Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

MERRY CHRISTMAS! 


ALEXANDRIA 


"Alam kong drama mo lang yang babae ka!" galit na galit na saad ni Janella habang nakaduro pa sa akin ang hintuturo niyang may itim na manicure. Di talaga nagpapatalo ang bastardang to. Sarap ibitin patiwarik. Ang dami paring mga estudyante sa labas ng room kabilang na doon si Maam Alleria, na nakatakip na din ang ilong. Ako naman ay nasa loob, habang nakatingin sa upuan ko.

"Pinagbebentangan mo ako sa nangyayari dito huh Janella gayung ang upuan ko ang pinakanapuruhan sa lahat ng upuan na nandito," saad ko habang nakaturo sa upuan kong puno ng mga nakasulat na curses at mga pasumaring na ako ay isang bitch at slut. Kahit di ko naman alam kong ano ang word na slut. Ano nga ba? HAHAH.. 

Nabigla naman si Maam Alleria kaya pumasok ito at tiningnan ang aking upuan. Napatango ito habang hawak hawak parin ang ilong. 

"Oo nga, impossibleng si Wenoana ang maygawa ng ganitong bagay sa room natin. As you can see how can a nerd do something like this?"

"Definitely maam," saad ko. Teka parang wrong ata pronunciation ko ng word na yun ah. Ah bahala na si Spiderman dun. Basta nakapag english ako. 

"At kung ako man ang salarin. Di ko gagawin ang ganitong klaseng bagay, so childish at napakaburara naman ng may gawa nito maam as you can see nakakadiri ang ginawa nila sa room natin,kung sino man ang may gawa nito sigurado akong di mahilig maligo." 
Gulat na gulat naman sila sa aking mga sinabi. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Janella at pagkainis sa mga mukha ng alipores nito. 

"Tama ka dun Ms. Mendez, at ikaw naman Janella how come na akusahan mo si Wenoana ng ganun gayung siya naman pala ang pinakanaagrabyado?" tanong ni maam. Napakunot naman ang noo ni Janella sa sinabi ni maam. 

"At bilang kaparusahan sa false accusation mo at ng mga barkada mo. Kayong lahat ang maglilinis ng room natin ngayon. Make sure na matatanggal niyo ang masangsang na amoy pati narin ang mga nakasulat sa desk ni Ms. Mendez," maawtoridad na saad ni maam na siyang nagpangiti sa akin ng lihim. 

Aalis na sana si maam ng magsalita si Janella at ang mga alipores niya. 


"What the-"


"Ms. Janella, wag na wag mong subukang gamitin ang ka bratenila mo sa akin. Di ka oobra. Kahit tawagin mo pa ang mga assasins mo," saad ni maam. 

Katakot naman si Maam Alleria para siyang gangster na lasing. Nakakatakot siya. 
Naglakad nalang ako, palabas ng room rinig na rinig ko naman ang bulong bulungan nila. 

"That b*tch!"

"slut!"


"Bakit di pa kasi namatay yan?"


Ohw Lord! 

Grabe sila kay Wenoana. Now I know bakit nagpakamatay ang babaeng yun. Dahil siguro sa sobrang depression at stress dahil sa mga anak ni Taning na nakapalibot sa kanya. Wag kang mag aalala Wenoana kung nasan ka man ngayon. 

I will give you justice. 

Di lang justice kundi revenge. 


---------------------------------------------------------------

Nang sumunod na araw ay pansin kong napalinis na ng room sa first subject ko. Nilinis nga talaga ng mga kumag. Pansin ko din ang malinis kong upuan. Wala na ang mga markang nakakainis tingnan. 

Mission complete Alexandria! 

Ang galing mo talaga. 

Papunta na ako ngayon sa gym ng university para sa PE class ko. Sabi kasi ng dean namin na hindi daw tinake ni Wenoana ang subjects na pe last last year kaya ito  ako ngayon ako na ang kukuha para sa kanya. Maraming units ng pe class ang di niya kinuha. Napakadaling hulaan kong bakit. Yun ay dahil mahina siyang babae at sa mga taong nakapalibot sa kanya. 

Kawawang babae. 

Nagtungo agad ako sa locker ko para makuha ang P.E uniform upang makapagbihis na. Ngayong araw na ito ay volleyball ang lalaruin namin. Naiiexcite tuloy ako dahil mahilig ako maglaro nun kapag wala akong ginagawa. Di ko aakalaing sa sikat na school na ulit ako makakapaglaro ng volleyball. 

"Uhhh," daing ko ng makita ang pamilyar na mga mukha. Hindi maari! Kaklase ko rin pala sa subject na to ang mga alipores ni Janella?  Tanaw ko sila habang papunta sa cr ng gym. Buti nalang at nakapagtago agad ako. 

This is madness! 

Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil sa nakikita kong nakakasurang tanawin. Makakalaro ko na naman ang mga anak ni Taning. Ihanda mo na ang sarili mo Alex, a war is about to start. Buti nalang isinilang ako girls scout. Laging handa! 

Let's show them how it is play Alex! 

Lumipas ang ilang oras at nagsimula na ang aming laro. Tapos na kasing ediscuss ng hot na instructor namin na si Sir Aldrin ang mga basics, rules, signals, at iba pa tungkol sa larong volleyball. Kaya matapos ng warm up ay tinem up na kami. Nagdasal ako sa mahabaging Diyos na sana di ko kasama ang mga anak ni Taning pero di ako dininig ni Lord. Nakasama ko ang tatlo sa limang mga anak ni Taning. 

Nakatitig sila na akin at mababasa ko sa mga panget nilang mukha ang masamang planong nakalaan para sa akin. Nakakasura ang mga itsura nila. Haysss. 

Bahala na! 


"Preeeerrrrtttttt!" sipol ng whistle ni sir. Ibig sabihin simula na ng laro. 

Pumwesto na agad ako sa court. "Wala kang kwenta, di ka oobra sa amin," saad ng isa sa mga AnT (short for Anak ni Taning). 

Kinindatan ko lang siya at nginitian. "Let's see" saad ko ng may panghahamon pang kasama. 

Lumipas ang ilang minuto ay kasalukuyang nagpapatuloy ang laro. Wala pa namang nangyayaring masama sa akin pero ramdam ko ang maiitim na awrang nakapalibot sa akin. Tatlo ba naman sa mga kasama kong AnT. Abay! Nanganganib ang buhay ko dito. Pero di ako magpapatalo. 

Habang naglalaro kami ay napansin kong manghang mangha sa akin ang ilang mga estudyanteng nanonood. Ganun din si Sir na nasa gilid ng court. May pangiti ngiti pa ito sa akin. Sir wag namang ganyan. 

Maliban sa paghanga ng ilang estudyante ay pansin ko din lageng napupunta sa akin ang malalakas na bomb strikes ng dalawang alipores ni Janella sa kabilang team. Buti nalang at nasasangga ko ito. 

Napapagod na ako. Kung nasa katawan ko lang talaga ako. Ilalampaso ko talaga sila sa laro. Napakahina ng stamina ng katawan ni Wenoana napakabilis kong mapagod. Kailangan ko na ata ng jogging. 

"Wenoana, sa harap mo!" sigaw ng isang babae sa gilid. Anak ng! Nagising ako mula sa pag mumuni muni dahil sa bolang ngayon ay papunta na sa harapan ko at kunting kunti nalang ay matatamaan na ako. Iilag na sana ako pero isang paa ang humarang sa akin dahilan para matumba ako at matamaan ng bola. 

"Ughhhh!!" daing ko ng dumapo sa sementadong court ang puwet ko kasunod ng pagtama ng bola sa ulo ko. 

Nakakainis na talaga ang mga AnT na to! 

Bahagyang lumabo ang paningin ko dahil natamaan ng bahagya ang parte ng aking noo. Nakasuot lang kasi ako ng contact lens. Habang nakaupo ay biglang lumapit sa akin ang tatlong alipores ni Janella. 

"Better quit this game, quit this subject, quit everything and die," pabulong niyang saad sa akin. 

Ano daw? 

Ako mag quiquit? 

She wish! 

They wish!


Wala sa vocabularyo ko ang salitang "quit". Katulad ng salitang "forever!" 
I'm not born to quit, I'm born to survive. 

"Ms. Mendez, okay ka lang ba," saad ni sir sa akin. Inalalayan niya akong tumayo. Napakagwapo naman ni sir. Tas hapit na hapit pa sa uniform niya ang masculado niyang katawan. Para siyang si Taylor Lautner. 

"Okay lang po ako sir, ipagpatuloy na natin ang laro," saad ko kahit naduduling pa ng konti. 
Di ako susuko sa larong to. Hinamon nila ako, tinatanggap ko. 

Humanda kayo! 

Bigla ko na namang naramdaman ang pagtubo ng dalawa kong sungay at buntot. Nagtataka na tuloy ako kung pati ako anak din ba ni Taning. Kung anak man niya ako well ako siguro yung pinakamaganda niyang anak. 

They want fight! 

Then I will give it to them no matter the cause. 

Di ako ang nagsabi niyan ha. Ang hero lang ng dota na si Legion Commander. Ginaya ko lang. Credits LC! :) 




So be it! 



I will give what they want! 


Nagpatuloy na ang laro namin. Sa ikalawang pagkakataon ay mas lalo akong nag ingat. Mas lalong namangha ang mga tao sa paligid dahil sa pinakita kong determinasyon at galing sa paglalaro. And I owe those people who discourage me for that. 

Ako kasi yung tipo ng taong kapag dinidiscourage na eencourage. Well they have to think twice after messing up with me. 

Ganun parin ang laro ng mga AnT madumi parin. Di ko alam kong kakampi ko ba tong tatlo sa harapan ko. Malamang hindi! 

Patuloy parin ang mga bombs na natatanggap ko mula sa mga alipores ni Janella. Nakakainis kasi di marunong magset ang kasama ko. Kaya ito tuloy ako di makagante. 

"Mikaela!" sigaw ko. Lumingon namn ito sa akin, suminyas ako ng set. At tumango siya. 

Ayos! Sana umubra na this time ang pag set niya. 

Sana maset niya ng maayos ang bola para maka bomb ako. 


Di nga ako nabigo at ito na naman ang bomb na papunta sa akin. Kahit pagod na ay sinangga ko ito at in-aim na mapunta sa direksiyon ni Mikaela para makaset kami. 
Di naman ako binigo ni Mikaela, naipuwesto niya ang bola ng tama sa ere. 

"What!!!" sigaw ng mga audience. 

Buong lakas akong tumalon para paluin ang bola papunta sa kabila, pinunterya ko talaga si Maica na siyang nagpatama ng bola sa noo ko. 

Lintik lang ang walang ganti. 

"Its showtime!" saad ko bago tuluyang paluin ang bola. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"Wew ...Wew....Wew......" tunog ng ambulansya ng school. 


Tingin ko ay alam niyo na ang nangyari kay Maica diba? 
Sinugod lang naman siya sa hospital pagkatapos matamaan ang retokada niyang ilong sa malakas ko bomb. Di ito tumigil sa pagdurugo kaya sinugod na siya sa hospital. Malamang ganun mangyari sa kanya buong lakas ko ba namang pinalo ang bola papunta direksyon niya sapol na sapol sa mukha ang bruha. 

Di ko alam kong dapat ba akong matuwa o hindi pero kahit papano. Ginawa ko naman yun para kay Wenoana at para nadin maisip nila na di nila ako dapat binabangga. 


Napaupo nalang ako sa canteen habang dala dala ang inorder kong pagkain. And as usual mag isa na naman akong kumakain. Sisimulan ko na sana ang pagkain ng biglang may malagkit na laway ang humalo sa pagkain ko. 

Napatayo ako at nakita ko na naman ang mga mukhang ayaw na ayaw kong makita. Ang mga mukha ng anak ni Taning. 

Oh Diyos ko! Di ba ako lulubayan ng mga taong to? Kung noon mga babae lang ang nakikipag away sa akin ngayon aba nag level up lalaki na. Di naman kagwapuhan tsk. 

"Anong problema mo?" inis kong saad. Mga kaibigan! 

Gutom ako. 

Okay! 

Gutom ako. 


"Wala naman, naisipan ko lang na baka di masarap niyang kinakain mo. Dinagdagan ko lang ng pampalasa," saad nito habang nakangiti pa. 

Relax Alexandria! 

REla- 


HINDI!!!


HINDI AKO PWEDENG MAGRELAX! 


"Ganun ba?!" nakangiti kong saad habang dahan dahang pinupulot ang lalagyan ng pagkain na kanina ay gusto kong kainin. 

Mabilis ko siyang hinawakan sa balika kasunod ng malakas na pagsampal sa kanya gamit ang pagkain na hawak ko sa kanang kamay. Tumalsik siya at napaupo sa sahig ng canteen. Ano ba naman to! Gumawa na naman ata ako ng eksena. All eyes ay nasa akin. And I guess I'm starting to like it. 



"IKAWNG BABAE KA!!. Anong problema mo!" saad niya habang puno na ng menudo at kanin ang mukha. 


"Ako? wala naman akong problema?! Tingin ko ikaw ang may problema.  Di ba sabi mo di masarap yang menudo na sana ay kakainin ko, kaya nilagyan mo ng pampalasa? Why not ikaw muna ang tumikim ng pinasarap mong pagkain? " saad ko. 

"Ang bait ko nga eh. Libreng lunch para sa katulad mo. Ang problema mo lang ay di ka marunong kumain yan tuloy ang dumi dumi na ng uniform mo," dagdag ko pa. 

"Humanda ka-" di na niya natuloy ang sasabihin ng bigla akong lumapit sa kinaroroonan niya at kinilyuhan ko siya sabay lapit ng bibig ko sa tenga niya. 

"Don't mess with a hungry woman, baka gusto mong ikaw ang kainin ko! Kakainin kita ng hilaw, pagpipirasuhin ko yang katawan mo, bibiyakin ko yang ulo mo at hahanapin ko ang utak mo,----------kung meron man. Pero tingin ko wala." saad ko na nagpagulat sa kanya. 

Gagalaw na sana siya ng bigla kung kinagat ang tenga niya. 

"AHHHHHHH!!!!" 

At yun mga kaibigan napuno ng sigaw niya ang canteen ng school. 

Konsensiya?


Wala akong ganun para sa mga taong katulad nila. 


THIS FIGHT SCENE IS BROUGHT TO YOU BY ALEXANDRIA CORPORATION. 


Hayyyss!!



Dear Diary,




Masarap din naman pala sa pakiramdam na mangbogbog ng mga bully. 


Ayos ba Wenoana?  Kahit papano napaghigante kita sa mga yun.


Dalawang bagay lang ang dapat nilang malaman: 



Don't discourage Alexandria, your discouragements encourage her to fight. 

Wag na wag siyang galitin pag gutom. She might eat you. 


That's all. 


Nagmamahal, 



Alexandria

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro