Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

ALEXANDRIA


"Papasok po ako ulit?!" gulat na gulat ako sa mga sinabi ng inay ni Wenoana. 

"We already informed your instructors and the school administrator about it. We also informed them about your situation so there's no need to worry my dear," saad ng aking ina which is ina talaga ni Wenoana, pero ako si Alexandria na nasa katawan ni Wenoana na anak niya. Sobrang gulo diba, di ko alam kung may karapatan ba kong tawagin siyang ina o wala. 

Basta bahala na si Spiderman! Hayss..

"so dear if you're okay now. Pwedeng bukas na bukas din ay makakapasok ka na," dagdag pa niya na nagpakunot sa noo ko. 

Like what! 

Si Alexandria Flores papasok ulit sa school and this time college na ako? 
For the information of everyone hanggang 3rd year high school lang po ako, kasi nung mga panahong yun dun nagkalabuan sila mama at papa tas ayun na nga lumayas si mama tas si papa naman iniwan na din ako. Wala din akong kamag anak na pwedeng sumuporta sa akin kaya sa murang edad ay namulat na ako sa pagtatrabaho para sa sarili ko. Para mabuhay at para makakain. 

Gusto ko rin namang makapag aral e pero wala akong magawa. 

Pero ngayon papasok na ako sa paaralan sa katauhan ni Wenoana parang natatakot ako. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako. Dapat ay tatagan ko pa lalo ang loob ko. 

Napahinto silang lahat habang pinagmamasdan akong nakatulala sa kawalan. Napatigil nalang ako sa pagmumuni ng mapansin kong laahat sila ay nakatingin sa akin. 

"Uh! Di ka naman pipilitin anak kung di ka pa handang bumalik sa pag- aaral," tarantang saad ng "aking" ina. Di ko pa talaga feel tawagin siyang ina ano ba yan? Nagwowonder tuloy ako kung nasaaan na ang mama ko. 

"Akala kasi namin mas makakabuti sa kalusugan at sa memorya mo ang muling pag-aaral para mas maalala mo ang lahat anak, pero kung di mo pa kaya pwede namang magpahinga ka nalang muna," dagdag ulit niya. 

"Ahmm.." saad ko na nag iisip pa rin. Iniisip ko na gusto gusto ko talaga dating mag aral pero di ko naman aakalaing sa ganitong paraan ko makakamit ang pangarap kong yun. Papasok ako sa lugar na yun pero sa katauhan ng ibang nilalang. Ang lalim ng mga wordings ko ha~ 

Napayuko nalang ako habang tinitimbang ang mga pangyayari. Magiging okay kaya ang lahat?  Third year high school lang ang natapos ko tapos papasok ulit ako sa school bilang isang college student? Nako naman oh! Baka ipahiya ko lang ang dating nagmamay ari ng katawang to. Tiyak din akong matalino tong Wenoana nato dahil sa mga librong nasa kwarto niya kanina, tas medyo malabo din ang paningin niya. 

Hayysss... 


"Wenoana! Anak-"

"Uhhhh ma?!" mabilis akong napataas ng tingin ng tinawag akong bigla ni mama.


"Okay ka lang ba? Kung di okay sayo ang suggestion namin pwede namang-"

"Uhhh di po sa ganun, may iniisip lang po kasi ako."

"Siguro ay hindi niya gustong bumalik sa lugar na iyon ma," saad ng kontrabidang kapatid ni Wenoana na si Nina. 

"Anong ibig mong sabihin anak?" 

"Patawarin niyo po ako kung sasabihin ko to sa harapan ninyo pero nung araw ng aksidente ni ate Wenoana, sinabi ng police sa akin na may malaking possibilidad na suicide attempt ang ginawa ni ate. Theory lamang po iyon ng police pero nung mismong araw din na iyon may di magandang nangyari kay ate, sa school. At dahil sa pangyayaring yun nagcommit siya ng suicide," mahabang litanya ng aking kapatid habang nakatingin sa hawak niyang baso. 

"Kung ganun nga ang totoong nangyari kay ate siguro ay di muna dapat natin siyang pabalikin sa lugar na iyon. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari,"  saad ulit niya. 

Ahh! Ganun pala ang gusto mong mangyaring maldita ka ha? Ang di ako makabalik sa school. Puwes! 

Di kita pagbibigyan! 

"Sorry kung sinabi ko to sayo ngayon ate ha." 

Tssskk napakaplastic! Ang sarap sipain eh! 

Napakagaling magdrama ng p*ta! 


"I'm fine," saad ko habang may awtoridad ang tono ng boses. Hehe Epektibo pala ang panonood ko ng drama sa tv. Kita mong may napulot akong phrase na "I'm fine!"

Magiging mas madali sa akin kung sumunod ako sa gustong mangyari ng babaeng to. Pero di naman din siguro magandang isipin na kinocontrol ako ng empokretang to. 


"Okay na po ako, okay na okay na sa akin ang pagbalik ko ng school bukas," saad ko habang nakangiti. 

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo anak?! Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo," alalang saad ni mama. 

"Wag po kayong mag aalala ma. Theory lang naman daw po ang sinabi ni Nina kanina. Di naman po ako natatakot na pumunta sa school eh. Isa pa baka dahil sa pagbalik ko sa school mas maging okay na yung lagay ko," saad ko ng may confidence. 


"At ma, gusto ko rin po talagang bumalik sa school. Gustong gusto ko!"


Yun yung mga sinabi ko pero ang katotohanan ay..


Nahihiya ako sa sarili ko. Ang isang high school student ay papasok ulit sa paaralan bilang isang college student. 


Nandito na ako ngayon sa harapan ng napakalaking gate ng paaralang pinapasokan ni Wenoana dati. Tskkk.. Kinakabahan na talaga ako. Di ko alam kong bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dahil ba matagal na akong di nakapunta sa ganitong klaseng lugar o dahil ang dating nagmamay ari ng katawang to ay may masamang karanasan sa lugar na to? 

"Malayo na ang nalakad pero di ba pumasok sa isip mo ang bumalik na lang sa bahay niyo?"
napalingon ako dahil sa may kung sinong biglang humawak sa aking balikat. 


Tssskkk.. 

Ang bruha na naman na si Nina. 


"Nakakatuwa naman ang tapang muna ngayon ah! Siguro ay naamnesia ka nga talaga. Nakakatuwang isiping napakatapang na ng gamu gamung lumapit sa apoy, sa kanyang katapusan, sa kanyang kapahamakan," saad niya. Di bagay sa kanyang maging matalinghaga. B*tch! 


"Anyways, sana maging okay ang araw mo ngayon Wenoana. Sana di ka na umiyak at magmakaawa muli sa aking tulungan ka kagaya ng dati," dagdag niya habang naglalakad ng palayo sa akin. 

Nagsalungat lang ang kilay ko sa mga sinabi niya. Pero ramdam kong mayroong kakaiba sa mga katagang nabitawan niya. Tsskkk.. 

Kagaya ng dati? 


Anong ibig niyang sabihin? 

May nangyari ba dati sa magkapatid? Siguro ay away o nag agawan ng lalaki? 


Haysss EWan!!


Pero sadyang nakakaramdam ako ng kakaiba. 

May roong something! 


Ahh bahala na! Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang may plastic na bote ang lumipad papalapit sa akin sinalo ko ito bago pa tumama sa mukha ko. Tskk sigurado akong sinadyang ibato yun. 

"So totoo pala ang balibalitang ang nerd na si Wenoana ay babalik sa BlackFire University?" saad ng isang babaeng may hawak na dalawang plastic bottle na may lamang kaunting tubig. Ibig sabihin siya ang bumato sa akin. May dalawa pa siyang kasamang sanggano. Tssk sino tong mga to? 

"Napakasaya naman nakita kitang muli Wenoana! Alam mo bang sobrang bored ko nung ilang buwan kang nawala?"

"Sino ka naman?"

"HUH!!"sigaw niya. Gulat na gualt siya sa sinabi ko. 


"BITCH KA!! IS THIS FOR REAL ? AKO KINALIMUTAN MO AKO? MAY AMNESIA KA NGA TALAGA? SIGURADO KA BA SA MGA PINAGSASABI MO O NAGKOKONWARI KA LANG?!! THIS CAN'T BE AKO DI MO KILALA? WTFUDGE!" napatakip ako ng tenga dahil sa pagsigaw niya. 


Ngayon kuha ko na ang lahat. Kaya sobrang kaba ang naramdaman ko kanina ay dahil sa mga naranasan ng dating nagmamay ari ng katawang to sa lugar ng to. Sa bahay may malditang kakambal tas sa school may ganito pang pang aalispusta. sino ang hindi magsusuicide? 

Pero ngayong si Alexandria na ang nagmamay ari ng katawang to. 

Hindi ko hahayaang maapi pa muli ang katawang to. 

Di ngayon, simula ngayon, hindi na. 

Bigla kong itinapon sa babae ang boteng hawak ko kanina. 

"Ouchhh!!" sigaw niya. 

Sapol siya sa noo. Malaking noo. 

"Bullseye!" sigaw ko habang may kaunting tawa. Gulat na gulat ang mga tao sa paligid maging ang mga estudyante. 

"Kung sinusubukan mo kong takutin gamit yang boteng yan, siguro dapat magpractice ka pang umasinta. At isa pa magpalakas ka ang hina mo!" saad ko. 


At naglakad na ako papasok sa paaralan. 

BlackFire University? 

Familiar? san ko ba nabasa ang salitang yun? Hmmm?


"Hey! Bitch! Ikaw ba talaga si Wenoana?!" sigaw pa ulit ng maldita kanina. 

"Oo ako nga! Walang iba..."


"How dare you embarass me b*tch!" sigaw niya pero di ko na siya pinakinggan. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante para bang isa akong artista na pinagbubulong bulongan tas parang manghang mangha sila sa akin. Ano nga bang nagawa ko? 


Sino ba yung babaeng yun? 


"Alam ko na lahat ng tungkol sayo, sinabi na sa akin ng iyong mga magulang," saad ng isang professor sa akin. Nandito na ako ngayon sa faculty building ng university.

"Sigurado akong mahihirapan kang maka catch up sa mga topics pero sigurado naman akong makakaya mo yan. Alam kong isa kang matalinong bata," saad ng professor. May Gad prof! Kung alam mo lang! 

Pagkatapos naming pag usapan ang iilan sa mga subjects ko ay agad na kaming nagtungo sa first subject ko. 
Ganito pala ang pakiramdam ng nasa paaralan nakakakaba na parang inuubos ng mga titig ng mga estudyante dito ang enerhiya ko. 

Papasok na kami sa isang room kung saan pagdadausan ng first subject ko. Ganun nalang ang paglaki ng aking mata dahil sa taong aking nakikitang nakatingin sa akin. Hindi maari, paano nangyaring? 

Sabi nila kapag ang isang coincidence daw palaging nangyayari, iba na ang tawag dun. Destiny na daw. 

At sa nangyayari ngayon, matatawag ko bang destiny ang muling pagkikita namin ni Blaze. 

"Bla-ze?," bulong ko sa aking sarili. 






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro