Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7-(THE MISSION)

(SA ILALIM NG KARAGATAN)

Nag-uusap-usap ang mga pinuno sa ginawang pagpayag ng reyna sa hiling ng Prinsesa Sheleen na sumunod sa lupa.

Namumula na sa galit ang haring ama nito. Mahahalata na rin ang pamumula ng pilat nito sa dibdib. Isang pilat na likha ng sugat na natamo mula sa taksil na tao. Mula sa taong pinagkatiwalaan niya at itinuring na kaibigan.

Labis siyang natauhan sa kasamaan ng mga tao at nang magkaroon ng anak ay halos wala itong kawala sa mga tagabantay. Mahirap na baka malingap at pagsamantalaan ang kahinaan ng anak.

Mapait ang kanyang nakaraan dahil kagaya ng Prinsipe Aqueia ay naging sugo rin siya. Nag-boluntaryong tumungo sa lupa na may malinis na layunin. Hindi inaasahang may naging kaibigan siya. Kasangga sa lahat.

Sophia. Ang pangalan na iyon ay nakaukit pa rin sa kanyang puso at isipan. Naging matalik niyang kaibigan ito at si Brandon.

Matalino si Sophia at mahilig magsulat ng mga tula at mga quotes. Lahat ng patungkol sa kalikasan ay halos ginagawan nito ng paksa. Nakita niya kung paano mag-ibigan ang dalawa. Siya pa ang naging isang saksi sa kasalan ng mga ito sa huwes.

May basbas siya sa anak nila dahil isa siyang ninong ng napakagandang baby. At ang basbas mula sa mga sireno o sirena na tagapamuno ay nangangahulugang may espesyal na pahintulot ang isang tao upang makapunta sa kanilang kaharian.

Nang dumating ang gipitan ay siya ang pinag-initan ng mga tao.

Sa panahong yun kasi ay malala pa ang mga paniniwala ng mga tao sa kamalasang dulot ng kanilang lahi. Na malas daw sila. Tuwing may sireno o sirena malapit ay nawawalan ng isda ang mga pumapalaot. Ngunit ang totoo ay sila pa nga ang nag-uutos sa mga ito na magpahuli upang may maiuwi ang mga mangingisda.

Kahit may hidwaan sila sa mga tao ay sumusunod pa rin sila sa batas ng karagatan. At iyon ay pakisamahan ang mga tao kahit nagmamalabis na sila sa karagatan.

Dumating ang panahon na may mga nawawalang bata at pinagbibintangan ang mga sireno o sirena na pinaniniwalaang mga malas sa laot. At hindi naiwasan ng mag-asawang kaibigan na pagdudahan siya.

Ngunit mas nakumbinsi niya si Sophia na wala talaga siyang kinalaman sa pagkawala ng mga bata.

May mga sipsip pala na nakikinig sa kanilang usapan at nagpatawag ng mga kasamahang tutugis sa kanya. At ang masakit ay si Brandon pa ang nanguna sa pagpapalayas sa kanya.

Masakit man pero iniwan niya ang mga tagalupa na hindi siya pinaunlakan sa misyon. Mga makasariling nilalang.

Sa galit ay lumikha siya ng malaking alon saka ibinagsak sa mga tao sa pampang. Ngunit nang makita ang sanggol na inaanak na nakalutang pa rin sa tubig-dagat ay nahimasmasan siya.

Iyon naman ang pagkakataon ni Brando upang sugurin siya at batuhin ng punyal bago iahon ang anak. Maluha-luha siyang umatras.

"Umalis ka na!" sigaw ng kaibigan at nilapitan ang asawa nitong nakahiga sa lupa kasama ang ilang tao na kanina ay tumutugis. "Bilang kaibigan, sundin mo ang utos ko..." umiiyak itong bumaling sa kanya.

Yung ibang tao ay nasa malayong parte ng pampang at nagsisigawan na lumayo na si Brando dahil baka lunurin niya ito.

"Ngunit si Sophia..."

"Buhay siya. Wag kang mag-alala," saad nito at niyakap ang asawang walang malay.

"Paumanhin kaibigan," saad niya saka lumangoy pabalik sa karagatan na may bigong misyon.

"Haring Maximo, ano ang inyong iniisip?" natauhan siya mula sa pagbabalik-tanaw nang magtanong ang reyna.

Tiim-bagang siya na umismid. Hindi niya pa rin matanggap na hindi siya pinakinggan ng anak. Si Haring Corales ang kanyang binalingan, "Baka magaya siya kay Alfino. Wala na tayong balita sa munting prinsipe na iyong pinadala sa kanyang ina sa lupa."

"Nasisiguro kong ligtas ang aking anak. Matatag na bata ang aking munting prinsipe. At hinding-hindi ako nagsisisi na pinayagan ko siyang pumunta sa lupa. Karapatan niyang makita ang ina," kalmadong saad nito.

"Hindi ko lubos maisip na natitiis mong hindi makita ang iyong mag-ina," iritable niyang saad.

Ang hindi niya alam ay lihim itong umaalis sa kaharian at bumibisita sa asawa.


**********

Ang totoo ay kagagaling lang ni Haring Corales sa asawa. Sa isang yate sa baybayin ng America sila nagkita at nabalitaan niyang isa na palang chef ang anak sa malayong lugar. Sa Pilipinas. At kung hindi siya nagkakamali ay doon napadpad ang Prinsipeng tagapagmana.

Ang mga naunang henerasyon ay napadpad na sa iba't ibang bansa. At ngayon ay Pilipinas naman ang sinusubukan nilang makuha ang loob. Dahil sa lahat ng pakikipagkaibigan ng mga ninuno nila ay iilan lang ang nagtagumpay.


**********

"Hello Alvin. How's it going there?" his mother spoke on the phone. Lagi na lang itong nangangamusta sa kanya.

"Mom, why don't you relax? I'm not a kid anymore. I'm good," saad niya.

"I know son. That's what your father told me," mangiyak-iyak itong nagsalita na tila nasisiyahan sa pagiging independent niya. Brazilian-Filipino ang kanyang ina at namana niya ang features ng mother-side nito na maputi at sa father-side naman ay matangkad.

Tumingin siya sa mga kasamahan sa kusina na abala sa pag-aayos ng mga gamit at ingredients para sa kinabukasan. Napatingin naman siya sa glass door.

Pumasok ang kaibigan at boss na si Ellerine kasama ang isang lalake na naiiba ang anyo. Hindi niya nakita ang mukha nito. Pero hindi ito pangkaraniwan. May aura ito na nakakahumaling sa kanyang pagkatao. He sensed the same thing with another guy earlier.

"Hello?"

"Sorry mom," saad niya, "Love you," saka pinindot ang end call button. Muli siyang sumulyap sa dalawa at nakita si Gellaine na lumapit sa mga ito. Kanina pa kasi ito naghihintay sa sulok. Umiling na lang siya at tumulong sa pag-aayos.


**********

"If you would ask me why I volunteered, I'll be glad to answer you," Aqueia gazed at her with soft dark eyes against the moonlit sky. Walang buwan kahapon at ngayon ay nagsisimula na itong sumilip sa kalangitan.

Ang gwapo nito at sobrang kisig tignan. Nakaupo sila sa batuhan at kanina pa tahimik na pinapanood ang paglubog ng araw hanggang gumabi na nga.

"O sige, bakit mo naisipang pumunta rito sa lupa?"

Huminga ito nang malalim saka humarap sa kanya. "Dahil naniniwala ako sa mga tao. Na kagaya namin ay gusto niyo rin ng malinis na kapaligiran. Araw-araw akong tumatakas mula sa mga tagabantay. At hindi iisang beses na nakakita ako ng pagtatapon ng basura at kemikal sa karagatan."

Dumilim ang anyo nito at nagkuyom ng kamao.

"Hindi niyo alam na napakaraming buhay ang nawawala bawat araw. Ang mga batang sireno at sirena ay hindi na makapaglaro nang maayos. Hindi na sila makalabas sa mga tahanan. At sisisihin niyo na napakakonti na ng mga isdang nakukuha niyo," saad nito na nakakuyom pa rin ang mga kamao.

"Pasensiya na pero sana wag mong lahatin. Dahil kami ng kaibigan ko ay miyembro ng mga tagapagbantay sa kaligtasan ng karagatan at mga lamang-dagat," saad niya na ikinaiwas nito ng tingin.

"Kahit na. Hindi niyo ba alam na ang mga sireno at sirena ang nagbibigay ng supply sa inyo? Marahil wala kayong ideya na kami ang tagapag-utos na magpahuli sila sa mga lambat ng mga mangingisda. Ngunit sinisisi niyo pa kami na dahilan ng kamalasan."

Bumuntong-hininga si Ellerine. Tama nga naman. Sa lahat ng mga napanood ay pinahihirapan ang mga sirena na nahuhuli. Pinagbibintangan na salot at dinadala sa perya upang pagkakitaan.

Hindi niya masisisi ang prinsipe na ngayon ay tumayo na at nagpatiunang maglakad. "Halika na bago ka pa sakmalin ng shokoy," pagbibiro nito ngunit pinanindigan siya ng balahibo.

Kahit sinabi nitong kathang-isip panakot lang sa mga batang sirena ang mga shokoy ay hindi niya maiwasang mag-imagine. Kinilabutan siya at nagmadaling hinabol ito sa paglalakad, "Hintayin mo naman ako!"


**********

Naka-pout at ang sama ng tingin ni Karien sa kanila nang makarating sa penthouse, "Saan kayo galing?" tumayo ito at agad nilapitan ang prinsipe, "Hindi niyo ba alam na labis ang ipinag-alala ko sa inyo? Bilin ng mahal na reyna wag kayong hayaang masaktan at-"

"Karien," hinawakan nito ang balikat ni Karien, "Kaya ko ang sarili ko. Sa lahat ng lamang-dagat, ikaw ang lubos na nakakaalam sa aking kakayahan."

Yumuko ito at siya ang binalingan, "Ikaw! Ikaw ang masamang impluwensiya. Saan mo dinala ang prinsipe at ginabi kayo ng uwi?"

Napakurap pa siya, "Ano ba? Relax ka lang Karien. Wala naman akong balak na masama. Nabukulan ko lang yata ang amo mo," saad niya at umirap na pumasok.

"Kamaha-"

Iniwan ni Aqueia ang pinanlalakihan ng mga matang si Karien. Umiiral na naman kasi ang pagiging OA nito. Sumalampak siya sa sofa at sumunod ito.

Nagulat pa siya dahil kinakapa nito ang kanyang ulo, "Hoy, tumigil ka nga! Ano bang ginagawa mo at-"

"Tinitignan ko kung gaano kalaki ang bukol niyo. Baka makasama pa sa misyon-"

Bumalik si Ellerine galing sa kusina dala ang isang galon ng ice cream, tatlong kutsara at tatlong big mug. "Tama na nga yang drama mo ginoo. Hetong ice cream," saad niya at naupo sa tabi ng prinsipe.

Bumuga ng hangin si Karien at itinulak siya pausod sa gilid kaya umatras siya at tumayo.

Umiling na lang siya na kinuha ang isang mug at kutsara saka binuksan ang lalagyan ng ice cream. Rocky road. Favorite flavor niya. She scooped until her mug is full.

Tinitigan lang ng dalawa ang kanyang ginawa kaya natigilan siya sa pagsubo. "Hindi niyo ba alam ang ice cream? Masarap yan," saad niya saka ini-offer sa kanila ang tig-isang mug, "Subukan niyo."

Naniningkit ang mga mata ni Karien at hinihintay kung ano ang gagawin ng prinsipe.

Lihim na hiniling ni Karien na wag tanggapin ng prinsipe ang iniaabot ni Ellerine. Hindi nila alam kung anong klaseng pagkain iyon. Mabuti nang mag-ingat. Baka may iba itong pakay ngayong nalaman nito ang kanilang lihim.

"My life is in your hands," may pasasalamat na tinanggap ng walang pakialam na prinsipe ang mug. Nilingon siya nito na may matipid na ngiti, "Kailangan nating makisama sa hindi natin lugar."

Lumunok siya. Mukhang kakainin niya lahat ng pride na meron siya upang makasalamuha sa lahat ng pagkakataon ang prinsipe. Para sa misyon.

Tama. Kung hindi niya kayang tanggapin ang klase ng pamumuhay ng mga tao sa lupa, ang misyon na lang ang kanyang isasaalang-alang.


**********

Nangingiti si Aqueia dahil mukhang si Karien pa ang umubos sa ice cream. Pakipot pa kasi. Masyado nitong dinaramdam ang pagiging royal guard samantalang wala siyang pakialam sa kanyang katungkulan.

Hawak na nito ang galon at mukhang wala nang balak magbigay. Nakaupo naman sa couch si Ellerine at nakataas ang mga paa habang sumusubo. Busy sa kung anumang musikang pinakikinggan.

Muli siyang bumaling sa kaibigan.

"Ang takaw mo pala," puna niya rito na natigilan sa pag-scoop.

Ngumuso naman ito. "Nakakahiya man ngunit inaamin ko, masarap talaga ito. Sobrang tamis at halos nakakasira na ng ngipin. At mukhang naiintindihan ko na kahit konti ang mga taong kagaya niya," matatalim na titig ang ipinukol nito kay Ellerine. Nakikinig pa rin ito ng kanta sa nakapasak na headset sa tenga at ubos na ang kinakain.

Natigil ito sa pag-bang ng ulo nang mapansin ang mga matang nakatitig, "Bakit po?" at tinanggal ang headset.

"Oh nothing," ngumiti siya at tinapik ang kaibigan, "Pinupuri ka lang nitong kaibigan ko."

"Kamahalan," umiwas ito ng tingin at namumula ang mga tenga, "Sinasabi ko lang naman na marahil naiintindihan ko na kahit paano kung bakit gustong-gusto ng mga tao na naghahanap ng mga bagay na ikasasakit nila."

Taas-kilay na umayos sa pagkakaupo si Ellerine, "Aba ginoo, sinasabi mo bang masokista kami?"

He rolled his eyes. Don't they start again. Hindi lang siya umiimik ngunit nabibingi siya sa mga sagutan ng mga ito. "Tama na yan," tumayo siya at pumunta sa terrace. Preskong hangin ang sumalubong sa kanya. Malansa at malagkit ang hangin ngunit nakaka-kalma.

Narinig niya ang kaluskos nila sa kanyang likuran kaya humawak siya sa railings at hinayaan na tangayin ng hangin ang kanyang pag-aalala.

Dapat maisakatuparan ang misyon. At nais niyang makamtan ang tagumpay. Siya ang itinalagang prinsipeng tagapagmana. Para saan pa ang katungkulan kung hindi niya mapangatawanan ang ibig sabihin ng pagiging pinuno sa hinaharap?

Marahil ang tingin sa kanya ng mga mamamayan ng karagatan ay iresponsable. Hindi niya sila masisisi. Talaga naman. Wala siyang ginawa kundi ang tumakas sa mga leksiyon at miminsan lang sumipot sa mga pulong.

Matagal silang nanatili sa terrace nang may marinig siyang mumunting tinig. Tumingin siya sa ibaba at nakita ang kaibigan ni Ellerine na nakilala niya kanina lang nang manggaling sila sa dulo ng isla.

Malakas ang kanyang pandinig kaya hindi niya kailangang yumuko upang mas marinig pa ang pinag-uusapan nito at isang lalake na pasuray-suray.

'Bitiwan mo nga ako,' angal nito.

'Miss gabing-gabi na. Bakit ka pa gumagala? Tara na sa room ko-'

PAK!

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ellerine kay Karien na nauna na at nagmamadaling lumabas.

He shrugged at her. Ang mas importante ay puntahan nila ang kaibigan nito na mukhang nanganganib sa kamay ng isang mapagsamantalang lalake. "Kailangan nating tulungan si Gellaine," saad niya at nagpatiuna na sa paglalakad.


**********

"Ano ba!" singhal ni Gellaine sa lasenggo. Hindi man lang mag-ayos. Balbas sarado na kaya at nagmumukha pang tulisan sa hitsura tapos aayain siya sa room nito.

No way!

She is Gellaine Montenegro for crying out loud!

She takes a man if she likes him and dumps him if he deserves to be.

"Ano ba miss. Isang beses lang naman-"

Napamulagat siya nang may humila rito at itulak sa buhangin. And there in front of her is the messy-haired guy she met earlier. Humahangos itong nagharang sa kanya dahil tumayo na ulit yung lalakeng sobrang lasing.

"Shino ka bang pangahash ka?" pasegway-segway itong naglakad at natumba dahil nag-ekis ang mga paa.

"Dapat na iginagalang ang mga babae. Sa lupa man o sa karagatan. Walang karapatan ang kahit sinuman na pagsamantalahan ang kahinaan ng mga babae," matapang nitong sagot na nakaharang pa rin sa kanya.

"Oh my gosh Gellaine!" she snapped her head up at nakita ang kapatid na nagmamadaling lumapit kasunod ang dalawang security guard. "What were you doing out here in the middle of the night?"

"Kuya, ako pa talaga ang pinagagalitan mo? Why don't you just sit around there quietly? Buong araw mo akong binalewala tapos magpapakita ka na nanunumbat lang-"

"Kilala mo siya?" putol ni Karien sa sinasabi niya habang tinatangay na ng mga gwardiya ang basagulerong lasenggo.

"Oo, kapatid ko siya," paismid niyang sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro