CHAPTER 12-(THE CRAZY DOCTOR)
A/N: sorry kung may discrepancies sa mga pangyayari but i try my best to connect them all at once. kindly notify me if magulo ang multiple point of view. sinusubukan ko kasing ipakita ang side ng bawat isa sa mga eksena.
*****
Matagal nang itinatag ni Doctor Liwnababa ang research center na kasalukuyang kinaroroonan. Marami na siyang isinakripisyo at naipundar para sa pananaliksik tungkol sa mga sirena. Nakaya na niyang isakripisyo ang pamilya at iwan ang mag-ina niya para lang sa research.
Isang makasariling eksperimento ang kanyang ginagawa at hindi iyon makukompleto hangga't walang kahit isang patak ng dugo ng buhay na sirena.
Dalawampu't pitong taon na siya sa laboratoryo at walang bisa ang dugo ng natagpuan nilang bangkay sa tabi ng dagat. Malakas ang kutob niya na hindi iyon tao dahil sa taglay nitong kakaibang marka sa balat.
Nais niyang makompleto ang eksperimento dahil nais niyang magkaroon ng access sa ilalim ng karagatan. Kapag nakompleto ang eksperimento, makakahinga siya sa ilalim ng dagat at maaaring mabuhay doon nang hindi umaahon at walang gamit na oxygen tank.
Nais niyang angkinin ang mga lamang-dagat upang iexport sa ibang bansa at magkaroon ng maraming pera. Pera ang dahilan kaya sumugal siya sa eksperimento na tinalikuran na ng marami at siya na lang ang natitirang lumalaban sa loob ng facility na kinalimutan na ng mga nakasamang doctor.
*****
Magkasamang lumalangoy sina Karien at Aquiea nang parehong makaramdam ng paninikip ng dibdib. Katatapos lang nilang magpaalam sa mga sinisinta at alam nila ang mangyayari. Hindi man sila naparusahan ngunit may maiiwang sugat sa kanilang mga puso. Hindi man literal na sugat ngunit sa kanilang mga sireno ay magkakaroon sila ng pilat sa dibdib tanda ng kabiguan sa pag-ibig. Bawat kabiguan ay panibagong marka.
Kapos sila sa hininga nang umahon sa pampang dahil sa parehong dinaramdam. "Mukhang tinamaan ka na nga ng pana ni Kupido," panunukso ng prinsipe kay Karien.
"Hindi ko maintindihan ang sinabi mo kamahalan."
Ngumiti ito. "Darating din pala ang panahon na makikita kitang umibig."
Nag-iwas siya ng tingin. Mga bata pa lamang kasi sila ay tila sakit ang turing niya sa mga babae. Hindi siya palakaibigan sa mga nakakalarong mga batang sirena. Lagi rin siyang inaasar noon na baka hindi na siya makapangasawa. Lagi rin niyang sagot na 'mas mabuti nang walang asawa at minamahal kaysa ang masaktan'. Naging saksi kasi siya sa kabiguan ng kanyang ama.
Sumama ang kanyang ina sa sirenong tumangay rito at hindi na nagpakita pa. At sigurado siyang nasa Antarctica ang mga ito kung saan nagkukubli ang mga exiles ng kaharian.
"Hindi ko rin inaasahan sa sarili ko na magmamahal ako. At sa isa pang babaeng mula sa lahing dati kong kinamuhian. Di ba't ikaw din kamahalan?"
Nilingon niya ito na ngayon ay nakatayo na at hawak ang dibdib na may pilat sa tabi ng tattoo nitong hugis-korona. Sa tutuusin ay maliit lang ang pilat. Kasinghugis ito ng hook ng dangling earrings na minsan na niyang narinig kay Gellaine ang tawag sa palamuting nasa tainga nito.
"Hindi ko rin inaasahan ang kabiguan. At ang masaklap ay sabay pa tayo," iniunat nito ang kamay at tinulungan siyang makatayo. Alam niya ang kalungkutang bumabalot sa puso nito dahil ramdam niya rin ang nararamdaman nito. Pareho silang bigo sa pag-ibig. At parehong mga tao ang kanilang inibig. Magkaibigan sila at magkaibigan din ang mga ito. Napakasaklap na kapalaran para sa isang prinsipe na hindi makuha ang gusto samantalang nasa kanya na ang lahat kung tutuusin.
Lahat ng magagandang sirena sa ilalim ng karagatan ay handang pumila upang pakasalan ito. Maging siya man ay isa rin sa choice ng mga ito. Ngunit ganoon pala talaga ang puso. Hindi ito matuturuan kung sino ang iibigin. Kusa na lang itong iibig nang hindi nagpapaalam. Kung alam niya lang na ganoon ang mangyayari ay pinangatawanan na lang sana niya ang hindi pakikisalamuha sa mga tao.
"Ano na ang balak mo ngayon kamahalan?"
Tumingin ito sa kalangitan na malapit nang magkulay asul. Isang napakahabang gabi ang lumipas para sa kanila. "Makikipagsapalaran tayo sa siyudad."
"Ang ibig niyong sabihin lalayo tayo rito sa isla? Saang siyudad ang tinutukoy niyo?"
"Sa lugar kung saan malayo sa karagatan. Sa bulubundukin tayo hihingi ng tulong. May mga nakausap na akong mga sirenong namuhay bilang tao at sila ang tutulong sa ating paninirahan doon."
"Saang kabundukan ba tayo pupunta?"
"Sa Benguet."
*****
Masakit ang ulo ni Gellaine nang magising. Bumangon siya at nagmuni-muni. Kakaiba ang umagang iyon. Tumayo siya at binuksan ang kurtina. Alas sais pa lang at payapang-payapa ang dagat habang nang-aakit naman ang sinag ng araw na nagsisimulang sumikat.
Kinapa niya ang kanyang sarili. Sa tingin niya ay may nagbago sa kanyang pagkatao ngunit hindi niya mawari kung saang aspeto. Hindi naman siya easy to get na babae kahit may pagka-liberated siyang manamit at mag-ayos. Sa tutuusin ay disente pa siya manamit. Hanggang half-thigh ang pinakamaiksing naisusuot niya. Hindi siya mahilig sa mga tank tops at hanggang sa sleeveless blouse lang ang abot ng kanyang sikmura.
Ilang araw na ang nakalipas at nagtataka siya sa bati ni Chef Alvin nang bumisita siya sa kusina. "Hello Chef Crush!"
He just smirked with a snide remark, "Hindi ka ba kakapit sa boyfriend mo?"
Natatawa siyang humalumbaba sa counter kung saan ipinatong nito ang platong paglalagyan ng niluluto nitong nakakapanlaway ang amoy. "Ano bang klaseng joke yan chef?"
Nagtataka itong tumingin sa kanya na tila may alam itong hindi niya alam. Kung tumagal pa sana ang titigan nila ay magtatanong na sana siya ngunit nagbawi ito ng tingin at itinuon sa niluluto ang mga mata.
*****
"Hindi kaya sireno talaga ang mga lalakeng iyon?"
"Anong sireno?" muntik pang mapaigtad sa gulat si Chef Alvin nang biglang sumulpot sa likuran niya ang magkaibigan.
Off nila ngayon dahil Sunday at kagagaling ng mga ito sa misa. Nasa porch siya at nagmumuni-muni na hindi man lang namalayan ang pagsulpot ng mga ito. Masyado na siguro siyang preoccupied sa mga iniisip.
Hindi siya nagpahalatang nagulat saka hinarap ang mga ito na may hawak ng box ng cake na maliit at tatlong platito at tinidor. "Anong sireno?" balik-tanong niya kay Ellerine.
"Wag ka ngang magkaila Mr. Chef. Narinig ka namin na kinakausap mo ang sarili mo!" pang-aakusa ni Gellaine.
Lumapit siya sa mga ito at kinuha ang dala nitong gamit saka inilapag sa pinakamalapit na table. Sumunod din si Ellerine at inilapag ang box sa parehong mesa. "Oo nga. Anong sireno ba?"
Marahil tama ang hinala niya kaya saglit siyang natigilan upang mag-isip ng palusot. Tumindig siya at humalukipkip, "Mali yata kayo ng pandinig mga kaibigan. Ang sabi ko hindi kaya may sira na talaga ang mga lalakeng iyon?"
"Sino naman ang tinutukoy mo?" nagtataka pa ring tanong ni Gellaine na pinagbigyan ang kanyang palusot.
Tumingin siya sa labas at nataon naman na may dalawang lalake na nagbabangayan. Kinutusan ng isa ang kasama nitong mataba at tila sinisisi ito sa isang kapalpakan. Tumango siya sa direksiyon ng mga ito kaya awtomatikong sinundan ng mga kaibigan ng tingin ang kanyang itinuro.
"Wag mo na silang pansinin para hindi ka nila gambalahin," bilin ni Gellaine.
"I'll heed your advise. Magtitimpla lang ako ng tsaa. O baka gusto niyo ng kape?"
"Latte!" sabay na saad ng mga ito at naiiling siyang nagtungo sa kusina. Ngunit hindi pa rin naaalis sa isipan ang kanyang konklusyon. Oobserbahan muna niya ang mga pangyayari lalo na at tila wala nang binabanggit ang dalawa tungkol sa mga nobyo. Hindi na rin niya nakikita sa vicinity ang nobyo ni Gellaine. Hindi pa niya nakikita ang mukha ng nobyo ni Ellerine ngunit alam niyang wala na rin ito.
He had a strong feeling that that night was a parting dahil umuwi si Ellerine na basang-basa. At hindi lang basta sumesegway sa paglakad. Napansin niya rin ang panaka-nakang paghawak nito sa dibdib na tila ba naninikip ito. Even Gellaine. Before she left the restaurant, she was so enthusiastic. Pero bumalik ito na kapareho ni Ellerine ang kalagayan. Ang malala ay umiiyak pa ito.
Mukhang wala sa dalawa ang nakakaalala sa mga pangyayari sa gabing iyon isang linggo na rin ang nakalipas. Muntik na niyang matapon ang nilalagay na gatas sa tasa kaya pinunasan niya iyon at inayos na ang tray na paglalagyan ng mga inumin. Baka naiinip na ang mga iyon.
He was right. Masama ang tingin sa kanya kaya inilapag niya agad ang mga tasa sa tapat ng mga platito. Umupo na siya at ngumiti. "Let's eat."
Sinimulan niyang higupin ang kanyang kape. Napangiwi siya dahil sobrang tamis at sobrang lapot pa. "Ano ito?" narinig niyang reklamo ni Gellaine. "May sakit ka yata Chef. Walang lasa itong latte ko. Ang daya mo naman. Elle let me try yours," saka hinigop nang walang permiso ang kape ng katabi. "May balak ka bang sirain ang tiyan namin? Gatas lang to at hindi pa mainit."
"Ha?" ganon na ba siya pumalpak? Napatayo siya at inagaw ang mga tasa nila. "I'll make another one."
*****
"Aamin ka o hindi?"
"Doc wala po talaga akong aaminin. Hindi po ako sireno," pagmamakaawa ng lalakeng nakagapos sa upuan. Nakangisi si Doctor Liwnababa habang nakatutok dito ang injection.
Hindi siya nakikinig sa pagmamakaawa. Ang pagmamakaawa ay tanda ng kahinaan. At hindi niya palalagpasin ang pagkakataon. Tao man ito o sireno, ang mahalaga ay umabante ang kanyang research. Wala na siyang oras.
Isang taon na lang ang palugit sa kanya ng gobyerno sa pasilidad. Kapag wala pa siyang naipapakitang resulta ay kukunin na ito at itataboy siya. Nagmakaawa muli ang lalaki ngunit gigil siyang tinurukan ito at kinuhanan ng dugo.
Marami siyang bihag at karamihan ay mga mangingisdang nawala sa laot at dinala ng alon sa pampang. Kapag isang linggo ay walang epekto ng dugo ng isa sa mga bihag, saka niya ito pinaaalis kung buhay pa at nakaya nitong malusutan ang kanyang mga eksperimento nang hindi nawawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro