CHAPTER 15-(BAD NEWS)
A/N: it's been three years since i started this story and i'm back but not so fast. i try to remember the flow and reconnect my thought. been busy with work and other story plots. but they are still raw and i don't have the potential yet.
*****AFTER THREE YEARS*****
Nagbabasa ng fashion magazine si Ellerine at nahagip ng kanyang mga mata ang headline ng dyaryong ibinato ni Gellaine sa coffee table. 'MISSING CHILDREN BELIEVED TO BE CAUSED BY MERMAIDS.'
Matagal na itong naging issue at muntikan pang ipasara lahat ng establishment sa tabing-dagat upang maiwasan ang pagkawala ng mga bata. Thanks to some influential men who were able to talk to the government officials and negotiate with them kaya naisalba ang isla.
"Totoo ba talaga ang mga sirena?" komento ni Gellaine at inilapag ang freshly squeezed orange juice nito sa mesa.
"Ano naman ang mapapala nila sa pagkuha ng mga bata?" defensive na tanong ni Sheleen.
"Oo nga ano? Unless gusto nilang maghiganti sa polusyon sa dagat," wala sa loob na komento ni Gellaine.
"Maghiganti? Eh ang gusto lang namin..." napalingon sila sa babaeng nagsusuklay at nakaharap sa salamin. "Ang ibig kong sabihin, baka ibang tao naman ang nangunguha at pinapalabas na may mga sirena nga upang takutin ang mga tao," paliwanag ni Sheleen.
"Tama ka. Baka nga ganon," muli niyang sinulyapan ang dyaryo at bumuntong-hininga. "Baka mga reporters lang yan na gustong mapansin."
*****
Inililigpit ni Karien ang mga kalat sa lamesa nang pumasok sa opisina ang prinsipe at tinatanggal nito ang butones ng sleeves ng suot nitong suit. Tinupi nito ang mga iyon saka balisang naupo sa swivel chair. "Masyado nang marami ang nawawala," saad nito.
"Gusto niyo bang ako na mismo ang maghanap?"
"No, just clean the office. Ako na ang bahala," saad nito at muling lumabas dala ang cellphone nito at nag-dial ng numero. Hanggang ngayon ay masyado pa rin itong stiff mag-swipe sa screen. Palibhasa ay hindi naman ito masyadong gumagamit ng cellphone. Minsan lang ito mag-initiate ng tawag at hindi pa ito ang unang puputol ng linya.
They were able to buy a sardines manufacturing company at ito ang naging CEO. His purpose is to minimize catching baby fishes that are not ready to become food.
Ipinagpatuloy na lang niya ang paglilinis nang madampot sa ibabaw ng table ang isang sulat galing sa gobernador. Nakasaad na ayaw nitong paunlakan ang request nilang pakikipagkita dahil busy ito. Tanging secretary nito ang lagi nilang nakakaharap.
Masyadong mahirap makipag-usap sa mga nanunungkulan sa ibabaw ng lupa. Malamang ay isa na naman itong karagdagang sakit sa ulo ng prinsipe.
*****
Natigilan sa paghiwa ng isda si Chef Alvin nang may kamay na bumagsak sa counter. "Reporting for duty, chef," that girl is really annoying. Heto na naman.
Tinanggal niya ang apron at naghugas ng mga kamay. "Ano bang pumasok sa isip ni Ellerine at pinapayagan ka niyang umalis at bumalik sa trabaho kung kailan mo gusto? Hindi ito playground bata," exhausted niyang saad dahil kung kailan ito hindi kailangan saka sumusulpot.
"I'm not a kid!" she shrieked and it hurt his eardrums kaya napangiwi siya at gulat na pumasok ang mga kasamang naglilinis ng upuan at mesa.
"Ah, LQ lang pala..." umatras na ang isang waiter at iiling-iling na tinapik ang isa pang usisero. "Wag ka nang mag-aksaya ng panahon. May LQ lang ang dalawa," inakay nito ang kasama at isinara ang pinto.
Masama ang tingin niya sa mga ito dahil sa mga maling akala ng mga ito. Kahit anong sabihin niya sa mga ito ay hindi na niya makukumbinsi na wala silang relasyon ng babaeng kaharap. Namumula ang mga pisngi nito at ilang beses umangat ang dibdib matapos sumigaw ng nakakabingi. "You know what," he smirked, "you're such an immature."
"Immature?" she smirked at nangingilid na ang luha sa mga mata nito ngunit hindi siya magpapadala sa drama nito. Baka isa lang itong trick upang makuha ang kanyang simpatya. "You just don't know what I've been through," and she sniffed.
Hindi niya inaasahan na iiyak nga ito sa harapan niya. Gustuhin man niyang i-comfort ito ngunit nanatili siyang nakahalukipkip. He sighed, "I don't and I won't know."
"Ang sama mo chef," natatawa ito habang umiiyak.
"You're too young for your own good. At kung sinasabi mong hindi ka na bata, bakit asal bata ka pa rin?" pinunas niya ang luha nito.
*****
Sasha was hurt the way Chef Alvin spoke to her. Pero hindi niya inaasahang makakabawi agad ito sa pananakit sa kanyang damdamin. Mas lalo niyang hinangaan ang chef lalo na nang punasan nito ang kanyang pisngi. His hand felt warm on her skin and she felt tiny sparks crawling down her spine.
Her whole college life was spent mostly on part-time job as a waitress at Sea-Reyna while running away from her father's grip. Ang tanging inspirasyon niya ay si Chef Alvin kaya nagpursigi siyang tapusin ang kursong HRM.
"Malaki na ako at kaya ko ang sarili ko," tinapik niya palayo ang kamay nito.
"Alright," nagpamewang ito, "Pero hindi ibig sabihin ay pwede ka nang mamerwisyo ng buhay. I mean..." he tried to find the right words, "Don't meddle with my life. I'm not what you think I am."
"So?" pinunas niya ang sariling luha na patuloy pa rin sa pag-agos.
"Look...twenty seven na ako, and you are what, nineteen, twenty. Masyado ka pang bata at marami ka pang makikilala."
"Para ka namang matanda kung magsalita."
"Sasha!" that was his first time to call her by her first name and it sounded so good to her ears. Sagabal ang counter kaya nilapitan niya ito. Hindi siya magpapasindak sa lalaking ito kaya hinila niya ang kwelyo nito at hinalikan ito sa labi.
Hindi siya marunong humalik at ito ang unang lalakeng nahalikan niya at siya pa ang nag-initiate. Hiyang-hiya siyang lumayo rito na katulad niya ay nabato rin ito sa kinatatayuan. May sumipol mula sa pintuan at naroon pala lahat ng male staff kaya wala siyang mukhang maipakita at nagmadali siyang tumakbo.
Anong kahihiyan ang dinala niya sa sarili?
*****
"Binata na si Chef!" excited na sigaw ng isa kaya sinamaan niya ito ng tingin.
Wala nang nagsalita pa lalo at takot ang mga ito na ma-fire. Sa kanya ibinigay ni Ellerine ang kapangyarihan sa kusina kaya pwede niyang tanggalin ang sinuman hindi nagtatrabaho nang maayos. Pero hindi niya permanenteng matanggal si Sasha dahil si Ellerine mismo ang nag-hire dito.
*****
Sumegway sa pagmamaneho si Aqueia nang marinig ang sinasabi ni Aspen sa kabilang linya. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" he unclutched his seatbelt at bumaba sa black Audi RB. Nasa gitna siya ng kalsadang walang masyadong dumaraan dahil patungo siya sa isang liblib na munisipyo sa probinsiya.
"Kamahalan, tumaas na ang bilang ng mga nawawalang bata. At ang masama pa ay marami na ring nawawalang mangingisda kahit walang bagyo."
Hindi na ito dapat ipagsawalang-bahala. Agad siyang pumasok sa kotse at muling nag-drive. Wala nang signal sa mas malayong parte ng kalsada at patay na rin ang kanyang phone kaya itinapon niya ito sa backseat.
He is traveling in order to meet a mermaid who has been kept for a circus in a very long time. Matanda na raw ito according to Aspen's resources. Ang balita rito ay isa itong sugo noong dalaga pa ito at ngayon ay hindi na nakabalik dahil sa kataksilan ng lalaking minahal nito.
Bumaba siya sa sitio kung saan nakakaabot ang sasakyan. Pinagtitinginan siya ng mga tao ngunit hindi siya nagpasindak sa mga ito. Agad niyang hinanap ang pinuno ng lugar na pinaunlakan naman ang kanyang kahilingan.
"Ano ang nais mo, bata?" tanong nito.
"Narinig kong may sirena sa lugar niyo. Gusto ko siyang makita," saad niya na may awtoridad ang boses. Napataas ang kilay nito sa kanyang asal. He does not care. Nasasakupan niya ang bihag ng mga ito. At ngayon pa lang ay gusto na niyang sugurin ang matanda. Ito ang traydor na kasintahan ng sirena.
"Bata, masyado ka yatang nagpapaniwala sa mga kwento," natatawa ito ngunit hindi siya. Sumeryoso rin ito kapagkuwan at tumikhim. "Magkano naman ang ibibigay mo?"
That's it. Mukhang pera ang matandang ito. Kahit nanggagalaiti na siyang pilipitin ang leeg nitong matanda ay may prinsipyo siya. Hindi niya hahayaang masira iyon dahil sa isang matandang hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras. Ngunit kailangan niyang tiisin ang makaharap ito ng ilang minuto upang maabutan niyang ligtas ang sirena.
"One hundred thousand," saad niya at ibinaba sa lamesa ang pouch na naglalaman ng ganoon kalaking halaga. Kukunin na sana nito ngunit hinawakan niya ang kamay nito. "In one condition..."
"Dapat doblehin mo ang..." ngumisi siya at naglagay ng isa pang pouch dahilan upang lumaki ang mga mata nito.
"Pakawalan mo na siya."
Tumawa ito, "Nagkakamali ka bata. Hindi basta-basta ipinamimigay ang kayamanan namin."
He gritted his teeth. Hindi niya inaasahan na ganito katuso ang matandang ito. Hindi siya nagdala ng extra money. Pero may dala siyang baril na nakasukbit sa kanyang belt at kinapa niya ito upang makasiguradong naroon pa ito. "Dalhin mo ako sa kanya."
Tumango ito sa kanyang likuran. Hindi niya alam na may mga nagbabantay pala sa kanyang likuran. "Sumunod ka sa amin," nagpatiunang naglakad ang tatlong kalalakihan sa masukal na gubat. Maraming tuyong kahoy sa daanan at hindi nawawalisan ang mga dahon ngunit may bakas ng daanan kaya iyon ang sinundan nila hanggang sa makarating sila sa kinakalawang na gate.
Vines crept over the iron bars and he could not see what is inside. Tumigil ang isa sa mga alalay ng pinuno at binuksan ang nakakandadong kulungan, "Pasok na."
Nag-alanganin pa siyang lumapit kung hindi lang sa mahinang tinig na narinig mula sa loob ng kulungan. "Sino yan?"
Lumapit na siya at dumukwang papasok. "May tatlong oras ka. Susunduin ka namin pag lumipas na ang tatlong oras. May orasan ka?"
Tumango siya. 11:45 na sa kanyang relo. "Babalik kami mamaya," saad ng lalaki bago sumunod sa kasama. Pagkatapak niya sa loob ay isinara ang gate ng tusong nagbukas ng kandado. "Mahirap na baka makatakas."
"Wala ka nang mapapakinabangan sa akin, iho," anas ng boses matanda. Hindi na siya nag-inarte at lumuhod upang hagilapin ito sa masukal na kulungan. Hindi man lang nagawang linisan at napakaraming baging na nakalambitin.
May basang parte ng lupa at sementado ito. May kumumpas na buntot at kulay itim na namumuti na ang nasa gitna nito. Sinundan niya ang katawan nito pataas at nakita ang isang kulubot na mukha tanda ng pagpapahirap hindi ng katandaan. Putting-puti na rin ang buhok nito at nakagapos ang mga kamay nito.
Mahahabang kadena ang nakabalot sa mga braso nito upang makagalaw ito sa loob ng kulungan ngunit mas pinili yata nitong manatili sa kinauupuan. Hindi niya ito magawang batiin dahil walang maganda sa babatiin niya. "N-Nandito ako upang tulungan kang makatakas."
"Hindi ko na hinahangad ang makatakas pa. Ilang beses ko nang binalak ngunit nabigo lang ako," isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi nito na ultimo pagbanat ay hindi na magawa.
"Kung ganoon, hayaan mo akong gawin ang nais ko."
"Hindi na kailangan. Malapit na ang oras ko," saad nito kaya napatingin siya sa buntot nito. Nawawala na ang kinang ng gitnang bahagi tanda na humihina ang buhay na mayroon ito. "Ang nais ko lang ngayon ay malaman kung bakit ka naparito. Masaya na akong may nais mag-magandang loob na tulungan ako."
Natahimik siya. Napaka-kaswal nitong magsalita samantalang dinudurog ang kanyang puso sa estado nito. Hindi siya nakaimik kaagad at suminghot muna nang maramdaman ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. He has to be brave as a prince.
"Kagaya mo noon, isa akong sugo ngayon..."
"Bakit ka naparito gayong hindi naman pagsagip sa mga kalahi mong nasa lupa ang layunin?"
"Hindi ko lubos maisip ang hirap na dinanas mo sa loob ng seldang ito. Hindi ko alam na ganito pala kabigat sa pakiramdam ang makitang nahihirapan ang mga nasasakupan. Hindi man parte ng layunin ngunit nais kong gawin dahil iyon ang nararapat. Hinusgahan ng lahat sa ilalim ng karagatan na ang mga hindi bumalik na sugo ay mas ninanais na manatili sa lupa. Hindi ko alam...hindi ko alam na may ganito palang pagkakataon...na...na," napaluhod na siya.
Napanganga ito sa kanyang ginawa. "Ano bang ibig mong sabihin iho?"
"Ako si Aqueia, prinsipeng mula sa kaharian ng Diamond. Ang ibig kong sabihin ay patawad. Humihingi ako ng tawad sa ngalan ng aking katungkulan."
"Kamahalan..."
"Wag niyo akong tawagin sa titulong iyan. Nahihiya akong harapin kayo gayong nakita ko ang kalagayan niyo."
"Wag kayong magsalita ng ganyan kamahalan. Wala kayong kinalaman sa pagkakabilanggo ko. At kagaya niyo ay nahihiya rin akong harapin kayo dahil sa kapalpakan ko. Hindi ako nakapablik dala ang magandang balita. Kinailangan niyo pang maging sugo."
"Itatakas kita," buo na ang loob niya ngunit ngumiti lang ito.
"Kamahalan, nanaisin ko pang mamatay na lang kaysa makita kayong mapahamak. Kung ikaw na ang anak ng yumaong haring Eldemer at ng reynang Deiamante, nalulugod akong pagsilbihan kayo hanggang sa huling hininga ko."
"Pero..."
"Kwentuhan mo na lang ako ng mga lugar na napuntahan mo. Sapat na siguro ang tatlong oras upang muli kong maranasan ang mundong dati kong ginagalawan."
Napapikit siya habang nakaluhod pa rin.
*****
Mabigat ang loob ni Aqueia nang hilain na siya palabas ng kulungan. Wala man lang siyang nagawa upang makita nito ang mundo sa labas ng kulungan.
Huling hiling nito ay magkaroon ng mga paa upang malaman muli ang pakiramdam ng pagkakaroon ng mga paa na dati na nitong kinagiliwan. Hindi niya ipinagkait ang pagkakataon at tinanggal ang takip ng drain ng mababaw na sementong hugis bathtub.
Pagkatapak na pagkatapak niya sa tapat ng kanyang kotse ay pinalibutan siya ng mga mamamayan. Narinig niya ang pagkalabit ng gatilyo sa likuran niya. Dumikit ang nguso ng baril sa kanyang ulo kaya tumigil siya at itinaas ang mga kamay.
"Bakit mo siya pinatay?" tanong ng matandang pinuno ng lugar.
"Hindi mo ba alam na mahina na ang katawan niya para manatili sa lugar na iyon?"
"Wala akong pakialam! Bakit mo siya pinatay?!"
Humarap siya rito at tutok na tutok sa kanyang noo ang baril nito. He stood firmly and high on his ground. Mas matangkad siya kaya nakataas ang kamay nito habang nakikipagtitigan sa kanya. Hindi siya natatakot. Wala siyang nararamdaman sa mga oras na iyon kundi kawalan.
There was a roaring sound above them and the people panicked. "Sumuko na kayo! Pulis kami!"
Sa isang iglap lang ay napalibutan na sila ng mga unipormadong pulis na handa sa bakbakan. Isa-isang nagtaasan ng mga kamay ang pinuno at mga kampon nito at iba pang kalalakihan na may kinalaman sa trabaho ng mga ito.
Naka-bullet proof ang mga kaibigan na lumapit sa kanya at inilayo na siya sa mga tao. Si James ang nag-take over sa kanyang kotse at siya ay isinakay sa chopper na gamit ng mga ito kanina.
*****
Tadtad sa trabaho si Aqueia. Hindi bilang CEO kundi bilang isang imbestigador. He is using his resources to locate other mermaids who are captured. The old mermaid told him where to find them but it is hard now that everything has changed from their time and this time.
"Kung pahihirapan mo ang sarili mo, hindi matutuwa ang mga sirenang sasagipin natin. Hindi nila maaatim na nagpapakamatay ang prinsipe ng karagatan para sagipin sila."
That hit him.
"Karien!" napatayo siya mula sa pagkakatutok sa computer screen. "Tama ka..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro