Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17-(CONSPIRACY-Part 2)

Si Gellaine na ang bahalang nagbihis sa kaibigan habang nasa kusina at nakatambay sila Aqueia at Alvin. Nakahalukipkip ang babae malapit sa pinakukuluang elbow macaroni. Alvin silently thanked when Gellaine went off to see Ellerine. "Can't she really cook like you?"

"Needless to say. She's more demanding and less skillful. But there are times na nakaka-chamba ito."

Tumango siya. Few talks about other things won't take away his curiosity. "Are you always a chef?"

Binuksan nito ang lata ng evaporated milk at napataas ng kilay marahil sa biglaang diversion ng topic niya. Inilagay na nito ang gatas sa kaserola at inihalo saka lumingon sa kanya, "Meaning..."

"Wala ka bang ibang hobby aside from cooking although you can say it's your job? At bakit dito sa seaside? Why not on ships or in Manila?"

Natatawa itong nilapag ang sandok, "I don't feel any grudge on you except you ran away when I was about to give you my specialty dish last night kaya sasagutin ko ang tanong mo. But to tell you honestly, I like it here more than any place except for my hometown."

"Hometown? Saan?"

"Let me finish the cooking," Gellaine hurried into the kitchen kaya diskompiyadong umalis silang dalawa.

Hindi na sila umimik. Walang pwedeng kumontra. Hinayaan na lang nila ito sa kusina. Hindi naman siguro nakamamatay ang lulutuin nito.

*****

Wala pa ring tigil ang ulan na ngayon ay may kasama nang kidlat at kulog. Tumayo siya sa tabi ng bintana at hinawi ang kurtina. Napaisip na naman si Aqueia.

Marahil nagkakagulo na naman sa ilalim ng karagatan dahil sa mga nalulunod at iniaanod ng alon tuwing may ganitong bagyo. Laging may mga kawal na nakaantabay malapit sa pampang na nagsisilbing lookout.

Nakahanda ang mga seaweed na ipapakain upang makahinga sa ilalim ang mga taong sinasagip. Dinadala ang mga biktima sa ilalim ng karagatan upang doon muna sumilong dahil hindi rin sila maihahatid nang ligtas sa pampang dulot ng malalakas na alon na maaaring tumangay din sa mga kawal.

Pagkatapos ay bibigyan sila ng oblivion extract na mga sirena sa kusina ang mismong naghanda. Hindi na kailangan inumin ng sireno o sirena upang hipan sa tao. At hindi rin malalason ang tao sa pag-inom.

Tahimik lang siAqueia nang umalis na agad si Alvin upang magligpit na sa kusina. Naalis lang sa labas ang atensiyon niya nang bumaba si Gellaine mula sa mezzanine floor, dala ang pinagkainan ni Ellerine. "Aqueia, halika na. Sabay na kayong kumain ni Alvin," anyaya nito kaya ngumiti na lang siya.

Tatanggi na sana siya ngunit naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura. Atubiling sumunod siya sa kusina nang may magsalita galing sa taas. "Wag kang tumanggi sa grasya, Mr. Blue," hawak ni Ellerine ang noo saka bumaba kaya lumapit siyang nakaalalay.

"Aqueia is fine, thank you."

"Stay for the night, Aqueia," saad ni Gellaine sa kusina at ngayon ay naglalakad na dala ang umuusok sa bowl ng sopas.

"He can go after dinner. I don't need chaperon. Kung busy ka Gel, ayos lang. I can manage. Lagnat lang naman ito. Pagaling na rin ako matapos kong uminom ng gamot."

Alanganin niyang tinanggap ang pagkain habang hinihintay ni Gellaine ang kanyang pagsubo. Napangiwi siya sa hitsura ng pagkain dahil napakaraming onion chives. Suminghot siya. Tinignan niya si Alvin na nakamasid din sa kanya mula sa kitchen counter. Itinaas nito ang mangkok at tumango, meaning sabay na silang sumubo. He had no choice and scooped from his bowl but avoiding any leaves.

His eyebrows twitched. Masarap ang sopas kaya sunod-sunod siyang sumubo kahit may nasasala nang onion chives. Mainit at hindi niya nahihipan nang maigi ang isinusubo kaya napaso ang dila niya at hindi sinasadyang mabitawan ang kutsara kaya naman tumalsik ang sabaw sa kanyang kamay.

"Careful, Mr. Blue," lumapit si Ellerine at humugot ng tissue mula sa dispenser na nasa table at pinunasan ang kamay niya. Her gentle touch made his longing more painful. Their eyes met and held gazes longer than necessary.

"Aqueia..." pag-uulit niya at itinaas ang palad upang haplusin ang mukha nito.

Isang malakas na tikhim naman ang gumulat sa kanila mula sa pintuan kaya agad niyang ikiniskis sa pantalon ang kamay na nasabuyan niya ng sopas at tinignan ang nakakunot-noong kapatid ni Gellaine.

"Am I too late for the porridge? I heard you are sick," agad itong lumapit kay Ellerine at tinignan ang nakalapag na mangkok.

"Kuya, wag mong laitin ang luto ko," agad na depensa ni Gellaine at inagaw ang hawak nitong stainless layered lunch box.

Humingi ng pasensiya si Andreas dahil busy ito at hindi ito magtatagal. Hindi na rin ito nakipagtalo sa kapatid at umalis na. Si Gellaine naman ay nagpaalam na rin dahil may tatapusin pa itong draft para sa event na ino-organize.

"Elle, I should go as well," Alvin looks terribly sorry seeing the woman in question lay helpless on the sofa opposite him.

"I'll accompany her tonight," gagap niya sa sasabihin ng dalaga nang bumaling sa kanya. Magpo-protesta pa si Ellerine ngunit nahihilong napabalik sa pagkakahiga.

"Hayaan mo na lang si Aqueia na samahan ka. At kung may gawin man siyang masama, tumawag ka lang ng security. Nakaantabay naman ang mga gwardiya ng isla," tinapik ng binata ang balikat ni Ellerine bago lumabas.

Katahimikan ang naghari sa kanila bago ito umupo. "Bakit anjan ka pa?" Namamalat ang boses nito.

He shrugged at her words. Habang lumalalim ang gabi ay lumalakas din ang ihip ng hangin kasabay ng paiba-ibang buhos ng ulan. Mabuti at tumigil na ang pagkulog at pagkidlat.

"Masama ang panahon at hindi ako papayag na maiwan kang walang kasama. I might as well stay here until morning. I can leave early if that makes you comfortable. Pero sa ngayon, kailangan mo ng kasama," tumayo na siya at kumuha ng tubig sa kusina.

"Thank you," kinuha nito ang iniabot niyang baso ng tubig. Hindi niya maiwasang panoorin ito kaya natigilan ito sa pag-inom. "Pwede bang wag kang manood? Nakakailang," nag-iwas ito ng tingin at inilapag ang baso. Kung wala itong sakit ay baka isipin niyang namumula ito dahil sa kanya.

"Sorry."

Silence reigned between them bago nito naisipang tumungo na sa kwarto nito. She is very distant now. He cannot speak honestly with her as honestly as he did before. Natatakot siyang baka katakutan siya nito kapag nalaman nito ang kanyang tunay na katauhan.

Truthfully, he wanted to stay with her, may sakit man ito o wala. Pero sa sitwasyon ngayon ay mas pipiliin niyang wag na itong piliting makasama siya kung ayaw talaga nito. Ayaw niyang magambala ang nanahimik na nitong buhay dahil siya rin lang ang may kasalanan. Siya ang nag-decide na lumayo.

He chose to leave her side. Dahil mas makabubuti ito para sa kanilang dalawa. Hindi ito mapapahamak at hindi rin siya magagambala sa kanyang misyon.

Ngunit kahit gusto man niyang pagbigyan sa nais nito na mapag-isa ay delikado. Sa nakaraang tatlong taon, wala na siyang natanggap na balita, mula kina James at Aspen, kundi masamang balita lalo na kapag katatapos lang ng bagyo.

Mga sireno at sirena ang pinagbibintangan sa mga nawawalang mamamayan malapit sa dagat. Hindi lang mga mangingisdang pumapalaot ang nawawala kundi pati mga residente at dayo sa lugar malapit sa dagat. At hindi malayong isunod nilang dagitin ang isla kung sinuman ang gumagawa ng ganoong krimen.

Naninigas na siya kakaisip sa kinauupuan at napakuyom ng kamao. "Aqueia," he looked up to where the voice came from and she continued, "sa taas ka na lang matulog. Wala namang gumagamit sa isang kwarto para na rin makapagpahinga ka."

Hindi siya natigil sa kakaisip ng kung ano at matagal na nakaupo lang sa gilid ng kama kaya naman tumayo siya. Hinawi niya ang kurtina ng bintana. Napakadilim ng paligid at masyadong maingay. Masyadong malapit ang dagat at baka may halong tubig-dagat ang ulan.

Bumalik siya sa kama at nahiga. Isa pang ikinakatakot niya ay baka magbagong-anyo siya sa kalagitnaan ng bagyo hindi pa man nakakarating sa tinutuluyang resort na pag-aari rin ng babaeng nasa kabilang kwarto.

Hindi siya dapat mahuli at mabisto dahil siya ang prinsipeng tagapagmana ng trono. Maraming buhay ang nakasalalay sa kanyang pananatili sa lupa. Hindi lang para sa mga sireno at sirenang naghihintay ng magandang balita kundi pati na sa mga sirena at sirenong umaasang may makakaalala pa sa kanila. Na marahil sa tagal ng panahong naglagi sa lupa na hindi nagawang makabalik kagaya ni Safel ay kinalimutan na.

Isa na si Safel sa mga nagpasalamat sa kanya. Ngunit hindi na nito nagawang makabalik pa at makahingi ng tawad dahil sa bigong misyon. Tiyak na tahimik na ito at masaya kung saan man naroon dahil nadakip na ng mga pulis ang mga nagsamantala sa kanya at sa kanilang lahi. Sila Aspen, James, at Alca ay patuloy sa pagtulong sa kanya sa paghahanap ng mga nawawala.

Si Aspen ang bahala sa mga sireno at sirenang naunang naipadala para sa misyon na hindi makabalik dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon na marahil ay kagaya nga ni Safel. Kung hindi man matunton ang mga iyon o kaya ay patay na, at least mga anak nila ang mailigtas kung nanaisin nilang sumama sa karagatan.

Ang magkapatid ang namamahala sa paghahanap at pag-iimbestiga sa mga nawawalang tao na pinaniniwalaang kinuha at nilunod ng mga sirena at sireno. Si Karien ang nagboluntaryo at itinalaga niyang mensahero niya sa reyna dahil ayaw muna niyang bumalik at magpakita nang walang magandang balita gaya ng inaasahan ng mga ito at sa ipinangako niya noong magboluntaryong maging sugo.

Sinubukan na niya noong utusan ang ilang grupo ng isda ngunit wala siyang napalang tulong. Noon kasi ay ipinapain niya lang ang mga ito upang makatakas kaya hindi na nagpaloko ang kanyang ina. Five months ago, nang tumungo si Karien sa karagatan matapos maatasan sa bagong katungkulan ay nagbago ang lahat. Alam ng reyna na seryoso siya kapag si Karien mismo ang ipinapadala niya upang magbalita. Kaya naman matapos ang pag-uusap nila Karien at ng reyna ay mahigpit na ang mga kawal sa pagbabantay tuwing may bagyo. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro