Chapter 11
Thank you Kael Flores sa pagawa ng bagong cover ng ASSKNN. Appreciated ko ang effort mo. HAHAH..
Merry Christmas mga labs!
Regalo ko po!
Thanks pala sa mga nagbabasa ng ASSKNN! Maligayang pagbati!
ALEXANDRIA
I can't take this!
Di ko na talaga kaya!
Tama na!
Masakit!
Tama na!
"Bakit di ka pa nagsisimula?" saad ng lalaking nasa aking harapan. Nakapoker face lang ito habang nakatingin sa akin. Walang expression ang mukha at nakatitig lang sa akin.
This is madness!
Wala akong maintindihan sa mga nakasulat sa papel na hawak ko. Ni ayaw pumasok sa utak ko ang mga x at y eh. Tas ganito? My God! Tulungan moko.
Nandito kami ngayon ni Blaze sa library. Sisimulan na namin ang review para sa gaganaping competition next month which is di ko alam kung aabot pa ako. Kasi mukhang ngayon pa lang mamatay na ako sa mga nakikita kong nakasulat sa mga reviewers na dala ng kumag na to.
Paglalamayan na ata ako ng di oras. Cause of death: overdozed in numbers and math equations. Tinamaan na ng lintik Alexandria. Mga kaibigan tulungan niyo ako! Di na kaya ng powers ko ito.
Nasusuka ako sa numbers.
Isa pa yung kasama ko ngayon, si Blaze na dapat kung iwasan. Naiinis ako sa mukha niya. Sa tuwing nakikita ko kasi siya naalala ko ang nangyari noong unang panahon.
Di ako makaconcentrate, at kahit makaconcentrate pa ako ay di ko pa rin naman masasagutan to kasi di ko alam kung paano to sasagutan. Bat ba kasi kailangan pang hanapin ang x at magtanong pa kong y? Sapat na naman siguro na marunong akong mag add, subtract, multiply at divide diba?
Makakasurvive na naman siguro ang mga tao kahit yun lang ang alam. Pero yung mga x at y? Anong silbi nun? This is madness! Para na akong mababaliw habang tinititigan ang mga nakasulat sa reviewer. Mas gusto ko pang mang bugbog kasi umupo at sagutan ang mga ganitong klaseng exams e.
"Tititigan mo nalang ba yan?" Nakatitig pa rin si Blaze sa akin. Wari'y binabasa ang nasa aking utak. Magkaharap kasi kami ngayon, iisang mesa lamang ang pagitan namin. Ayan na naman ang nakakamatay niyang mga titig. Sarap gawing punching bag ng mukha e. Nakakainis!
"Arghh! suko na ako," saad ko na napayuko. Di parin nagbabago ang poker niyang mukha.
"Ikaw!" pagtawag ko sa kanya.
"Bakit ganyan ka kung makatingin huh?"
"Nagtataka lang naman ako kung paanong ang isang napakatalinong si Wenoana ngayon ay tinititigan nalang ang isang math reviewer na may napakadaling math problems at equations," saad niya ng may pangungutya.
Eh di nga kasi ako si Wenoana!
Ang sarap talaga sabihin ang mga salitang yun eh. Hayss
"Siguro dahil lang to sa aksidente kaya di ko magawang masagutan to, I need time to answer and to refresh," pagsisinungaling ko. Buti nalang wala yung librarian at pwede kaming makapag usap ng ganito sa loob ng library. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon.
"Hindi ba nakakapagtaka?" saad niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Di ko nga kasi maalala ang lahat-"
"Hindi yun ang ibig kung sabihin," pagputol niya sa sasabihin ko.
"Amnesia right??" tanong niya. Napatango nalang ako bilang pagsang ayon.
"Nakakapagtaka dahil sa pagkakaalam ko at sa mga nababasa ko, hindi naman binabago ng amnesia ang ugali at personality ng isang tao. Memories lang ang nawala sayo pero hindi ang pagkatao mo," saad pa nito. Seryoso siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Anong ibig niyang sabihin?
Naghihinala na ba siya sa pagkatao ko?
"Di-di kita maintindihan? Bakit mo sinasabi yan," saad ko. Bigla siyang bahagyang lumapit sa akin kahit na mesa sa gitna. Nagkalapit ng bahagya ang aming mga mukha. Anak ng ..
"Tingin ko kasi hindi ka nagbago dahil sa pagkawala ng mga alaala mo, you act like someone with different personality. You're totally different from the old Wenoana," saad pa niya.
"Para kang isang leon na walang kinakatakotan, at sa pagkakaalam ko ang dating Wenoana ay isang tupa na takot sa mga lubong nakapaligid sa kanya," dagdag pa nito.
Di ko alam kong ano isasagot ko sa mga sinabi niya. Naghihinala na talaga siya. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Nagsisimula na din akong pagpawisan.
Napag isipan ko na din naman dati na dapat akong mag ingat para hindi ako mahalata na di talaga ako si Wenoana. Pero di rin naman pwedeng maging katulad ako ni Wenoana na sinasakta at inaagrabyado ng mga taong nasa paligid ko. Dahil kahit kailan di ko maatim na apihin ng sino man.
Afterall pareho lang naman tayong tao. Parehong lupa ang inaapakan, parehong nauutot, parehong tumatae, parehong mabaho ang hininga sa umaga.
Then, bakit may mga ganung taong nang aapi na akala nilay nakakataas silang klase ng nilalang?
Well, iba ako. Di ako yung tipo ng taong nagpapaapi nino man. Basta nasa katuwiran ako, ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang tao.
Nagkamali din siguro ako dahil di ko ako umacting katulad ng Wenoanang kilala nila.
Ang Wenoanang mahina, na walang ibang kayang gawin kundi ang umiyak.
Oo, nagkamali ako.
Di kaya naghihinala na itong si Blaze na ako si Alexandria ang nasa katawan ni Wenoana?
Bigla ko tuloy naalala ang pagsambit niya sa pangalan ko nung natuhod ko siya.
Curiousity?
Ito ba ang ibig niyang sabihin?
Nakikita niya si Alexandria sa katauhan ko bilang Wenoana?
Ganun ba ang ibig niyang sabihin sa paghihinala niya sa ikinikilos ko?
Naalala niya ako?
SA KABILA NG PAG IWAN NIYA NG BIGLAAN SA AKIN NUNG MGA BATA PA KAMI. BIGLA SIYANG NAWALA NA PARANG BULA. DI MAN LANG NAGPAALAM.
Iniwan niya ako na katulad ng mga magulang kong mga makasarili. Walang ibang inisip kundi ang kanilang mga sarili. Di man lang nila inisip na may isang katulad ko na nagmamahal sa kanila. At nangangailangan ng presensya nila.
How dare him!
How dare them!
Nakakainis bakit naiisip ko ba ang mga pangyayaring yun ngayon?
Hayss
"Wow! Ibig mo bang sabihin di ako si Wenoana? Di ako tung nasa katawan niya? Nakakatawa ka naman! Gawan kaya natin ng Wattpad story yang concept mo. Mahilig ka rin palang gumawa ng story no! Nakakatawa!" saad ko. Habang nagsasalita ay di ko maiwasang mapalunok ng laway dahil sa kaunting kaba na aking nararamdaman.
This Blaze makes me crazy!
Di ko alam pero parang walang epekto sa kanya ang mga sinabi ko. Walang nagbabago sa expresyon niya habang nakatingin parin sa akin.
"Marahil ay nakakatawa nga, pero masasabi ko talagang ibang katauhan na ang pinapakita mo Wenoana," saad niya na parang ginagawang patanong yung pagbigkas sa pangalan ni Wenoana.
"Sino ka nga ba?" dagdag pa niyang tanong.
"Nababaliw ka na ba?" tanong ko.
"Sa tingin ko ay nagsisimula na akong mabaliw Wenoana, and I guess you have something to do about it," saad niya.
Anak ng tinapa!
Anong pinagsasabi ng kumag nato? Di ko na alam kong paano siya sasagutin sa mga sinabi niya. Mabuti nga kung mabaliw na siya para wala ng kumag akong makita sa BU.
"Tingin mas magandang mangyari kung mababaliw ka na nga lang talaga, para masaya!" saad ko sinamahan ng kaunting tawa.
"Okay sabihin na nating baliw ka na nga talaga. Pero bakit ganyan ka sakin ngayon? Bakit nakikialam ka sa buhay ko matapos mo kong tawaging slut at bitch!" saad ko. Kahit di ko naman alam kong ano yung slut. Mameriam nga. Pero alam kung di maganda yun kasi sinulat din yun ng mga anak ni Taning sa upuan ko.
Hays
"Tingin mo natutuwa ako sa ginagawa mo ngayong pakikialam sa buhay ko, at sa pagawa ng theory tungkol sa pagbabago ko? Well, let me tell you Mr. Blaze, everything changes. Constant change ika nga. Kung binabago ko man ang sarili ko. Wala ka na dun, wala na kayo dun. Kaya pwede ba, mind your own business," saad ko with authority sa tono ng boses. I'm so sick na kasi sa mga sinasabi niya e.
"I know Ms. Wenoana, wag kang mag aalala. Di parin naman nagbabago ang pagtingin ko sayo, half of me still thinks that your a slut and a bitch," saad niya na nagpainit sa tenga ko. Naikuyom ko ang aking kanang kamao dahil sa narinig. Pero relax Alex! May araw din sa atin ang kumag nato.
"Kung ganun eh, wag na wag ka ng lalapit sa kin. I will not waste my time, entertaining your false accusations."
"And half of me thinks that you're fun and exciting," dagdag pa niya.
Ano daw?
Ako fun and exciting?
"I don't care kung yan ang tingin ng kalahati ng utak mo sa akin. Basta wag mo na akong papansin, I don't need your attention anyways," gigil kong saad sa kanya.
"Kung ayaw mo na nakikialam ako sa buhay mo at kung ayaw mo din ang attention ko, siguro dapat gawan mo ng paraan yang mga mata mo. Do something about it, or else you might regret. Its like I want to be with you everytime you look at me like the way you look at me at this very moment," mahabang saad niya. Ginagamit pa ng kumag ang seductive niyang boses.
Nakakaramdam tuloy ako ng init sa king mga pisngi. Di kosiya gets.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Di ko alam kong napapansin mo pero alam mo bang kakaiba ang pinapakita ng iyong mata sa tuwing tinitingnan mo ako. Ibang iba,"
Anong pinagsasabi ng kumag na to? Anong iba?
Sapakin ko nalang kaya tong mukha niya para matauhan siya.
"The way you look at me makes me go crazy that I'm starting to like it," saad pa niya.
This is madness!
Walang ganyanan kumag ka!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro