
CHAPTER 13-(ALMOST TROUBLE)
A/N: hang on guys. there's more. tell me if i'm boring and i'll reflect on it. nangangalahati na tayo.
*****
Isang linggo na silang nananatili sa Baguio at hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwaksi sa isipan ni Aqueia ang mga huling pag-uusap nila ni Ellerine. Normal lang silang kumilos ni Karien ngunit pareho silang kulang ang pagkatao.
Salamat sa tulong ni Aspen na siyang naging guide nila sa Baguio. Isa itong binata na may lahing sireno at tao. Hindi pa nito naranasang maging isang sireno ngunit nasa puso nito ang pagiging sireno.
"Kung gusto mo, mamasyal tayo minsan sa tabing-dagat at tuturuan ka naming lumangoy nang makita mo naman ang kahariang pinagmulan ng iyong ina."
"Salamat kamahalan," anito at itinapat ang kamao sa kaliwang dibdib.
Tumango siya at nagsimulang maglakad kaya sumunod ang dalawa. May limampung metro pa siguro pababa ay malinaw na sa paningin niya kung sino ang babaeng makakasalubong. It was the girl who tried to make him her bodyguard. Avril. That's her.
"Ganun ba ka-complicated ang mga sireno?" manghang tanong ni Aspen na ikinalingon niya sa mga kasama.
"Oo, at ngayon ay delikado para sa isang sirena o sireno ang makahalubilo ang kasalungat na kasarian."
"Bakit naman?"
"Oras na mahalikan ang nagdadalamhating sireno o sirena ay malalagay ito sa kapahamakan. Maaaring mawala ang alaala nito o di kaya ay maipalit ang imahe ng nanghalik sa imahe ng inibig nito."
Nakahalukipkip siya nang lagpasan sila ni Avril. It seems nabura ang alaala nito sa kanya. Marahil lahat ng nakasalamuha niya ay nawalan na rin ng alaala tungkol sa kanya. He just hopes Ellerine has forgotten him nang hindi na siya nag-aalala pa rito. Mas madali sigurong mag-move on para sa kanya kapag iisipin niyang nakahanap na ito ng iba.
Even if Avril did not recognize him as Ellerine's guest in the island before, she still showed sign of liking to him. Pasimple siyang nagkalkal sa bulsa at yumuko upang putulin ang eye contact.
*****
Sa loob ng isang bar ay na-meet nila ang isa pang kaibigan ni Aspen na isa ring sireno. Pureblood merman ito ngunit kagaya ni Aspen ay hindi pa nakaranas maging sireno. "Kamahalan, ano po bang maipaglilingkod ng iyong mababang lingkod?" inihatid sila nito sa isang private room ng bar.
"Ang nais ko lang ay tulong mula sa mga tao. You have more experience in the human world than I do. Alam kong marami na rin kayong koneksiyon sa mga nasa katungkulan. Matutulungan niyo ba ako sa aking adhikain?"
"James, tinatanong ka ng prinsipe," siniko ito ni Aspen dahil natulala ito sa kanya.
Napabungisngis siya. Marahil gulat ito sa paraan ng kanyang pananalita. If there is something he learned from Ellerine, one of it is his way of speaking. "Pardon me. Ang ibig kong sabihin ay kung maaari mo akong matulungan sa paglapit sa mayor o gobernador?"
"Ah, oo naman po kamahalan."
Palubog na ang araw nang matapos sila sa discussion ng mga dapat gawin at mga kailangan sa paghingi ng tulong upang matigil ang polusyon. "Bakit hindi kayo manatili para naman mabigyan ko kayo ng naaayong pagbati."
"Hindi na kailangan. Pagod na ang prinsipe at kailangan na niyang magpahinga dahil ilang gabi na rin siyang walang maayos na tulog--"
Tumayo siya at humawak sa balikat ng kaibigan kaya natigilan ito. "Tatanggapin ko ang inyong pagbati."
Isang masayang ngiti ang sumilay sa mga labi ni James na kanina pa tensiyonado lalo na at masyadong maraming tanong si Karien. "Kung ganon, maghahanda na ako ng mga inumin at makakain, kamahalan!"
Napuno ng pagkain ang lamesa. Iba-ibang putahe ang naihain bago nagsimula ang kasiyahan. Sa tagal ng kanialng pananatili sa ibabaw ng lupa ay alam na ni Karien ang basic gestures upang paunlakan ang mga nag-imbita. Hindi na ito masyadong metikuloso dahil nasanay na.
Hindi ito nakikinig kay Ellerine noon ngunit nang si Aspen ang nagpaliwanag ng lahat ay hindi niya akalain na naisaulo pala nito ang mga sinabi ng dalaga.
Mansanas ang una niyang pinulot. Ito ang paborito niyang kainin lalo na kapag nakahain. Saglit na nawala si James dahil pinuntahan muna nito ang staff at pinagbilinan bago bumalik sa kanilang room.
Matapos kumain ay nagsimula na ring magpahanda ng mga inumin si James. Kahit kailan ay hindi pa sila nakaranas uminom ng alak na laging inahahain sa mga bisita lalo na kapag formal gatherings. Naningkit ang mga mata ni Karien at hinawakan ang kanyang kamay nang akmang kukuha siya ng wine glass.
"Wag kang mag-alala Karien. Subok na namin ang mga alak. At hindi kami nalalasing," Aspen said with assurance.
"Ngunit ayon sa mga napanood ko ay nawawala sa katinuan ang sinumang uminom ng alak. Ito pa ang dahilan ng kanilang kasiraan."
"Marahil nga ganoon iyon ngunit para sa ikatatahimik mo ay ikaw muna ang tumikhim bago ang kamahalan," saad ni James at nilagyan ang lahat ng wine glass. Nakakaakit ang kulay ng red wine habang isinasalin ito sa bawat glass.
Kanya-kanya silang kuha ng glasses. "Cheers," itinaas niya ang wine glass at tumango kay Karien hudyat na may permiso na siya sa pag-inom nito. At gaya ng sinabi ng dalawa ay wala nga itong bisa kay Karien kaya naman gumawa pa ng ibang liquor mixes si James na unang ipinatikim kay Karien.
Parang tubig lang ang alak sa paraan ng paglagok nito kaya ito na mismo ang nag-abot sa kanya ng baso. "Subukan niyo kamahalan. Masarap pala ang alak."
He smiled and crossed his legs while his left arm laid on the armrest. Kinuha niya ang baso at lumagok nang hindi man lang inaamoy kung magugustuhan o hindi. He tossed the liquor into his mouth in one go at bigla niya itong naibuga.
"Kamahalan!" they chorused after seeing his mess. Natameme lang si Aspen. At kung labis na takot ang rumehistro sa mukha ni James ay mas malala ang reaksiyon ni Karien.
Agad itong lumuhod at binasag ang pinakamalapit na boteng nahablot mula sa lamesa at iniaabot sa kanya, "Tatanggapin ko anumang parusa!"
"Maawa po kayo sa amin!" takot na takot na sumunod sa pagluhod ang dalawa at hindi sinasadyang maumpog ang ulo nila sa isa't isa. Nagtataka man ay ibinaba niya ang wineglass at kinuha ang basag na bote mula sa kamay ni Karien.
"Ano naman ang gagawin ko rito?" he caressed the sharp edges and it cut his skin.
"Parusahan niyo po kami kamahalan!" sabay na saad ng dalawa na ngayon ay nanginginig pa rin. Tahimik lang na nakayuko si Karien.
*****
Walang mukhang maipakita si Karien dahil sa kapalpakan. Oo nga at walang epekto ang alak sa kanya ngunit hindi niya naisip na baka mas sensitibo ang prinsipe pagdating sa mga pagkain na mula sa ibabaw ng lupa.
Kahit minsan ay hindi niya nakitang nagluwa ng pagkain ang prinsipe maliban na lang kung ayaw nito at ipinilit. Ngunit kakaiba ngayon dahil siya pa ang tila nag-udyok na uminom ito. Karapat-dapat lang sa kanya ang kaparusahan at handa siya kung iwasiwas man ng prinsipe ang basag na bote sa kanyang mukha.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nagulat dahil pinupunasan nito ang daliring nasugat. Hindi man lang ito magalit kaya siya ang naaasar para rito. Masyado itong mapagbigay at mabait ngunit kapag batas ay batas.
"May batas bang nagsasaad na dapat maparusahan ang nagbigay ng alak sa kanyang prinsipe? Kung ganon, tanggapin niyo ang aking parusa," saad nito at muling kinuha ang wineglass nito saka pinalitan ang basag na bote ng panibagong bote na punong-puno pa ng champagne.
Nilagok nito ang red wine at nagsalin ng champagne habang hindi sila kumikibo at pinapanood lang ito. Hindi pa nito ibinababa ang parusa kaya wala silang karapatang kumilos. "Iba-iba pala ang lasa ng alak," saad nito at nilagok ang isinaling champagne. "Manatili kayong manood habang inuubos ko ang mga alak sa lamesa."
Parusa bang matatawag iyon? Nagtinginan silang tatlo dahil pareho sila ng takbo ng isip. Sarili nito ang parurusahan nito kapag nangyaring nalasing. "Kami po ang parusahan niyo kamahalan, wag ang sarili niyo," awat ni Aspen ngunit hindi rin nagtuloy tumayo nang bigyan siya ni Aqueia ng natalim na titig.
Biglang bumukas ang pinto at isang nakangiting babae na ubod ng tingkad ang mga kolorete sa mukha. Pati pananamit nito ay nakakatawag ng pansin dahil sa makintab na pula at kita pa ang pusod at mga balikat nito. "Hindi niyo man lang ba na-gets ang ibig sabihin ng prinsipe?" kumindat ito sa prinsipe at inagaw ang hawak nitong bote ng champagne.
Ngumisi lang si Aqueia kaya nagtaka siya. "Ano po bang ibig mong sabihin kamahalan?"
Ang babae na ang muling nagsalita at sumagot sa kanyang tanong, "Ang tanging ibig niyang sabihin ay walang dapat parusahan dahil friendly dinner at formal welcome party ang nangyayari. Meaning, walang dapat matakot sa mga pagkakamali. Tama po ba kamahalan?"
"Hindi nalalayo ang ibig ko. Tumayo na kayo at ituloy natin ang inuman. Ano bang pangalan mo?"
Humugot ito ng tissue at binura ang lipstick. Yumuko ito at tinanggal ang nakapatong na buhok kaya laglag ang kanyang panga nang isang batang lalake ang nasilayan. "Ako po si Alca. Matagal na po naming hinihintay ang inyong pagdating."
"Alca, anong ginagawa mo rito?" asik ni James. "Ano yang suot mo?"
The boy just shrugged, "Bawal underage kaya nagsuot ako ng pambabae. At saka kuya, masyado kayong tago kaya nagmimistulang criminal meeting ang nagaganap."
The fun continued. Minsan hindi niya maintindihan ang prinsipe. Kahit sabihin pang alam na niya ang likaw ng bituka nito ay may mga personalidad pala itong hindi pa niya nasisilayan. Dahil iba ang makasama ito sa araw-araw bilang kaibigan at the same time prinsipe. Mas pormal sila sa ilalim ng karagatan at sa aklatan lang sila nakakapag-usap nang malaya ngunit sa limitadong oras.
Napangiti siya at lumagok nang makitang masaya ito.
*****
Inaantok si Aqueia at parang naduduling habang nagkakatuwaan sila. At kahit na hindi nakakalasing sa mga sireno at sirena ang alak ay hindi nila pinayagang uminom si Alca. Magpupumilit pa sana ito sa kapatid ngunit siya na ang nagbaba ng utos na wag itong uminom. Underage pa ito ng dalawang taon.
Malalim na ang gabi nang matapos sila at lumabas na ng bar. Ihahatid sila ng magkapatid. Si Karien ay nakaantabay lang sa kanyang tabi habang naglalakad sila. Nang makarating sila sa hotel unit ay agad siyang dumapa sa kama.
Nakusot niya ang mattress at nakita si Karien na pumunta sa kusina. Bumaligtad siya ng pagkakahiga at ipinatong ang braso mukha upang matakpan ang mga mata. Mainit ang kanyang pakiramdam at hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa gilid ng kanyang mata.
Nagising na lang bigla si Aqueia. Ini-on niya ang ilaw. Alas dos pa lang ng madaling araw ngunit gising na gising na ang kanyang diwa. Tumayo siya at nakita ang nahihimbing na si Karien.
Mainit pa rin ang pakiramdam niya kaya hinila niya ang suot na shirt at ipinaypay sa sarili. Malamig na sa Baguio at nakabukas pa ang aircon ngunit hindi niya maintindihan ang kakaibang nararamdaman. Nagpasya siyang lumabas at napadpad sa coffee vendo ng convenience store malapit sa hotel.
Nakatitig lang siya rito dahil hindi niya alam kung paano gumana. Si Karien ang nakakaalam dahil ito ang nagpaturo kay Aspen. "Gusto mong magkape?" a familiar voice spoke from behind him.
Parang may pumitik sa kanyang sentido at bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nilingon niya ang babae at hindi siya nagkamali. Avril is standing behind him with an alluring smile painted on her red lips. She matched her face with a figure-hugging cocktail red tube-dress.
Habang nakatitig siya sa mukha nito ay tila nahahati ang kanyang paningin. Ang imahe ni Ellerine ay tila naglalaho at napapalitan ng ibang mukha. Umiikot ang kanyang paningin at hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae. Napasandal siya sa pader.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito at humawak sa kanyang balikat. When he turned to her, his lips almost touched hers and he felt like a bomb about to explode.
It's the end! He could not do anything.
Pumikit na lang siya hanggang mapaluhod. "Ellerine," he reached out his hand to the woman who is puzzled by his words.
"Anong tawag mo sa akin?"
"Ikaw...ikaw si Ellerine hindi ba?"
"Bakit mo naman ako pagkakamalang ang babaeng iyon?"
"Are you not? Then who is she? Hindi ba ikaw si Ellerine?"
*****
From the bar, Avril saw the guy she saw yesterday and she could not deny the fact that this guy is such a catch. He is rich judging by the way he can afford that hotel he just came from. Not to mention, hunk and handsome too.
Pero naiinis lang siya dahil tinawag siya nitong Ellerine. Duh! Ellerine is too plain and boring compared to her. But then it seems like this is her chance to get back. Makakaganti na rin siya sa pangpapahiya nito sa kanya sa isla.
Ang hindi niya lang alam ay kung anong dahilan at napahiya siya. It's in the back of her mind but she could not tell the reason why. Basta, matagal na siyang insecure sa college classmate.
"Oo ako si Ellerine. Pero tawagin mo na lang akong Aril."
"Aril?"
"Yes, endearment, honey."
The guy is so charming and handsome to let go. Hindi siya makapagpigil at inakay ang nanghihinang lalake. Matangkad ito at nangangamoy alak na hindi mabalanse ang sarili kaya nahirapan siyang umalalay. Sagabal din ang kanyang stiletto heels.
Sa parehong hotel din siya tumutuloy kaya doon siya nagtungo at padarag na pinapasok ito sa elevator. Minasahe niya ang balikat dahil sa bigat nito.
Mukhang lasing na lasing ito ngunit hindi naman pilipit ang dila kung magsalita. "Elle--"
"Shh!" she shut him up by putting a finger on his lips. Ngumisi naman ito at itinulak siya sa pader. Ikinulong siya nito sa pagitan ng pader at mga braso. She grinned. The guy is hers. Yumuko ito kaya pumikit siya at hinintay ang labi nito.
*****
Nagising si Karien sa pagbukas ng ilaw ngunit hindi siya gumalaw dahil sensitibo pa sa liwanag ang kanyang mga mata. Muli siyang pumikit ngunit napabalikwas nang maalala ang prinsipe.
Likod na lang nito ang kanyang nakita bago nagsara ang pinto. Napahawak siya sa ulo dahil sumakit ito kaya ilang minuto siyang naupo nang magising naman ang diwa. Naghilamos muna siya ng mukha at tinignan ang sarili sa salamin.
Tinakpan niya ng palad ang salamin, "Ano ba Karien! Stop thinking about her!"
Muli siyang naghilamos at naalala ang dahilan kung bakit pinilit niyang bumangon. Ang prinsipe! Kailangan niya itong mahanap nang hindi ito basta makatagpo ng babae. Nagmadali siyang nagsuot ng tsinelas kahit gulong-gulo pa ang buhok.
He needs to find him quick!
Tumakbo siya palabas at pinindot ang elevator. Ilang beses niya itong pinindot ngunit ayaw bumukas kaya lumipat siya sa kabila. Matagal din bago bumukas ang isa ngunit doon na siya naghintay.
The other elevator rang open and he took a simple glance. May lalakeng nakadukwang sa isang babae. Naningkit ang kanyang mga mata nang mapagsino ito saka lang natuon ang kanyang pansin sa lalake.
Si Aqueia! Ang prinsipe!
Agad siyang tumakbo bago pa siya masarhan at tinawag ito, "Ka-Aqueia!"
Nanlalambot itong bumaling sa kanya. "Sino ka?" tanong ng babae.
"Karien, si El...Aril..."
Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa inaasal ng prinsipe. Baka nahalikan na nito ang babae at gumana ang mala-gayumang epekto ng kabiguan sa pag-ibig. Pero base sa kalagayan ng prinsipe ay wala naman itong lipstick marks sa kahit anong parte ng mukha o leeg.
He was just in time. Thank goodness. Napabuga siya ng hangin at inilayo ito sa babae. "Halika na," pilit niya itong hinila palabas.
"Pero si...argh!" humawak ito sa ulo at napayakap sa kanya. Buong pwersa naman siyang umalalay rito. "Come on," and he darted a look at the woman in shock, "Stay away!"
Agad niyang tinawagan sina James at Aspen na sa ngayon ay marahil nakatulog pa ngunit nagbaka-sakali siyang may sasagot. Si Alca ang sumagot sa tawag at mabuti na lang kasama nito ang dalawa.
Kailangan niya ng tulong ng dalawa. Dapat madala ang prinsipe sa karagatan nang mahimasmasan ito. Tanging tubig-dagat ang pinakamabisang gamot sa mga sirena or sireno. Baka sakaling maibsan nito ang nararamdaman ng prinsipe. Hindi na rin kasi biro ang lagnat nito nang makapa niya ang noo nito. He is burning more than normal fever could be.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro