Chapter 2
Their fates are twisted, their desire made their twisted fates.
ALEXANDRIA ( In Wenoana's Body)
"Apat na buwan?" saad ko sa doctor na nasa aking harapan.
Kasama ko na ngayon ang magulang nang babaeng nagmamay ari ng katawang gamit ko. Nasa likuran ko lang sila. Ramdam ko ang saya sa kanila lalo na ang ina na ng Wenoana nato. Wenoana pala ang pangalan ng babaeng to.
"Oo, di man kapanipaniwalang apat na buwan kang walang malay simula nung nadisgrasya ka pero yun ang katotohanan Wenoana," sabi ng doctor na nasa harapan ko.
"Brain damage was minimal apart from a minor internal bleeding, but strangely you showed sign of waking up. You're in the state of coma for four months Wenoana," dagdag pa ng doctor.
4 months?
Paano nangyari yun?
Pagkatapos ng aksidente ramdam ko kaagad na nasa katawan na ako ng babaeng to. Mga ilang minuto lang ay nagising din agad ako. Hindi maaring apat na buwan yun. Argghh! Sumasakit lang ang ulo ko kapag sinusubukan kong ipagdugtong dugtong ang mga pangyayari para makakuha ng sagot sa nangyayari sa akin ngayon. Paano nato?
"At oo nga pala, Mr. and Mrs. Mendez. Sinabi sa akin ng anak niyo na wala siyang maalala na kahit ano. Pero di ko lang alam kung hanggang san sa mga alaala niya ang nawala. Hanggang saan nga ba Ms. Wenoana?," tanong ng doctor sa akin.
"Wa-wala po akong maalala na kahit ano. Kahit na ang mga alaala tungkol sa pamilya ko, di ko rin po maalala lahat ng tungkol sa akin" saad ko. Pagkatapos kung bigkasin iyon ay napansin kung napayakap ang babaeng nasa aking likuran. Patawarin niyo po ako, pero kung sasabihin ko sa inyo ang katotohanan sigurado akong di kayo maniniwala. Nakakaguilty lang isipin para ko naring kinuha ang karapatan ng anak niyo.
"Its like a case of retrograde amnesia. The symptoms are severe, at this case kailangan siyang.."
"Hindi! Doc tama na!" saad ng babaeng nasa likuran ko dahilan para matigilan ang doctor.
"Marami na siyang pinagdaanan doc, at ngayon sasabihin mong may amnesia ang anak ko! " ani ng aking ina. Di ko aakalaing may matatawag pa akong ina.
"Sorry Ma'am.,sinasabi ko lang ang katotohanan tungkol sa inyong anak. At maliit lamang ang shansang maibalik niya ang kanyang mga alaala, kaya kailangan na kailangan niya ang pag unawa at pasensya.." saad ng doctor. Nakuh naman! Mukhang masusubukan talaga dito ang acting skills ko. Kailangan kong magpanggap di ko alam ang lahat para maging maayos ang takbo ng lahat.
"Hayaan niyo nalang muna si Wenoanang alalahanin ang lahat, wag niyo siyang madaliin, supportahan niyo ang inyong anak kung maari. Baka sakaling maalala niya pa ang lahat, there's nothing impossible naman in believing," dagdag ng doctor.
"Sa ngayon ay kailangan muna namin siyang icheck kung wala nabang mga complications para mag discharge na namin siya."
Pagkatapos ng ilang mga tanong ay natapos din ang pakikipag usap ng aking mga magulang este mga magulang ni Wenoana na ako, yung nasa katawan niya. Arhhhggg! Basta ang gulo kasi. Kayo na bahala umintindi.
Basta nasa katawan ako ng babaeng to kaya parang mga magulang ko na tong dalawang taong nasa harapan ko. Nahihirapan na talaga ako sa situation ko ngayon. Di ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko dahil matagal na simula nung wala ng taong nag aalala sa akin. Matagal ng wala akong kasama. Ako at ako nalang talaga. All by myself ika nga.
"It will be okay honey," pagpapakalama ng aking ama sa aking ina. Inangkin ko na talaga yung taong di ko naman talaga ina. Bahala na si Spiderman!
Nasa harapan na kami ng pintuan ng aking room sa hospital.
Bweshet! Paano ko sila papakitunguhan?
"Wen,anak, " saad ng aking ina. Napaangat ako. Nakita ko ang kanyang mukhang nag aalala at may mga luha pa ang kanyang mga mata, nasa likuran naman niya ang aking ama.
"Hindi mo ba talaga kami naalala?" tanong nito.
Napailing lang ako. "Sorry po!," saad ko. Dahan dahang lumapit ang aking ina. Inilahad nito ang kanyang mga bisig at niyakap ako ng napakahigpit. Nanlaki ang aking mata. Ni-niyakap niya ako? Ramdam ko din ang bahagya niyang paghikbi. Nakokonsensensya na talaga ako spiderman tulungan moko.
"Di kita pipiliting maalala ang lahat anak ko, ang mahalaga ay nagising ka. Sapat na samin iyon ng iyong ama, napakasaya namin kasi kasawakas nagising ka na," saad nito habang yakap yakap parin ako. May bahid ng lungkot ang kanyang boses.
Wala naman akong ginawang masama pero bakit parang naguguilty ako sa nangyayari. Di ko alam kung bakit pero nalulungkot ako. Yayakapin ko na sana pabalik pero di ko nagawa.
Ngayon ay gagawin ko ang lahat upang magpanggap na kanilang anak.
"We're home!" saad ng aking ina. Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Binuksan ko agad ang pintuan ng sasakyan para makalabas.
"Anak ng!" bulong ko ng makita kung gaano kalaki ang bahay na nasa harapan ko ngayon. Sobrang laki pa ng gate. May malawak na garden maraming sasakyan at iba pang mga mamahaling gamit. Ni sa isang beses di ko inakalang makakatira ako sa ganitong klaseng bahay.
"Nina! Nandito na ang kapatid mo! Bumaba ka na diyan," sigaw ni mama. Kapatid?
Pagkatapos ng pagsigaw ni mama ay narinig ko agad ang mga yabag na pababa. Isang magandang babae ang mabilis na tumakbo sa akin at mabilis akong niyakap.
"Sista!" sigaw nito habang nakayakap sa akin.
"Alam mo ba kung gaano ako kasaya nung nalaman kung gising kana pala. Napakasaya ko!" dagdag pa nito. Bat parang ramdam kong may halong ka etchosan ang mga salita ng babaeng to. I smell something, plastic?
Pansin ko ring hawig na hawig kami. Ay malamang magkapatid! Pero as in magkahawig na magkahawig talaga. Magkakambal ata sila ng Wenoana.
"Nina, diba sabi ko sayo kanina na .." saad ni mama.
"Opo, narinig ko po yun. But sis pati rin ba ako nakalimutan mo na? All those memories?"
"So-sorry," saad ko.
"Magkasama tayo sa tiyan ni mama sa loob ng 9 months hanggang ngayon tas di muna ako maalala. How come? Nakakasad naman~" saad nito habang nakahawak sa panga niya na wariy nag iisip. Kung ganun ay tama nga ang hinala ko, magkakambal nga kami, este ng Wenoana na yun.
"Pero wag kang mag aalala sis gagawin ko ang lahat para matulungan kitang maalala ang lahat lahat. All of those memories. Pwede mo kong tanungin ng kahit ano," saad nito.
"O-okay, Salamat," aniko.
"Oo nga pala, kailangan nating puntahan ang school niyo mamaya dahil papasok na ulit ang ate mo, ipakita mo na muna sa kanya ang kwarto niya anak," saad ni mama.
"Okay mom, come sis I'll show you your room..." saad nito habang ginaguide ako paakyat.
Ang laki talaga ng bahay na to. Di ko siguro to malilibot kahit isang araw ang gamitin ko sa paglilibot. Ang gagara ng mga gamit. Ang linis ng buong paligid. Ang tataas ng mga hagdan.
Yaman!
Naka jackpot ka ata Alexandria!
Kung ganito ka yaman ang pamilya ko bat naman ako magpapakamatay? Ano kayang nakain ng Wenoana na yun at nagpakamatay siya. Tsss..
Habang naglalakad ay napansin ko ang pag iba ng awra ng babaeng kasama ko. Ibang ibang nung nasa harapan namin ang mga magulang nila. Nauna siyang maglakad at binuksan ang isang kwarto.
"Ito yung kwarto mo, pasok ka."
Nag iba ding bigla ang tono ng boses niya. Ibig sabihin ba nito, nakikipag plastikan nga talaga siya sa kin kanina?
"Anong pang hihintay mo pumasok kana!" aniya.
"Uhhh.. oo" saad ko.
Di naman siguro maka namali ko lang ng pag intindi ang lahat.
"Bitch!" narinig kong bulong niya sa akin habang nasalikuran ko.
"Bakit hindi ka nalang namatay?" saad nito na gumulat sa akin. Kung ganun ay totoo nga ang hinala ko.
"Na miss mo ba ang impyernong dating kinaroroonan mo ha Wenoana? " saad pa nito. Bweshet! Walang modo tong babaeng to ah! Naikuyom ko nalang ang aking kamao. Relax Alex! Di mo pa kilala ang mga taong to. Magpigil ka muna dahil baka magsira mo ang mukha ng babaeng to ng di oras. Wait ka lang sa tamang panahon. Hayss...
"Ngayon ay pupunta na naman akong school kasama ang isang bitch na katulad mo! Isang loser," saad niya pa.
What the! Kapatid ba talaga to ng Wenoana na yun? Bat parang ang sama ng ugali.
Kunting kunti nalang talaga bibigwasan ko na tung babaeng to eh. Sige pa miss dagdagan mo ng makita mo ng hinahanap mo. Buti nalang talaga ay sanay na ako sa mga ganitong pakikitungo simula pa lang nung bata ako.
"Ano di kaba magsasalita? Umurong na ba yang dila mo ha," saad nito habang dinidiinan ang pagkakahawak sa balikat ko.
Oo sanay ako sa pakikitungo na ganito pero di nangangahulugang di ako nagagalit. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang mga kasinungalingan at kaplastikan. Bigla kong inalis ang kanang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
"Oh, sorry ha!" saad ko na may kaunti nang inis.
"Uhh.." saad niya na gulat na gulat sa pag wakli ko sa kamay niya.
"Siguro dahil sa di ko maaalala ang lahat pero ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan kung marinig ang mga masasakit na salitang yun galing sayo, diba magkapatid tayo?" saad ko. Napangisi lang ang gaga. Tsss...
"Hindi mo nga talaga siguro matandaan ang lahat kasi nagawa mo na akong sagutin at tratuhin ng ganito, nagtataka lang ako kung nagka amnesia ka ba talaga o umaarte ka lang," saad niya.
"Pero hanggang kailan Wenoana? Hanggang kailan ka aarte? Tingin mo mapapangatawanan mo yan? Tingin mo matatakasan mo ang lahat dahil jan sa pagpapanggap mo?"
Di ko siya sinagot.
"Malinaw pa sakin ang lahat," saad niya habang nakasmirk. Bweshet ha! Bweshet talaga. Hayss..
"Nagmamakaawa ka sa akin para tulungan kita."
Tssss... Ganun ba talaga ka kawawa ang babaeng yun? Wenoana, kung nasan ka man ngayon, patawarin mo sana ako sa gagawin ko sa mga taong umaalipusta sayo.
Di ako sangkot sa mga ganitong family issues ng babaeng nagmamay ari ng katawan na to pero parang gustong gusto ko ng turuan ng leksyon ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Gusto kong wasakin ang mukha ng bastardang to. Hayss!
"Bakit di na lang~"
"Nina!" naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumigaw, nagmumula ang boses sa likuran namin. Dahan dahan akong lumingon.
"Uhhhh.. Blaze?" bulong ko. Hindi maari? Paanong?
Bakit nandito ang lalaking yan?
"Hmmm? Blaze ikaw pala? Bat ka nandito?"
Tama ako, si Blaze nga?
Ang aking kababatang si Blaze. Paano siya napunta dito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro