Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16-(RESURFACE)


*****

Excited na si Ellerine sa bagong guests na darating sa isla. Isa sa mga ito ay ang bagong CEO ng isang sardines manufacturing company. His background is very unusual and interesting. Binili nito ang isang kompanya para lang pangalagaan ang mga lamang-dagat. No wonder this guy is in the hot list of young and eligible bachelors of the elite society.

Kinakabahan siya dahil sa resort nila napili nitong manatili which means there will be chances na magkikita sila. Isa rin ito sa mga kumausap sa gobyerno upang mapawi ang issue na may mga sirenang nangunguha ng mga bata.

Hindi lumalabas ang imahe nito sa kahit anong pahayagan. May kaunti man ngunit hindi klaro o di kaya ay malayo ang kuha. Anti-social ba ito o sadyang low-profile lang? It will take her guts to ask him if they ever bump into each other.

Aqueia Blue is marked on the checklist as she walked out from the penthouse. Gusto niya itong ma-meet personal nang mapasalamatan. According to others who met him, he is very intimidating kaya parang gusto niyang mag-back out sa nais gawin.

"Pacing back and forth does help, huh?" pang-aasar ni Andreas sa kanya. Magkakasama sila nila Gellaine, Sheleen, at Andreas sa penthouse.

"No, but thanks for asking," naupo siya at hinarap ito sa kinauupuan. Nakarinig naman sila ng katok sa pinto kaya agad itong tumayo upang pagbuksan ang panauhin. "Alvin, nahanap na ba si Sasha?"

Madilim ang anyo nitong lumapit sa kanya at lumuhod, "I'm sorry this is all my fault. I got mad at her kaya siya umalis. Pero pangako, hahanapin ko ang kaibigan mo. No matter what the cost is, I'm willing to risk," hindi na nito hinintay ang sagot niya at lumabas.

"Take care," tinapik ito ni Andreas bago tuluyang umalis.

Hindi lang ito tungkol kay Chef Alvin. Tungkol din ito sa ama ni Sasha na masyadong iniipit ang anak at ngayon ay nahanap na nito kung saan ito nagtatago. Kahit secured siya na hindi magagalaw ng impluwensiya ng ama nito ang kanilang restaurant ay nangangamba siya na ang bata ang pagbuntunan nito ng galit.

Sasha has been like a younger sister to her. Magaan ang loob niya sa bata. Open ito sa mga problema at ilang beses nang humingi ng pabor na hindi niya tinanggihan, lalo na at tungkol ito sa napupusuang chef.

Recently lang niya nalaman na hindi talaga silahis si Chef Alvin at nagkamali siya ng assumption. Kalat na rin sa kusina na may namamagitan sa dalawa dahil hinalikan ni Sasha si Alvin. Hindi niya mabasa ang kaibigan dahil ni minsan ay hindi ito nag-share ng experience sa mga babae kung may experience man ito. Masyado itong tahimik sa personal life. Maging parents nito ay hindi pa nito naipakikilala sa kanila.

*****

Sasha had been so down because of her father. Gusto nitong mag-transfer siya sa ibang bansa. Lahat ng dokumento niya naipahanda na nito upang lumipat. Sayang ang huling semester niya sa school. At pagkarating pa niya sa Sea-Reyna ay ang seryosong banat sa kanya ng masungit na chef ang sumalubong.

"Hindi playground ang kusina," he said in a very serious tone.

Napaka-insensitive talaga nito kahit kailan. Kahit nakikita na nitong naiiyak siya ay wala itong consideration. Pero ito ang isa sa mga nagustuhan niya sa binata. Hindi ito pa-cute para lang mapansin ng babae. He is cute in his own way at ang pagsusungit nito ay parte na ng buhay niya.

Kahit simangot ang bati nito sa kanya sa umaga ay willing pa rin siyang pumasok sa trabaho as long as nakikita niya ang mukha nito. He is pushing her away. But he is like a magnet pulling her while pushing her hard. Para siyang bakal na ayaw malayo sa magnet at gustong nakadikit na lang.

Agad siyang nagbihis ng uniporme sa kusina at hindi na pinansin ang pagsusungit nito. She started working as usual pero nagulat siya nang makita ang ama niya sa loob ng kusina. Kakatapos lang ng break ni Chef Alvin at nabunggo niya ito sa pinto saka pinagalitan siya.

Hindi na siya nagdalawang-isip na tumakbo. Bago pa siya makaladkad ng ama, tatakas na siya.

At ngayon ay nag-iisa siya sa sulok ng malaking bato. Kanina pa lumubog ang araw at nilalamig na siya. Tumatas na rin ang tubig at nabababad ang kanyang mga paa. Pero hindi siya lalabas hangga't hindi niya nasisigurong tumigil na ang ama sa paghahanap sa kanya sa isla. Who knows kung anytime ay susugod ang tauhan nito sa kinaroroonan niya.

Nakarinig siya ng kaluskos sa bato kaya natakpan niya ang bibig. May dumaan namang isda at nasagi ang kanyang paa ngunit ayaw niyang sumigaw. Kung ahas man iyon, mas okay na matuklaw siya at mamatay kaysa makulong sa batas ng ama.

"Sasha!" she heard a shout. Chef Alvin? Nanahimik siya at naghintay para masiguradong hindi iyon guni-guni. "Sasha, lumabas ka na! I'm sorry, okay?" sigaw pa rin nito kahit hindi nito alam kung naririnig niya.

Bakit ito nagso-sorry. Napakunot-noo siya at napabitaw sa pagkakahawak sa bato kung saan siya kumukuha ng balanse. She whimpered as she fell into the water. "Chef!" sigaw niya dahil sobrang lamig at madilim pa. Natatakot siya gayong narinig na niya ang boses nito.

"Sasha!" nagmadali itong dumukwang sa kinaroroonan niya. "Ayos ka lang?"

Agad siyang umahon kahit hindi maaninag ang mukha nito. Boses nito ay sapat na para aluhin siya. "Chef!" tumakbo siya at niyakap ito nang mahigpit. "Natatakot ako!"

"It's alright," he caressed her back as he hugged her. "If I made you upset, forgive me. Hindi ko naman alam na ganoon pala ang nangyari."

She shook her head on his shoulder. "Don't be sorry. Ako dapat ang mag-sorry. Wala ka namang kasalanan," naiiyak siyang kumalas sa pagkakayakap nito. "Ako ang masyadong clingy at pati ikaw nadamay sa problema ko. Sorry din kung hinalikan kita," suminghot siya at nagpunas ng luha.

Para siyang bata at marahil ay nadagdagan na naman ang child-like impression nito sa kanya. "Sorry kung lagi kitang naabala sa trabaho. Gusto lang naman kita kaya ako nagpapapansin. Pero kung ayaw mo talaga, aalis na ako," and she continued crying.

"Tahan na," saad nito na pinunas na naman ang luha sa kanyang pisngi just like the other time kaya napatingala siya rito. "Sino ba ang nagsabi na ayaw ko sa iyo?"

"Ha?" lumayo siya at nagkusang punasan ang sariling luha. "Sinasabi mo lang yan dahil umiiyak ako eh. Hindi na ako bata. Wag mo akong dayain."

"Yes, noong una naaasar ako sa ingay mo pero nasanay na ako. I don't know how to explain this but...you have carved a space in my heart. Pati isip ko ginugulo mo."

"You're lying."

Nagpamulsa ito ng mga kamay. "Has anyone in the kitchen told you that I nearly hit a customer because of his malicious words towards you?" Napakunot-noo siya. Walang chismis na hindi nakakalabas sa kusina. And speaking of which, hot topic ang head chef kaya imposibleng walang nakakita sa ginawa nito. Umiling siya. "That is because I prohibited anyone speaking anything in the restaurant except work and other things not related about me."

"Paano naman ako maniniwala eh kung ituring mo ako ay mas malala pa sa taong may sakit na nakakahawa? Bawiin mo ang mga sinabi mo bago pa ako muling mahulog sa'yo."

"Hindi ko naman pinipigilang mahulog ka," umabante ito kaya napaatras siya. Nanginig pa siya dahil sa umihip na hangin. Madaya ito dahil may advantage. Basa siya at takot pa sa madilim na tubig sa kanyang likuran kaya hindi na siya muling humakbang palikod nang umabante pa ito.

"Paano kita paniniwalaan--"

Napamulagat siya nang kinabig siya nito at hinalikan. Hindi ito gaya ng ginawa niyang smack. And she liked how it felt like. Ganito ba ang totoong kiss? Hindi siya makapag-isip nang matino. Noong nagpumiglas siya ngunit mas malakas itong nakahawak sa kanya kaya hindi niya mapigil ang sarili na rumesponde.

"For the record, I gave my second kiss to a girl."

"Hindi ako bata--" hinuli nito ang kamay niyang tumulak dito.

"I just kissed a girl I like."

Heat crept on her cheeks. Hindi siya makapaniwala na aamin lang nang ganito ang stone-faced chef. "Don't trick me like a kid! Hindi ako magpapauto," she walked out pero hinila nito ang kanyang braso.

"May sikreto rin akong hindi mo nanaising malaman dahil baka pagsisihan mo. Ihahatid na kita. Nag-aalala na si Ellerine sa'yo," he caressed her hand gently.

He hid his wet hands as scales began to form and his feet stiffened for a few seconds kaya mas nahuli siya kaysa sa dalaga na walang malay sa nangyayari sa kanya. He just paused and stood where he is para patuyuin ang tubig-dagat na dumikit sa kanya nang yakapin si Sasha. Hindi na niya naisip kanina na lalabas ang kanyang anyo kapag nabasa ng tubig dagat.

Pagbalik nila sa penthouse ay sinalubong sila ni Ellerine. She looked so worried, even her female friends hugged her. Para na silang pamilya sa inaasal nila. Mas close pa siya sa mga ito kaysa sa immediate family members niya. "I'm sorry kung nag-alala kayo," gumanti siya ng yakap.

*****

"Gellaine, ikaw muna ang bahala sa mga bisita," bilin ni Ellerine sa kanya na nagmamadaling umakyat sa penthouse. Kailangan nitong sagutin ang video call ng ama nito na matagal nang hindi umuuwi.

"Go," saad niya at nag-thumbs up pa.

Bilang event organizer, she needs to be sure kung nasa ayos ang lahat while Ellerine, as the host, is not around.

Lumabas muna siya sa beach area dahil may naririnig siyang nagrereklamo sa tapat ng porch. "Hindi man lahatin ngunit hindi maiiwasan. Mga taong panira sa kalikasan," saad ng lalake at pinulot ang nakakalat na plastic bottle.

"Excuse me sir..."

What an angelic face.

*****

Natigilan si Karien nang may tumawag sa kanyang pansin. Tumingin siya sa itaas at bumungad ang mukhang kinasasabikan niyang makita.

Napahawak siya sa dibdib. He knew it was a mistake to come at the event. Aqueia did not force him to come anyway. But he is right there standing face to face with the woman he has fallen in love with. Ang akala niyang naibaon na sa ilalim ng kanyang puso ay biglang lumutang nang walang pasabi.

Natameme siya at hindi na makapagsalita. It was only when Aqueia slapped him on the back that he was snapped into reality. "Come on in," aya nito saka tumingala sa babaeng napangiti na lang. Marahil nawi-wirduhan ito sa kanya.

"Hi, I'm Gellaine Lombard. Your event's organizer. Please come in," saad nito na nakalahad ang palad.

"Aqueia Blue," naki-shake hands ito saka siya tinignan. "This is my friend Karien Frey."

"Pleased to meet you," nilagpasan na ito ni Aqueia kaya umakyat na rin siya at nakipagkamay rito. "Can I have that?" itinuro nito ang hawak niyang bote.

"Hindi na kailangan. Baka madumihan ang kamay mo binibini. Where is the trash bin? Ako na ang magtatapon," saad niya kaya tumikhim ito at namumulang nag-iwas ng tingin.

"This way sir."

*****

Mula nang pumasok sila ay ramdam ni Gellaine ang mainit na mga matang nakatitig sa kanya. Hindi niya nililingon ang lalake samantalang kitang-kita niya ito sa gilid ng mga mata kaya imposibleng asumera lang siya na sa kanya ito nakatingin. Maliban na lang kung may tao sa kanyang likuran. When the thought crossed her mind, she looked at her back.

Nakahinga pa siya anng maluwag nang makita ang kaibigan papasok mula sa beach area. Agad niya itong nilapitan at binati. "Oh my gosh Elle, hindi ka maniniwala sa nakita ko!"

"Ano ba yun?"

"Hindi ano? Sino?"

"Sino?"

Hinila niya ito sa gilid at pabulong na nagsalita, "Yung mga taong galing sa manufacturing..."

"Miss San Dejas," someone called their attention kaya nabitin siya sa sinasabi.

"Yes? What can I help you with?" tanong ng kaibigan.

"Uh, I'm Sasha's brother and I came here as my father's representative. Aidan Reid," naglahad ito ng kamay na inabot naman ni Ellerine. Nabanggit ni Sasha sa kanila na may mga kapatid siyang lalake at lahat ng mga ito ay kontrolado ng ama. Pero ang panganay sa mga ito, na si Aidan, ang tanging kakampi nito. The guy looks manly but deep down he is a bisexual according to Sasha. At ito lang ang pinagkakatiwalaan ng bata.

"Nice to meet you, finally..."

"It's my pleasure to meet my baby sister's older sister from another parents," nagtawanan ang dalawa at nahagip niya ang mga mata nito nang bumaling sa kanyang direksiyon. "You must be Gellaine Lombard, Andreas' little sister."

"Kilala mo si kuya?" dinuro niya ito sakto namang may tumapik sa kanyang daliri at nakita ang kapatid na nakapulupot ang braso sa bewang ni Sheleen.

"Best friends kami," anitong natatawa sa kanya. "You are exactly how he described you. Cute, loud, and stubborn."

"Stubborn? Well, ngayon lang tayo nagkita at hindi mo pa ako nakikilala," nagpamewang siya rito. "How can you say so? Unless you stalk me."

"Well no. I can tell. Nabanggit din kasi niya na lagi kang nanduduro. Hindi ka na natuto sa pagsaway niya."

Namula siya. Ganun ba ka-close ito sa kapatid niya at naibulgar na nito lahat ng tungkol sa kanya? Umismid siya at tumalikod, "Well I hope everyone enjoys the party."

Buong gabi ay ilag siya sa kapatid at kay Aidan Reid na wala naman talagang ginagawang masama. Nahihiya lang siyang marinig kung ano pa ang mga sinabi ng kapatid niya sa lalaking yun. Nakakailang lang dahil lahat ay may date o di kaya grupo saanman lumingon sa loob.

Magkasama sila Sasha at Alvin na matagal na nilang ibinabangka. Andreas is really head over heels sa babaeng kasama na todo ang tanggi na nagkakamali lang sila ng assessment ni Ellerine. Aqueia Blue is with other businessmen while Ellerine seems comfortable with Aidan.

Aalis na lang sana siya nang makita niya ang babaeng lecher. Avril Montenegro. Wala ito sa guest list pero ang lakas ng loob mag-gate crash ng event. "Sana lang hindi ulit mapikot si Aqueia," komento ng lalakeng napadaan sa tabi niya. Naramdaman nitong may nakatitig kaya lumingon at ngumiti. "I'm Aspen and Avril is my uninvited date."

"Gellaine," she nodded and he smiled. Nanlaki ang mga mata nito nang mapatingin sa kanya. Ngunit tumagos sa kanyang likuran ang titig nito kaya umikot siya at napaigtad nang makitang papalapit si Karien. "Karien," kumaway si Aspen at nilapitan ito. Siya naman ay tigagal at hindi mapakali. He is giving her the same intensity of gazing kaya lakas loob na tinignan niya ito sa mga mata.

"Pwede ba wag kang tumitig?"

"Bakit naman?"

"Nakakailang kaya."

"Kung ganon, saan ako titingin?"

Natatawa siyang nilingon ito at umiiling naman na patagilid umalis si Aspen. "Ang daming pwedeng tignan. Wala ka bang date sir? Gumagala ka yata mag-isa."

"Hindi ko kailangan ng ka-date. Mission ko lang ang pumunta sa event na ito."

Natatawa na talaga siya sa ka-wirduhan nito, "Mission. Para ka namang sundalo."

Tumikhim ito, "Parang ganun na nga."

"I don't really get you. But if you don't mind, can I invite you for a drink?"

Alam niyang imposibleng pumayag ito but she tried anyway. There's no harm in trying. Naiiling na lang siyang tanggap na ang kapalaran niya ngunit ngumiti ito. "I don't get drunk. Or maybe not easily. Let's find another past time. Wala rin naman akong gagawin dito."

Magaan ang loob niya sa lalaking ito na parang may pinagsamahan na sila. She feels safe around him although ngayon lang sila nagkita. Lumabas sila at nagtungo sa buhanginan.

Kalmado ang dagat pati hangin ay nakikisama. "I have a feeling that we've met before. If not, then forgive me for assuming wrong," she said as she glanced away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro