Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 ♫

Its good to be back after 300 years! 

-KAEL

ALEXANDRIA FLORES 


Tulad ng inaasahan ganun na nga kabilis kumalat ang balitang nagsama kami ng kumag na si Blaze kahapon. Kabanas huh! Pero nakakainis dahil halos lahat sila ay nakatingin sa kinaroroonan ko. Panira ng umaga ang mga talakang nasa harapan ko. 

"Oy! Totoo ba na nagsama kayo ni Blaze kahapon?"

"Friend! Totoo ba!" tsk! Kailan pa ako nagkafriend sa school nato? At kailan pa ako nagkaroon ng kaibigan na mukhang seaweeds? May Gad! Wag ako! 


"Paano po naging kaibigan si Blaze?"

"Diba nakakatakot kasama si Blaze?"


Napakaraming tanong ng mga talangka sa harapan ko. Kesa daw di naman mahilig makipagkaibigan si Blaze. Di daw ako yung tipong kakaibiganin ni Blaze. 

Like seriously? 

Matagal ko nang kilala ang kumag nayon noh! Kung alam niyo lang mga lamang dagat kayo. Ang dadaldal ng mga to. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga bibig nilang putak ng putak sa harapan ko. 

Kainis lang dahil di ko pala na dala ang headset ko. Hays!

Napangisi ako habang may biglang idea na pumasok sa isipan ko. 

"Actually di naman talaga ako ang nakipagkaibigan sa lalaking yun. Siya tong habol ng habol sa akin. Siguro dahil alam niya na yung balita kung gaano ako kagaling makipaglaban....blah blah.." saad ko pa sa kanila. Napakarami kong sinabi sa kanila. Kainis lang kasi pinapalabas ng mga to na ako yung habol ng habol sa lalaking yun. Like duh! Di ako ganun. 

Di ako cheap!

This is my timid revenge. 

Bigla na lamang tumigil ang mga talangka sa kanilang mga ingay na ginagawa para silang binuhusan ng malamig na tubig. Dahan dahan naman akong napalingon sa pintuan. 

MAY GAD HELP ME! 

Nanlaki nalang ang mata ko dahil nandun pala si Blaze. Nakacross arms ito habang nakatayo sa pintuan. Di ko alam kong ano ang gagawin ko. Paano nato! 

Pinagmasdan ko lang ang mukha ng kumag habang papalapit ito sa amin. Nakangisi ang mukha nito habang papalapit. Dapat ba akong matuwa sa pagngisi niya o dapat akong kabahan. 


Hays! Alexandria!


"Tama ang sinabi niya, I am really into her.  I want to be her friend and I am really serious about it" saad niya na ngayon ay nasa harapan na ng aking upuan. Di ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na to dahil sa kanyang mukhang seryosong nakatingin sa akin. 

"Uhhhh" saad ko.

"Ginawa ko yun dahil umamin na siya sa akin na mahal niya daw ako," saad nito. 

Teka! 


Ano daw?


Ano!!!


Ako?!! Umamin! Like WTF! 


Napatayo ako sa aking kinauupuan kasunod ng pagbitaw ng isang malakas na suntok sa mukha ng kumag. Agad naman niya itong nasalo gamit ang kanan niyang kamao. Napahinto ako sa nangyari. 


"Woahh!! Grabe pala talaga si WEnoana ngayon! She's terrifying!" rinig kong saad ng isa sa mga talangka. 

Ngayon ay hawak na hawak ng kumag ang kaliwang kamao ko habang nakatitig siya sa mukha kong puno ng galit. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay yung ginagawan ako ng istorya. Kahit kailan di ko naman sinabi yun ah. 

Tsk! 


Kahit na nagkiss na kami.. di niya pwedeng sabihin yun. 

"Di totoo yang sinasabi mo! Wag kayong maniwala!"

"Hahahha!" tawa ng kumag sa harapan ko. 

"Di ba sabi ko sayo, di na oobra yang mga galawan mo sa akin," dagdag pa nito. 

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Kasunod ng isang malakas na sipa galing sa kanang paa ko papunta sa Asian Treasure niya. 

"UGHHHHH!" 

Sapol! 

"KRINNNGGGGGGGG!!!!"


Ayos! Tunog ng bell. 

Literally save by the bell ako. 

Napaupo naman ang kumag sa upuan katabi ko habang iniinda ang sakit. Ang talim ng mga titig niya sa akin. Hawak din niya ang treasure niya.Nakaktawa. Akala niya talaga oobra din siya sa akin. 

Bigla namang dumating na ang professor namin at nagsimula na ang first subject. 

Natapos ang araw na di ko nakita ang kumag pagkatapos ng first subject. Nakakapagtaka. 

Nasan kaya yun?

Napatay ko ba dahil sa lakas ng pagkakasipa ko sa treasure niya. 

Naglalakad ako papuntang library para isa uli ang mga librong hiniram ko ng biglang may umakbay sa akin mula sa likod at hinila ako papasok sa isang room bago makarating sa room ng library. 
Kung di ako nagkakamali ay laboratory itong kinaroroonan ko ngayon di ako sigurado dahil napakadilim nito. Sisikuhin ko na sana ang lalaking ito ng biglang lumiwanag ang buong paligid at tumambad sa akin ang lalaking nakaupo sa isang upuan. Nakatalikod ito sa akin. 

"Boss ito na!" saad ng lalaking nakaakbay sa akin. 

"Keille!" saad ko. Sinasabi ko na nga ba! 

"Sorry Wen! Napag utusan lang ako," saad nito habang nakakamot ng batok. Ahhh! Kahit kailan talaga ang cute nitong si Keille. Sarap gawing teddy bear. Parang anghel. Paano ako magagalit sa kanya? Paano?!

Bigla namang suminyas ang lalaking nakaupo.

"Sige Wen, alis nako!" Buwisit ka Keille! Bakit mo ko ginaganito? Ngayon lang kasi may tumawag sa akin ng Wen. Ang sexy pa ng boses niya. 

Napahinto ako sa pag iimagine kay Keille ng mapansin kong tumayo na ang lalaking nasa harapan ko na kung di ako nagkakamali ay si Kumag. 

Tsk!

Kahit kailan talaga! 

Bigla siyang humarap sa akin. Seryoso ang mukha niya. Tsk! Ano na naman ang gagawin ng kumag nato sa akin. 

"Di ka pa ba nadala?" saad ko. 

"Ako?! Madadala? Sino may sabi?" siya na ngayon ay papalapit na sa akin. 

Ano to hahalikan na naman niya ako?! 

Sabing di na uubra sa akin yan eh. 

"Hahhahah!" malakas na pagtawa nito. Palapit parin siya sa akin. Mas lalong napalakas ang pagkakayakap ko sa mga librong hawak ko. Nakakainis! Ano ba talagang problema ng lalaking to?

Mabilis akong naglakad papunta sa pintuan pero nakalock ito. Kahit anong pilit kong pagbukas ay ayaw talaga magbukas. Spiderman! 

Nilock ata ni Keille my loves ko. Tsk kainis!

Wala na akong ibang pwedeng gawin kondi ang harapin ang kumag nato. 

Bigla akong humarap mula sa pilit na pagbukas sa pintuan. 

"Uhhhh!" saad ko ng tumambad na sa harapan ko ang mukha niya. Ilang pulgada nalang ang pagitan ng aming mga mukha. Nakatitig siya sa akin. Puno ng emosyon ang mga mata niya. 

"Ano ba--" 

Napahinto ako dahil bigla nalamang niyang inilapit pa ang mukha niya. In short he kiss me so passionately. Namilog lang ang mata ko habang nakadampi na naman ang mga labi niya sa akin. Di ko alam kong ano ang gagawin ko. 

Sa sobrang ka walang alam ko ay kusa ng gumalaw ang mga labi ko. Ginantihan ko ang halik niya. Ngayon ay maalab na kaming naghahalikan. Unti unti kong nabitawan ang mga librong hawak ko. Dahan dahan na din naglalakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Napakagaling niyang humalik. Napakagaling dahil na dala ako sa mga halik niya. 

Pero! 


Kailangan kong pigilan ang sarili ko. 


Hindi ito pwede! 


Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin. Napatingin siya sa akin na blanko na naman ang ekspreyon ng mukha. Kahit kailan talaga ang lalaking to nakakainis! 


"Ano bang problema mo ha! Nababaliw kana ba? Sira na ba ang turnelyo ng utak mo!" galit kong sigaw sa kanya. Pero parang walang narinig ang kumag. 


"Anong masama sa ginawa ko?"


Hays! 


Buwisit!


Tinatanong pa niya talaga ako.

"Maluwag na nga talaga. Bakit mo ko hinahalikan hah!"

"Bakit ayaw mo ba?! Di ba gumanti ka sa halik ko? Ibig sabihin nun nagustuhan mo!" 

Anak ng spiderman!

Biglang nag init ang mga pisngi ko. Oo nga gumanti nga ako! 

Pero! 


"Dati lang nandidiri ka sakin tas ngayon hahalikan mo na ako? Di kita nobyo kaya wala kang~" 


"Oo wala akong karapatan pero masama bang ipadama sa taong mahal ko ang pag ibig ko sa pamamagitan ng halik?"


Crema de puta! 


Di rin siya magaling magpalusot noh!? Kabaduyan neto! Tsk


"Ako mahal mo?! Nababaliw kana! Lubayan mo nga ako! Di mo alam ang pinagsasabi mo!"


"Marahil ay oo, di ko alam ang pinagsasabi ko dahil alam mo bang ngayon. I want to invade the whole you, I want to be part of your system. Gusto kitang angkinin pero di ko alam kung paano! Di ko alam kung ~"


Sandali siyang napahinto!



"Walang kahit anong salita sa mundo ang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ko para kay Alexandria. Hindi lang basta bastang pag-ibig. Its not as simple as anyone can explain."


Wow naman ang lalim non ah! Pero natamaan ako sa mga sinabi niya. Ganun ba talaga siya ka obsess sa akin? 


Ang haba ng buhok ko ah!


Pero hindi na ako ang Alexandriang kilala niya noon!


Hindi na! 


"I want to own you Alexandria~ I am madly into you," saad pa nito. 

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa seryoso niyang mukha. 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro