Chapter 23
< Pagbabalik tanaw sa nakaraan. >
ALEXANDRIA FLORES
Lumipas ang dalawang araw simula nung aksidenteng yun. Sa dalawang araw na iyon ay napakaraming nagbago kay Blaze. Di na siya ang batang Blaze na panay ang sunod sa akin. Nagbago na siya. Binago na niya ang pakikitungo niya sa akin. At naiinis ako sa ginagawa niyang yun. Everytime na magkasama kami ay di na niyang magawang makatingin sa akin ng matagal. Ramdam ko tuloy na parang na kokonsensiya talaga siya nangyari sa akin ng araw na yun. ?Minsan ay ramdam ko ring iniiwasan na niya ako.
Nakakainis ang ginagawa niya sa akin. Bakit ba kasi kailangan niyang gawin ang pag iwas sa akin gayung okay na naman ako?
Di naman niya kasalanan talaga.
Kasalanan ko kasi humarang ako.
Kasalanan ng mama niya kasi brutal siya kay Blaze.
Dapat di na niya iniisip yun.
Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero iniiwasan talaga ako ng loko lokong yun. Napasabunot ako sa buhok ko habang inaalala ang kainis na nangyayari sa amin ni Blaze. Gabi na at di parin ako makatulog. Nakahiga lang ako habang inaalala ang lahat. Nakakainis!
"Uhhh! " daing ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Tumalikod ako mula sa pinto at nagkunwaring tulog.
Sino kaya yun?
Si papa?
Baka bugbogin na naman ako?
Wag naman sana.
Napapikit nalang ako at tinanggap kung ano man ang susunod na mangyayari.
Pero imbes na sipa o suntok ay haplos ang natanggap ko. Haplos sa aking ulo. Si mama pala ang pumasok. Dahil sa amoy na yun ay alam kong si mama iyun. Haharap na sana ako ng bigla na lang tumayo si mama at lumabas ng kwarto.
Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay na gawa ni papa. Nagdadabog siya dahil iniwan na daw siya ni mama. Sa pagkarinig ko sa mga daing niya ay nakaramdam ako nang lungkot. Kaya pala binisita ako ni mama sa kwarto ko kagabi dahil iiwan na niya ako. Yun na pala ang huling pagkakataong maamoy ko si mama. Ang huling pagkakataong makakasama ko siya.
Ang di ko lang maunawaaan ay kung bakit di niya ako isinama sa pagtakas niya sa kamay ni papa? Bakit?
Bakit ganito?
Bakit pakiramdam ko ay puro kamalasan ang nangyayari sa akin?
Akala ko yun na ang pinakamalungkot na mangyayari sa akin ng mga oras na yun. Yun pala ay hindi. Dahil isang araw bumisita ako sa bahay nila Blaze. Ganun nalang ang paglaki ng mata ko nang makita kong sira na ito. Wari ay sinadyang sirain ng sino man. Nagtanong ako sa mga kapitbahay nila at nalaman kong lumipat na daw sila nang bahay.
Nang mga oras na yun ay natanong ko sa sarili ko kung bakit ganun ang mga taong mahalaga sa akin. Bakit nila ako iniiwan nang wala man lang pasabi. Di man lang nagpaalam. Mahirap bang gawin yun? Di ko sila maintindihan.
Malas ba talaga ako?
Bat lage akong naiiwan?
Bakit ganun sila sa akin?
Sunod sunod nila akong iniwan. Lumipas ang mga araw at panay lang ang pag iyak ko sa tuwing naaalala ko ang pag iwan nila sa akin. Di nagtagal ay naubos din ang aking mga luha. Naging mas matatag ako dahil sa pag iwan nila sa akin.
Kaya walang araw na di ako napapasabak sa labanan nung bata palang ako. Inilalabas ko ang inis ko sa mga suntok, sipa at sampal na pinapakawalan ko. Ang galit na kinikimkim ko ay inilalabas ko sa mga taong naghahanap ng sakit ng katawan na galing sa akin.
Wala nang magagawa ang pag iyak ko. Tapos na iniwan na nila ako, naiwan na ako. Wala na akong magagawa kundi ang tanggapin na para akong isang basurang iniiwan pagkatapos gamitin at pakinabangan.
Nagpalakas ako.
Mas nagpalakas.
Naging matatag.
Mas tumatatag sa paglipas ng oras.
"Bakit parang natahimik ka ata," saad nang kumag na nakayakap sa akin. Nagising ako mula sa pagbabalik sa nakaraan dahil sa sinabi ng kumag.
Anak ng tinapa Alexandria! Paano nangyaring nandito ang kumag nato?
Mabilis akong kumalas sa yakap niya. Kasunod nang pagpapakawala sana ng suntok na agad naman niyang nasangga. Ngumiti nang nakakaloko ang kumag habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Come on! Di mo na ako madadala sa mga ganyan mo. Kilala kita, kilalang kilala kita," he smirked. Lechon!
Mabilis kong binawi ang kamao ko sa kanya kasunod ng pagpahid ko sa mga luha ko.
"Ba-bakit ka nandito?" tanong ko.
"Diba dapat ikaw ang tanungin ko nang ganyan Wenoana? Bakit ka nandito?" sagot niya sa tanong ko. Ayos din ang kumag nato ah!
Pero mukhang ako ang dihado sa labang to. Anong irereason out ko? Aamin na ba ako sa kanya na ako talaga si Alexandria.
Tingin ko di ko na kailangang gawin yun. Kahit umamin man ako sa kanya o hindi ang tingin niya sa akin, ako talaga si Alexandria. Which is tama naman siya. Kainis!
"Kasi-"
"Kasi di ka naniniwala sa sinabing kong patay na si Alexandria, at gusto mong malaman kung nagsisinungaling ba ako o hindi? Well, let me tell you I never lied to you Alexandria! Argghh! Ang gulo! " daing niya.
Hahah!
Di ko alam kong bakit pero I find it cute when he do it. Aamin na ba talaga ako?
"Well umamin kana kasi na ikaw talaga si Alexandria. Wala akong pakialam kung paano nangyaring nakulong ka sa katawan ng nerd na yan ang mahalaga sa akin ay nandito ka pa. Nasa katawan man nang ibang tao."
Napayuko habang pinagtitibang ang mga sinabi niya.
Aamin na ba talaga ako?
Tingin niyo mga kaibigan?
Wala na eh. Nahuli na niya ako.
"Wala na akong pakialam kung sino man ang tingin mo sa akin. Maging sino man ako sa paningin mo. Basta I will just act the way I used to be. Wag ka nang makialam sa akin kong ano man ang gagawin ko."
Pagpapalusot ko.
"Kung ako man si Alexandria sa paningin mo, so be it. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang malaman ko kung sino ang gumawa nun sa akin?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang video na yun, sinong may pakana nun? Diba sabi mo nung gabing yun na marami kang alam na di ko alam? So ibig sabihin? "
Di ako sinagot nang kumag. Bagkus ay bigla niya akong niyakap muli, sobrang higpit. Yung yakap na parang miss na miss niya talaga ako.
"Bakit parang wala lang sayo ang muli nating pagkikita huh?!"
Nagtanong pa siya?
Malamang di parin ako nakapagmove on sa ginawang pang iiwan mo sa akin. Gusto kong sabihin yun sa kanya pero di ko magawa dahil natatakot ako. Bakit ba kasi napunta na naman ang topic namin sa nakaraan?
Hayyss!
Biglang kumalas sa yakap ang kumag kasunod nun ay ang paghila niya sa kanang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng boarding house ko.
"Saan tayo pupunta?!" tanong ko habang hila hila parin ako ng kumag. Di ko magawang makakakalas dahil sa sobrang higpit ng hawak niya. So ayun nagpadala nalang din ako.
"Basta sakay!"
Tsk!
Napaka ungentleman ng kumag nato. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. Hayss! Sarap batukan.
Nasa loob na kami ng sasakyan niya. Tahimik ang buong paligid. Ayaw kong pagsalita. Bahala siya kung saan niya ako dadalhin. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Di nagtagal ay huminto kami sa tapat ng isang restaurant.
"Baba!" pag utos ulit ng kumag. Anak ng .. kung makautos to para niya akong alipin ah. Bigwasan ko kaya to!
Buti naman at sa restaurant niya ako dinala. Akala ko sa motel eh. Di joke lang ang green minded ko namn. Tamang tama din kasi medyo gutom na ako. Nagbiscuit lang ako kanina. Di ako nag agahan.
Pumasok kami sa restuarant na yun. Pagpasok pa lang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Parang ngayon lang sila nakakita nang kumag ah. Ganun ba kagwapo si kumag para sa kanila para mahinto talaga sila sa pagkain dahil sa entrance namin.
May mga nagbubulong bulongan pa talaga. Ang suwerte ko daw kasi kasama ko ang kumag. Like duh! Suwerte kamo? Di rin~
Pinaupo niya lang ako dahil siya na daw ang oorder. Nang makapag order ay nagsimula na kaming kumain. Sarap na sarap ako sa pagkain. Napahinto lang ako nang mapansin kong di kumakain ang kumag bagkus ay nakatitig lang ito sa akin habang malakas na lumalamon. Sorry naman ganito kasi talaga ako. Nagpapalaki na din ako nang katawan para sa mga next fights ko sa BU.
HAHA!
Di pa kasi ganun ka laki tong katawan ng nerd na to. Kailangang iimproved in Alexandria's way.
"Tungkol sa video, may alam ako tungkol dun," biglaang saad ng kumag dahilan upang mapahinto ako sa pagkain.
"Kilala ko kung sino sila," dagdag pa niya.
"Si-la?" tanong ko.
"Oo, at kung sasabihin ko sayo kung sino sila. Anong namang balak mong gawin? Tatalunin mo sila? Hahamunin mo nang away?" saad niya.
"Kung gagawin mo yun para mo na ring winakasan ang sarili mong buhay at di ko hahayaang mangyari yun sayo!" walang gana niyang tugon. Di ko alam kong dapat ba akong kiligin o ano?
"Di ka superhero? Wala ka sa isang palabas na pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo dahil magkaibigan kayo ng writer," dagdag na naman niya. Ngayon ko lang napansin na parang may galit na sa tono ng boses niya. Hays~ Ang daldal na din niya.
"Hindi naman sa ganun. Naiinis lang kasi akong isipin na merong ganung bagay. Di ko maatim na ginawa nila yun. Di ko pwedeng pabayaan at palampasin ang ginawa nila sa akin. Humanda sila pag nalaman ko talaga kung sino ang nasa likod nun..."
"Bakit mo pa kasi pinanood ang laman ng tape? At bakit kapa nagpunta sa engineering department nung gabing yun? Tsk! Nakakainis isiping nasasaktan ka nang dahil sa nerd na yan. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip kong sinasaktan ka ng mga lalaking yun."
"Ang mas lalo pang nakakakulo sa dugo ko ay kung bakit natin pinag uusapan ang ganitong bagay gayung nagkita na ulit tayo Alex!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng sincerity sa mga sinabi niya.
"Arghh! Bwusit! Sige na, tutulungan kita."
Yes!
Buti naman.
"Ang taong may pakana ng mga nangyari sa nerd na yan ay isang malakas na kaaway Alex. Kaya dapat paghandaan mo siya."
"Kung ganun ano ang dapat kong gawin?"
"Simple lang. Stay beside me."
"Stay beside you? Bat ko naman gagawin yun?"
"Basta malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon."
Kainis!
Pinaglalaruan lang ata ako ng kumag nato eh.
"Yun lang ba ang gagawin ko? Ang maging laging nasa tabi mo?"
"Yes and yes!"
Hayss!
Di kaya mas lalong manganib ang buhay ko kapag ginawa ko yun. Baka mapatay ako ng mga fangirls niya eh. O di kayay ako ang makapatay ng dahil sa kanya. And I don't like that idea.
"Parang di ko gusto ang idea mo, kung ganun na rin ang mangyayari. Mag isa nalang akong kikilos. Di ko na kailangan pang malaman kung sino man siya," tumayo ako.
"Walang patutunguhan ang pag uusap na to. Bye~" tatalikod na sana ako ng biglang may kamay na humila sa bisig ko. Napapikit ako at nang pagdilat ko ay mukha na ng kumag ang nasa harapan ko. Nakakulong na ako sa mga bisig niya. Magkalapit na magkalapit na ang mga labi namin.
"Ahhhh!"
"OMG!"
"Di ba si Blaze yan?"
"Yung slut?"
"What is happening?!"
This guy is making me crazy.
Spiderman!
Ito na naman ako di ako makagalaw ng maayos. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko ganun din ako sa kanya.
Anong gagawin ko?
Palapit na ng palapit ang labi niya sa labi ko. Hindi maari. Hindi pwede.
"Ughhh!"
Kaya naman ay malakas ko siyang siniko sa tiyan kasunod ng paghawak sa kanang kamay niya at hinila ko siya palabas ng restuarant.
"Diba ang nerd na si Wenoana yun, teka si Blaze ba yung kasama niya?" rinig kong saad ng isa sa mga kumakain. Lagot na baka estudyante ng BU ang taong yun.
I'm dead!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro