Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22 ☻

ALEXANDRIA FLORES 


Sino nga ba si Blaze para sa akin? 


Siya lang naman ang nagparamdam sakin dati kahit sa murang edad ko ay may kakayahan na akong ipagtanggol ang mga inaapi. Ang mga bagay dati na di ko magawa sa mama ko ay ginagawa ko kanya. Di ko magawang maipagtanggol si mama kay papa. 

Lumaki akong saksi ng pagmamaltrato ni papa kay mama. Sa bawat segundo, minuto, oras, at araw ay saksi ako sa walang awang pagsipa, pagsuntok at pagsampal ng aking walang hiyang ama sa aking ina. Kahit na maliliit na bagay ay pinapalaki niya para lang mabugbog niya si mama sa harapan ko pa mismo. Ang aking kawawang ina ay walang ibang magawa kundi ang umiyak habang iniinda ang sakit na galing kay papa. 

Sa murang edad ko ay natanong ko na sa sarili ko kung bakit tinitiis iyon ni mama. Ganun ba talaga pagnagmahal? Kahit na masakit,at nasasaktan iniindahin. 

Dati ay di ko maintindihan pero ngayon alam ko na. 

Hindi pagmamahal ang tawag sa pagtitiis kundi katangahan. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, pero ang taong yun ay di pagmamahal ang ibinibigay sayo dapat ay tapusin na ang lahat ng ugnayan. 

Minsan ay iniintindi ko nalang din ang ginawang pag iwan sa akin ni mama. Di na niya siguro kaya pang magtiis sa kamay ng gago kong ama.

Naiinis ako sa aking sarili. Galit ako sa aking sarili. 

Dahil wala akong magawa para kay mama. 

Pero ang galit ko sa aking sarili ay kaunting nawala ng minsang may iniligtas akong batang lalaki sa loob ng bodega at yun ay Blaze. Nang oras na iyon ay may kakaiba akong naramdaman. Yung feeling na kahit kailan ay di ko makakalimutan hanggang sa huling hininga ng aking buhay. 

Pagkatapos ng araw na iyon ay lagi na kaming magkasamang dalawa. Para na kaming pinagdikit dahil kung nasaan ako ay nandoon din siya. Napakatahimik niya. Ramdam kong nahihiya siya sa akin. 

"Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin?" pagtataboy ko sa kanya. Nung una kasi naiinis ako dahil sunod siya ng sunod sa akin. Para bang ramdam ko na may buntot ako dahil sa kanya. 

"P-uwde bang sumama nalang ako sayo? Gusto kong laging nasa tabi mo," pautal utang niyang sagot sa akin. Di ko maintindihan pero may kakaiba na naman akong naramdaman ng sinabi niya yun. 

"Di ba mas maganda kong habang buhay na tayong magkasama. Gusto kong laging nasa tabi mo," dagdag pa niya na mas lalong naglakas sa kakaibang naramdaman ko nung mga oras na yun. 

Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Di ko alam kong anong isasagot ko. Nung una nilayuan ko talaga siya. Pero sunod parin siya ng sunod sa akin. Di siya sumuko sa pagsunod sa akin. Kaya nung isang araw na di parin siya tumigil ay diretso ko na siyang tinanong kong bakit siya sunod ng sunod at ang sagot niya lang ay

"Gu-gusto ko lang maging laging nasa tabi mo da-dahil gu-gusto kita," pautal utal niyang sagot. Ilang segundo ang lumipas bago lubusang pumasok sa tenga ko at tuluyang maprocess ng utak ko ang sinabi niya. Bahagya akong napaatras dahil sa sinabi niya. 

"A-anong pinagsasabi mo?!" irita kong saad sa kanya. 

"Alex, i-ikaw kasi ang unang taong nagparamdam sa akin na may halaga ako, ikaw ang unang taong nag alala sa akin, ang taong pinagalitan ako, ikaw ang nagligtas sa akin mula sa madilim na lugar na yun. At ikaw ang unang taong ngumiti sa harapan ko. Ikaw ang unang gumawa nun sa akin Alex," saad niya ng may kaunting ngiti at hiya sa mukha. 

"Kaya mahalaga ka sa akin, I like you and you're special to me Alex," dagdag niya. 

Ang mga titig niya sa akin. 

May kakaibang kirot ang mga titig na iyon. 


"Kaya gusto kong laging nasa tabi at gusto ko ding lagi tayung magkasama," saad niya habang yumuko ulit. 


Di ko pinansin ang mga sinabi niyang yun sa akin noon dati. Wala lang sa akin iyon. Inisip ko nalang na biro ang lahat ng yun. Walang katotohanan. Pero di ko natiis dahil ang kakaibang pakiramdam ay mas lalong pang lumakas. 

Ramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Ang paglakas ng tibok ng aking puso. 

15 years old palang ako nun. 

Di ko pa lubusang maintindihan ang nangyayari. 

Lumipas ang mga araw at lage pa rin kaming magkasama. Di na kasi ako pumapasok sa paaralan noon. Dahil sa mga nalaman ko galing sa kanya ay hinayaan ko nalamang siyang sundan ako. Lagi na rin siyang nakangiti sa tuwing magkasama kami. 
Araw araw na ganoon. Sabay kaming kumakain. Naglalaro sa ilalim ng puno ng mangga. Nagsasaranggola at iba pa. 

Meron na din kaming tagpuan. 

Araw yun ng sabado nung minsang mas una pa akong dumating sa tagpuan namin. Dapat kasi siya ang mas nauna sa akin eh. Minsan ginugulat pa niya ako. Lilim kasi ng malaking puno ng mangga ang tagpuan namin.Habang nakaupo sa mga ugat ng mangga ay napakaraming tumatakbong ideya sa isip ko.

Hindi kaya nakulong na naman sa bodega ang patpating yun?

O di kayay binugbog na naman ng mga bogok.

O di na kidnapped. 

Di ko na natiis pa at mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay nila. Kailangan kong masigurong ligtas siya. Pagpunta ko sa bahay nila ay nakita ko siyang hinihila ng kanyang ina mula sa buhok. Maiyak iyak na siya habang ginagawa iyon ng ina niya. Nakaramdam ako ng galit dahil sa nakita ko. Bakit wala siyang ginagawa?

Maraming sinabi ang kanyang ina pero di ko napakinggan. Nakatuon ang pansin ko sa wala sa sariling si Blaze. Umiiyak siya ng sobra habang nakatayo sa harapan ng kanyang ina. 
Dahil sa di pagsagot ni Blaze sa mga tanong ng kanyang ina ay mas lalo itong nagalit. Nakakita ito ng malaking kahoy ng ilang metro ang layo mula sa kinalalagyan niya. Hindi maari. 

Mabilis akong tumalon sa bakod. Alam ko kasing di iilagan ni Blaze ang palong iyon. Kasalanan ko ang lahat ng to. Siguro dapat di ko nalang siya pinalabas, sana ay di ko nalang siya iniligtas hindi sana siya mas lalong mahihirapan. Tumakbo ako ng napakabilis para tulungan si Blaze.

"BLAZE! Bakit nakatayo ka lang dyan ha! Umilag ka!" sigaw ko na nagpalingon sa kanya. 

"Alex?!" 

Malapit na malapit na ang kanyang ina. Buti nalang at mabilis kong nayakap si Blaze dahilan upang ako ang matamaan ng kahoy na dala dala ng kanyang ina. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking likod kasunod ng unti unting pagdilim ng aking paningin. Habang dahan dahan akong bumabagsak sa lupa ay tanaw ko ang luhaang mukha ni Blaze. Ngunit imbes na pakitaan ko siya na nasasaktan ako ay nginitian ko lang siya bago tuluyang nagdilim ang buong paligid. 


Nagising na lamang akong iniinda ang sakit pagkakapalo ng ina ni Blaze. Nagpalingon lingon ako sa buong paligid. Madilim ang lugar na aking kinaroroonan. Pamiliar ang lugar na ito. Ang amoy nito ay ganun din. Di ako maaring magkamali ang bodega iyon na kulongan ni Blaze. Napalingon ako sa sulok at dun ko nakita ang nakayukong si Blaze habang yakap yakap ang kanyang sarili. Umiiyak na naman siya. 

"A-alex, bu-buhay ka?!" pautal utal niyang saad habang nakatingin sa akin. Parang gulat na gulat siya sa pagkagising ko. 

"Alex!!!" mabilis siyang lumabas sa sulok na iyon at agad niya akong niyakap ng sobrang higpit. 

"A-akala ko pa-atay ka na! Sorry kung wala akong nagawa para sayo. Di kita nagawang iligtas. Sorry!" sobrang lakas ng pag iyak niya habang yakap yakap ako. Ginantihan ko ang yakap niya. 

"shhhhh..Tahan na! Okay lang ang lahat."

"O-kay okay?! Hindi okay, dahil akala ko mawawala ka na sa akin Alex! Akala ko iiwan mo na ako!" 

Mas lalong lumakas ang pag iyak niya. Hinahaplos ko ang likuran niya habang patuloy parin siya sa pag iyak. 


"Dahil sa akin muntik ka nang mamatay! Dahil sa akin~"

"Anong pinagsasabi mo!" sigaw ko. 


"Di mo kasalanan ang lahat. Aksidente ang nangyari kanina okay. Ginusto kong iligtas ka. Kaya di mo kasalanan ang nangyari sa akin kanina. Kaya pwede ba tumahimik ka na diyan! Di mo-" di ko na natuloy ang sana ay sasabihin ko nang bigla siyang kumalas sa yakap niya. 

"Umuwi ka na sa inyo Alex! Sigurado akong masakit pa ang likod mo," di ko alam pero parang ramdam kong ibang tao na ang nasa harapan ko. Di na si Blaze. May kakaiba sa kanya. 

Kakaiba na masasabi kong. Iba talaga. 

Anong nangyayari sayo Blaze?








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro