Chapter 15 ☻
:(
ALEXANDRIA FLORES
Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Dapat di nalang ako nagpunta sa bahay ng kumag na yun eh. Dapat di nalang ako nagpadala sa hamon niya. Ramdam ko tuloy na talong talo na ako sa kanya. Akala ko ay ganun ko siya kabilis na matatalo pero di pala.
I undersestimated him. Malaki talaga ang pinagbago niya. Andito ako ngayon sa bus stop, napaupo nalang ako habang inaalala ang nangyari kanina.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Di ko alam kung bakit di ako naiirita sa existence mo, di ko alam kong bakit biglang nagbago ang pagtingin ko sayo, " saad ni Blaze habang nagsusulat. Nakatingin ako sa kanya pero ramdam kong may kakaiba sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
"You're a slut and a bitch," dagdag pa niya.
Nakakainis!
Ayan na naman ang word na yan. Ang mga words na yan. Alam ko meaning ng bitch pero yung slut di ko pa na meMeriam. Ano nga ba kasi yun?
At dahil curious na ako ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Buti nalang nakapagdownload na ako ng apk ng Meriam Dictionary sa cp ko. Mabilis ko itong ininstall.
"Bat napatahimik na ata?" saad ni Blaze habang nag sosolve parin.
"Ah..wala, wag mo na muna akong pansinin," sabi ko habang todo toon ng pansin sa cellphone kong nag iinstall ng app.
App Installed!
Yes!
Dali dali ko itong inopen at mabilis na tinype ang salitang slut.
Then search!
Searching!
Slut- a woman who has many casual sexual partners.
synonyms:promiscuous woman, prostitute, whore;
a woman with low standards of cleanliness.
Bigla na lang ako nakaramdam ng init sa aking katawan hindi dahil sa nalilibugan ako o kung ano pa man . Kundi dahil sa sobrang galit at inis. Yun pala ang ibig sabihin nun. Ako maraming sexual partners?
Like fhasodyhfasiufdynasfdasl?!!
Di ako ganun! Excuse me lang virgin pa po ako. 101% !
Malakas kong itinukod ang kanang kamay ko sa mesang pinagpapatungan ng mga libro kasabay ng pagtayo. Napatingin naman ang kumag sa akin. Umuusok na ang ilong ko dahil sa sobrang galit. Di ko akalaing all this time ganun pala ang tingin nila sa akin. Ang tingin kay Wenoana? Kaya pala ganun ang pakikitungo sa akin ng kakambal niya kasi slut siya kung ituring?
Anak ng panis na tinapa!
Papakita ko sa kanila ang slut na gusto nilang makita! Ang slut na dudurog sa mga buto at wawasak sa mga mukha nila! At ang uunahin ko na ay ang kumag na nasa harapan ko.
"A-anong problema mo? " takang tanong ng kumag sa akin.
"Ganun ba talaga tingin mo sa akin? Isa akong maruming babae?!"sigaw ko sa kanya.
"What do you mean?"
"Gusto mo pang englishin ko para magets mo ha! Kumag ka!! I'm a slut? "
Napangiti naman ang kumag habang ako ay umaapoy na sa galit. Parang wala lang sa kanya ang lahat ah. Pinagtatawanan niya lang ako. Hays!
"Well let me tell you Mr. Blaze Suarez, virgin pa po ako. Never been touch and never been kiss. Kaya please lang stop calling me like that, di ako ganun at di ako magiging ganun. Tingin ko wala na tayong dapat pang pag usapan. Pero sa susunod na tatawagin mo pa akong ganun. Makikita mo na ang hinahanap mo! Excuse me, " saad ko. Mabilis kong pinulot ang eyeglasses ko ganun na din ang cellphone ko na nakalapag sa mesa.
Naglakad ako papunta sa pintuan mabilis kong inabot ang doorknob nito pero bago ko pa ito mapihit ay may kamay na may bandages ang pumigil sa akin. Ramdam ko namang nasa likuran ko na ang kumag. Ramdam ko ang hininga niya sa aking kanang tenga.
"Di ka nga talaga si Wenoana!" bulong niya. Bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya.
"Sino ka nga ba? Bakit ako nagkakaganito sa yo? Why are you reminding me of someone, someone who left me?" bakas sa tono ng boses niya ang kalungkutan.
Anong ibig niyang sabihin? Ako ba ang tinutukoy niya? Ako bilang Alexandria?
How dare him?
Siya ang nang iwan hindi ako!
"Dati may pagdududa ako sa aking akala pero ngayon sigurado na akong di ikaw si Wenoana! Alam mo bang never pa akong nakipagkaibigan sa mga estudyante ng university. Nobody gets my attention, kahit ang pinakaseksing babae sa university, kahit ang pinakamagandang babae pa. Never ko pang nasubukang manghingi ng number kasi usually ako ang hinihingan. Anong nangyari sa akin. It's like I'm making a lot of exceptions para sayo."
Di ko alam kong anong isasagot ko sa mga sinabi niya.
Di ko alam kong ano ba ang dapat kong sabihin, ang dapat kong maramdaman.
I'm totally speechless!
"You remind me of her," dagdag pa niya. Di ko alam kong tama ba ang gagawin ko.
"Stop playing with me Blaze, please lang.." naisaad ko out of nowhere. Nakakainis! Yun lang ang nasabi ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
"I'm not playing with you. I never played with you. I never joked on you because honestly I'm quite serious," saad niya sa akin. Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hawak hawak niya parin ang kanang kamay ko habang nakahawak din ako sa doorknob.
"Pero kung yun ang tingin mo sa mga ginagawa ko. Wala na akong magagawa. Basta itong tatandaan mo Wenoana. I will never stop until you will tell everything to me. I will find ways just to feed my curiousity."
"Do whatever you want if it pleases you!" saad ko habang pilit na kumakawala sa paghawak niya sa kamay ko. Nagagalit na ako sa mga pinagsasabi ng lalaking to. Anak ng tinapa! Gusto niya ba talagang lumabas na naman tong dalawa kong sungay?
"Kumag ka! Gusto mo bang masaktan ulit ?"
"HAHAHA! Isa pa yan sa nagpapatunay na di nga ikaw si Wenoana! How you treat me is really different," saad niya sa akin habang may nang aakit na tono ng boses.
Kunting konti nalang talaga ang natitirang pasensya ko para sa lalaking to. Konti nalang at matitikman na niya ang galit ng isang siga na nakulong sa katawan ng isang nerd.
"Sino ka ba talaga? Bakit nakikita ko si Alexandria sa yo? Bakit sa tuwing magkasama tayo siya ang naalala ko? Ang mga galaw mo, ang salita mo, at ang ugali mo! Bakit ?!"
Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay di ko maiwasang malungkot. Di ko aakalaing naalala niya pala ako. Iniisip niya parin pala ako. Pero kailangan kong panindigan ang pagpapanggap ko. Hindi niya dapat malaman na ako ang nasa katawan ni Wenoana.
Hindi maari!!
Bigla ko siyang siniko pero napigilan ito ng kaliwang kamay niya.
"Bakit di mo nalang sabihin sa akin kung sino ka? Mahirap man paniwalaan pero naniniwala akong di ikaw si Wenoana. Di man kapanipaniwala pero iba ang nararamdaman ng puso ko," bulong niya pa na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Magkalapit parin ang mga katawan namin.
Diyos ko tulungan niyo po ako Lord!
"Itanggi mo man kung sino ka? Malalaman at malalaman ko rin ang katotohanan dahil wala sa personalidad ko ang basta basta nalang sumusuko sa mga pinaniniwalaan ko," he whispered.
Nanginig ang buo kong kalamnan sa sinabi niya dahilan upang malakas kong inapakan ang paa niya.
"ARGH!! F*ck!" daing nito habang pilit na inaabot ng kamay niya ang paang inapakan ko. This time di na ako maaawa sa kanya. Napaka kumag talag niya.
Di pa ako nakontento at sinipa ko pa ang tiyan niya dahilan para mapahandusay siya sa sahig.
"Maniwala ka sa pinaniniwalaan mo, I don't care! Baliw!" saad ko kasunod ng pagbukas ng pinto at tuluyan ko nang nilisan ang lugar na iyon. Dali dali kong kinuha ang bike ko sa garahe nila at mabilis na nagpatakbo palayo sa bahay ng kumag.
Hayy!!
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Di ko maintindihan?
Bakit kahit anong gawin kong pagwaksi at pagsawalang bahala ang presensya ni Blaze ay mas lalong ginugulo niya ako?
Di ko alam kung paano siya pakikitunguhan gayung ang tingin niya sa akin ay si Alexandria.
Agggrrhhh!! sumasakit na talaga ang ulo ko!
Nakakainis ang lalaking yun? Bakit ganun siya?
Nakatikim na naman tuloy sakin.
May hiwa hiwa panga yung kamay tas may pasa sa panga tas kanina lang inapakan ko nanaman ang paa tas sinipa ko pa. Kawawa talaga!
Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ang planong pagbisita sa boarding house ko. Sana lang talaga di pa niligpit ng land lady namin yung mga gamit ni Alexandria dun.
Napatingin ako sa kalangitan at napansin kong pagabi na.
6:07 pm
May oras pa naman ako. Tama lang naman siguro ang isang oras na pagpunta ko doon.
Pero sa totoo lang talaga may kaunti akong takot na nararamdaman sa pagpunta ko sa lugar na yun. Paano kong nagkapalit lang pala kami ng kaluluwa at katawan ng Wenoana na yun! Tas andun siya, tas ano na kaya yung ginawa niya sa napakaganda kong katawan. Paano kong nagpakamatay na siya at dinamay na niya pati ang katawang lupa ko?
Oh noh!
No way!!
Natatakot ako na baka tulad ng kahilingan kong mabuhay sa gabi ng aksidente, ay magkatotoo din ang hiling ni Wenoana na mamatay na lang siya.
Tama!
Siguro dapat tanggapin ko nalang na patay na talaga si Alexandria.
She doesn't exists anymore.
Sa sitwasyon ko ngayon, bilang si Wenoana Mendez, di ko na alam kong paano ko haharapin ang hinaharap.
Paano ko sisimulan ang aking mga plano.
NAKAKAINIS LANG ISIPIN NA WALA NA ANG ALEXANDRIA NA NAGPURSIGE UPANG MABUHAY!
ANG NAGPURSIGENG MAGTAGUMPAY UPANG IPAKITA SA MGA TAONG NANG IWAN SA KANYA NA KAYA NIYA.
KAYA NIYANG MABUHAY!
KAYA NIYANG MAGTAGUMPAY!!
NAKAKAINIS LANG KASI WALA NA ANG PAG ASA KONG MAKITANG MULI ANG MGA MAGULANG KONG NANG IWAN SA AKIN.
SAYANG!
Para ipakita kay Blaze na kahit iniwan niya ako noon ay nakaya ko. Kinaya ko at kakayanin ko.
Ang Blaze na yun! Ang kumag na yun!!
Bakit ganun nalang siya kasiguradong hindi ako ang nerd na si Wenoana?
Naramdaman niya ako?
Lihim na may tumutubong kakaibang damdamin sa aking puso. Kaligayahan sapagkat kahit papano pala ay naalala niya pa pala ako. Ako na si Alexandria na minsang naging parte ng buhay niya.
Pero hindi, hindi pwede!
Hindi na pwede!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro