Chapter 5
ALEXANDRIA
"Siya yung babae diba?"
"Di ba nagpakamatay na siya?"
"Ang lakas naman ng loob niyang bumalik sa university."
"Eh kasi nga may amnesia siya."
Tss...
Nakakainis na ha. Bat ganun sila magbulongan? Rinig na rinig ko naman. Kahit mga college na parang high school kung umasta ganito bang mga estudyante meron ang university nato? Kung makatitig sila sa akin ay parang meron akong nakakahawang sakit na pwede nilang ikamatay ah. Ganun ba kasikat ang Wenoanang yun at ganun nila ako pag usapan at itrato?
Kaya ko naman iignore ang mga pagtrato nila sa akin eh. Pero ang malaking problema ko ay ang lalaking yun. Si Blaze, bakit siya nandito? Paanong nandito siya? Tas magkakilala pa sila ng kapatid ni Wenoana. Hayss..
Pangalawang beses na tong pagkikita namin, bakit kinakabahan ako sa tuwing nagkikita kami?
Hayys Alexandria relax ka lang okay. Sigurado naman akong di ka nya makikilala. Tas maraming taon na ang lumipas.
Bakit ba kasi nandito ang lalaking to sa first subject ko? Ano bang course niya?
Nakatingin lang ako sa kinaroroonan niya. May kausap siyang lalaking blond ang buhok.
Parang seryoso yung pinag uusapan nila. Wala pa kasi ang prof namin kaya yung mga kaklase ko nag uusap pa at yung iba naman ay pinag uusapan lang ako.
Nakaupo lang ako, nasa gitna pa ako ng room na parang ako talaga yung center of attraction eh.
"Bakit ka nakatingin sa akin!!" sigaw ni Blaze dahilan upang mapabalikwas ako ng tingin sa bintana. Hayss.. Di ko namalayang nakatulala na naman pala ako sa kawalan dahil sa dami ng iniisip ko.
Tama!
I-iignore ko nalang siya. Nasa katawan din naman ako ng ibang tao, sigurado akong di niya talaga ako makikilala. At ang huli naming pagkikita ay nung mga bata pa kami, tiyak akong kinalimutan na niya ako. Di naman ako ganun ka halaga sa kanya nung mga bata pa kami.
Oo! Tama Alexandria! Hindi na siya ang dating Blaze na nakilala mo. Hindi na siya ang batang lalaking pinagtatanggol mo dati. Ang mahinang batang walang iba kayang gawin kundi ang umiyak sa harap ng nang aapi sa kanya.
Iba na siya! Nagbago na siya!
Kung di ko siya papansinin sigurado akong walang magiging problema.
"Wohoooo...!!!!!!!" napaangat ako ng tingin at nakita ko ang lalaking blond na kausap ni Blaze kanina. Nasa harapan ko siya habang nakangiting iniaabot ang kamay niya.
"Ako nga pala si Clark, Clark Kent Valmoria. Nakakatuwa naman nagbalik ka na pala," saad niya. Inabot ko ang kamay niya at nakipagshake hands.
"Wenoana, Wenoana Mendez," saad ko.
"Anyways you din need to introduce yourself. Kilala kita at kilala ka ng lahat ng nasa university na to at alam mo bang mas lalo kang sumikat dahil sa ginawa mo kaninang umaga," saad niya habang umupo na sa harapan ko.
"Ako sikat? Ano bang ginawa ko kaninang umaga?"
"Yung pagbato mo ng plastic bottle sa noo ng bratenellang si Janella," saad nito.
"Anong meron sa babaeng yun?"
"Anong ibig mong sabihing "Anong meron sa babaeng yun?" Di mo kilala si Janella?"
"Kaya nga nagtatanong ako diba?"
"Anong meron sa babaeng yun? Simple lang dahil wala pang ibang nakakagawa nun kay Janella kundi ikaw lang," saad niya habang nakaturo sa akin. Pangiti ngiti pa ang loko. Tss..
"O tapos? Binalik ko lang naman sa kanya ang itinapon niyang bote, malas lang niya at napuruhan ko siya sa malaki niyang noo," pasimple kong sagot. Napatigil ang loko at biglang naseryoso ang mukha. Anong tinira ng lokong to?
"HAHAHAHHAHAHAHHA!!!"
Tumawa ng napakalakas ng gago dahilan upang bahagya akong nagulat ganun din ang ibang mga estudyante sa loob ng room namin.
"Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mong babae ka ha!! hahahha.."
"Bakit mukha ba kong nagbibiro?" saad ko. Matindi na ata ang tama sa utak ng lalaking to ah. Dapat siguro ay lumayo na ako sa gagong to.
"Di lang ako makapaniwala na nasasabi mo yan ngayon may amnesia ka nga talaga! hahha," di ko na siya sinagot bagkus ay kinuha ko ang cp ko at tiningnan kong anong oras na.
"Alam mo bang noon para kang tutang di makatahol dahil sa sobrang takot mo sa babaeng kanina ay binato mo ng plastic na bote?"
Ganun ba talaga kalampa at kahina tong katawang gamit ko ngayon?
Oo nga pala nerd is nerd. Mahina, lampa at talino lang ang meron sila.
Parang di ko gusto ang tabas ng dila ng lalaking to ah.
"At ngayong napahiya mo ang Queen ng Blackfire University, sigurado akong hahanapin ka ng mga galamay niya, ganun na din ng mga tagahanga niya sa university na to,ano na ngayon ang gagawin mo ha? Wenoana?" dagdag pa niya.
"Queen? Hahah... Meron bang ganun sa Pilipinas? At sa nakita ko sa kanya malayong malayo sa kanya ang maging queen. Anong gagawin ko? hmmmmm... Ano nga ba?! " saad ko. Napansin ko namang gulat na gulat ang mga estudyante sa paligid ganun din ang lalaking nasa harapan ko. Pansin ko din ang pagsalungat ng kilay ni Blaze dahil sa narinig niya mula sa akin.
"Ahh! Kung gagalitin nila ako then gagalitin ko rin sila, para malaman nila kung sino ang binagga nila," saad ko ng may confidence. Kung gulat lang ang pag uusapa literal na gulat gulat ang mga tao sa paligid ko. Hayyss mga ignorante!
"So pag ginalit ka pala namin ay gagalitin mo rin kami?" saad ng isa sa mga tauhan ni Janella. Andito kami ngayon sa rooftop ng isa sa mga building ng university. Kinaladkad kasi nila ako papunta dito. Nasa gitna nila ang sinasabing si Queen Janella.
"Uhhh yun ba yung sinabi ko? Di ko matandaan ei!" saad ko.
Biglang lumapit sa akin ang sinasabi nilang si Queen Janella, nagkatapat ang aming mga mukha seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Pfftt.." ano ba! Di ko mapigilang di matawa sa nakikita ko ngayon. Paano ba naman kasi ang sinasabi nilang queen may bandages ang noo. Kawawa naman siya.
"PAKKKK!!!" isang malakas na sampal ang dumapo sa kanan kong pesnge. Anak ng.. di ko nakita yun ah. Yan kasi tatawa tawa pa.
"Tingnan natin ko magagawa mo pang tumawa pagkatapos ng gagawin namin sayo, nerd!"sigaw ng Janella.
"Ano natatakot ka na ba? Bakit di mo na simulang magmakaawa, lumuhod at umiyak sa harapan ko ha, para naman di na ganun ka sakit ang ipaparanas namin sayo," saad niya. Di ko siya sinagot bagkos ay inobserbahan ko ang paligid. Anim kaming nandito ngayon dalawang lalaking medium built, Janella, dalawang bitches at ako. Kung manlalaban ako at lalabanan ko silang lima sigurado akong bugbog lang ang aabutin ko. At sa katawang meron ako ngayon ilang minuto lang ng pakikipagsuntukan ay pagod na agad ako. Kailangan kong mag isip ng paraan.
Tama!
"Hahaha..." pagtawa ko.
"Bitch!" aambahan na sana niya ulit ako ng sampal pero nahawakan ko ang kanang kamay niya.
"Takot? Ako takot? Baka ikaw Janella, ikaw ang takot. Sa ating dalawa sino ba ang nagdala ng mga aso para kausapin ako? Diba ikaw?!"
"Ang dami mong sinamang mga alipures para lang kausapin at saktan ang isang nerd na katulad ko? Oh come on! If tingin mo sa sarili mo queen dapat ikaw lang ang pumunta dito total ako at ikaw lang naman ang may issue sa isa't isa. Bakit nagdala ka pa ng mga tauhan? Dahil ba natatakot ka na sa isang nerd na katulad ko? " mahabang saad ko.
"Ngayon Janella sabihin mo sinong takot?"
"Akala mo di kita kayang babae ka!!" galit na saad ng Janella.
"Prove it!" saad ko. Bigla niyang hinawakan ang buhok ko pero mabilis kong sinuntok ang tiyan niya dahilan para mapaatras siya ng kaunti.Mahina lang ata yung pagkakasuntok ko ah. Pasalamat talaga tong mga to na wala ako sa totoo kong katawan. Tsss..
"Ughrrhhh!" daing niya.
"Haysss!! Queen ka na ng lagay na yan. Hahamunin mo ko tapos sabunot lang ang alam mo? Yan natahimik ka din, kahit mga ilang segundo lang, kakairita kasi ng boses mo e" pang iinis ko. Napatingin ako sa mga kasamahan niya nagkasalubong na ang mga kilay nito.
Lahat sila ay nakatingin na sa akin.
Seryoso akong napatingin sa mga mata nila. Ganun din sila sa akin.
Bigla kong itinaas ang kanan kong kamay kasunod ng pagsigaw ng ...
"Prof!!!" sigaw ko. Sabay sabay silang napalingon, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makatakbo pababa ng rooftop.
"ano?"
"Teka! Wala naman si Prof ah."
"Asan na yun?"
"GET HER!!!!"
"GET THAT F*CKING BTCH!"
Rinig ko ang mga sigawan nila. Mabilis akong bumaba ng hagdan, sigurado akong hahanapan nila ako dahil sa ginawa ko sa queen kuno nila. Hahaha .. mahinang pagkakasuntok lang yun eh tapos ganun siya makareact kala ko ba queen?
Tsskkk..
Kung nasa totoong katawan ko lang ako ay kayang kaya kong patumbahin ang limang yun pero sa lagay kung to impossible dahil mahina ang katawang gamit ko. Mabilis akong tumakbo pababa, patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang room na bukas. Mabilis akong pumasok sa loob at agad na isinarado ang pintuan nito.
"Hoooo.." malalim kong paghinga. Habol hininga ako habang hawak hawak ang doorknob. Bigla na lang akong may narinig na mga yabag ng sapatos na papalapit akin mula sa likuran. Dahan dahan akong napalingon.
Anak ng ...
Pagminamalas ka nga naman oh!
Si Blaze?
"Ahhh wala naman, isang pusa lang ang biglang pumasok sa room," saad ni Blaze habang may kausap sa cellphone. Malas talaga malas, nakatakas nga ako sa mga tigre pero sa leon naman ang bagsak ko.
Haysss..
Bigla siyang lumapit sa akin. Di ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Lumapit pa siya ng lumapit hanggang sa konting distansiya nalang ang pagitan naming dalawa. Nakatingin siya sa akin habang may kausap sa cellphone. Magkadikit na magkadikit na kami.
"Oo, papunta na ako diyan," saad niya sa kausap.
Ano aalis siya sa lugar nato ibig sabihin bubuksan niya ang pintuan tapos maaring makita ako ng mga yun! Hayss..
Hindi maari..
Nang aabutin na sana niya ang doorknob upang buksan ito ay bigla kong tinabig ang kamay niya kasunod ng pagpapa lean sa kanya sa pintuan habang nakatakip ang kanang kamay ko sa bibig niya.
Please Blaze, wag ka na munang maingay!
Narinig ko kasing may tao sa labas at kapag pumalag ang lalaking to ay siguradong mahuhuli ako. Bigla kong inilapit ang bibig ko sa tenga niya.
"Okay lang ang lahat," mahinahon at pabulong kong saad kay Blaze.
Napansin ko naman ang biglang paglaki ng kanyang mata. Parang gulat siya sa mga sinabi ko.
"Please lang wag ka na munang maingay, kahit ilang segundo lang tayong ganito, pagkatapos nito ay aalis din agad ako kahit magmakaawa kang di ako umalis," saad ko gamit ang seductive kong boses. Tss.. Kadiring maging b*tch!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro