CHAPTER 18-(THUNDERS AND LIGHTNINGS)
*****
Pinuntahan ni Sheleen si Andreas matapos sagutin ni Gellaine ang tawag ni Alvin at sinabi na may sakit si Ellerine. Galit itong nangalkal ng ingredients sa cupboard at sa ref bago bumaling sa kanya. Iniwan siya at sinabihang maghintay na lang ngunit hindi siya mapakali kaya napadpad siya sa hotel na tinutuluyan ni Andreas at naibalita na may sakit si Ellerine. Nagluto naman agad ito ng lugaw habang umiiling, "I hope no one dies at her cooking."
"Marunong namang magluto si Gellaine," pagtatanggol niya rito kaya napa-smirk ang nobyo.
"Instant does not count as cooking, my girl," lumapit ito at hinawakan ang kanyang baba pero nag-side siya para umiwas sa mapang-akit nitong titig.
Naging official lang silang magkasintahan noong nakaraang limang buwan sa tabing-dagat. Noon niya rin napansin na may mga isdang balisa galing sa karagatan at nag-uusap tungkol sa isang misyon kaya nagtago siya sa mga bisig ng binata. Ilag siya sa ama at alam niyang hindi nito nais na tumapak man lang ng ilang oras sa lupa kaya mas mainam ang hindi na niya paglalangoy muna.
Kahit boyfriend na niya ang lalake ay naiilang pa rin siya rito lalo na kapag ngumingiti ito. Pakiramdam niya kasi ay binobola lang siya lalo na kapag binubuntutan nito ng mga salitang 'You're beautiful' at hahawakan ang buhok niyang nakalugay.
Napapiksi siya at nakaramdam ng paninindig ng balahibo nang amuyin nito ang kanyang buhok. Tinampal niya ang braso nito. "Bakit mo ba pinagdidiskitahan ang buhok ko?"
"I like it that way. Kapag naka-bun or ponytail kasi ay binibigyan mo ako ng malalaswang imahe sa utak ko," he said in a very serious tone.
"What? Anong imahe?" Sumunod siya rito dahil mabilis itong nakaalis sa harap niya at nasa kusina na.
"It does not matter. Hindi mo na kailangan malaman," ngumisi ito at hinila siya palapit. "Stop tempting me, will you?"
"I... Uhm..." Hindi na siya nakasagot dahil dumampi na ang mga labi nito sa kanyang mga labi at agad lumayo. "Let me finish my cooking. I have a busy week ahead kaya mami-miss kita," saad nito at muli na namang hinaplos ang kanyang buhok. "But don't tempt me, babe. I'm reserving myself for my wedding night."
She was speechless. Alam niya ang ibig sabihin nito kaya napatakbo siya sa living area. "Hindi na ako mangungulit!" Saad niya at humalakhak naman ito. Napangiti siya dahil masarap pakinggan ang tawa nito.
Napatalon sa gulat si Sheleen nang biglang mamatay ang ilaw. Hinihintay niyang bumalik si Andreas mula sa Sea-Reyna. Ngunit nakakatakot na hagupit ng hangin ang sumabay sa kanyang pag-iisa sa kwarto. Ngayon ay nawalan pa ng ilaw kasunod ng malalakas na kulog at kidlat.
Tumambol ang kaba sa kanyang dibdib. Ito ang kinakatakot niya tuwing bumabagyo. Isang beses na kasi siyang tumakas noon at nagkataong bumabagyo. Napadpad siya sa isang yate kung saan balisa ang mga nasa loob dahil sa pananakot ng ilang kalalakihang nakatakip ang mukha.
Drug at human trafficking ang nangyari at hindi alintana ng mga kriminal ang bagyo at naisipang sa gitna ng dagat pa isagawa ang plano. Nais niyang tulungan ang kababaihang humihingi ng saklolo kaya sumampa siya sa yate. Bago pa man siya magkaroon ng mga paa ay kumidlat ng malalakas saka tinamaan ang isang parte ng yate na may bakal at nangisay ang nakabantay na nakahawak sa bakal.
Hindi na natakot ang mga kasama nito at tumawa pa nang makita siya. Kakaiba ang kutis niya kompara sa mga dalaga. They look Spanish and they seemed so scared. Wala siyang ideya sa gagawin ng mga lalake ngunit nakaramdam lang siya ng takot nang pumasok ang lider ng mga ito at sapilitan siyang dinala sa deck. Nagsimulang maghubad ang lalake at hinaplos ang kanyang mga paa habang pinipigil siyang makapalag ng kasama nito.
Nagmamakaawa siyang huwag ituloy ang balak ng mga ito ngunit tumawa lang ang mga ito na parang baliw. Mabuti na lang at may mga kawal na nagbabantay sa karagatan tuwing may bagyo at nagkataong napadaan ang mga ito at tinulungan siya. Isa sa tatlo ay gwardiya niya na tinakasan niya noong araw ding iyon. At nang makabalik sa kaharian ay ikinulong siya ng ama dahil sa nangyari. Dahil doon ay mas tumindi ang pagkadisgusto nito sa mga tao.
Patuloy ang pagkidlat at pagkulog hanggang sa magkasunod na naman ang malakas na kidlat at kulog kaya napasigaw na siya. Tumakbo siya patungo sa pintuan. Bigla namang bumukas ang pinto at may malalakas na bisig na pumigil sa kanya. "No, don't touch me! Please let me go!"
"Sheleen, Sheleen!" Andreas shook her shoulders until she was shaken aback. "Ako ito. Si Andreas..." Huminahon siya at kinapa ang mukha nito.
Nanginginig siyang humawak dito bago napasinok, "Ikaw nga!" Niyakap niya ito at sobrang pasasalamat na dumating na ito. "Dumating ka..."
She cried as she spoke. Kumikidlat ng mahina kaya naaninag niya ang noo nitong nakakunot at the same time ang nag-aalala nitong mga mata. "Anong nangyari? May nangyari ba?" Concern is all over his face at kinapa siya. She nodded sideways and he cupped her face with his palm. Hindi siya sumagot at niyakap itong muli.
*****
Karien sighed. Tatlong taon na silang nagpapadala ng mga mensaherong isda ngunit wala silang nakukuhang sagot mula sa reyna. Nakausap niya limang buwan na ang nakaraan ang grupo ng pinakahuling inatasan upang magbalita sa reyna na humingi ng tulong. At nasabi ng mga ito na tinawanan lang sila ng reyna. Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa prinsipe? Marahil akala pa rin nito ay kalokohan ang mga ginagawa ng anak kaya siya na ang nagboluntaryong bumalik sa karagatan kinabukasan.
Naiulat niya ang progreso ng misyon nila at ang mga problemang kinakaharap ng prinsipe kaya nabahala rin ang reyna at agad nagpatawag ng pulong sa mga kasamang nanunungkulan. Napag-usapan ang karagdagang bantay na kawal sa karagatan tuwing may sakuna lalo na ang bagyo. Noon din naipatupad ang kahilingan ng prinsipe na mabigyan ng listahan ng mga naunang ipinadala sa lupa. Naidagdag na rin ang kompletong impormasyon sa mga ito kaya kay Aspen niya ibinigay iyon na nakatulong naman sa paghahanap nito.
Ngayon ay namamaluktot siya at napapanaginipan ang mga nangyari sa pulong. Tutol man ang ama ni Prinsesa Sheleen ay pumayag na rin ito dahil hindi rin nito masikmura ang ulat na narinig. Nang malaman nito ang sinapit ni Safel na kanyang nasasakupan ay nanlumo ito at ito na mismo ang nagtalaga ng karagdagang kawal hindi pa man hinihingi ng reyna.
Bigla siyang napadpad sa madilim na bahagi ng kweba na hindi pamilyar sa kanya. Inaninag niya ang loob ngunit walang makita hanggang sa may marinig na umiiyak. Naliwanagan ang babae kaya nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat. Then, Gellaine appeared from his side. Umiiyak din ito. Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Nang tumingin sa dalaga ay isa nang matandang walang mukha na my suot na laboratory gown ang tumatawa at biglang nanakal sa kanya.
Napamulagat siya at naramdaman ang phone na nagva-vibrate malapit sa kanyang leeg. Dinampot niya ito at sinagot ang tawag. "Hello..."
Sumulyap siya sa wall clock. Alas diyes na pala. Apat na oras ang tulog niya mula sa ilang oras na paglalangoy patungo sa Diamond at pabalik sa isla.
Halos buong araw ang inabot niya dahil sa mga nagkalat na basura na siyang sagabal sa kanyang paglalangoy. Napapahinto rin siya dahil sa mga patay na isda at mga nanghihinang iba pang lamang-dagat. Nang makaahon siya kanina ay napakalakas ng ulan kaya gumapang siya paakyat sa batuhan patungo sa malakwebang ugat ng malaking punongkahoy. Natagalan pa siyang patuyuin ang buntot dahil sa impact na rin ng ulan.
Naninigas ang mga paa niya kaninang nakarating sa resort. "Mabuti naman at sumagot ka na," narinig niya ang pagkabalisa sa tinig ni James.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Matagal na nating hindi masagot ang mga katanungan kung totoong mga sirena at sireno ang tumatangay sa mga nawawalang tao. Ngayon may nakuha na akong lead pero malabo dahil nahugasan na ng ulan. I'll bring you the sample tomorrow para makuha ang opinion mo."
"Sige, salamat. Bring me as early as possible. I'll be in my room dito sa parehong resort."
"Copy that. Tomo..." Toot. Toot. Toot.
The call ended at biglang nag-off ang lampshade bago kumidlat ng malakas.
*****
Bumalik na si Andreas matapos i-deliver ang nilutong lugaw ngunit may tumawag sa phone niya at doon natagalan sa pakikipag-usap sa sekretarya niya. At dahil doon ay mas magiging hectic ang schedule niya gaya ng sinabi kanina sa nobya.
Ayon sa sekretarya ay may mga investors na nag-aalisan na lang bigla at lumilipat sa isang kompanyang hindi pamilyar. Bago lang ito sa business world kaya pina-send niya through mail ang impormasyon tungkol sa kompanya.
Mermaid. That name is catchy and he winced when he saw the founder and his name. Doctor Collin Liwnababa, a scientist almost forgotten. Sa export ng marine life ang focus ng business at marami ang nahuhumaling sa offer nito.
He ended the call after. "Di kaya related ito sa mga nawawalang tao? Hindi malayong may kinalaman itong doktor."
Baka gawa-gawa nito ang issue ng mga nawawalang tao na ito mismo ang gumawa upang mabaling ang atensiyon ng mundo sa research nito. Matagal siyang napaisip sa kinatatayuan bago naisipang umakyat na sa hotel room ngunit biglang nawalan ng kuryente kaya kinapa niya ang daan paakyat. As he neared his room, he heard screams kaya tinakbo niya iyon at nabangga sa pintuan ang takot na takot na si Sheleen.
Ilang minuto silang nakaupo sa sofa habang yakap niya ito na sa ngayon ay kumakalma na ngunit simisinok pa rin.
Bumalik na rin ang kuryente dahil sa generator kaya nasilaw siya at tinignan itong nakayuko pa rin at mahigpit ang pagkakahawak sa laylayan ng kanyang polo. Kinuhanan niya ito ng tubig na hindi man lang bumibitiw sa kanya kaya no choice siyang naglakad na parang may batang inaakay. Ininom nito ang tubig saka yumakap sa kanyang bewang.
"Tahan na. Sabihin mo kung anong nangyari, okay?"
He was tapping his fingers under the table while waiting for her to speak kaya nanghila ito ng upuan at doon naupo. Lumipat siya sa sink at doon sumandal upang harapin ito. Umikot naman ito at humarap. Her movement caused her brunette locks to flip and cover her face. It made him want to touch her hair but he restrained himself. Instead, he asked, "Are you calm enough to tell me now?"
"Okay," she took a deep breath. He caught a sight of her chest to visibly rise and fall. Nag-iwas siya ng tingin. "Muntikan na akong ma-rape noon, " saad nito kaya napalingon siya rito na may takot. She took another breath, maybe trying to find more courage to tell him face to face.
Flashes of lightning are visible in that area lalo pa at nakaharap siya sa bintana ng living area. Nagsimula na itong magkwento at bawat kataga ay ramdam niya ang pagngitngit ng kanyang mga ngipin. Ngayong oras ay gusto niyang hanapin ang mga mahalay na kriminal at sugurin ang mga ito kung saang lupalop man ng mundo nagtatago.
"Andreas, baka matunaw ang mesa," she snapped him from his murderous imagination kaya napalingon siya sa inosenteng sirena sa harapan niya. "Wag ka nang mag-alala, nahanap na sila ng mga iyon. Ayos na ako. Takot lang akong mapag-isa kapag bumabagyo at may kidlat. Pinainom na rin sila ng oblivion extract at ibinalik sa lupa. "
"What?! Bakit niyo pa ibinalik? At anong...anong oblivion extract?"
"The merfolk believe that there are no good outcome to torture or kill any being for that matter. I don't think it is not punishment enough to lose your memory."
"Please enlighten me," humalukipkip na siya dahil walang maintindihan.
"Ang oblivion extract ay katas ng pinaghalo-halong seaweeds at corals na ang reyna ng karagatan lamang ang nakakapagpabisa ng mga ito. Ito ang sandata namin laban sa mapagsamantalang mga tao at sa mga taong nakakita ng aming mga anyong -sirena. Ang isang shell na may lamang extract ay mabisa lang kapag ininom ng sirena at hahalikan ang taong gustong burahin ang alala. Dalawa naman kapag ayaw nitong halikan ang tao at hihipan na lang. Ngunit ang kondisyon ay malalason ang sinumang sumobra na sa limitasyon ng pag-inom nito."
"Bakit di niyo na lang direktang ipainom?"
She shook her head, "Mababaliw ang tao. May special extract na pwedeng ipainom nang direkta ngunit sa ilalim ng karagatan lang may bisa. Para iyon sa mga sinaklolohang mga tao na naanod sa dagat."
Curiosity piqued his mind. He wanted to know kaya hindi niya naiwasang magtanong, "Bakit di mo ginawa sa akin?"
"I was too scared and naive that time. Wala akong dala at hindi ko alam ang gagawin. Naisip ko na lumangoy na lang palayo mula sa mga taong nanonood pero hindi ako makagalaw noon. And you stood there for me. You made my assumptions wrong and became my hero."
"At first," he sighed, "I could not believe and I was scared you would drown me. But then my instinct made me realize to protect you."
"Bakit?"
"You're a woman. Mermaid for that matter," and they shared giggles that brightened the mood even if the weather is still madly whirling outside.
*****
Sheleen felt uncomfortable being the subject of his tender gaze. "Oh," he could not help himself and pulled her to his embrace. "Sa susunod na bumagyo at wala ako, tawagan mo lang ako," he said kissing her forehead.
Ngumiti naman siya at tinitigan ito bago komportableng sumandal sa matitipuno nitong dibdib. "One week sounds very long. Do I have the assurance that you will come back?"
He smirked and kissed her forehead. "You already know how to use gadgets so you can monitor me through news. You can also come to my place if you are still doubtful. I'll be in Greece. I'll leave you the address later."
Pinalipas lang nila ang malalakas na kulog at kidlat bago ihatid ni Andreas si Sheleen sa kwarto nito.
(A/N:Di ko alam kung nasusundan pa ba ang POV ng bawat isa kahit naka-third person. Anyways, enjoy reading. Sorry sa slow update. Keep safe tayo from CoVID-19.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro