Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 ☻


ALEXANDRIA FLORES

"The way you look at me makes me go crazy that I'm starting to like it, " saad ng kumag na nasa harapan ko. Anong ibig niyang sabihin? Iba ako kung makatingin sa kanya? 
Ano siya artista? Kpop idol? Si Harry Potter? 

Hayss.. di lang pala kumag tong lalaking to e. Ang yabang pa. 
Naikuyom ko nalang ang kamao ko habang nakatingin sa kanya. Gusto ko na talagang umalis sa lugar nato--- sa harapan ng Blaze nato pero di ko magawa dahil baka isumbong niya ako sa mga instructors. 

"Anong mga pinagsasabi mo ha? Baliw ka na talaga!" 

Nakakadiri siyang tingnan habang nakatitig sa akin. Kahit gwapo siya ay nagmumukha siyang manyak sa paningin ko dahil sa pinapakita niyang mga facial expression sa akin. Gusto na naman ata nitong masaktan. 

Di ako sinagot ng kumag sa aking sinabi bagkus ay diretso itong nakatingin sa akin. Wari'y hinahamon niya ako ng titigan at kung sino ang lumingon siya ang talo. 
Di dapat ako magpatalo sa kanya kaya naman ay lumaban ako sa titigang gusto niya. Umabot ng ilang minuto ang aming titigan bago siya tuluyang tumayo at inilalapit na naman nito ang mukha niyang puno ng pagnanasa sa aking mukha. Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Parang gusto niya akong halikan. 

Bakit ganito di ko magawang maigalaw ang katawan ko? 

Di ko magawang mailingon ang ulo ko para di niya ako mahalikan. A-anong nangyayari sa akin? 
Konting konti nalang ang pagitan ng aming mga mukha, ganun din ang aming mga labi. Tanaw na tanaw ko ang ngiti niya. Ngiti ng tagumpay, ramdam kong natatalo na ako sa nangyayari ngayon. 

Bakit ganito ang nangyayari sa akin kapag kasama ko ang lalaking to? 

Para niya akong hinihynotize sa ginagawa niya sa akin. 

Diyos ko! Di pa ako handang makuha ang first kiss ko! Tulungan niyo po ako. 

"KRINGGG!!!!" pagtunog ng bell ng librarian. Sabay kaming napalingon at dun namin nakitang nakatingin na pala lahat ng mga mata sa amin. Ang mata ng librarian, at mga mata ng mga estudyanteng kanina ay nag aaral sa loob ng library pero ngayon ay wari'y nanonood ng blockbuster na palabas at kami ni Blaze ang artista. 

Naitulak ko ng malakas si Blaze dahil sa sobrang gulat ko. Napaupo siya sa upuan habang nakangiti pa rin. 

Nakakainis!! 

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at isinilid ito sa bag. Nakakahiya ang nangyari kanina. Imbes na pinaghihinalaan pa nila akong malandi at bitch. Mas lalong lalala pa dahil sa ginawa ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung wala lang talagang maraming estudyante at ang librarian dito binogbog ko na ang Blaze nato. 

Matapos kong maisilid lahat ng gamit ko sa bag ay aalis na ako. Akma na sana akong lalakad palabas ng biglang may kamay na pumigil sa kanang balikat ko. 

"Sinabi ko na ba sayong pwede ka nang umalis? Hindi pa tayo tapos Weano-" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napahawak siya sa pisngi habang may gulat na gulat na expresyon. 

"Woah!!" gulat na saad ng mga estudyante sa paligid. 

"Aalis ako kung kailan ko gusto, at tingin mo talaga ipagpapatuloy ko pa ang kabaliwan nato? Kalimutan mo nang ako ang makakasama mo sa competition na yun! I quit," galit na galit kong saad. 

"What's you're reason? Bakit ka magququit?" saad nito. 

Napatigil ako bigla. Bakit nga ba ako magququit? Napaisip ako dahilan para mapaupo ulit. Andon na e. Makakaalis na sana ako e. Nasa karurukan na ako ng drama ko. Yung mga drama ng walk out2x ang drama. Haysss..

Diyos ko~! Bakit ko nga ba nasabi yun?

"Ka-kasi hinaharass mo ako," maiksi kong saad. 

"Harassment? Seriously?" saad nito. 

"Oo, youre sexually harassing me!" saad ko. Buti nalang talaga mahilig ako manood ng mga American movies at Korean series. Kaya magaling ako mag english at may alam akong kunti sa mga batas batas na yan. Kahit di naman ako nakapag aral. 

"You consider that a harassment? Are you out of your mind?"

"YES! cause you're trying to-"

"Did it happen? Did we kiss?" saad pa niya. Habang nakangiti pa rin. May point naman siya pero yung mga ganung gawain di naman natural yun e. Tas marami pang tao. Ano nalang iisipin nila sa akin? Bad record na nga ako sa school sasabihan pa nila akong malandi. Wala na, wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao sa university. 

Napalingon ako sa paligid. Wala na ang mga nakikiusyosong mga estudyante balik na sila sa dati. Ang librarian naman ay nasa table na niya nagsusulat. 

Phew! Buti naman!


"Di normal ang ginawa mo kanina,di normal na ilapit mo yang mukha mo sa maganda kong mukha, that can be considered as harassment,"
buong lakas kong saad. 

"HAHHAA! Ano bang mga pinapanood mong palabas at ganyan ang mga alam mo sa batas?"

What the*! Paano niya na laman?

"Tumigil kang kumag ka! Di mo naman ako tinutulungan sa pagrereview, iniinterogate mo ako na para akong suspect ng isang malaking crimen," saad ko pa. 

" I'm sorry kung ganun ang tingin mo sa ginagawa ko sayo ngayon, actually I'm just really curious about your gradual change," saad niya. 

"Again, Mr. Suarez kung binago ko man ang sarili ko, wala na kayo dun. Wala ka na dun. Now excuse me at my gagawin pa ako," tatayo na sana ulit ako ng bigla niya akong binato ngmaliit na notebook. Mabilis ko itong sinalo bago pa tumama sa mukha ko. 

"Aray ko!" daing ko ng matamaan ako ng ballpen sa noo ko. Pagkatapos ko kasing masalo ang maliit na notebook ay sunod naman niyang binato ang ballpen. 

Namumuro na talaga sa akin ang lalaking to eh! Gusto niya atang matuhod ulit. 
Spiderman pigilan moko! Baka mapatay ko ng di oras ang lalaking to. 

"Isulat mo diyan ang mga social media accounts mo, at mga numbers mo!Para kong sakaling kailangan kitang kausapin tungkol sa competition at review natin tatawagan nalang kita, o di kayay ichachat kita sa fb mo," pag uutos niya sa akin. Kakasura na talaga ang lalaking to. 

"Wag mo akong madaan daan sa mukhang yan. Kung akala mong masasaktan mo ako ulit nagkakamali ka, kung nong una nakaya mo ako. Sinisigurado kung di na ulit mangyayari ang pagtuhod mo dito!" saad niya sabay turo ng parte ng katawan niyang sarap pagsusuntukin at sipain. 

Hayss! 


"Kung makapag utos ka naman sa akin! Akala mo ba susundin kita," pagtanggi ko habang nakapwesto na para ibato ulit sa kanya ang notebook pati ang ballpen. 

"Subukan mong di ako sundin," saad niya. Bigla na naman niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nagpacute ang kumag sabay bulong. " Sasabihin ko sa lahat ng mga estudyante dito na magkarelasyon tayo at may nangyari na sa atin" aniya. 

Ramdam kong umiinit ang mukha ko hindi dahil sa kilig kondi dahil sa galit. Diyos na mahabagin kaawaan niyo po ang kaluluwa ko kung balang araw may mapatay akong kumag. 

"And don't you dare to left me sa gaganaping competition," dagdag pa nito. 

Kahit labag sa kalooban ay sinonod ko ang sinabi ng kumag. Wala e, wala na akong magagawa. This time talo ako sa kanya pero humanda siya. 

Hinamon niya ako ng ganung klaseng laban. 

Humanda siyang kalabanin ang isang katulad ko. 

Matapos kong sundin ang gusto ng kumag ay malakas kong binato ang notebook at pen sa kanya pero nasalo lang niya ito. 

Tumayo naman ako at agad na lumabas ng library. Bahala siyang kumag siya! 

NAKAKAINIS!!! 

Sarap niyng patayin! 

"Aray ko!" saad ko ng biglang may babaeng nakasuot ng green headband ang bumangga sa akin. Maganda siyang babae, maputi, at napakaganda talaga. Natotomboy kana ata Alexandria! 
Sana nga tomboy nalang ako, para masaya pero hindi e. Ramdam kong ako ay isang Iba. Naghihintay ng Adan na mag aalaga sa kagandahan ko. 

"sorry miss,"nagmamadali kasi ako."  Teka parang familiar sa akin ang mukha ng babaeng to ah. San ko nga ba nakita ang isang to? 

"Ariana!" saad ng pamilyar na boses sa likod. Sabay kaming napalingon ng babae at nakita kong muli ang kumag. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa direksyon namin. 

Magkakilala sila? 

Walang daan! 

In English again! NO WAY! 

Dapat makaalis na ako sa lugar na to! 

Kaya nung mapansin kong papalapit na si Blaze sa kinaroroonan namin ay mabilis akong naglakad palayo. Like duh! Makikipagplastican na naman ako sa lalaking yun. 

Di pwede! 

Habang naglalakad ay naalala ko tuloy ang mukha ni Blaze nung mga bata pa kami. Mga 13 years old pa lang kami nun. Malayong malayo ang personality ng Blaze noon sa Blaze ngayon. Napakalayo ng ugali nila. 

Nakakainis lang talaga ang malaki niyang pagbabago. Ang sarap niya talagang suntukin kanina.

Pero bat di ko magawa? Di ko ginawa? 

Nung mga oras na muntik na niya akong halikan. Bat di ko magawang maigalaw ang katawan ko? 

Anong nangyayari sa akin? 

Hanggang ngayon pa rin ba ? May kakaiba pa akong nararamdaman sa Blaze na yun?

Maraming taon na ang lumipas. Malaki na ang pinagbago ni Blaze, pero ako bilang si Alexandria ay ganun pa rin. Kaya ba naghihinala siya sa pagkatao ko bilang si Wenoana? Kaya ba ganun nalang niya ako paghinalaan dahil di ako nagbago. Di ko binago ang ugali ko. 

At ang sinasabi niyang pagtingin ko sa kanya. 

Arhhhhggg!!!


Itigil mo to Alexandria! 

Itigil mo dahil alam mong sa huli ikaw din ang masasaktan. Ikaw ang talo! 


Kaya hanggang maaga pa tigilan mo na!


Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko papunta sa parking area ng school. Uuwi ako ng maaga ngayon, matutulog ako, matutulog ako!

Kung pwede ayaw ko ng magising ! 


Wahhhh!!




BLAZE SUAREZ 


"Anong nangyari dun kay Wenoana? Bat parang iniiwasan ka niya?" tanong ni  Ariana sa akin. Mabilis kasing umalis ang nerd na yun ng papalapit na ako sa kinaroroonan nila kanina. She's trying to escape. HAHA akala niya makakatakas siya sa akin. Nagkakamali sya~ ! 

"Anong ginawa mo sa kanya huh? Blaze?" dagdag pa nito. Di ko siya sinagot bagkus ay napatingin ako sa notebook na hawak ko. Yun yung maliit na notebook na binato ko sa kanya upang sulatan niya ng ilang details tungkol sa kanya. 


"Ariana!" pagtawag ko. 

"Bakit insan?"

"I want you to do something for me," saad ko. 

"Ano naman yun ha?! Kung para sa lovelife mo okay lang sa akin insan. Tungkol ba to kay Wenoana?" Ang daldal talaga ng babaeng to. Tssk 

"Oo, tungkol niya sa kanya. "

Di ko pa rin alam kong tama ba ang mga kuro kuro ko tungkol sa pagbabago ng nerd na yun. Nang nakakadiring nerd na yun. 


Di ko maipaliwanag pero simula nung makita ko ang mga mata niya. Nakaramdam ako ng kalungkutan, parang emosyon na may namimiss kang tao, its like the feeling of longing someone. Ang mga mata niya, para akong inaakit nito. Parang may kung anong bagay ang kakaiba sa kanyang mga mata. 

Akala ko ay sa unang pagkakataon ko lang mararamdaman yun. Pero hindi, naulit pa ito kanina. Kanina nung muntik ko na siyang mahalikan. 

Ang mga mata niyang parang matagal ko nang kilala. 


"Alexandria~" bulong ko. 




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro