Chapter 27 ◄
Happy Summer!
So hot mga labs ehh!
Sing hot ko yung panahon eh noh?
Hahaha!
Fb: Kael Flores
add me nalang mga labs <3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
WENINA MENDEZ
BUSIT!
BWESIT!
Anong nangyayari sa Wenoanang yun!
Bakit ganun na siya kung makaasta?
Akala niya makakaya niya ako?
Bwesit!
Bakit kakaiba ang inaasta ng babaeng yun simula nung nagisng siya mula sa aksidente?
Bakit?!
"UGHHH!" malakas kong itinapon ang hawak kong baso sa lababo dahilan upang mabasag ito at gumawa ng ingay.
Anong sa tingin ng bitch na yun ang ginagawa niya?
Kakalabanin niya ako? Huh! Tingnan natin kung kakayanin niya ako.
That stupid bitch is getting into my nerves!
Hell her, she can't beat me.
No way!
Ipapakita ko sa kanya kung sino ang kinakalaban niya.
Kahit ang pinakasigang si Janella ay nahirapan sa pagdispatsiya sa kanya?
Kung di kayang gawin ng gaga nayon, ako nalang ang gagawa, tingnan natin kung anong panlaban niya sa akin.
Naikuyom ko ang kamao ko habang pinagmamasdan ang nabasag na baso na nasa sahig.
"Hindi maari!" sigaw ko habang hawak hawak ang buhok ko. Hindi pwede, marami akong isinakripisyo para makarating sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi maaring makuha niya ulit sa akin ang lugar nato. No way!
"HINDI!"
Dapat ihanda na niya ang sarili niya sa mga maaring gawin ko sa kanya. Magbabayad siya.
You piece of shit!
ALEXANDRIA FLORES
Anak ng tinapa naman oh!
Late na talaga, sobrang dilim na ng daan. Wala pa namang susundo sa akin dahil sira ang car ni daddy. Sira pa yung bike ko. Kailangan ko pang magcommute. Nakakainis talaga yung nangyari kanina.
"Argghhh!" saad ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Yung kumag na yun! He's making me insane. Yung mga sinabi niya?!
Huhuhu!
"I want to own you Alexandria, I am madly into you," bigla kong nasampal ang sarili ko dahil sa biglang pagpasok sa utak ko nung sinabi ng kumag kanina.
"Aw!" saad ko habang hawak ang pisngi ko. Ang sakit pala.
Crema de puta na kumag na yun!
At ang ...
"WAHHHH!!!" sigaw ko dahil naalala ko nanaman ang halik niya kanina.
At ang fact na gumanti ako sa halik nayun. Naman oh!
Kasi naman eh! Ang galing niyang humalik, na dala tuloy ako sa sitwasyon.
Alexandria! Wake up!
Para talaga akong wala sa sarili habang naglalakad papuntang sakayan ng mga jeep.
Mababaliw na talaga ako habang naglalakad dahil sa sobrang daming mga pangyayari ang tumatakbo sa isip ko, kainis.
"Ughhhh!!!!" daing ko ng biglang may nabundol ako. Napaatras naman lang ako habang yung nabundol ko naman ay napaupo sa daan.
"Shit!!! Ano ba!" saad ng lalaking pamilyar ang mukha. Hawak hawak niya ang puwet niya habang tumatayo. Annoyed ang mukha niya.
"So-sorry" saad ko habang tinutulungan siya sa pagtayo pero bigla na lamang siyang napahinto, at nakatitig siya sa aking mukha.
Naku naman!
Panibagong baliw na naman ba to?!
Di na ba ako mauubusan ng mga baliw na makikilala?
"Diba ikaw si Wenoana?" seryosong saad nito sa akin, napatango lang ako kasunod ng pag atras dahil palapit siya ng palapit sa akin.
Anak ng tinapa!
"Kita mo nga naman. For once di ko akalaing makikita kita sa ganitong sitwasyon," saad niya sa akin habang palapit parin ng palapit sa kinaroroonan ko.
"Di kita maintindihan. What do you mean?" saad ko na na may kaunting inis na. Sino ba kasi ang lalaking to?
"Sino ka ba?" dagdag ko pa. Nagulat ako dahil bigla siyang napahinto at nanlaki ang mata dahil sa narinig.
"Di mo ko kilala? Nak nang ..."
"Sorry Mr ha pero di po kita kilala, at isa pa excuse me lang po kasi uuwi na ako ...." saad ko na aalis na sana, pero bigla siyang nagsalita.
"What the! Talaga ba! Di mo ko kilalla? Theres no way na makakalimutan mo ko Wenoana!" saad niya pa habang hinaharangan ako.
Spiderman pigilan moko. Pag ako di nakapagpigil dito nako!
"Or nagkukunwari ka lang na di moko kilala? So totoo pala yung sinabi nila na na amnesia ka daw? Nakakadismaya naman, nakalimutan mo na pala ako. So sad~" tinapa! Nagpapacute pa ang ulol. Napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko pero di ako nagpatinag sa pakikipagtitigan sa kanya. Di ako magpapakita ng takot sa taong to. Wala akong nararamdamang takot dahil kayang kaya kong pabagsakin ang ulol nato.
Malas lang niya pag ako ang napuno.
"Siguro totoo nga ang narinig kong balita, na na amnesia pagkatapos ng aksidenteng yun. Akala ko nagpakamatay ka. I did not expect na makikita kita dito, I thought you're dead already."
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Oh tapos kana?! Pwede na ba akong umalis?" saad ko.
"Hahahahha! Nagka amnesia ka nga talaga, kasi di ka natakot sa akin, di ka man lang ba nakaramdam ng takot nung nakita moko?"
"Bat naman ako matatakot? Di ako matatakot sa lampang katulad mo?! " saad ko habang mas inilalapit ang mukha ko sa mukha niya, napaatras naman siya dahil sa ginawa ko. Buti nalang talga at gabi na wala na masyadong tao sa lugar.
"Hahahah! Napakasuwerte mo namang babae! Kita mo yun, buhay kapa!" bigla siyang tumitig sa akin ng masama.
Uh!
Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Di ko matukoy kung san ito galing pero parang napagtanto ng katawan ni Wenoana na masamang taong ang lalaking nasa harapan ko. Nakaramdam ako ng takot na di ko alam kong bakit.
Di man din alam kung ano ang relasyon ng lalaking to kay WEnoana pero isa lang ang alam ko kailangan kong lumayo sa kanya. Di maganda ang pakiramdam ko sa taong ito.
Bahagya akong napaatras kasunod ng paghakbang ko palayo sa kanya.
Di paman ako nakakalayo ay bigla akong nakaramdam ng kamay ng pumipigil sa akin.
"Di pa tayo tapos mag usap, ang bastos mo naman!" daing niya.
Uhhhhh!
Dahil sa ginawa ng lalaking yun ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Di ko namalayan ang pag agos ng luha sa aking mga mata kasunod ng pagpasok sa ilang mga alaala ni Wenoana sa aking isipan.
Ang eksina kong saan umiiyak si Wenoana habang hawak hawak ng limang kalalakihan, half naked na ito habang patuloy ang pag iyak.
At isa ang lalaking hawak hawak ako ngayon sa mga lalaking yun.
Ginahasa ba nila si Wenoana noon?
Bigla akong nakaramdam ng galit sa lalaking nasa likuran ko.
Sinasabi ko na nga ba!
"Mag - usap na mu- ughhh!" di na niya natapus ang sasabihin dahil malakas ko siyang sinuntok.
Di parin humihinto ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hinarap ko siya at nakita kong napahawak siya sa pisngi niyang natamaan ng suntok ko.
Di niya parin ako binibitawan, bigla niya akong hinila palapit sa kanya.
"So ngayon naalala mo na ako?" saad niya pa.
Anong ibig sabihin nito?
Isa ba ang lalaking to sa mga nanggahasa kay WEnoana na nasa video na yun?
Hays!
"Ma-marco!" bigla kong naisaad.
"Hahah! Buti naman at naalala mo na ako ngayon Wenoana, magaling~" saad niya habang bumubulong sa tenga ko.
"Napakasaya naman!"
Ba-bakit ganito?
Di ko magawang makagalaw. Nanginginig ang buo kung katawan. Dahil ba to sa katawan ni Wenoana na gamit ko ngayon?
SObrang bilis parin ng takbo ng tibok ng puso ko. Nandun parin ang kaba at takot.
Anak ng tinapa! Anong nangyayari sa akin?
"Oh! Bat nanginig ka jan? Natatakot ka na ba sa akin? Kani kanina lang ang tapang mo tas ngayon umiiyak at takot kana? What happened?"
Ano ba Alexandria! Di ikaw si Wenoana! Bakit ka matatakot sa ulol na to?
Come on, katawan ni wenoana makisama ka naman para makaganti tayo para kay Wenoana!
Mula sa pagkakayuko ay bigla akong tumingala para tingnan siya ng diretso sa mata.
"Ulol!" saad ko na nagpalaki sa mata niya.
"Ang yabang mo naman! Ako matatakot? Sayo! Di mangyayari yun!" sigaw ko na nagpalingon sa iilang tao na dumadaan sa lugar. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya kasunod ng isang pagbulong.
"Alam mo sa tingin ko, di tayo magkaibigan at wala rin akong maalalang may pinagsamahan tayo, alam mo yun nung nakita kita. Inisip ko na sino ba ang ulol na nasa harapan ko ngayon. Feeling close ka naman masyado tol, " bulong ko sa kanya. Bigla kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Kaya pwede ba! Umalis ka na sa harapan ko bago ko pa magawa ang isang bagay na sure akong pagsisisihan mo! " dagdag ko pa.
"Wow! Wow! galing naman! Ang tapang muna ngayon ah! Dati lang napakaboring mong tao ngayon lumalaban kana," lumapit na naman siya sa akin kasunod ng pagbulong ulit.
"Wag kang mag aalala di ako nangangagat kaya relax ka lang. Marami pa akong dapat sabihin sayo pero di pa ito ang tamang pagkakataon. Its nice to see you again, baby!"
Baby?
Baby?
what?!
Nag init ang tenga ko kaya wala na akong nagawa kundi gawin ang bagay na dapat ginawa ko na kanina pa.
"Walang hiya kang babae ka! Ughhhhhh!" rinig ko ang sigaw niya sa likod ko.
Sinipa ko lang naman kasi ang treasure niya.
Ulol siya.
Sabing wag ako eh!
Sumakay na ako ng jeep. Nang makasakay ako ay tumunog ang cp ko.
From Kumag: Asan ka?!
Hays! Ano na naman kailangan ng kumag nato?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro