-Prologue-
A|N: Advance sorry for grammatical error and typo this story is under editing,
—WARNING—
(MAG MODULE KA MUNA, PURO KA LAST CHAPTER)
...............
Anong pakiramdam na lagyan nang mark kiss sa leeg ng lalaking hindi mo kilala?
Iyong tipong pagkapasok na pagkapasok mo sa school may biglang yayakap sa‘yu sa beywang saka ka hinalikan sa leeg para bigyan ka nang mark kiss?
At Dahil sa pangyayaring iyon nagsimula nang magulo ang tahimik kung buhay na ang tanging gusto kulang naman ay malaman ang pagkataong meron ako. Hindi maging girlfriend ng isang Sikat na Leader ng MAFIA.
------------
“NEW STUDENT BA IYAN?” huminga ako ng malalim saka inayos ang salamin ko at nagsimulang maglakad.
Unang pagsubok na naman ng buhay ko at sana mahanap ko ang mga bagay na matagal kunang gustong malaman.
“PANO NAKAPASOK IYAN DITO? EH , HINDI NAMAN HALATANG MAFIA IYAN.”
“BAKA NALIGAW LANG.”
“ANG PANGIT NAMAN N‘YAN TAS NAKAPASOK DITO? MUKHANG DI PANGA MAYAMAN EH.”
Umiling nalang ako dahil sa mga nadinig ko , seryuso pagnerd hindi na pwedeng pumasok sa kahit na ganitong school? Pagsasapukin ko kaya mga ngala ngala ng mga ito para naman kahit papano maisip nila na hindi lang yaman ang dahilan para makapasok ka sa school kundi talino din.
Nakayuko ako habang naglalakad dito sa loob ng hallway nang maramdaman kung may humawak sa beywang ko na kinatahimik nang lahat at kina angat ng ulo ko.
“OMYGOOSSSHH KILALA NI ARVEN IYAN?”
“YUUCCKKK!! BA’T N‘YA HINAHAWAKAN ANG BABAENG IYAN?”
“WAITT?! HAHALIK N‘YA BA?”
“T-Teka? A-ano bang ginagawa mo?” kinakabahang saad ko saka ito hinawakan sa dibdib para sana itulak pero hinawakan nito ang dalawa kung kamay saka inilagay sa ibaba saka ako mabilis na hinalikan sa leeg.
H-hinalikan n‘ya ako sa leeg?
“OMYGOOSSSHHH!” dinig kung saad nang lahat.
“T-Teka ano bang g-ginagawa mo.” saad ko ni hindi ko naman kasi kilala kung sino ito at nakakahiya na din. Pilit ko s‘yang tinutulak pero ang lakas n‘ya. “ARAY!” sigaw ko saka ko binuhos ang lahat ng lakas ko para itulak ito.
Sasampalin kuna sana pero naharang nang isa sa mga kasama n‘ya ang kamay ko na naging dahilan nang pagkainis ko. “Kung ako sa‘yu, hindi ko gagawin iyan.” saad nito with cold voice.
Binawa ko naman ang kamay ko saka inis na tinignan ito. Hinawakan ko ang leeg ko. “Alam mo bang nilagyan ako ng mark kiss n‘yang pasikat mong kaibigan!”
“Alam ko.”
“Alam mo naman pala , ba’t parang kasalanan kupa kung ba’t n’ya ako nilagyan ng kiss mark.”
“Kasalanan mo naman talaga, humarang ka sa daan eh.”
“Bakit inyo ba ito?”
“Hindi, pero kaibigan nang parents namin ang may ari nitong University. Eh, ikaw anong ginagawa mo dito? Sa pag kaka alam ko school ito for mafia hindi sa mga nerd na kagaya mo. Ano? Pumasok kalang ba dito para magpapansin o para magpahalik?”
Tila nag tawanan ang nasa paligid dahil sa sinabi nong kaibigan na humalik sa‘kin. Ano bang problema n‘ya? Huminga ako nang malalim para ipakita na hindi ako apektado sa mga sinasabi n‘ya. Ano naman kung mahirap lang ako? Ano naman kung nerd ako? Atleast wala akong may tinatapakang tao.
Hindi nalang ako kumibo at tumingin don sa nagbigay nang mark kiss sa‘kin. Gwapo nga manyakis naman tsss! Napaiwas ako nang tingin ng lumingon ito sa‘kin saka umalis.
“Congrats.”
“Nice one, congrats.”
“Sana ol. HAHAHA congrats nerd.”
“Congrats and welcome sa mafia university.”
“Ayuko sa‘yu pero dahil ikaw ang binigyan ng mark kiss makiki congrats nalang din ako. Ang swerte mo nerd.”
”You’re so lucky, kaya congrats.”
Napakunot noo ako dahil sa mga sinasabi nong kasamahan nong Arven daw. Bakit? Anong congrats pinagsasabi nang mga hinayupak na iyon? Kinocongrats pa nila ako dahil may mark kiss ako sa leeg? Aba! Ang kapal naman ng pagmumukha nila.
“CONGRATS!” saad nang karamihan at may iba naman taray kung tumingin sa‘kin.
Ano bang meron? Kakapasok ko palang meron na agad kababalaghan na hindi paipaliwanag? Huminga ako nang malalalim saka nagsimulang maglakad papunta sa room ko habang hawak ang leeg ko.
Napaatras naman ako ng may sumipot sa harapan ko na mga kalalakihan at tulad kanina mga gwapo din.
“Here?”
“A-Ano iyan?”
“Band aid.”
“Oh, ngayon?”
“Tssss!” napangiti saka napahawak sa panga n’ya at seryusong tumingin sa‘kin. “Ngayon lang ako naka incounter na isang nerd pero sarcastic. Band aid ito para pantabon sa mark kiss na meron ka.” tila namula naman ako dahil sa sinabi n‘ya baka anong isipin nito. “Don’t worry, Wala akong ibang iniisip alam ko naman sino naglagay n’yan. So, congrats!” dagdag n‘ya pa na kinataas ng kilay ko.
Nagtawanan naman ang iba n‘yang kasamahan saka umalis, pero bago iyon tila napako ako sa kinatatayuan ko nang ilagay nong gwapong lalaki ang band aid sa leeg ko.
“Ang bango mo.” he said , saka ngumiti at umalis.
Iniling iling ko ang sarili ko saka mabilis na pumunta sa section ko. Sakto nga pagdating ko andon na ang prof na kinalingon nilang lahat sa‘kin.
“So, You're Zane Villa Gante the new student , by the way? Why , are you late?” seryusong tanong nito sa‘kin.
“K-Kasi?” magpapaliwanag na sana ako pero bigla nitong nakita ang band aid sa leeg ko na kinataas nang kilay nang prof na ito.
“Mark kiss?”
“Oum.”
“So, ikaw pala ang napili ni Mr Arven Desales Ochia, The New Representative of class S-A. Pero nakakapagtaka. Bakit n’ya napili ang isang nerd at tila walang alam sa baril?” pagtatakang saad nito.
Inayos ko ang glass ko saka nagsalita.“Marunong akong humawak nang baril, kung baril lang din naman ang hahawakan kaya kung iputok kahit saan.Gusto mo tirahin pa kita eh.” saad ko na kinalunok n‘ya naman.
Inilibot ko ang paningin ko at karamihan bakante ang upuan, ano ito? Wala nabang ibang student na andito bukod sa‘kin at sa kunting studyante na— BLAAAGGG
Napapitlag ako nang may sumipa sa pinto saka pumasok doon ang groupo nong humalik sa leeg ko kanina. Nagkaasaran pa ito pero nong makita ako bigla nalang natahimik saka lumapit don sa leader nila.
Napatitig ako sa mata nong Arven daw nang tumingin ito sa gawi ko with cold expression. Saka tumingin sa leeg ko na kinataas nang kilay nito.
Mabilis naman sa isang minuto na lumapit ito sa‘kin saka inalis iyong band aid.
“Ano bang problema mo huh?” inis na tanong ko pero di naman ito kumibo at naglakad papunta sa upuan nila. Nakakainis! Ano ba kasing meron? Wala bang may nagpapaliwanag d‘yan?
“ANG GWAPO N‘YA TALAGA NOH?”
“SANA AKO NALANG ANG HINALIKAN N‘YA IDI SANA KINIKILIG AKO LALO NGAYON!”
“DRAY PWEDE BA KITANG MAYAYA PARA SA FAMILY DINNER NAMIN MAMAYA? PWEDE BANG IKAW NALANG ANG BOYFRIEND KO?”
“May nagmamay ari na sa‘kin.” cold na sagot nito na kinatahimik nang lahat.
Tumingin naman ito sa gawi ko dahilan para lalo akong mainis.
“Sino naman?”
“May Gf kana pala?”
“She’s the front , all of you.” sagot nito dahilan para sabay sabay na lumingon sa‘kin lahat.
“AYYYYYIIIIEEEEE!! TOTOO NABA IYAN?” asaran nong mga tropa n‘ya except don sa isa na tila may galit yata sa‘kin.
“Lahat nang sasabihin n’yo , make sure na maingat dahil ayukong masaktan ang reyna ko.” dagdag n’ya pa.
Wala na sira na buhay ko.
Sana naman di ako dumugin nang mga studyante dito pagkatapos nang klaseng ito. Parang ayuko nalang pumasok ulit pambihira naman.
__
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro