Chapter 18 ☻
After a long break, ASSKNN is back!
Happy New Year sa lahat ng mga labs ko!
Pagbati mula kay Euigeon Blackfire.
Enjoy Reading!
ALEXANDRIA FLORES
"Ughhhh!!"
"Aray ko!"
"LKKLLHJLDFKGLI!!"
"AHHHH!! UGHHH!!"
Napuno nang mga ungol at daing ang buong paligid. Pinagtutulungan nila akong patumbahin pero iba ako kasi masama akong damo di nila ako basta bastang mapapabagsaka at mabubunot mula sa lupang kinatitirikan ko. Ako ang damo na dapat nilang katakotan. Ang tinik na dapat nilang paghandaan.
Ilang minuto ang lumipas. Ilang suntok, at sipa na ang aking napakawalan sa mga kasamahan ni Janella. Pinagtutulungan ako ng apat habang si Janella naman ay nakangiti lang habang pinagtutulungan ang isang babae ng apat na medium built na lalaki.
"Tingnan natin kung oobra ang pagkasiga mo sa kanila, Wenoana?!" sigaw pa nang anak ni Taning sa akin. May pangiti ngiti pang nalalaman. Tiningnan ko lang siya at nginitian din.
"Humanda ka pag natapos ako dito! ISUSUNOD KITA!!!" sigaw ko pa sa kanya. Pinandilatan ko pasiya.
"Uhhhg!" daing ko nang matamaan ako ng isang suntok sa pisngi. Nakakainis lang ah!
Wala silang consideration sa pagiging babae ko. Abay sinuntok talaga ako sa mukha?
Nakakainis!
Bahagya akong napaatras habang dinadama ang pagtama ng kamao ng ugok sa pisngi ko. Mukhang mahihirapan na naman ako nito. Di pa kasi ako ganun ka sanay sa pagamit sa katawan nato eh. Kahit na sinisimulan ko nang mag insayo at mag exercise ay di pa ganun katatag ang stamina ng katawan ni Wenoana. Kaya sa kondisyon ko ngayon di ko sila haharapin gamit ang direct contact. Susubukan ko ngayon ang ibang klase ng pakikipaglaban.
Napangiti ako habang pinapahiran ang pisngi kong natamaan ng suntok.
"Yun lang ba ang kaya niyo?" pagmamayabang ko. Napangisi naman ang mga ugok at napatawa ng malakas ang amo nilang bruha.
"HAHAHAHA...Sana maipagpatuloy mo yang pagiging mahangin mo Wenoana?" saad nito.
Napatingin ako sa pintuan at napansin kong di ito sarado. Lihim akong napangiti.
"Gusto niyo ng laro diba?" tanong ko sa apat na ugok sa harapan ko. Napangisi naman sila.
"Nasubukan niyo nabang maglaro ng tagu taguan?" saad ko kasunod ng pagtapon ng silya sa kanila at mabilis na tumakbo sa bukas na pintuan. Rinig ko ang pagdaing nila. Nasa labas na ako ng room at mabilis na nagtago sa gilid ng mga basurahan, buti nalang at madilim na at di nila ako napansin.
"Asan na yun?" saad ng isa sa mga ugok.
"HANAPIN NIYO SIYA!!!"
Napatawa ako dahil sa malakas na pagsigaw ng bruha na si Janella.
Iniimagine ko palang ang mukha niya habang ginagawa ang pagsigaw niya napakafulfilling na.
"Maghiwahiwalay tayo! Hanapin natin siya," mas lalo akong napangiti dahil sa aking narinig. Yan ang hinihintay ko mga ugok kayo. Ang maghiwalay hiwalay kayo para mas madali ko kayong mapatumba.
Humanda ka sakin Janella dahil ikaw ang isusunod ko.
Malalaman ko rin kong sino ang nagpalabas ng video na yun?
At bakit sila ganun kay Wenoana!
Nang mapansin ko na naghiwahiwalay na ang mga ugok ay lumabas na din ako sa pinagtataguan ko.
Gusto ko talaga ang mga larong ganito. Ang tagu taguan!
Pero kung akala nila sila ang maghahanap sa akin. Nagkakamali sila dahil ako ang maghahanap kasunod ng pagpapatumba ko sa kanila isa isa. Hindi naman laging ang prey ang laging na aagrabyado. The prey will now be the predator. Pero di ko naman sila papatayin ano! Di ako ganun! Di ako killer, siga lang ako. Killer kills, ang mga siga naman nambubugbog lang. Yung tipong mga 2 weeks din na di makakalabas ng hospital ang mabubogbog ko.
Habang dahan dahang naglalakad ay nakita ko na agad ang isa sa mga alipores na Janella. Naglalakad ito papunta sa room ng engineering department kong saan nandon si Janella.
It's Showtime!
Pinaiksian ko ang sout kong mini skirt na uniform ko. Mini skirt na nga pinaiksian pa edi wow!
Kahit na nerd naman tong si Wenoana ay may tinatago naman itong kagandahan at alindog kaya siguro sinasabihan nila itong slut at bitch. Pero bahala na.
"Hey!" pagtawag ko sa ugok kasunod na paghaplos sa legs ko at paglip bite. Suminyas pa ako na palapitin siya. Mula sa gulat at galit na mukha ay nag iba ang expresyon ng mukha nito. Nagkaroon ng libog. Hayss.. Lalaki nga naman.
"Pwede bang kalimutan nalang natin ang mga pangyayari kanina? Why cant we have some fun tonight under the light of the moon, " saad ko. Di ko alam pero parang naduduwal ako sa mga pinagsasabi ko kanina. Pero bahala na, para kay Wenoana naman tong ginagawa ko kaya lets do this.
"Sige ba!" mabilis na tugon ng ugok.
"Totoo nga talaga ang sinabi nila sayo. You're a bitch!" saad niya pa. Haysss... uminit bigla ang ulo ko sa narinig pero pinigilan ko na muna ang pagtubo ng sungay ko.
"Magaling ka ba?" malandi kong saad.
"Wanna try?!" mas malandi niyang saad. Aba! Lumalaban ah. Lumalapit na ito sa akin ngayon. Hinawakan niyang bigla ang leeg ko para halikan ako pero pinigilan ko siya.
"Wag tayo dito! Baka may makakita sa atin! Ikaw sige ka baka maagawan ka ng karne! Ikaw na gutom na leon!" malandi ko nanamang saad. Hinila ko siya palayo sa room ng engineering department. Hinila ko siya papunta sa malapit na cr ng mga lalaki.
At nagsimula ng makaroon ng mga kakaibang ingay sa cr na iyon.
"UGHHHH!!!"
"AHHHHH!!"
"OWWW!!"
"SHIT!"
"UGHHHH!!!"
"ARGGHHH!!"
"FUCK!!"
"WAHHHH!!!"
Lumipas ang ilang minuto. Lumabas na ako nang cr na may kaunting dugo sa mga kamo. Pinagpapawisan ako ng malagkit na parang nanggaling sa isang war.
Yung ugok ba kamo? Ay syempre! What would you expect na mangyayari sa kanya pagkatapos niyang banggain ang isang siga na katulad ko?
Nung hahalikan na sana niya ako ay mabilis kong sinipa ang pagkalalaki niya kasunod ng isang malakas na suntok sa tiyan, mukha at tadyak. Napadikit siya sa pader ng cr, lalabas na sana ako pero hinawakan ba naman ang paa ko. Kaya liningon ko siya at binigyan pa ng isang blow.
Di pa ako nakontento at pinamumod ko pa siya sa bowl ng cr na yun. Malas niya kong di nilinis ni Mang kanor ang CR na yun.
ahahahhah!
Hinanap ko kaagad yung tatlo pang kasamahan pero nakakapagtaka dahil di ko sila mahanap. Nilibot ko na ata ang mga kalapit na rooms pero wala taalga.
San kaya napunta ang mga ugok na yun!
Kung wala na ang apat na ugok so diretso na ako sa main course ko ngayong gabi.
Si Janella!
---------------------------------------------------------------------------
"Bat ang tagal niyo?" saad niya habang nakaupo habang nakaharap sa blackboard. Lihim akong lumapit sa kanya. Napansin ko agad na nakatuon ang atensyon niya sa hawak niyang cellphone.
"Sorry kung natagalan ako ah, ang hirap kasi ligpitin ng mga alipores mo eh," saad ko na nasa likuran na niya.
"Nahuli niyo na ba ang slut na yu-" di na niya natuloy ang sasabihin dahil nang aktong lilingon na siya ay isang malakas na sampal ang natanggap niya sa akin. Napahawak siya sa pesnge niya kasunod nang pagtitig sa akin ng napakasama.
"Ang di ko lang talaga maintindihan ay kung bakit may mga taong katulad mo Janella, mga taong gustong makakita ng taong nasasaktan, napapahiya.."
"Dahil nararapat lang sayo~"
"Hahhahaha, nararapat sa akin? Oh come on! Tingin ko mas nararapat sa mga katulad mo ang napapahiya Janella. Dahil sa ating dalawa ikaw ang kulang sa atensyon! Ngayon kung sa tingin mo magiging katulad parin ako ng dati na wala nang ibang magawa kundi ang umiyak. Nagkakamali ka, dahil ako na ngayon ang magpapaiyak sa mga katulad mo!" saad ko.
"Walang hiya ka~!" sinugod ako bigla ng bruha pero nakailag ako kaya sa mga nakaarrange na upuan ang bagsak niya.
"Ngayon Janella sabihin mo sa akin kung kanino ang tape nayun. Sino ang kumuha nun? Sino ang mga taong nandun? At bat nila ginawa sa akin ang ganung bagay! Dahil kong hindi ikaw ang mananagot sa akin!" sigaw ko.
"At bakit ko naman sasabihin sayo?"
Abay! Hinahamon talaga ako ng bruhang to ah! Di niya ba alam na dati akong anak ni Taning.
Humanda ka!
Ayaw mo pang sabihin sa akin ah.
Di ko sinagot ang tanong niya. Lumapit nalang ako sa kinaroroonan niya na may mga titig na tumatagos sa buto. Napatulala naman siya habang nakatingin sa akin. Wari'y nakakita siya ng demonyo sa harapan niya.
Hinawakan ko ang mga pesnge niya gamit ang kaliwang kamay ko.
"AT bakit hindi?" saad ko habang inilalahad ang kanang kamao ko sa mukha niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Pero bigla ding nag iba ang expresyon niya nagkaroon nang galit sa mga mata niya kasunod nang akmang pagsabunot niya sa akin.
Di ko naman napigilan ang ginawa niyang pagsabunot kaya nagpagulong gulong kami sa sahig habang hawak niya ang buhok ko. Hawak ko naman ang leeg niya habang sinasakal siya.
Hayss!
Di po uso sa akin ang sabunot! Napakapabebe nang sabunot. Yung gusto ko action kung action. Bakbakan, patayan pa kung maari.
Wag na wag niya akong susubukan.
Baka may mapatay ako nang di oras!
"Tinatakot mo ko sa kamao mo! Puwes di ako natatakot sayo- UGHH!!" daing niya nang bigla kong sinipa ang tiyan niya. Tumalsik siya sa isang sulok nang room. Agad ko naman siyang sinundan. Pumaibabaw ako sa kanya at pinaulan ko siya ng suntok sa mukha.
"Di ba sabi ko sayo, wag na wag mo akong susubukan. Kung sinagot mo agad ang mga tanong ko kanina di mangyayari sayo to!" saad ko habang di parin tinitigilan ang pagsuntok sa mukha niyang puno nang make up.
"Ahhray ko! Ano ba tama na! Aray!"
"Di kita titigilan hanggat-"
"OO NA! Sasabihin ko na!"
--------------------------------------------------------------------------------------
Sino kaya talaga ang kumuha nung video na yun?
Bat nila ginawa kay Wenoana ang ganung bagay?
Anak ng tinapa naman kasi di din alam nang Janella na yun kung sino ang may pakana ng video. Basta natagpuan nalang daw niya yun sa locker niya. Ang plano lang naman daw talaga niya ay ang takutin ako at iblackmail gamit ang litrato di niya inasahang magkakaroon nang tape sa locker niya.
Nung una ayaw kong maniwala pero kahit anong ginawa kong pagsampal at pagsuntok sa mukha niya ganun parin ang sinasabi ng bruha.
Hayss!
Napabuntong hininga nalang ako habang palabas nang university. Nagtataka naman ang guards kung bakit ganung oras na ako umuwi at kung bakit ganun ang itsura ko. Napakagulo kasi nang buhok ko tas ang dumi nang uniform habang sakay nang mountain bike ko. Nginitian ko nalang sila at nagpalusot na may practice kami at di na ako nagbihis.
Kupal nang mga guards na to!
Ang tatamad di man lang na roaming around the university. Makikita sana nila kung paano ko pinabagsak yung mga ugok na yun. Speaking of ugok san kaya napunta yung tatlong ugok. Kinain na ba nang lupa?
Naglakad na lang ako papunta sa bahay namin. Di ko na magawang magbike dahil masakit pa ang mga paa ko sa kakasipa kanina. Tas pagod ako sobra, hayss!
Habang naglalakad ay napansin kong may sumusunod sa akin.
Nakuh naman!
Pagod na pagod pa naman ako. Sino na naman kasi to?
Di kaya isa sa mga ugok tong sumusunod sa akin?
Pagminamalas ka nga naman oh!
Binilisan ko nalang ang paglalakad ko.
Pero nakasunod parin sa akin ang tao kanina. Tingin ko ay lalaki ito dahil sa malaking anino ang nakikita kong nakasunod sa akin.
Bahala na si Spiderman!
Akmang haharapin ko na sana ang taong yun nang biglang may mga kamay na humila sa akin papasok sa madilim na eskinita. Nabitawan ko ang aking bike at dahil wala na akong lakas ay nahila agad ako nung kamay.
"Uhhh! Bitawan mo nga ako!" saad ko habang nagpupumiglas. Ganun nalang ang paglaki nang mata ko dahil biglang nagsalita ang humila sa akin.
"Wag kang maingay!"
Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito siya?
Mga tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa taong humila sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro