
Hanggang sa nalaman kong ang may ari ng numero na 'yon.
Ay ang taong pinakaiinisan ko.
Si Vince.
---
An : sorry for posting this part so late. I'm really excited to enlighten you kung anong nangyayari sa story, yet hindi ko magawa because of internet unavailability. Another agenda, hindi na ako sure kung ilang parts ang Epilogue. Kapag kasi dalawa lang, hindi magkakaro'n ng makatarungang ending. And I guess no one deserves a nonsense ending. Tama?
Thank you for waiting! I'll update Vince's Pov if I have time na ulit. Thanks for reading! Please do leave vote and comments!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro