Chapter 10
THIRD PERSON
Sunod sunod ang mga reklamo na natatanggap ng dean tungkol kay Wenoana na nangbubugbog at nambubully. Di naman ito pinapansin ng dean sapagkat ang mga nagsusumbong ay kilalang mga bully at mga walang modo sa university. Sa loob ng dalawang linggong pamamalagi kasi ni Alexandria sa BU bilang si Wenoana ay puro mga pambubully ang natatanggap nito pero sa huli ang mga bully ang nabubully niya.
Nariyang pinagtutulungan siya ng mga lalaki at mga kababaihan pero di sila umubra kay Alexandria. Nagreklamo din ang mga magulang ni Maica na nasira ang ilong dahil sa pagtama ng bola pero napawalang sala si Wenoana dahil laro lamang daw iyon. Pinagtanggol siya ng instructor nila. Nariyan ding may nagsumbong na nawalan ng ngipin dahil minumod daw ito ni Wenoana sa bakal na railings ng school. Di naman lubos na makapaniwala ang dean ganun din ang school director dahil kilalang top performing student si Wenoana.
"Wag kayong tumitig ng diretso sa mga mata niya baka mabugbog kayo ng di oras," bulong bulongan ng mga estudyante na rinig na rinig naman ni Alexandria habang siya ay papunta sa room niya.
"Malaki talaga ang pinagbago niya, dati rati puro iyak lang ang kaya niyang gawin pero ngayon," saad ng isa sa mga estudyante. Lumingon namang bigla si Alexandria kasunod ng kindat at ngiti. Gulat na gulat ang nagbubulongan at agad na napaatras.
Ayos na sana ang lahat para kay Alexandria dahil hindi na ganun ka gulo ang buhay niya sa loob ng BU. Pero ang lubos lang niya kinaiinis ay ang existence ni Blaze sa first subject niya. Sa loob ng dalawang linggo ay di na ito nakikialam sa kanya pero panay ang mga titig nito. Titig na tumatagos hanggang sa likuran niya.
Every first subject niya ay nakikita at nakakasama niya si Blaze. Nagtataka siya kung bakit ganun na lang ang pagtitig nito sa kanya. Nacoconscious tuloy siya sa sarili.
"OMG!!! Blaze!!!" saad ni Ariana habang palapit kay Blaze.
"Look at these!" sabay lahad ng mga litrato at cellphone niya wari'y may nais ipakita kay Blaze.
Pokerface naman ang ginanti ni Blaze sa pinsan.
"Yan si Wenoana Mendez, ang dating nerd na ngayon ay sikat na dahil sa pambubogbog niya sa mga bully ng BU, idol ko na siya," saad nito.
"tapos?!"
"Alam kong interesado ka rin tungkol sa pagbabago niya. Afterall ng nangyari sa inyo-" napatigil naman si Ariana ng mapansing galit ang mukha ni Blaze.
"Oppss! Sorry! Gusto ko lang naman sabihin sayo na ibang iba na si Wenoana. Alam mo bang napakadaming sororities at mga bullies ng school na to ang humamon sa kanya pero in the end sila ang nabugbog."
"Wala akong pakialam," saad ni Blaze.
"Kunwari kapa, alam kong interasado ka sa kanya. Unconscious ka ba sa tuwing nakatitig ka sa kanya every first subject mo? Ang suwerte naman ng babaeng yun, dahil na like ata siya ng pinsan ko OMG, OMG O-M,"
"Tskkk!"
"Okay! Kung di ka interesado sa kanya at di mo rin siya like? Why are you starring at her this past few weeks?" takang tanong ni Ariana sa pinsan.
"Something about her is just bothering me," saad ni Blaze.
"Hmmm... oo nga pinsan, kakaiba kasi ang biglaang pagbabago niya. Nagtataka kung dahil ba yun sa amnesia niya o ano pero there's something strange. Para ibang tao na siya di na siya si Wenoana!" saad ni Ariana.
"Balang araw malalaman ko din ang kung anong meron sa Wenoanang yan," saad ni Blaze. Habang may ngiti sa mga labi.
"Owwww! Kakaexcite naman," saad ni Ariana na may pangiti ngiti pang nalalaman. Lihin kasi nitong binabantayan si Wenoana mula sa malayo. Na cucurious siya sa bagong personality nito. Kaya ganun nalang ang pagka excite niya na pati pala ang pinsan niyang si Blaze ay nacurious din sa nerd na ito.
Tumunog na ang bell ng university hudyat upang magsimula na ang unang subject ng morning session. Nagsiupuan na ang mga estudyante at lumabas na din ng room si Ariana, mas communication kasi ang course neto iba ang first subject niya.
-------------------------------------------------------------------------------------------
"We are going to have a MATH Genius Competition, next month," saad ni Mrs. Alleria. Gulat naman ang lahat sa sinabi nito.
"At sinabi ng dean sa akin na sa klase ko ako kukuha ng magiging mga representatives," dagdag pa nito.
Napayuko naman si Alexandria, dahil nakatingin sa kanya si Mrs. Alleria. Pumasok agad sa isip niya na maaring siya ang piliin nito. Sapagkat nerd nga si Wenoana.
"Mr. Blaze Flores, ikaw ang isa sa magrerepresent sa Blackfire University," pagtawag ng guro kay Blaze.
ALEXANDRIA
Woah!
Akala ko talaga ako na ang pipiliin ni Maam na magrerepresent sa university namin.
Like duh! In the name of spiderman, wala akong ka alam alam sa word na MATH! Di ko magawang kainin yang salitang yan. Di naaabsorb ng sistema ko ang mathematics na yan. Malamang maibagsak ko nga ang calculus ko ngayong sem na to eh. Di ako makarelate.
Buti nalang talaga at si Blaze ang napili ni maam. Lihim akong napangiti. Teka parang may mali?
Ano nga ulit sinabi ni maam kanina?
"Mr. Blaze Flores, ikaw ang isa sa magrerepresent sa Blackfire University,"
ISA?
ISA?
IKAW ANG ISA SA MAGREREPRESENT--?
Anong?
"at Ms. Wenoana Mendez..." saad ni maam na nagpaangat ng ulo ko mula sa pagkakayuko. Ramdam ko na na pinagpapawisan ako ng malagkit dahil sa pagtawag sa akin ni maam. Wag naman sana Lord. Tas si Blaze pa ang makakasama ko?
Oh noh!
Pag minamalas nga naman..
"Yes maam?"
"Isa ka din sa magrerepresent ng university natin," dagdag ni maam. Diyos kong mahabagin! Bakit niyo naman ako ginaganito? Pwedeng magpakamatay ulit?
Iharap niyo nalang ako sa mga lalaking mga addict tas may dalang mga patalim na handa na akong patayin wag lang sa mga ganitong klaseng bagay. Ikakamatay ng utak ko, at ng buong pagkatao ko ang salitang math. Tas ngayon MATH Genius Competition pa?
Hayss...
MATH Genius Competition
MATH Genius Competition
MATH Genius Competition
MATH Genius Competition
MATH Genius Competition
HINDI!!!!
"Maam!" itinaas ko ang kanang kamay ko.
"Yes, Wenoana?"
"Kasi maam ano, ano kasi-" Ano ba to? Bakit pinagpapawisan ako ng kay lagkit?
"Don't tell me magbaback out ka? Come on Miss Mendez, ngayon ka pa ba magbaback out? You're grades in math are exceptional, last sem you even top in different math competitions, tas ito ngayon magbaback out ka?"
"Kasi maam-"
"KAsi maam nakalimutan na niya lahat ng napag aralan niya dahil sa amnesia!!" sigaw ng lalaki sa likod ko.
"HAHAHHAHA.."
Anak ng tinapa! Pinagtatawanan ako ng mga ugok.
"SILENCE!!!" sigaw ni Mrs. Alleria.
"No buts, Ms. Mendez, alam mo naman siguro ang mga nangyayari sa tumatanggi sa akin diba?" saad nito. Nakakatakot naman talaga si Maam oh. Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang aking tadhana. Ang ipahiya ang buong BU. Ang makasama at makipaghalubilo sa Blaze na yun. Tsk.. Hayss! This is really madness!
Alam kong relate kayo sa situation ko. Sino ba naman kasi gustong maging kaibigan ang MATH na yan? Puwera nalang siguro sa Wenoana na yun. Pero hello? Sa isang Alexandria, sarap patayin ang math na yan e. Sino ba nagpauso ng math nayan ng maligpit ko.
Ako pa talaga na matagal ng di nakabalik sa pag aaral. Hanggang 3rd year high school lang kaya ako. Anong alam ko sa mga numbers at math equations na pang college?
THIS IS A DISASTER!
"Blaze, help Wenoana refresh some topics. You will review together in the library. Exempted kayo sa ilang mga subjects ninyo para makaprepare talaga kayo sa upcoming competition," saad ni maam. Naloko na! Makakasama ko pa talaga ang kumag na yun ng ilang oras?
Walang daan!
In english!
No way!
Hindi pwede!
"Wait maam! Pwede naman pong ako nalang ang magreview eh! Baka kasi busy din si Blaze tsaka I can manage naman po. Okay lang sa akin maam! " pagsusumamo ko kay maam pero ngumiti lang ito.
"Wenoana, you came from an accident. I'm sure you're still in the state of recovery. You need assistance from someone. Therefore its a great idea that Blaze will help you," saad ni maa habang nagliligpit ng mga ginamit niyang visual aids.
Nakakainis!
"Blaze?"
"Yes maam?"
"Okay lang naman din sayo na tulungan si Wenoana diba?"
Ito na ! Sana di pumayag ang kumag. Sana di siya pumayag afterall, takot na naman din siguro sa akin yan matapos yung nangyari sa amin.
"Oo naman maam, its my pleasure to help her," saad ng kumag habang nakangiti pa. Natamaan na ng lintik. Bakit?!!
Di ko na kaya to! Napatayo ako sa aking upuan.
"Hindi talaga pwede maam! Mag aaral nalang talaga ako mag-isa! Promise-"
"Enough Ms. Mendez! No buts, no more complains!"
Okay!
Suko na ako!
suko na ako!
Dear Tadhana,
Bakit ka ganyan?
Bakit mo ko pinaglalaruan?
Bakit mo ako ginaganito?
Naiinis,
Alexandria
"Class Dismiss!" saad ni maam. Nagsilabasan na sina maam kasama ng iilan kong mga kaklase. Naiwan ako sa room nakayuko habang iniisip ang nangyari kani kanina lang. This is ridiculous!
Bakit siya pumayag? Gusto niya atang mangyari ulit yung pagsipa ko sa Asian Treasure niya. Tsk
"uhhh!" daing ko ng biglang may humablot ng kamay ko. Inaangat ko ang aking paningin at nakita ko ang mukha ni Blaze. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Bigla na lamang niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha sabay bulong.
"Di pa tayo tapos," saad niya. Pagkatapos nun ay lumabas na siya ng room.
Anong ibig niyang sabihin?
Malamang di pa kami tapos kasi di naman naging kami. Lakas ng tama ng kumag.
Come on!
Di ko na kaya ang nangyayari sa buhay mo Wenoana! I can't take this!
Pero lalaban parin ako.
Ako ata ang siga sa katawan ng nerd.
^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro