Chapter 13 ☻
GREETINGS!
MERRY CHRISTMAS!
12/25/17
BLAZE SUAREZ
"Hay!" malalim na buntong hininga ko habang nasa terrace. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw. Ganito kasi talaga ako kapag marami akong iniisip. I unwind myself by watching the sun sets. Nakakawala ng stress ang na aking nasisilayan. Nakakawala ng problema.
Pero alam kong panandalian lamang. Sapagkat tulad ng araw, lulubog ang mga problema pero sisikat din ito. Ang buhay ay hindi completo kung walang problema. Di magiging challenging ang buhay ng isang tao kung wala ang salitang problema.
Dahil ang bawat problema na nalalampasan ay nagpapatibay ng loob, nagpapatatag ng pagkatao, at bubuo sa personalidad na meron tayong mga tao.
Pweh!
Di ko alam kong san ko napulot yung mga ganung salita. Nakakapanibago di naman ako ganito dati. Tiningnan ko ang aking cellphone at tiningnan ang isang litratong sa napakatagal ko nangpanahon iniingat ingatan ang litrato namin ni Alexandria nung kami ay mga bata pa lamang.
Di ko makakalimutan ang pagkakataong nakasama ko siya at naging parte siya ng aking buhay.
"BLAZE!!!" sigaw sa akin ng aking ina. Mula sa puro kadiliman na aking nakikita ay nagkaroon ng liwanag. Nasa isang sulok ako ng bodega ng aming bahay. Dito ako tininatago ng aking ina sa tuwing di niya ako kailangan. Pero sa tuwing wala siyang magawa ay pinapalabas niya ako at binubogbog, sinasampal, at sinasaktan. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ang tanggapin ang bawat sugat at pasa na dulot ng kanyang mga palo, sipa at suntok.
Habang tumatagal ay nasasanay na naman ako sa aking sitwasyon. Tanggap ko na na ito ang aking kapalaran. Ang maging anak ng isang inang walang pakialam sa nararamdaman ng kanyang anak. Kahit na nag iisa lang niya akong anak, kahit kailan ay di ako nakaramdam ng pagmamahal mula sa kanya. Pero suwerte parin naman ako dahil kahit papaano ay binuhay niya ako, di nga lang sa pagmamahal at pag aaruga kundi sa mga pasakit at bugbog.
"Halika ditong bata ka!!!" sigaw ng aking ina sabay hablot sa akin mula sa sulok ng bodega. Di pa nga ako nakakatayo ay sampal at sipa na ang aking natanggap mula sa kanya.
Patuloy siya sa pagsuntok at pagsampal sa akin. Pero baliwala na sakin ang lahat. Baliwala na sa akin ang sakit maging ang mga luha ko ay nanuyo na. Ang di ko lang talaga maintindihan ay satuwing pinapalo at sinasaktan ako ni mama ay umiiyak siya. Nasasaktan ba siya sa ginagawa niya sa akin? Naaawa ka ya siya sa akin?
Marahil ay hindi sapagkat kapag kung mahal niya ako ay di niya ako sasaktan.
Kapag mahal mo ang isang tao dapat yakap at halik ang ibinibigay mo dito. Hindi pasa at sugat.
Umabot ng ilang minuto ang pagbugbog sa akin ng aking ina hanggang sa magsawa siya at ibanalik ulit ako sa bodega. Ganun lage ang buhay ko ang binobogbog at sinasaktan ng aking ina.
Tanggap ko na naman talaga na ganito na ang magiging buhay ko hanggang sa isang araw. Bumukas na naman ang pintuan ng bodega. Mula sa kadiliman ay nagkaroon ng kaunting liwanag ang akin buhay sa pagdating ni Alexandria, isang matapang, at walang inoorongang bata. Siga siya kung aking ituring.
Di ko inaasahang sa pagdating niya sa buhay ko. Magbabago ang outlook ko sa buhay at sa aking kapalaran. Tinuruan niya akong maging matatag. Ang lumaban.
"Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nating magdusa, tao lang tayo tao lang din sila. Anong kaibahan ng buhay natin sa buhay nila. Kaya wag na wag ka nang magpapaapi ulit."
Naalala ko pang sinabi niya ng minsan kaming namasyal sa parke. Lingid sa aming kaalaman na nasa likuran na pala namin ang aking ina ng mga oras na yun. Bigla akong hinablot nito kasunod naman ng pagsipa nito kay Alexandria. Tumalsik si Alexandria sa isang nakausling semento ng parke at nabagok ang ulo niya dito.
Hinila ako ng aking ina palayo sa walang malay at duguang si Alexandria.
"HINDI!!!! WAGGGG!!!!" sigaw ko. Malakas akong napaangat mula sa pagkakahiga. Pinagpapawisan ako habang hinahabol ko ang aking hininga.
Di ko napansing nakatulog na pala ako sa rocking chair na nasa terrace habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Napatingin ako sa aking relo. Six thirty PM na pala.
Anong klaseng panaginip yun?
Napanaginipan ko nanaman si Alexandria. Naalala ko nanaman siya.
Tumayo ako at malakas pinagsisipa ang mga upuan na nasa terrace.
Itinapon ko din ang mga bote ng alak dahilan upang mabasag ito at mapuno ng basag na bote ang buong terrace ng bahay.
Alexandria!
Bakit bakit di mo hinintay?
Bakit di mo ko hinintay ang pagbalik ko!
Bakit iniwan mo ko?
Ito ba ang paghihiganti mo sa ginawa ko noon dati?
"Bakit!!!!" sigaw ko. Napatingin ako sa aking kanang kamay ng mapansin kong dumudugo na pala ito.
ALEXANDRIA FLORES
Araw ng sabado.
Walang pasok.
Walang mga bully.
Walang bubugbugin.
Walang mga ugok.
Walang ang kumag.
Napakasayang isipin. Di ko makikita ang mga pagmumukha nila. Wala akong ibang gagawin kundi ang magpahinga na muna. Lilibot libot sa bahay at matutulog. Bahala na si Spiderman sa magaganap na MATH competition na yun. Isipin ko palang ang competition at ang math na yun sumasakit na ang utak ko. Ang mag aral pa kaya?
Di ko na muna iisipin ang mga problema ko ngayon. Dapat ipahinga ko muna ang sarili ko sa mga stress, at mga worries.
"Wow!" saad ko habang nakatingin sa bike na nasa garahe ng bahay. Ayos pa kaya to? Masubukan nga. Total tapos ko ng malibot ang garden. Siguro kailangan ko ng bisitahin ang boarding ko, para ma check ang ilan sa mga gamit ko.
Lalapitan ko na sana ang bike ng biglang may narinig ako mga tunog ng paglalakad sa likuran ko.
"Nakakapanibago ka talaga Wenoana!"
Napalingon ako at nakita ko ang mukha ng isa pang asungot na dapat kung iwasan. Hayss.. akala ko ligtas na ako sa pagkastress ngayon pero nung makita ko ang mukha niya sumama na ang timpla ng araw ko.
Sino pa ba edi yung asungot at nakakainis kong kakambal na Nina!
Nakablond na ang buhok ng bruha, sinabayan pa ng pasway sway na nalalaman, at ang kapal ng lipstick. May kukulamin na naman ata tung bruhang to e.
"Usually, sa mga oras na to wala ka na sa bahay at naglalakwatsa kana kung saan, nanlalandi at nakikipagharutan sa mga lalaki," saad niya.
Okay!
My perfect day!
Forget it!
Thanks sa witch na nasa harapan ko.
"Alangan namang babae ang landiin ko diba? Titibo tibo na ang labas ko nun. HAHAHA!" pagtawa ko. "Nakakagulat ka din naman Nina e. I never thought na interested ka din pala sa mga gawain ko," saad ko pa.
This witch makes me sick!
"B*tch! Wala akong pakialam sayo! Kahit na mamatay kapa wala akong pakialam. Nakakainis lang isipin na dahil sa mga ginawa mo noon nabahiran ang repotasyon ko at ng pamilya ko. Nakakahiya ka! Nakakadiri ka!"
"May ebidensiya kaba sa mga pinagsasabi mo? Or naniniwala ka lang din sa mga sabi sabi ng makikitid ang utak, malay mo di naman pala ako nakikipaglandian, pumapatay naman pala ako, " saad ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Ramdam ko ang takot dito. Natatakot din pala ang mga bruha? Hayss..
"Siyempre kapatid mo ako, alam ko ang mga pinagagawa mo, ang mga kababuyang pinagagawa mo noon. Alam na alam ko," she said.
"Magkapatid pala tayo? I thought wala akong kapatid," pang iinis ko pa.
"Tssss... Isa ka lang namang hamak na nerd na walang ibang maipagmamalaki kundi yang katalinuhan mo. Other than that you're a disgusting woman," saad niya habang nakapamiwang pa. Ano ba ang gusto ng babaeng to? Ang masaktan?
"Paano kung sabihin ko sayong nagbago na ako. I changed for the better. So better stay away from me, baka di mo namamalayan mapapatay na kita, pinapatay na kita, at napatay na kita," saad ko with fierce voice. Gulat na gulat naman ang expression ng mukha ng bruha. Di siguro niya inakalang masasabi ko yun sa kanya.
"Gulat na gulat ka ata sista? Diba sabi ko sayo I changed for the better." I winked as I about to walk papunta sa bike.
" Nakakatawa ka naman. Puro ka lang naman daldal. Akala mo matatakot mo ako sa mga pasindak sindak mong ganyan?"
Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Nilingon ko ulit siya habang lihim na napangiti. Palaban talaga ang bruha. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang hinahamon ako.
Parang mas bagay kaming magkapatid ng bruhang to kesa kay Wenoana. Pareho kaming matapang at palaban. HAysss.
"HAHAHAH!!!" pagtawa ko habang naglalakad papunta sa kanya. Diretso akong nakatingin sa mukha niyang may bahid ng pagkagulat.
"Ba-bakit ka tumatawa ha!!!!?"
Di ko siya sinagot bagkus ay mas lumapit pa ako sa kanya. Inilapit ko ang aking bibig sa tenga niya. Para mabulungan ko siya.
"Pasalamat ka at kinikilala pa kita bilang kapatid, I warn you dahil nag aalala pa ako sayo. Wag mong hintaying mapuno ang balde dahil kapag umapaw na to. Magsisisi ka," saad ko pa.
"Uhh!" daing ko ng biglang magvibrate ang cellphone kong nasa aking bulsa. I check it at isang unknown number ang nagtext sa akin.
<Magkita tayo. San Carlos Street ,Block 4, Marcos Subdivision. Bilis!>
Anak ng tinapa!
Kahit unknown number parang kilala ko na kung sino to!
Ang kumag na yun!
Di ko na muna papansinin ang kumag nato. Kailangan ko pang pumunta sa boarding house ko.
Napahinto ako sa pag iisip ng mapagtanto kong nasa harapan ko pa pala ang babaeng to. HHays..
"At sino naman yan?" saad nito.
"Pakialamera ka talaga no? Well, ang totoo kasi niyan may gwapong lalaking gusto makipagkita sa akin," pang iinis inis ko sa kanya.
"Ang sabi pa niya nababaliw daw siya sa tuwing nakikita niya ako," dagdag ko pa. HAHAHA! Totoo naman talaga. Yun ang sabi ni Blaze diba? HAHA
"How about you? Wala kabang lakad ngayon? Bakit hindi ka kaya pumunta sa library magbasa ka tungkol sa word na acceptance. Kaysa naman sayangin mo ang oras mo sa pakikialam sa buhay ko, " saad ko pa. Ramdam ko sa kanya ang inis habang nakatingin sa akin.
"Minsan kasi your attention in me is quite annoying. At isa pa di ko kailangan ng atensyon mo! Now excuse me bago kita sagasaan gamit ang bisikitang to," saad ko habang sumasakay na sa bike. Pinatakbo ko na ang bike palabas ng gate. Rinig ko naman ang panggagalaiti ng ngipin niya.
Opss! Nagalit ko ata siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro