Chapter 8
ALEXANDRIA
Dalawang araw na ang lumipas mula ng insendenteng yun. Ang pagtuhod ko sa masilang parte ni Blaze. Natatawa nalang ako habang inaalala ko yun. Di ko akalaing magagawa ko yun sa kanya. Nababagay lang din naman siguro sa kanya yun diba? Diba Wenoana?
Hahaha ..
Ano ba to! Kinakausap ko na si Wenoana. Asan na kaya talaga ang kaluluwa ni Wenoana? Saan na kaya yun nagpunta? Katulad ng katawan ko.
Saan na nagpunta?
Inilibing kaya nila ang maganda kong katawan?
Naagnas na kaya yun ngayon?
Wahhhh! Mababaliw ako habang iniisip ang mga yun. Wag naman sana. Ang maganda kong katawan na may abs at napakagandang kurbada.
Wag naman sana Lord, di ko pa po nagagamit yun sa paghahanap ko ng forever eh. Busy kasi ako masyado noon sa pagtatrabaho para mabuhay at mabayaran ang naiwang mga utang ng mga irresponsable kong magulang. Kaya tuloy wala akong oras na lumablayf!
"Alexandria Flores.." isang boses ang biglang pumasok sa isipan ko. At ang boses na iyon ay kay Blaze. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari nung nakaraan.
Ang olol na yun! Kumag! Mokong! Anak ng tinapa!
Pagbantaan ba naman akong halikan?
Di ko lang alam kong may first kiss natong katawan ni Wenoana huh, pero ako kasi wala pa akong first kiss kaya dapat protektahan ko yun kahit iba na ang katawan na gamit ko. Babasagin ko talaga ang bungo ng humalik sa akin na hindi ko naman mahal. Hindi ko naman ginusto at nagustuhan.
LOL!
Anak ng pinakuluang manok!
Ano ba tong mga pinag iisip ko!
Nandito ako ngayon sa tapat ng university. Pang apat na na araw simula nung pumasok ako sa BU. Puro kamalasan lang ang nangyayari sa akin. Puro mga pambubully ang inabot ko sa tatlong araw na pananatili ko dito pero nagpakatatag lang ako. Buti nalang talaga at di ko na nakikita si Blaze sa isa kung subject. Dahil baka ma awkward ako at baka mabasag ko pa ang mukha niya. Matapos ng nangyari noon. Haysss..
Sa tatlong araw na yun na pamamalagi ko sa BU hindi science formula, math equations, or english grammar ang natutunan ko, kung hindi ay kung paano ako makakasurvive sa mga pambubully at pang aapi nila sa akin. Sa mga mata nilang mapanghusga, mga dilang napakatalim at sa mga utak nilang ang kikitid. Ganun ba kalaki ang kasalanan ni Wenoana sa kanila at ganito nila ako itrato?
Ako ang isa sa mga estudyante ng school na to na itinuturing nilang pinakamahina. Ako ang pinakamainit sa mga mata nila. Hindi dahil sa hot ako o ano paman. Kundi dahil ako ang nagpapakulo sa mga dugo nila.
Pero ang pinakamalaking pagkakamali nila ay ang ituring akong si Wenoana, dahil hindi na ako ang nerd na mahina, ang nerd na basta basta nalang iiyak sa harapan nila. Hindi na ako si Wenoana na dating itinuturing nilang prey na basta basta nalang nilang malalapa.
Oras na para ang isang prey ay maging predator.
Hindi ko hahayaang ako ang maging pinakamahina sa food chain.
I'm no longer the prey they tend to hurt. I will be the predator that they will be scared of.
Hindi na ako ang nerd na hahayaan nalang sila sa gusto nilang gawin sa akin.
"Uhhh" daing ko ng makitang. Napakadumi ng upuan ko sa first subject ko.
LOSSER!
BITCH!
NERD!
NAKAKADIRI KA!
GET LOST!!
MAMATAY KANA!
IDIOT!!
Mga salitang nakasulat sa upuan ko. Di ko man nakita kong sino ang may gawa nito alam ko na kung sino. Ang mga alipores ng Janella na yun!
Tsskk..
Di pa talaga siya nadadala sa ginawa ko sa kanya dati?
"Napakabaho naman~!" daing ng ilan sa aking mga kaklase. Nangangamoy ihi kasi ang upuan ko. Pansin ko din ang dumi nito na parang dumi ng tao sa pina upuan nito. May mga bubble gum pa.
Hayyss~!
Relax Alexandria!
Relax!
Napahinga ako ng malalim. Pilit kong pinipigilan ang galit sa kin.
Di ako makapaniwalang ganito ang naisipan nilang gawin ngayong araw. Napaka childish naman ng mga tao dito. Palibhasa mga spoiled brat at mayayaman, di naturuan kong ano ang word na values.
Siguro kong iignore ko lang to. Magiging okay lang ang lahat..
pero..
Nakakabastos naman siguro sa part nila kong tatanggihan ko ang hamon nila sa akin diba?
Ramdam ko ang pagtubo ng dalawa kong sungay at buntot.
Devil Alexandria Activated.
IPAPAKITA KO SA KANILANG, THE NEW WENOANA IS HERE.
EVIL LAUGH!!
"HAHHAHA!!" pagtawa ko. Na umagaw sa atensyon ng mga kaklase kong nag uusap.
Ops! Napalakas ko ata ang pagtawa ko.
Di ko palalampasin to!
Hmmmm..
Tama!
Biglang pumasok sa isipan ko ang isang ideya.
Kung ano ang itinapon mo babalik sayo~ sabi nga nila. Tinapunan nila ako ng ganito~~~ doble ang balik ko sa kanila.
Kaya naman ay gagawin ko din ang ginawa nila sa akin--- dodoblehin ko! Humanda sila. Pagsisisihan nila ang pagbangga nila sa akin. HAHAHAHA~
-----------------------------------------------------------------------------
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ni Janella.
"What the fuck is this smell?! Ang baho! Tangn*" dagdag pa ng mga alipores niya.
"Amoy Comfort room ito!!!" isa pang saad ng kasamahan niya.
Rinig ko ang mga daing nila. Nasa labas pa ako ng room. Lihim akong napangiti dahil sa mga itsura nila. Ganun nalang ang ngiting tagumpay ko ng makita kong napaupo na pala si Janella at dumikit na sa uniform niya ang mabahong amoy.
Papasok na sana ako ng room ng marinig ko pag sigaw ni Janella. "Kilala ko kung sino ang may gawa nito!!"
"WENOANA!!" sigaw ulit ng bastardang si Janella. Sinalubong pa ako ng sampal na agad ko namang sinangga.
"What's wrong Queen?" pang iinis ko sa kanya. Siya naman ay maluhaluha na habang nakatingin sa akin. Napatakip naman ako ng ilong para makadagdag sa inis niya.
"Ikaw!!"
"Anong amoy yun? Di ka ba naligo? Bat amoy cr ka?"
"Alam kong ikaw ang may gawa nito! I saw you~"
"Oww you saw me? Seriously? Wag mo akong pagbibintangan ng ganyan Janella." pagpapainosente ko. Aambangan na naman sana niya ako ng sampal ng biglang dumating si Mrs. Alleria, ang Calculus Teacher namin.
"Anong kaguluhan ito?"
"Somebody messed our chairs with dirty smelly shit~" english na saad ni Janella.
"At bakit mo naman ginaganyan si Wenoana?" tanong ni maam.
"Anong amoy yun?!" dagdag pa nito. Dahil umaalingasaw na ang amoy ng cr sa room namin.
"Its her maam, its her who made this," saad niya.
"How sure are you na ako nga ang may gawa? At bakit ko naman gagawin ang ganitong klaseng bagay huh? Janella? I'm not like that, " saad ko with confidence. Kahit ako naman talga ang may gawa, best acting, dapat may award ako.
"Dahil- ginawa na- " napahinto siya. Tsss.. sayang muntik na siyang mahuli dun ah. I know na sila talaga ng mga alipores niya ang may gawa sa upuan ko sa first subject. So childish ng mga anak ng tinulang manok. Hayss.
"na ano?"
"Wa-wala," saad niya.
"Again, di ko ginawa yang kababuyang pinagbibintang niyo sa akin," saad ko ulit. Naglakad na ako papunta sa upuan ko. At ang huling pasiklab sa drama ko.
"Naku naman oh!" daing ko. Habang nakatingin sa upuan kong basa din ng mabahong tubig na galing sa cr.
Lumingon ako sa kanila at nagsalita.
"Kung ako ang may gawa nito? Bakit ko nman isasali ang upuan ko?"
Napangiti ako ng lihim, dahil mukhang napapaniwala ko silang inosente ako.
Mabait naman talaga ako. Di ako ganito sa mga taong mabait sa akin pero they are the reason why an angel like me turns into a demon.
Sabi nga nila: Your set of values depends on the persons you are dealing with and how those persons deal with you.
Kung masama kayo sa akin, aba. Alangan namang makipagplastican ako sa inyong mabait ako. Gusto niyo makahanap ng katapat? Puwes ibibigay ko sa inyo.
Alam kong nagtataka kayo mga kaibigan kong paano ko ginawa ang paghihigante ko.
Gusto niyo malaman paano ko ginawa ang lahat?
-------------------------------------------------------------------------------
<<----Flashback
Nang sumunod na araw ay maaga akong nagtungo sa university. Gagawin ko na ang aking planong paghihigante. Habang naglalakad papunta sa room namin ay nakita ko ang janitor na si Mang Kanor na lumabas mula sa cr ng mga lalaki dala dala ang mga aparato niya sa paglilinis.
Bingo! Lihim akong napangiti habang iniisip ang tagumpay ng aking plano.
"Ehem~" daing ko na nagpalingon kay Mang Kanor.
"Ohhh~ Wenoana ikaw pala?!"
"Good Morning po!"
"Good morning din, bat ang aga mo ata?" tanong nito sa akin.
"May plano po kasi ako, -- este may assignment po kasi ako na di ko nagawa kaya maaga po ako ngayon."
"Ah ganun ba?"
"Opo, ahm.. Mang Kanor ako nalang po ang maghahatid ng mga gamit niyo paglilinis sa bodega , may lilinisin lang din po ako sa room namin. Para narin po makapagpahinga na kayo," saad ko habang may ngiti sa mga labi.
"Ganun ba? Eh kung ganun ay sige, pakihatid nalang ng mga ito sa bodega ha, ang bait mo talagang bata," saad ng matandang janitor.
"Salamat po~"
Agad akong nagtungo sa room ng first subject namin. Walang oras na dapat sayangin ang isang katulad ko. Dapat di ako pumalpak. Dala ang mga aparato ni Mang Kanor ay narating ko ang room namin. Balde ito na may lamang mabahong tubig, mop, at iba ang mga kagamitan sa paglilinis ng cr.
Its showtime!
Isinawsaw ko ang mop sa baldeng may mabahong tubig pagkatapos ay ipinahid ko ito sa mga upuan ng mga walang hiyang bumaboy sa upuan ko kahapon. Napatakip nalang ako ng ilong dahil sa nakakarinding amoy ng tubig na pinapahid ko sa mga upuan nila.
Buti nalang at saktong magkaklase kami ng mga kumag na yun sa first subject ko.
Napangiti nalang ako habang iniimagine ang itsura nila kapag nakita nila ang sitwasyon ng upuan nila. Pinahiran ko nalang din ang aking sariling upuan para di talaga nila ako paghinalaan.
And I'm all set.
Ihanda na ang sarili para sa show mamaya.
_____________________________________________________________
At yun na nga mga kaibigan ganun ko ginawa ang perfect crime scene. With the use of my acting skills and viola!
The revenge has been served.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro