Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

I'm back~! 

Blaze and Alexandria are back!~ 
Christmas vacation na kaya may oras na naman ang author niyo na ipagpatuloy ang story na to. 
Ewan ko ba mga labs namimiss ko na ang sarili kong nakaharap sa pc habang nag uupdate ^-^ 

Now that I'm back! I will make sure to give you my best. 

12/21/17 


THIRD PERSON 

(still a flashback..) 

"BLAZE!!!" sigaw ng batang Alexandria na siyang nagpahinto sa tangkang paghataw ni Blaze nito sa batang nambubully sa kanya. Napalingon silang lahat sa kinaroroonan ni Alexandria. 

"Blaze? Ano yang ginagawa mo ha? Alam mo bang matagal kitang hinahanap? Kahit san ako nagpunta para makita ka tas nandito ka lang pala?" inis na saad nito habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ng apat na bata. 

"At anong kaguluhan ito?" nakangiting saad ng batang Alexandria. Habang papalakad naman ito palapit kay Blaze ay naalala ng batang lalaki ang mga sinabi nito sa kanya dati. Di niya maiwasang mapayuko habang inaalala ang mga sinabi ni Alexandria sa kanya. 

Ang sunod nalang niyang nagpagtanto ay nakaangat na ang ulo niya at nakatingin na siya sa nakangiting mukha ni Alexandria. 

"Di ba sabi ko sayo, makakaya mo kung talagang susubukan mo," saad nito.

"Pero!"

"A-anong pero?" saad ni Blaze. 


"Makakapatay ka naman kung sa ganitong paraan ka lumalaban eh!" si Alexandria na nakatingin sa hawak na malaking bato ni Blaze. Napayuko ulit si Blaze habang napagtanto ang lahat ng pangyayari. 

"Buti nalang talaga nakita kita kaagad, siguro kung di kita napigilan kanina. Maraming dugo ang nagkalat dito," saad ulit nito habang kinukuha ang bato sa kamay ni Blaze. 

"Ka-kasi.."

"Di mo na kailangang magsalita. Look what we have here?" lingon ni Alexandria sa mga batang nambugbog at nambully kay Blaze. Pinaglalaruan nito ang malaking bato na nasa kanyang mga kamay walang kahirap hirap niya itong inililipat mula sa kaliwa papunta sa kanan. 

"Ikaw na mataba at mukhang pinaglihi sa tinta ng pusit" duro nito sa isa sa mga bata. 

"Diba ikaw din ang bumubogbog kay Blaze dati?"

"Ano naman ngayon kung ako nga? Tingin mo ba may magagawa ka? Ang mabuti pay umalis kana dito agad babae kung ayaw mong pati- " di na natuloy ang sana ay sasabihin ng batang mataba ng bigla itong sinugod ni Alexandria at agad na nakatanggap ng isang malakas na flying kick mula dito. 

Napaatras ang batang mataba dahil sa pagsipa ni Alexandria, hawak hawak nito ang balakang na siyang natamaan ng malakas na sipa. 


"Diba nagtatanong ka kung anong gagawin ko? Tingin ko nasagot na ng sipang yun ang tanong mo," nakangiting saad ni Alexandria. 

"Lumalaban ka pala ah! Di mo ata ako kilalang babae ka-" di na naman natuloy ang sanay sasabihin ng batang mataba ng sinugod ulit ito ni Alexandria. Binitawan niya ang malaking bato sabay sugod sa matabang bata. Suntok sa magkabilang pisngi at sipa sa tiyan ang natanggap nito na siyang nagpatumba sa matabang bata.

"Anong tinutunganga niyo jan tulungan niyo ako!!!" sigaw ng matabang bata. Pero sa paglingon nito ay wala na ang dalawa niyang alepores nagsitakbuhan na ito dahil sa takot nila kay Alexandria. 

Napatulala naman si Blaze. Manghang mangha siya sa kanyang natutunghayan. Di niya akalaing si Alexandria lang pala ang makakatalo sa matabang batang matagal na siyang binubully. 

Pasa sa mukha at kaunting dugo sa ilong ang natanggap ng matabang bata mula kay Alexandria. 

"Isusumbong kita sa mama ko!!" iyak nito habang nakahandusay sa lupa. 

"Sige lang magsumbong ka lang. Sigurado akong matindi pa diyan ang matatanggap mo mula sa mga magulang mo kapag nalaman nila ang mga pinagagawa mong pambubully."

"Ikaw!!!! Humanda ka sa akin! Sa susunod nating pagkikita maghihigante ako sayoo~"

Uminit ang tenga ni Alex sa narinig. Sa galit nito ay kinelyuhan niya ang matabang bata sabay untog ng ulo niya sa ulo nito. 

"AAAAHHHHHHH!!!!" sigaw ng matabang bata dahil sa sobrang sakit.

"Hahaha~ nakakatuwa ka naman. Sige lang maghigante ka, maghihintay ako. Pati ito maghihintay sayo~" sabay lahad ng kanang kamao niya.  Inilapit naman ni Alex ang bibig niya sa tenga nito sabay bulong ng...

"At sa susunod nating pagkikita, dudurugin ko na yang mukha mo, kaya kapag hindi kapa nawala sa harapan ko sa loob ng 10 segundo, ngayon ko na gagawin yun.  Kaya kong ako sayo tumakbo kana." 

Hinarap niyang muli ang matabang bata sabay ngiti at kindat. Sa sobrang takot nito ay mabilis itong napatakbo papalayo sa lugar na iyon. Naiwan naman sina Blaze at Alexandria. Nakatulala parin si Blaze. 

"Wag kang mag aalala, lulubayan ka na ng mga yun," saad ni Alex kay Blaze habang may matamis na ngiti. 


BLAZE 


Nakakadiri ka! 



Nakakadiri! 




B*tch! 



Walang kwenta!



Mamatay kana! 


Sobrang nakakadiri ka !!! 



"Uh!" 

Nagising ako mula sa isang panaginip. Nakita ko kasi si Wenoana na pinagtutulungang bullyhin ng mga estudyante ng BU. Di ko alam kong bakit siya ang laman ng panaginip ko ngayon. Teka nasan ako?

"Uhh!" daing ko ng mapagtanto kung may babae palang nakaharap sa akin. Nakangiti siya habang nakatitig sa akin. 


"AHHH!!!! Sino ka!" sigaw ko dahil sa sobrang gulat. 

"Ariana Billena" sagot agad nito dahil sa sobrang gulat din. Napabangon ako at linibot ko ang aking paningin. Napagtanto kong nasa loob ako ng clinic ng school. Takte! Anong nangyari sa akin? 

"Takte! Ikaw lang pala Aria, ba-bakit ako nandito?"

"Buti naman at gising kana. Akala ko mamatay kana dahil sa pagtama ng tuhod ni Wenoana diyan sa birdy mo eh, haahahah" saad nito. 

Bloody Hell!!!! Hindi maari! 

Bigla kong naalala ang nangyari sa pagitan namin ng nakakadiring nerd na yun na si Wenoana. Nakakahiya! Nahimatay ba ako dahil sa ginawa sa akin ng babaeng yun? 

Takte! Di ko akalaing makakayanan ako ng nerd na yun. Masyado ko siyang minaliit akala ko ay iiyak lang siya sa harapan ko nung pinagtangkaan ko siyang halikan pero yun pala ay hindi. Malaki talaga ang pinagbago niya matapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Tumapang at nanglalaban na.  Masyadong kakaiba ang nangyayari sa babaeng yun. Ganun ba talaga ang epekto ng amnesia?

  "Wala din pala akong pakialam kung sino man yung Alexandria na tinutukoy mo, I'm not her dahil kong ako siya di ko gugustuhing maging kaibigan ka o maging ang makilala ka," biglang pumasok na isipan ko ang isabi niya.  Di ko alam pero merong kirot sa akin ang mga sinabi niya. Di ko alam kong bakit katulad ng di ko rin alam kong bakit pero nakikita ko si Alexandria sa bago niyang pagkatao.

Yung sinabi niya kasi sakin kanina. Kagayang kagaya ng sinabi ni Alexandria, noon. Noong minsan kinulong ako ni mama sa bodega at iniligtas ako ni Alexandria mula dito. 

Bigla akong nalungkot ng maalala ang nakaraan sa pagitan namin ni Alexandria. 


"Alexandria" bulong ko. 

"Alam mo Blaze di parin talaga ako makapaniwala na si Wenoana ang gumawa sayo niyan, kita mo ang laki ng pinagbago niya," saad ni Ariana. Ang pinsan kong sobrang daldal at chismosa pa. LAgot ako nito. Tutuksuin na naman ako ng babaeng to. Tsss.. 

"Alam mo bang sinuntok lang naman niya sa mukha si Janella, na queen kunwari ng university na to. Queen ng mga sorrority daw. Eh dahil sa pera lang naman niya kaya may mga alipores yun e.. " dagdag pa niya. Kakaiba nga talaga ang nangyayari, di siya si Wenoana. 


"Teka ano bang nangyari at nakaingkwentro mo ang nerd na yun?"

"Di ko alam." saad ko. 


"Di mo alam?"


"shut up Aria! Don't tell anyone about this, such an embarassment!" saad ko na bumabangon na mula sa pagkakahiga. 

That nerd! 

She reminds me of her. 

" Yes, your majesty. Di ko sasabihin kahit kanino. Magpopost lang ako sa facebook about dito. Tas post ko din picture mo habang hawak hawak yang Asian treasure mo, hahahha" tsssss.. tong babaeng to talagang to. 

"Subukan mo! " pagbabanta ko. Na nagpatahimik naman sa kanya tas nagpeace sign pa ang gaga. Takte talaga!!!

Tumayo na agad ako at lumabas na ng clinic. Naglakad na ako palabas ng school para umuwi na muna sa bahay. Di ko na feel ang mag aral.

I have to do something about this! 

That girl, that nerd disturbs my concentration. 

There's are lot of questions in my mind that seeks answers. 
My curiousity wants answers. 
Bakit sa lahat ng tao pa sa isang nerd pa? 
Bakit kay Wenoana Mendez pa? 

Hindi ko ugali ang mangialam ng buhay ng ibang tao. Pero sa mga nangyari, kailangan kong malaman ang katotohanan. Ano nga bang nangyari sayo Wenoana? Bakit bigla ka nalang tumapang ng ganyan? Bakit naging katulad ka ni Alexandria? 

Bakit nakikita ko siya sa sayo? 



"ARGGGGGhh!!" sinipa ko ang trashbins na nasa gilid ng isang room. Nakakainis! 













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro