Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28: Confrontation

Alexandria's POV

"Hays!"
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakahilata habang inaalala ang mga nangyari kanina. Di ko akalaing makikilala ko ang isa sa mga taong naging parte ng buhay ni Wenoana.

Ang lalaking yun.
Sobrang lakas ng aura niya habang nasa harapan ko siya. Pero hindi ako magpadala sa mga nangyayari. Lalaban ako.

Di maaring maging katulad ako ni Wenoana na wala man lang ginawa para maayos ang buhay niya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganun ang nangyayari sa akin kanina nung kaharap ko ang lalaking yun.

Nanghihina ako na di ko maipaliwanag.
Kailangan kong malaman kung ano ang koneksyon niya sa nangyari kay Wenoana noon.
Sigurado akong magkikita pa kami ulit at sa muling pagkikita namin sisiguraduhin kong ibang Wenoana na ang makakaharap niya.

"Masaya bang makipagharutan kay Blaze?"
Napahinto ang aking pagmumuni sa biglaang pagpasok ng bruha kong kapatid. Anak ng tinapa naman oh!

Dumagdag pa ang isang to!

"Stop going with him b*tch, his mine!"

Napataas ako ng kilay dahil sa biglaan niyang pag entrance.
Di ba naturuan ng knocking etiquettes ang babaeng to!?

Tsk-

"Pwede ba? Wala ako sa mood para makipag usap sayo."
Di ko na siya pinansin at nahiga nalang ulit.

"Isa ka talagang b*tch!"

Nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig. Ohmy! This woman is getting into my nerves.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinarap ko siya.

Gusto niya ng pikunan. Well, mali siya ng nilapitan.

"Bakit Nina ganyan ka naba ka selosa nakahit di iyo ay pagseselosan mo!? "
I cross my arms with my left eyebrow raised.

"Kung nagseselos kana pala? Why not approach Blaze and tell him that you also need his attention? "
Nakita ko ang marahang paglaki ng butas ng ilong niya. Nangangahulugang napipikon na siya.

Cheers!

Magaling talaga akong mangpikon b*tch!

"Ang di ko lang alam ay kung pagbibigyan ka ba niya? Kasi nga diba, his attention is into me!"

Hahahaha!

Di ko akalaing masasabi ko yun.
"Malandi kang babae ka!"
Galit na siya mga bes!

"Ako malandi? Diba ikaw tong pumasok sa kwarto ko para lang sabihan ako na layuan si Blaze kahit wala namang kayo!?"

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Nakakuyom ang dalawa niyang kamay habang parang bulkan ng sasabog dahil sa pagka irita sa sinabi ko.

"Shut up!"
Sigaw niya.

"Ops! Baka nakalimutan mong nasa kwarto kita. Kaya wala kang karapatang pagbawalan akong magsalita."

"Tsk! Wala akong oras na makipag lukuhan sayong babae ka!"
Papalapit siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Anong relasyon na namamagitan sa inyo ni Blaze!?"
Biglang uminit ang tenga ko dahil sa aking narinig. Oh come on!

Kami!!? Well, ano nga ba kami!!?
Magkaibigan!? Ibang iba na kasi ang Blaze na kilala ko noon at dati.

Ibang iba na siya sa BLAZE na nakilala ko ng matagal ng panahon.

Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit ganun nalang kadali para kay Blaze na makilala ako.

"Anong relasyon ang meron kayo ni BLAZE!? Kasi alam kong merong rason kung bakit ganun na lang siyang kadaling pumayag na makasama ka."

Di ko siya sinagot bagkus ay nakatingin lang ako sa kanya na halatang nagseselos

"Ginayuma mo ba siya huh at ganun nalang siyang biglang nagbago sayo!? Nilandi mo ba siya hah!"

Ehhh?! Kung alam lang ng babaeng to. Gustong gusto ko ng layuan si Blaze pero di pwede.

Really?

Gayuma talaga??

No way.

Hmmm! Pikonin ko pa kaya tong babaeng to? Gusto mo ng laro I will give you what you want dear.

"Ako nangayuma? No way. Di naman ako ganun ka desperada Nina, in short Im not like you. At isa pa, para sabihin ko sayo ang lalaking yun ang umaaligid sa akin."

"Btch! Ikaw!hahaha really? Ang kapal mo namang babae ka. Ikaw sinusundan ni Blaze, you must be joking."

Hahahah..

Pasalamat talaga tong babaeng to. Dahil may dalaw ako ngayon dahil kung wala baka nasipa ko tong babaeng to.

"No Nina, Im not joking, I'm freakingly damn serious."

Ang sarap pala pikonin ng babaeng to. Di maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Napasmile naman ako na parang nanghahamon sa kanya.

"Ikaw!" sigaw niya kasunod ng biglaang pag sugod sa akin. Hinawakan niya ang buhok ko habang inaangat ang mukha ko.

Lord! Patawarin mo sana ako sa mga susunod kong gagawin sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Akala mo ba nakikipagbiruan ako sayo ngayon hah Wenoana!"
Hawak hawak parin niya ang buhok ko.

"Hahaha. Pumunta kaba dito para mag usap tayo ng seryoso? Oh come on, di bagay sayo Nina, dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon. Wala kang ka manners manners sa katawan."

Bigla kong kinuha ang kanan niyang kamay na naka hawak sa buhok ko malakas ko itong hinawakan. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla dahil sa lakas ng pagkakahawak ko sa kamay niya.

Well sorry sa kanya. Nasasanay na ako sa katawang to at nagtatraining ako araw araw para mapalakas ang dating katawan ni Wenoana.

"Aahh, shh*t!" daing niya.

"Come on, Nina! Kung susugod ka sa kwarto ko make sure na prepared ka sa mga mangyayari sayo."

Nilakasan ko pa lalo ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Kung nagdududa ka sa mga sinabi ko, why not ask Blaze yourself. Para naman masagot na niyang mga tanong mo."
Binitawan ko na ang kamay niya. Bakas sa mukha niya ang sakit dahil sa pagkakahawak ko.

"Ngayon wala kana bang ibang tanong? Dahil ako naman ang magtatanong."

Napatingin siya sa akin ng masama pero gumanti ako sa mga titig niya.

"Alam mo ba Nina, nagtataka lang talaga ako sayo eh. Bakit sobrang init ng dugo mo sa akin?  Ganun ba ako ka epal sa buhay mo dati at ganyan ka sa akin ngayon. I was really thinking, ano kaya mga ginawa ko sayo at ganyan ka kung umasta sa akin."

Nagtataka lang talaga ako sa kilos ng babaeng to. Kahit na kakambal niya si Wenoana ay iba ang nararamdaman ng katawang gamit ko ngayon sa babaeng to. Magkahalong galit at takot ang namamayani sa akin sa tuwing nakikita ko siya.

"May mga dapat ba akong malaman Nina? Alam mo kahit na magkakambal tayo wala akong nararamdamang koneksyon sa ating dalawa. Hindi kaya dahil kahit kailan hindi mo naman ako itinuring na kapatid. And worst is di kaya ikaw ang dahilan ng lahat ng nangyari sa akin noon? "

"How dare you?! Pinagbebentangan mo ba ako?! "

"Paano kong sabihin ko sayong oo!?  At kaya kong patunayan yun?!"
Saad ko habang palapit ng palapit sa kanya. Ramdam ko naman ang takot sa mga mata niya dahil sa mga titig ko na parang kakainin ko na siya ng buo. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para mabulungan ko siya.

"Wag mo kong susubukan Nina, kahit magkakambal tayo. Kaya kitang kainin ng buhay. Gusto mo ng laro. Pagbibigyan kita."

Not me! Wag si Alexandria.
Don't mess with the siga, b*tch!
Ramdam na ramdam ko ang takot sa kanya. Nakikita ko sa mga mukha niya ang takot sa mga titig ko.

"Alam kong natatakot ka sa akin, Nina! "

"You!"saad niya kasunod ng isang sampal na mabilis kong pinigilan gamit ang kanan kong kamay.

" Takot ka sa akin Nina, takot ka sa bagong Wenoana! Tama yan matakot ka sa karma mo, ang karmang maaring maghatid sa yo sa kamatayan!"

"Ho..how dare y-you!"
Nanginginig niyang saad habang pilit na inaalis ang kamay niya mula sa aking pagkakahawak.

"Don't make me laugh Wenoana! A losser like you will always be a losser! Bakit naman ako matatakot sayo?"

"Haha! Yeah! I'm a losser. Pero nagtataka lang ako kung bakit ang isang katulad mo ay matatakot sa isang losser na katulad ko?"
Ginamitan ko pa ng panlilisik ng mata para mas maging makatutuhanan.
Napayuko siya at di ako matingnan ng deretsyo.

Sinasabi ko na nga ba!
May kinalaman siya sa lahat.

Kailangan kong malaman kung tama ba ang hinala ko.

"Isa pang tanong Nina, meron ka bang kilalang Marco? "

Ngayon malalaman ko mula sa expression niya ang katotohanan.

***TO BE CONTINUED***

I'm back mga labs!
Titigyawatin ang mga silent readers.
Magkakalovelife ang mga nagcocomments.
-Alexandria



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro