Chapter 16 ☻
ALEXANDRIA FLORES
Habang tumatagal ay mas lalo kong naiinis sa ginagawa ng kumag sa akin.
Punta ka dito!
Samahan moko!
Dalian mo!
Pag di ka pumunta, kakasuhan kita!
Like ihasdasdiau! Kakasuhan niya daw ako dahil sa ginawa kung pagsipa at pagtapak ng paa niya. Namaga kasi yung paa niya dahil sa sobrang lakas ng pagkakaapak ko. Nahuli na naman niya ako dahil sa ginawa ko.
I was like making my own disadvantage. Ang talino naman kasi ng kumag nato! He's making my moves para makalamang sa akin.
Kaya ito ako ngayon walang magawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Nakasaklay pa ang kumag. Ang galing talaga umarte. Pwede nang maging artista dahil sa sobrang pagka OA may pa ika ika pang nalalaman. Apakan ko kaya ulit yung paa niya para malaman niyang OA na yung drama niya.
Hayss!!
At ito na naman ako kaharap ko na naman ang kumag and this time di lang kaming dalawa ang magkasama. Magkasama kaming nakaupo sa iisang set mesa ng cafeteria.Andito yung babaeng minsan ko nang nakabangga which happens to his pinsan pala. May isa ding lalaki na cute kung tingnan. Maganda ang pagkakahugis ng mukha niya para siyang babae. Mag gf ata sila ng pinsan ni Blaze, sayang naman. HAHAH!
Di okay sa akin ang nangyayari ngayon.
Para nanaman akong binablack mail ng kumag nato para mapasunod niya ako sa gusto niya.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang ramdam kong parang napakaraming mga titig ang tumutusok sa likuran ko, tagos na tagos e.
Ang daming mga bulong bulongan sa likuran.
Mabilaokan sana sila para masaya!
"Ang galing naman! Ang saya saya!" gulat akong napatingin sa babaeng Ariana pala ang pangalan.
"Ang daming nakatitig sa atin ngayon ahh. Lalo na sa inyong dalawa. Paano ba kasi dalawa kayong sikat sa university na to tas nagsama pa. Edi parang may prescon na nangyari," saad niya pa. Napakahyper naman ng babaeng to.
"Sikat? Ka-kaming dalawa?" pagtataka ko.
"Yes! Kayong dalawa!"
Napatingin naman ako kay Blaze na seryosong nakatingin sa cellphone niya habang sumusubo ng burger. Siya at ako sikat?
Talaga?!
Marahil ako alam ko na sumikat talaga ako pero siya paano siya sumikat?
"Bat ganyan ka makatitig sa akin?" saad niya habang nakatingin sa akin. Ito na naman ako. Unconsciously staring at him.
"Sabi ko na nga ba! Nakilala nila ako dahil sa pagiging nerd na siga ko sa university na to, unfair naman sa part mo kung di ka nila makilala dahil sa pagiging kumag mo at kabaliwan mo! HAHAHHA!" saad ko pa. Bigla namang napatigil si Blaze sa pagkain at nagpoker face lang na nakatingin sa akin.
"HAHHAHA!" malakas ko pang pagtawa. "Ha-haha-ha" hanggang sa maramdaman ko nalang na ako na lang ang gumagawa ng ingay sa canteen. Lahat sila nakatingin sa akin habang may mga di maipaliwanag na expression ng mukha. Wait!
Are they mad at me?
"HAHAHHAHAHHA!!!"
Napatingin naman ako kay Ariana na ganun nalang din ang lakas ng pagtawa, ganun na din si Keille, ang cute na lalaking sinasabi ko kanina. OMG! Ang gwapo naman ng isang to. Mas gwapo pa to kesa kay kumag eh.
"Parang gusto na kita Wenoana! Ang galing mong magbitaw ng mga jokes, tas yung ginawa mo pa talagang topic eh si Insan, pftt!" saad niya habang pinipigilan parin ang pagtawa.
"Bakit anong nakakatawa sa sinabi ko ? At di naman joke yun e.."
"HAHAHHAHAH! ikaw kasi ang kauna unahang taong nagsabi sa kanya ng ganun eh. Ang tumawag sa kanya ng kumag sinamahan pa ng baliw! pffttt.." nababaliw na din ata ang isang to eh. Magpinsan nga sila.
"Pero ang totoo kasi niyan di sumikat si Blaze dahil sa pagiging kumag niya or pagiging baliw niya either," saad nito.
Eh ano?
Anong kinasikat ng kumag nato?
"Sikat siya dahil siya lang ang nag iisang anak ng nagmamayri ng school nato. Therefore siya ang tagapagmana ng BlackFire University," saad nito.
Ano?
Anak ng nagmamay ari ng school nato?
Weah?
"Oo, tagapag-mana siya!"
Teka nga!
Sa pagkakaalam ko napakayaman ng nagmamay ari ng BU ah. Napakadami kasi nitong branches sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa.
Ibig sabihin ba nito ang batang kalaro ko dati na gusgusin at minamaltrato ng ina niya ay isang tagapagmana ng napakalaking paaralan. Ibig sabihin napakayaman ng kumag nato ah!
Kung ganun ay ano ngang nangyari sa kanya makalipas ng napakaraming taon?
"At dahil kayo ay sikat at palagi pang magkasama, maaring kayung dalawa nanaman ang maging laman ng mga chismis at balita sa university. Di talaga maiiwasan yan dahil sa mga bibig ng mga babaeng humahanga kay Blaze patay na patay kana Wenoana, sigurado akong mahihirapan ka sa mga susunod na oras at araw ng iyong buhay," saad ni Ariana.
Di ko alam kong dapat ba akong matakot o machallenge sa mga sinabi niya?
Tingin niyo?
"Bat naman magiging mahirap?" pagmamaang maangan ko.
"Dahil marami ngang nagkakagusto kay Blaze di maiwasang magselos sila sa existence mo sa tabi niya, ikaw pa. Ikaw na kilalang nerd," saad niya pa.
Ayyy!
May ganung dramahan din pala dito?
So dapat na ba akong matakot sa mga yun?
Di naman siguro?!
Sila dapat matakot sakin dahil dumudurog ako ng buto.
"At ikaw pa lang sa lahat ng kakilala at umaaligid kay Blaze ang nakakaupo sa harapan niya, ikaw at ikaw lang Wenoana!"
Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya?
My God!
Hayss!
"Ikaw na kilala bilang isang slut!" dagdag niya pa. Ayan na naman yang word na yan e. Di ko na nagugustuhan ang tabas ng dila ng babaeng to ha. Masarap hiwain gamit ang kutsilyo, yung mapula niyang labi.
"Ariana! Nakaka-offend naman yung sinabi mo sa kanya," napalingon ako at nakita kong si Keille pala ang sumaway sa madaldal na babaeng yun.
spiderman!! Can this be love?
Pinagtanggol niya ako! Pinagtanggol niya ako!
"Ayyy! So-sorry! Di ko na kasi napigilan ang bibig ko. Wag mo po akong bugbugin! " pagsusumamo niya. Tiningnan ko na kasi siya ng matalim.
Di ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako. Naglakad na ako palayo sa kinaroroonan nila. Narinig ko ang pagtawag ng babaeng yun pero di ko siya sinagot. Mas okay pa sigurong pumunta nalang ako sa library para makapag isa.
Haysss!!!
THIRD PERSON
"Hahahha!" pagtawa ni Ariana.
"Nakakatuwa siya. Napakacool niyang tingnan. Kahit nerd siya, ang angas ng awra niya. I kinda love her na talaga pinsan!" dagdag pa nito habang sumusubo ng stick o.
"Itigil niyo na yan,anyways san na yung inutos ko sayo nung isang araw??" tanong ni Blaze sa pinsan.
"This?!" saad ni Ariana kasabay ng paglahad ng isang red case na may lamang tape.
"Nahirapan kami ni Keille sa paghahanap ng copy, buti nalang meron pa palang isang copy si Marco," saad ni Ariana.
"Aanhin mo ba yan insan? Parang may kakaiba sayo ngayon ah! I smell something really fishy af~" Ariana teasingly said.
"Di ko pa alam kung ano ang gagawin ko dito! Let's see~"
Napangiti ng lihim si Blaze habang tinitingnan ang tape na hawak niya.
Makalipas ng ilang oras ay uwian na. Nasa loob parin ng university si Wenoana, binubuksan ang locker niya. Kailangan niya kasi itong ihanda dahil may gaganaping game bukas sa PE nila, lilinisin niya sana ito ng mapansin ang isang bagay.
"Ano to?"
Kinuha niya ito at ganun nalang ang paglaki ng mata niya dahil sa nakita.
"Anak ng!" daing niya ng makita ang isang litrato kung saan makikita ang mukha ni Wenoana nakahubad ito habang may nakapatong na lalaki sa ibabaw. Nadagdagan pa ang pagkagulat niya ng mabasa ang markang nakalagay dito.
ENGINEERING DEPARTMENT BUILDING ROOM 9A- 9PM. PUMUNTA KA!
Nagpatuloy siya sa paghalungkat ng gamit niya at natagpuan niya pa ang isang red case na may lamang tape.
"Ano naman to?!" takang tanong niya habang nakatingin dito.
Galit na galit na naikuyon ni Alexandria ang kamao niya. Kahit di naman talaga siya ang nasa litrato ay nakaramdam siya ng isang napakasidhing galit na kailangan niyang pakawalan sa mukha ng sinong mang nagpadala ng bagay nato sa kanya.
Mabilis na lumabas ng locker room si Alexandria habang naglalakad ay nakasalubong niya ang paika ikang si Blaze. Naalala niya ang gagawin pala silang review. Kaya naman ay mabilis siyang nagtago para di siya makita nito.
Di muna kasi siya pupunta sa review nila bagkus ay papakawalan niya muna ang galit sa kanyang mga kamao.
Gusto niyang sumuntok.
Gusto niyang mambugbog.
Gusto niyang makakita ng dugo.
Gusto niyang mangwasak ng mga pagmumukha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro