CHAPTER 14-(THE ISLAND AGAIN)
A/N: i'm writing freestyle. criticize me for my improvement. thank you.
*****
A very loud screeching sound hit the highway at lahat sila ay napatigil sa paghinga nang mga oras na iyon. Suportado nila Karien at Alca si Aqueia sa backseat. Si James naman ang driver na sobrang nanginginig matapos ang muntikang pagbangga ng rumaragasang truck sa kanilang sasakyan. There is a yellow line yet the truck driver tried to take the whole highway na muntikan na nilang ikinamatay kung hindi lang mabilis sa pagkabig ng manibela si James.
Matagal itong natulala sa driver's seat bago nagsalita, "Karien, patawarin ako ng kamahalan. Hindi ko--"
"There's no point in blaming each other," komento ng prinsipe na pinilit magsalita kahit nagde-deliryo na ito. The fever is not coming down and the highway seems too long to reach their destination.
"Just hang in there, your highness. We will bring you back to the sea," komento ni Aspen at tumango kay James.
"You heard the prince," saad niya kaya naman lumunok si James kahit nag-aatubiling muling paandarin ang makina ng sasakyan.
"Para sa kaharian at ikabubuti ng marami, ligtas kayong makakarating sa dagat, kamahalan," sinserong saad nito. "Saan na nga ulit ang tungo natin?"
"Sa islang aming nabanggit, kaibigan," sagot niya kaya nagkaroon ito ng panibagong lakas at nagmaneho.
Alas singko y media na nang makarating sila sa bukana ng isla at wala pang mga sasakyan kaya agad silang na-check at mabilis silang nakapasok hanggang sa parking area.
*****
"Andreas is so head over heels for you," masayang saad ni Gellaine habang nag-aayos sila ni Sheleen ng bed sheets.
"I don't think he is," she blushed as she caressed the mattress. Ilang beses na siyang muntikang halikan nito. Una noong nasa terrace sila at pinapanood ang magandang view ng dagat nang madulas siya at mahila ang kwelyo nito kaya napaibabaw ito sa kanya. The second time was when she was having colds but thanks to her sneezing, she was able to push him away at iwan itong nag-iisa sa hallway. The third was just yesterday.
It was a perfect moment for couples dahil sa napakagandang sunset view. Mainam din ang white sand na pinatungan ng picic mat at doon sila nakaupo. Their faces were so close she can still remember his hot breath on her skin. Kung hindi lang dumating si Gellaine baka wala na siyang mukhang maiharap pa sa binata.
"You don't know my brother. Kahit minsan hindi ko pa siya narinig magkwento tungkol sa mga babaeng naging fling niya."
"Fling? Hindi girlfriend?"
"Yes, they were just flings. At wala siyang pakialam sa mga ito kung may kasama nang lalaki sa susunod na minuto. Unlike when you are around. Naku, kung nakikita mo lang kung gaano siya kahandang pumatay..."
"Did I just hear something about me?" a deadly but calm voice entered the room. Pareho silang nabato sa kinatatayuan.
"Kuya, andiyan ka na pala," patay-malisyang komento ni Gellaine. Sa tagal na nilang magkasama ay nakabisado na niya ang magkapatid. Laging nagbabangayan ang mga ito ngunit alam niyang sa loob ng dalawa ay concerned din lang ang mga ito sa isa't isa. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit tila wala na itong binabanggit sa nobyo nitong sireno. Tinawanan pa siya nang minsan niyang banggitin ang tungkol sa nobyo nito.
"That's not the answer to my question, is it?"
She smiled kahit kabado siya. Mabilis na mabilis ang tibok ng kanyang puso lalo pa nang magtama ang kanilang mga mata. "Mali ang narinig mo."
He arched an eyebrow and eyed her from head to toe. Lumipat ang tingin nito sa kapatid. "Gellaine, Sheleen heto na ang..." Ellerine froze when he turned to the open door of his room. Snacks and drinks ang dala nito mula sa resto at silang dalawa ni Gellaine ang pasimuno na may all girls' out sa kwarto ni Andreas dahil wala ito buong linggo according to his schedule. Pero sa kasamaang-palad ay narito ito ngayon at bistado sila sa binabalak.
"I didn't know my room is converted into a cafeteria."
Humalukipkip si Ellerine. Ito lang ang pinakamalakas ang loob na sagut-sagutin si Andreas. She's so straight-laced and she fights him head on. Minsan ay napapansin niyang napapaismid na lang si Andreas na sumusuko tuwing magsisimula ito ng debate. He gets defeated in his own match. She salutes Ellerine for that. "I get it," he sighed silently giving up the fight. "Since I'm going on a business trip and I just forgot to bring my passport so I'm here and saw everything...treat it as me giving permission for you to mess my room while I'm not around."
"Oh, we will. If you just hurry to get what you forgot," napansin niya ang lihim at kakaibang ngiting ipinukol ni Ellerine sa binata na nakapagpakunot-noo rito.
"Oh..." he gripped his handbag at bumaling sa kanya. Malapit siya sa drawer at umabante ito kaya napaatras siya at napasandal sa drawer. Tumingala siya rito na sobrang seryoso kung makatitig ngunit distracted itong nilingon ang mag-best friend na nagsisikuhan. "Excuse me," he said and she moved away as he pulled the drawer to get his passport.
*****
Alvin was right. It was the aftereffect of a broken merman's heart. Nawalan ng alaala ang lahat ng nakakakilala sa mga sireno. Sayang at hindi man lang niya nakilala nang personal ang mga ito. He was deep in thoughts after putting the food on the platter.
"Ah, chef, ayos lang po kayo?"
Napatingala siya sa waiter. Kunot-noo niya itong tinitigan at na-realize na mahigpit pala ang pagkakahawak niya sa plato kaya hindi nito makuha ang order. "Ah sorry. Ayos lang ako."
"Dalawang spicy salmon, sir," the new waitress ran and placed the order in front of him. Mag-iisang linggo na mula nang i-hire ito ni Ellerine at siya ang palagi nitong pinagti-trip-an. Lagi itong dumidikit sa kanya at inaangkin siya bilang boyfriend. At ang mas nakakaasar pa ay ipinagtutulakan siya sa babae ng mga kasama sa kusina. Bagay na mas nakapagbigay ng confidence na ipagpatuloy nito ang pamemeste sa nanahimik niyang buhay.
"Sasha, lubayan mo muna si Chef. Baka pagalitan siya ng customer pag pumalpak ang luto niya kakaisip sa 'yo," biro ng ginang na sous chef.
"Tita Shara naman, sinisira mo ang pagpapa-cute ko," pasimpleng ismid nito na hindi naman talaga nagtatampo. Akmang aalis na ito sa harapan niya ngunit tila nagdalawang-isip at muling lumingon. She grinned and caught him off-guard lalo na nang halikan nito ang dalawang daliri at itapal sa kanyang labi, "Akin ka lang, Chef."
The kitchen staff cheered for him kaya natauhan siya ngunit nakatakbo na ang babae palabas at alam nitong hindi siya hahabol dahil sa trabaho sa kusina. I will have a word with you later pag bumalik ka. He grinned and shook his head. "Get back to work! Marami tayong customers ngayon kaya hindi kinakailangan sa kusina ang babagal-bagal!"
"Yes sir!" they chorused and went to work as usual. Pero hindi na kagaya ng dati ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya kahit tahimik at walang bumabanggit tungkol sa nangyari kanina ay lihim siyang pinag-uusapan ng mga ito.
Maya't maya ay may sumisipol kaya napapatingin siya sa glass door ngunit likod na ni Sasha ang nakikita niya. Ibang waiter ang pumapasok upang ilagay ang order sa counter. She is quite clever. But the day does not end after work.
Busy siya ngunit naging matalas ang pandinig niya sa paligid. Napapalingon siya tuwing may tumitikhim o bumubungisngis. Napapahiya tuloy siya sa mga ito dahil sa pag-aakalang siya ang pinagkakatuwaan. Ano ba itong napasok niya?
"Sana nag-quit na lang ako," bulong niya sa sarili habang iginigisa ang sibuyas.
*****
Naglalakad na si Ellerine pabalik sa restaurant nang may makasalubong na kalalakihan. Kakaiba ang angas ng mga ito na pawang mga artista at model na basketball players.
She stopped on her tracks to see the face of the man in the center front. He stopped for a moment and looked at her without any emotion and it pained her. Para siyang sinampal sa mukha nang lagpasan siya ng mga ito. Ang hindi niya alam ay nakasunod sa kanya ang tingin ng nasa kanan nito.
Bakit?
Hindi niya namalayan na napadpad na pala siya sa pinakadulong bahagi ng isla imbes na sa penthouse magtungo. Tanaw niya ang papalubog na araw kasabay ng kanyang naninikip na dibdib. Napaluhod na lang siyang humagulgol ng iyak.
*****
Mabisa nga ang tubig-dagat upang magamot ang kahit anong sakit na nakuha ng sirena o sireno mula sa ibabaw ng lupa. Pinagtulungan nilang dalhin sa dagat ang prinsipe kahit pumapalag ito at ayaw matampisaw sa tubig.
They succeeded and it turns out they all became mermen. Ang nakakagulat pa ay kulay-dyamante ang mga nasa gitna ng bunto ng tatlo. "Diamond mermen kayo!" bulalas ni Karien habang mahigpit pa ring nakahawak sa nanlalatang prinsipe.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alca na ikinukumpas ang buntot sa ibabaw ng tubig. Naiignora sa pagkakaroon ng buntot.
"May tatlong kaharian sa ilalalim ng karagatan. Ang Knights, Atlantique, at Diamond. Itim ang nasa gitna ng buntot ng mga taga-Atlantique kung saan ang namumuno rito ay ang haring Maximo at nag-iisang anak nitong si Prinsesa Sheleen. Pula naman ang sa Knights na pinamumunuan ng Haring Corales. Asul ang sa Diamond na hango sa kulay ng isang dyamante ang pangalan ng ating kaharian. At sa tatlong kaharian ay Diamond ang pinakamataas. Ang pinakapinuno ng karagatan ay ang Inang Reyna. Ang Reyna Deiamante, na ina ni Prinsipe Aqueia."
"Ikinagagalak naming paglingkuran ka, kamahalan," humawak ang mga ito sa dibdib at yumuko. Ngayon ay nakabawi na ng lakas ang prinsipe at nakaya na nitong mapag-isa sa tubig nang walang alalay niya.
"Karien," madilim na madilim ang anyo nito kahit nagsisimula nang sumikat ang araw, "sabihin mo, may nagawa ba akong labag sa aking katungkulan bilang prinsipe?"
Natahimik siya. Kabisado niya halos lahat ng batas at kaukulang parusa sa paglabag ngunit wala siyang matandaang lumabag ito. Alam nitong wala itong nalabag ngunit marahil itinuturing nitong paglabag ang muntikan niyang pagkakaroon ng affair sa babae sa elevator.
"Wala kamahalan."
Magahapon silang nakatambay malapit sa batuhan habang enjoy ng tatlo ang paglalangoy pabalik-balik sa malalim na parte ng dagat. Palibhasa ay ngayon lang makakaranas ng tubig-dagat at ngayon lang din magkakabuntot.
"We should forget them," komento ng prinsipe at natahimik siya. Forgetting Gellaine for the mean time he can take. But to stop loving her is unsure. Tahimik na lang silang nanood sa tatlo hanggang magsawa ang mga ito at nagpatiuna na nang sumampa sa lupa.
Nalibot na nila lahat ng hotel except near Sea-Reyna. Nag-book siya ng kwarto na pang-barkada. And it is coincidental dahil ito lang ang may bakanteng room sa lahat ng inns at hotels na nakapalibot sa isla. Occupied at reserved ang iba. At ibang kwarto naman ay pang-isahan o pang-dalawahan. Hindi naman maaaring magkakahiwalay sila dahil mahirap na kapag may nangyaring aksidente at nadiskubre ang kanilang katauhan.
Mas mahirap na para sa kanila ang sitwasyon ngayon dahil wala nang maalala ang mga babaeng pinagkakatiwalaan nila. Mga estranghero na lang sila at baka sa pagkakataong muli silang makita ng mga ito sa anyong-sireno ay baka ipagtabuyan sila.
"Mamasyal muna tayo," pag-aaya ng prinsipe kaya nagtanguan sila na lingid sa kaalaman nito ay napag-usapan na nilang bantayan ito hangga't hindi sila nakakasigurong wala nang epekto ang nangyari kaninang madaling araw.
Habang nag-uusap sila at naglalakad sa pampang ay hindi nakaiwas sa kanyang paningin ang babaeng minsan na niyang nakasagutan dahil sa kanyang pagiging hostile sa mga tao. "Kamahalan," he stiffened as the prince stopped tracks right in front of the woman he loves.
Tila estatwa itong nakipagtitigan kay Ellerine na akmang magsasalita sana ngunit nilagpasan lang ng prinsipe. He was shocked at the reaction. Sumunod na lang sila rito at naaawa siyang nilingon si Ellerine, hoping na maayos lang din si Gellaine na gaya nito ay hindi sila maalala.
"There's no point in lingering in the past," tumigil ito kaya natigil din sila. A tear escaped his eyes which he was able to hide when it started drizzling. "James, Aspen, I want to have the papers immediately."
Tinutukoy nito ay ang paggawa ng mga ito ng identification nila bilang tao. At ayon sa dalawa ay kailangan ito upang mas makalapit sila sa mga nanunungkulan sa lupa.
Sa hotel room ay isinulat ng prinsipe ang mga ginamit na impormasyon sa paggawa ng sarili nitong bank account. Mas mapapadali ang trabaho ng dalawa dahil kompleto na pala ito ng papeles at maging siya ay may sarili na ring bank account na pinagawa nito noong kasagsagan ng pagtakas nito mula sa karagatan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro