Chapter 3
ALEXANDRIA
Nasa loob ako ngayon ng kwarto ni Wenoana. Pansin ko ang napakaraming libro, meron ding mga posters ng mga Korean Male Groups. Sa kwarto pa lang na ito masasabi kong malaki ang pagkakaiba namin ng babaeng ito. Sigurado din akong matalino siya. Kaya siguro siya binubully ng mga kaklase at kapatid niya kasi di niya magawang lumaban. Mahina siya at wala siyang ibang kayang gawin kundi ang umiyak sa sulok.
Pero hindi ko na ulit hahayaang maapi pa ang bagong Wenoana. Ang Wenoana na may Alexandria sa loob. HAHAHA...
Napalingon ako ng makita ko ang isang picture frame. Meron itong larawan nilang buong pamilya. Kasama ang maldita niyang kambal na si Wenina. Panget ng pangalan. I wonder kong sinong nakaisip ng mga pangalan nila.
Tsss..
Napaupo ako sa malambot na kama. Nang biglang pumasok sa isip ko ang pagdating ni Blaze sa bahay nato. Paano nangyaring nandito siya? Nakilala niya kaya ako? Namukhaan?
Hindi naman siguro kasi nasa katawan na ako ni Wenoana at ibang iba na ang mukha ko. Di ko lang maipaliwanag sa sarili ko ang naramdaman ko ng makita ko siyang muli. Maraming taon na din ang lumipas simula nung huli ko siyang nakita.
Ang Blaze na dati ay patpatin at inosente ngayon ay may maganda ng tindig at di ko maikakailang napakagwapo niya.
Naalala ko tuloy ang araw ng una naming pagkikita.
FLASHBACK--->
"PUTANG*NA KANG BATA KA!" sigaw ng aking habang hawak hawak ako sa aking balikat. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito. Yung tipong nasasaktan na ako. Napapaluha nalang ako dahil sa sakit na aking nararamdaman.
"DIBA SABI KO SAYO UMUTANG KA NG ALAK KINA ALING MARIA! NASAAN NA?!" sigaw ulit nito.
"Tay nasasaktan ako," daing ko. Di siya nakinig sa sinabi ko bagkos ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko habang may nanlilisik na mata.
"Di na daw po magpapautang si Aling Maria sa inyo ng alak dahil ang dami niyo na daw pong utang," saad ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng aking walang kwentang ama.
"KUNG GANUN AY GUMAWA KA NG PARAAN!" sigaw ulit nito sa akin.
Di na ako nakatiis kaya naman ay malakas kung sinipa ang pinakaiingatan niya kasunod pagkagat sa kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
"AHHHHHH!!!" daing niya habang hawak hawak ang parte ng katawan niyang iyon.
Tssss...
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay namin. Dapat lang sa kanya yun sawa na ako sa kawalang kwenta niyang ama. Sa gulang kung 15 taon, natutunan ko ng lumaban sa mga taong umaalipusta sa akin. Minsan di lang sapat ang pag-iyak para makapaglabas ng hinanakit minsan mas maganda din kong may dahas.
"BUMALIK KA DITO, ALEXANDRIA!!!" sigaw nito.
"PAPATAYIN KITA, ARGHGHH... PAG NAHULI KITA, HUMANDA KA SA AKIN!" sigaw pa nito ulit. Nilingon ko lang siya at isang ngiti ang aking iginante sa mga sinabi niya. Masakit nga talaga siguro yung ginawa ko sa kanya. Buti nalang nakita ko sa palabas sa tv kung paano magpabagsak ng lalaki. Yun palang parteng yun ang kahinaan nila. Hahah.. Buti nga sayo pa.
Buti nalang makakalimutin si papa, kaya minsan pagising niya nakakalimutan na niya ang mga atraso ko sa kanya. Sana lang gumana ulit yung pagiging makakalimutin niya mamaya pagising niya.
Napahinto ako sa pagtakbo ng mapansin kong malayo na ako sa bahay. Hinabol ko ang aking hininga habang hawak hawak ang aking dibdib.
Hmmm.. Ano kayang pwede kong gawin? Pampalipas oras.
Naglakad lakad lang ako. San kaya ako pwedeng tumambay?
"............."
Napahinto ako ng makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa aking kanan. Saan kaya galing yun?
Isang eskinita?
Madilim na eskinita. Parang nakakatakot pero wala din naman akong gagawin ng araw nato kaya sige pasukin ko na. Wala naman sigurong mga multo sa loob ng eskinitang to.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang malampasan ko na ang madilim na eskinita at dinala ako ng aking mga paa sa isang bahay. Nasa loob ng isang bahay ang boses na narinig ko. Parang iyak ng kung sino man. At dahil na curious ako ay inakyat ko kaagad ang bakod upang makapasok. Inoorserbahan ko ang paligid.
Napansin kung may parang bodega sa likod ng bahay at doon nanggagaling ang tunog kanina. Dali dali akong lumapit sa pintuan ng bodega. Napansin ko kaagad na may lock ito mula sa labas. Mas lumapit pa ako sa pintuan upang masiguro kung doon nga nanggagaling ang tunog.
"TOK TOK !!" pagkatok ko sa pintuan.
"May tao ba sa loob?" saad ko pero walang sumasagot.
Wala nga talaga sigurong tao sa loob. Nagkamali lang siguro ako sa narinig ko kanina.
Kaya naman ay tumalikod na ako sa pintuan upang umalis na.
"UGHHH!!"
Napahinto ako sa paglalakad ng muli kong narinig ang boses kanina. Mabilis ako tumakbo pabalik sa pintuan at agad na binuksan ang lock ng pintuan na nasa labas. Dahan dahan kong binuksan ang pinto.
Napakadilim naman. Wala akong makita kahit ano.
Kaya naman ay mas lalo kung binuksan ang pinto upang makapasok ang liwanag upang makita ko kung sino man ang pinagmumulan ng tunog na iyon.
"Uhhh!!" napatakip ako ng bibig ng tumambad sa akin ang walang malay na lalaki. Napaatras ako habang pinagpapawisan. Di ko magawang sumigaw dahil baka may makarinig.
Tanaw ko parin ang lalaking walang malay.Marami itong sugat sa katawan, maraming pasa at napakapayat nito.
Anong nangyari sa kanya?
Wala ba talaga siyang malay?
Baka patay na siya?
Pero umungol pa siya kanina.
Bakit siya nasa lugar na ito?
May pinagdadaanan ba siya o ano?
Tingin ko ay magkasing edad lang kami ng lalaking to.
Naglakad ulit ako papalapit sa lalaking walang malay. Dahan dahan ko siyang niyugyog upang gisingin. Di ko alam pero nakaramdam ako ng awa habang pinagmamasdan ang lalaking ito.
"Woyyy! " saad ko habang niyuyog ang katawan niya.
Teka? Nanginginig siya?
Grabe yung panginginig niya.
"May sakit ka ba o ano? Okay ka lang ba?"
Nagtataka na talaga ako kaya naman ay ibinalikwas ko siya upang makita ko ang mukha niya. Ganun nalang ang aking pagkagulat ng tumambad sa akin ang mukha niyang puno ng luha habang may mabilis na paghinga. Ano bang nagyayari sa kanya?
Anong dapat kong gawin sa mga oras na to?
Wala akong ibang pwedeng hingan ng tulong.
Baka may mangyaring masama sa kanya.
Di ko alam ang gagawin ko. Ilang minuto akong nag isip ng dapat gawin.
Tama!
Bago ang lahat kailangan ko muna siyang maalis sa lugar na to.
Kaya naman ay inalalayan ko siya para makatayo. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya para maitayo ko na siya. Dahan dahan ko na siyang naitatayo pero tae lang, ang bigat niya mga tsong. Ang payat niya tingnan pero bat ang bigat niya.
Konti nalang ay maitatayo ko na siya ng lubusan pero bago ko pa magawa yun ay na out of balance ako dahilan upang tumama sa sahig ang puwet ko at napahandusay siya sa dibdib ko. Napahawak naman ako sa likuran niya.
"Ang bigat mo naman!" daing ko.
Buweshet naman oh!
Ibinaling ko ang pagkahandusay ng ulo niya sa aking balikat.
Bakit nanginginig siya ng sobra? Di naman siya nilalagnat o ano paman.
May kinakatakutan ba siya o ano?
Di ko alam kong bakit pero dapat may gawin ako para matulungan ang lalaking to. Sana makatulong ang gagawin ko sa kanya. Tinatapik tapik ko ang likuran niya habang nakahandusay parin siya sa akin. Wari'y pinapakalma ko siya. Niyakap ko din siya ng napakahigpit.
"Okay lang ang lahat," saad ko.
"Wag kang mag aalala andito lang ako," dagdag ko pa. Omay! Alexandria bat mo nasasabi yan sa isang taong hindi mo naman kilala kung sino. Baliw na nga ako. Hayss..
Pinamasdan ko lang ang mukha niya may mga luha paring nag uunahang lumabas sa mata niya.
"Uhhh," daing ko ng mapansing di na siya nanginginig. Umepekto ata ang ginawa ko.
"Okay ka na ba?" saad ko habang dahan dahang kinakalas ang pagkakayakap sa kanya.
END OF FLASHBACK
Arghhhhh!!!!..
Buweshet talaga!
Bakit ba kasi related din ang lalaking yun sa babaeng nagmamay ari ng katawang gamit ko ngayon?
Pagkatapos ng nangyari sa nakaraan, pagkatapos niyang gawin iyon sa akin. Babalik siya, pero huli na dahil di na ako si Alexandria ngayon, ako na si Wenoana. Hindi na niya ako makilala. Di na niya maalala ang nangyari noon. 10 years ago..
"She's nothing. Di mo siya dapat makilala, she's a b*tch. Walang kwentang babae, di mo siya dapat paglaanan ng oras. B*tch who flirts every man she sees," bigla kong naalala ang sinabi ng Nina na yun sa harap ko habang kasama namin si Blaze. Kakasurang babae~ naku~ buti nalang talaga nakapagpigil ako ng mga oras na yun. Dahil kung hindi wasak na ang mukha niya~!
Kailangan kong magpanggap kaya dapat patience lang Alexandria. Baka isipin nilang hindi ka si Wenoana pagbinugbog mo ang babaeng to sa harapan ni Blaze.
Siguro mas makabubuti kong di ako makilala ni Blaze.
Tama! Yun ang kailangan kong gawin.
Pagkatapos ng nangyari noon, sigurado akong nakalimutan na niya ako.
Nakalimutan na niya si Alexandria.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro