Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata IV - Bulwagan Part 1

  Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Sa harap ng salamin, kaharap ang aking sarili, tinitigan ko ang aking repleksiyon na nakakabighani

  Marahan kong hinaplos ang aking bibig. Saglit kong dinilaan ang papaloob na bahagi, tinikman kung may lasa ba ang pampakulay na nakalagay sa aking labi.

Nang rumeshistro sa aking isip ang lasa nito ay natigilan ako. Mabagal ko itong hinaplos.

  Nagmukha akong bagong silang na sanggol dahil sa aking kamangmangan pagdating sa ganitong mga bagay. Wala akong kaalam - alam sa ganito. Naging alipin ako ng sariling kyuryosidad buhat nang malapatan ng pampaganda ang aking katawan. Lalo na ang aking mukha.

  "Natahimik ka yata, Binibining Emilia?"

  Napalingon ako sa aking likod. Iniangat ko ang aking mata upang magtama ang aming paningin ng babaeng nag - ayos sa akin.

  Ang maalon - alon kung buhok ay naging kulot. May suot ako na korona na ang desinyo ay gintong dahon. Nakapalibot ito sa aking noo. Ang dati kong mala -rosas na labi ay nalapatan ng kulay pulang pampakulay. Maging ang aking kilay ay mas lalong nadepina dahil ginuhitan nila ng kayumangging lapis. Hindi ko alam kung ang pangalan niyon ngunit ayaw ko ng malaman. Nakakatakot pala ang magpaganda. Ang daming ritwal na kailangang sundin.

"Patawad ngunit, nagulat lamang ako sa naging resulta ng inyong pag - aayos. Katakot - takot ang aking pinagdaanan kanina. Lalo na ng ahitan ninyo ang aking kilay. Akala ko kasi dudukutin ninyo ang aking mga mata."

  Bumungisngis silang tatlo.

  Napabuntonghininga ako. "Huwag niyo na iyon, uulitin. Ako ang kinakabahan sa inyong mga nais."

  "Sa ngayon Senorita ay hindi na."

   Napailing ako. Tinignan ko ang repleksiyon ng babaeng nag - aayos sa aking buhok.

  Hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin sa kanyang ulo ang pulang laso. Mukhang hindi man lang ito natinag mula sa pagkapulupot sa kanyang ulo simula nang magpunta sila rito kaninang umaga.

   "Hindi ka po kasi pala - ayos, Señorita. Kaya naninibago ka at hindi mo kita ang iyong tinatagong ganda. Pag - aayos lamang ang kulang sa iyo."

  "Tama si Binibining Selena, Señorita." Lumapit ang isa sa amin at naki - harap sa nakatapat na salamin. "Kapag alam mong pahalagahan ang iyong sarili ay tiyak na makikita mo ang pisikal mong kagandahan."

  "Hindi bale na, kung ganito ba naman ang pagdadaanan ko sa tuwing magpapaganda ako ay hindi bale ng maging pangit ako."

  "Sa una lang po iyan, Señorita. Masasanay ka rin."

  "Ngunit kahit na siguro na pagandahin ko ang aking sarili ay walang makakatalo sa inyong kaalaman sa larangang ito. Kaya kayo ang pinili ni Tiya. Tignan niyo nga ako, nagmukha akong babae dahil sa pinaggagawa ninyo."

  "Hindi basta - bastang babae lamang, Señorita. Para kang isang diwata na nag - anyong tao." Pumalpak pa si Binibining Selena. "Tiyak na pagtitinginan ka ng mga tao mamaya."

  "Lalo na ang mga aristokrata. Mukhang hindi mapalagay ang mga iyon kapag hindi nila malalaman kung saan mo pinagawa ang iyong damit, Senorita."

  Napalingon ako sa aking  likod. Tinanaw ko ang mataas na bestida na binili ng aking Tiya.

  "Ano nga ulit ang tawag sa kasuotan na iyan, Binibini Dina?" Tanong ko pa sa kasama ni Selena.

  Napalingon siya sa akin. Kanina kasi ay sinuri niya ang damit. Baka raw  may sira at may bakas ng nakausling sinulid. Ani pa niya ay mas mabuti raw na makasiguro upang hindi raw ako mapahiya mamaya.

  Katulad ko, kulot din ang kanyang buhok pero nakapusod ang sa kanya. Natural din ang pagkakakulot ang sa kanya at mas kayumanggi.

  Ngumiti siya sa akin bago magsalita, "gown po ang tawag dito, Señorita."

  Tumango ako. "Ilang taon na ang nagdaan, ngayon ulit ako nakakita ng ganyang kasuotan sa malapitan. May ilang beses na ako nakakita ng ganyang kasuotan pero hindi ko mahinuha kung ano ang tawag."

Ngumiti ako habang tinitigan ang kulay asul na gown.  "Napakaganda pala ang damit na iyan.  Kaya siguro nagkandarapa ang mga mayayaman kung saan makapagtahi ng ganyang klase na damit. Lalo na kung may okasiyon ang mga may dugong bughaw."

  "Opo, Señorita, tama ka. " Kinuha ni Alexa ang aking kamay at pinatayo ako. "Iba kasi ang hatid ng ganitong mga kasuotan. Ano ngang tawag ng mga aristokrata sa awrang iyon?"

  "Isang prinsesa. " Ako ang sumagot sa katanungan ng Alexa. "Sa ibang bansa ay ganitong klase ang kanilang susuotin sa tuwing makikipa - sang dibdib ang isang dalaga. Nakabalot sila sa puting tela."

  "Talaga ba, Señorita?"

   Tumango ako. "Iyon ang naalala ko nang may nadaluhan kami ng Tiya noong bata pa ako. Nakalimutan ko lamang kung ano ang tawag."

  "Napakapalad mo talaga, Binibini Emilia." Pinagdaup ni Dina ang kanyang mg palad. "Kung may pagkakataon lamang sana ako na makapagsuot ng ganitong kagandang damit ay hinding - hindi ko talaga iyon makakalimutan sa tanang buhay ko." Ngumiti siya. "Ngunit iba ang desinyo ng iyong kasuotan, Señorita. Talagang Napakaganda."

   Tipid lamang ako ngumiti bilang tugon.

    Hindi ko naman sila masisi. Kahit ako ay natameme nang inilabas ng isang mensahera ang pinadalang gown para sa susuotin ko.

   Dalawang kulay lamang ang naglalaro sa malaking damit. Ang asul at ang puti. May mataas na nakapalawit na kulay puting tela sa bawat mga braso. Sa taas nito ay sasayad na ito hanggang sa aking paa. At ang tabas nito ay masikip sa aking braso, ngunit sa laylayan ay maluwang.

   May kapa rin ito na kulay asul. Salamat dahil hindi katulad ng mga dugong bughaw ay maiksi lamang ito. Hindi ako sigurado kung ano nakapalamuti sa bawat gilid ng kapa. Hinuha ko'y isang puting hayop na may matataas na balahibo. Napakaputi niyon, dahilan upang madepina ang pagka - asul ng kapa na sing asul ng kalaliman ng karagatan ang kulay.

  Sa balikat ay may desinyo na kahawig ng aming insigna, ang dalawang pakpak ng ibon. Kagaya ng kapa ay dalawang kulay lang din ang nag - aagawan, asul at puti. Ngunit ang kulay puti na ang nanaig na kulay sa parteng iyon. Nagmistulang isang ulap lamang ang mga asul na bato sa malawak na puting tela. Sa bandang paa naman ng damit ay doon na nagkanda - watak - watak ang kulay asul na mga bato.

   Hinawakan naman ni Selena ang aking kanang kamay. Iginiya nila ako papunta sa estante ng aking isusuot. "Masuwerte lamang po kayo dahil may kaibigan ang iyong Tiya na pinakamagaling na mananahi sa labas ng ating bansa. Kahit kami ay ngayon pa kami nakakita ng ganitong desinyo na damit. Nakakapanibago sa nakasanayan na mga bestida rito sa atin."

  "Tiyak na tataas ang leeg ng mga kababaihan mamaya. Napakatalino talaga ni Senora dahil pinili niya ang napaka - eleganteng kasuotan. Tiyak na nasa iyo lahat ang mata ng mga madla pagkababa mo ng hagdan, Senorita."

  "At pag - aagawan ka ng mga kalalakihan upang maisayaw ka." Dugtong pa ni Alexa.

  "Ngunit ako pa rin naman ang masusunod kung papayag ba ako sa kanilang pag - anyaya, mga Binibini."

Siniko ako ni Selena. Napalingon ako sa kanya. "Ganyan nga, Senorita. Magpakipot ka upang mas lalo silang mabaliw sa iyong kagandahan."

Napahagikhik silang tatlo.

Nakatingin ako sa aking sarili. "Pwede ko na ba siyang suotin?" Ininguso ko ang damit na nasa aming harapan. "Baka hinihintay na nila ako sa labas."

"Sige, tutulungan ka namin. Medyo mabigat kasi ang ganitong kasuotan."

  Napabuntonghininga ako sabay titig sa suot ko na kulay puting corset. "At ang hirap huminga. " Napabusangot ako. "Naiipit ng husto ang aking dibdib."
 
  "Huwag kang mag - alala, Señorita Emilia." Paniniguro pa ni Binibina Dina. "Hindi naman iyan makikita dahil sa desinyo ng iyong susuotin. Matatakpan pa rin ang iyong dibdib."

  Sumuko na ako. "Sige."

  "Dahan - dahan lang, Senorita. Baka masira ang iyong buhok." Paalala pa ni Binibini Alexa.

  "S- Sige."

   Inuuna ko na aking ulo.Hindi pa man ako nangangalahati sa pagsuot ay napahiyaw na sila. Nasasagi kasi ang aking buhok.

  Nang maitali na ang laso sa aking likod ay nagsitayo sila sa aking harap. Ako naman ay nakatingin sa aking suot.

  Natigilan ako nang marinig ko silang suminghap. Napatitig ako sa kanilang tatlo.

  "Dapat ka talagang tawaging, Señorita, Binibining Emilia." Bulalas pa ni Binibini Dina.

  Napakurap ako.

  Iginiya nila ako papunta sa malaking salamin. Nang magkaharap na kami ng aking imahe ay kusa silang umalis sa aking gilid.

  Naumid ang aking dila. Ang pagtitig lamang sa salamin ang tangi kong nagawa. Ninanamnam ng aking mata ang magandang pigura at mukha na aking nasaksihan.

  "Ikabit na natin itong talukbong mo, Señorita." Pagpukaw ni Binibining Alexa sa akin.

  Napalingon ako sa aking kaliwa. Napatitig ako sa kanyang hawak. "Talukbong?"

  Tumango siya. "Ito po." Sabay taas sa hawak na kulay asul na tela.

  Nagulat ako." Akala ko'y kapa iyan. "

  Umiling siya. "Hindi po. Talukbong po siya. Natatanggal po ito at nakabutones. Maari mo po siyang gamitin o hindi. Ngunit mas magandang suotin mo po ito, Señorita. Mas nakadagdag pansin sa iyong kasuotan."

  Tumango ako. "Tama ka, baka magagamit ko rin iyan mamaya." Lihim akong napangiti nang may bumuo na plano sa aking isip. "Salamat, Alexa."

  Ngumiti siyang yumukod sa aking harap. Kaagad niya itong ikinabit nang matapos siya magbigay galang sa akin.

  Katatapos palang niya mula sa pagkabutones ang kaliwang bahagi ng aking balikat nang biglang may kumatok. Tumingin ako sa salamin. Nakita kong si Binibining Dina ang nagbukas ng pinto.

  Nagliwanag ang aking mata nang makita kong iniluwa niyon sina Tiya Augusta at Jinn. Naunang pumasok si Tiya at sumunod si Jinn. Yumukod kaagad sina Binibini Selena at Dina nang dumaan sila sa kanilang harap.

  "Emilia." Pagtawag ni Tiya sa aking pangalan.

  Hindi ako lumingon, bagkus tinignan ko lamang siya sa repleksiyon ng salamin.

  "Tiya."

  "Salamat sa inyong tatlo." Narinig kong sabi niya. "Nakakataba ng puso."

   Dahil doon ay lumingon ako kina Tiya. Natapos na rin ang tagapag - ayos sa kanyang gawain kaya malaya na ako sa aking gusto.

  Kagaya ng aking inaasahan ay kulay asul din ang suot ni Tiya. Ngunit hindi kagaya ng akin ay purong asul lamang ang kanyang suot. Hindi ko na iyon ikinabigla dahil iyon naman talaga ang madalas na kulay ng kanyang suot.

  Ang tabas ng kanyang suot ay malayong - malayo sa kanyang tipo. Namilog ang mata ko nang makitang hapit sa bandang bewang niya ang tabas ng tela hanggang sa kanyang paahan.

   "T-tiya?" Hindi makapaniwala kong bulalas nang lumantad ang kanang binti niya.

  Nalaglag ang panga ko. Na siya namang ikinangiti niya.

  Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay sabay lingon sa likod. "Maari bang iwan niyo muna kami?"

  "Masusunod po, Señora." Sabay na sagot nilang tatlo.

  "Dahil sa inyong kahusayan ay bibigyan ko kayo ng magandang gatimpala. Mamaya, bago kayo umuwi, magsadya kayo sa akin nang makuha ninyo ang aking munting regalo."

  "Ikinagagalak po namin na paglingkuran ang inyong pamilya, Señora Augusta."

  Ngumiti ang Tiya. "Maraming salamat sa inyong tatlo. Dahil sa inyo ay naging kaaya - aya ang mukha ng aking pamangkin."

  Napalingon ako nang malakas na tumawa si Jinn. Napabunsagot ako.

  "Tiya naman, pati ba naman ngayon?" Natatampo ko pang ani.

  Tinitigan niya ako. Dumapo sa aking labi ang malambot na tela ng kanyang suot na kulay asul na guwantes.

  "Nagbibiro lamang ako." Biglang pumaklakpak ang Tiya kaya Napakurap ako. "Sige na. Magkita lamang tayo mamaya sa ibaba."

  "Maraming salamat po, Señora."
 
  "Hmmm. Salamat."

  Bago lumabas silang tatlo ay kinawayan ko muna sila. Nakuha ko ang kanilang atensiyon kaya't napatitig sila sa akin. Kaagad ako ngumiti at bumulong ng, "salamat."

  Saglit silang yumuko. Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang makita ko ang paglawak ng kanilang mga labi.

   "Nagustuhan mo ba iyong suot?" Pukaw ni Tiya.

   Nakatingin ako kay Tiya. Hindi pa man ako nakapagsalita ay tumunog na ang papasara na pinto.

   Bago ako sumagot ay napatitig muna ako sa pinto sabay balik ng aking paningin kay Tiya. "Opo, nagustuhan ko." Matamis akong ngumiti. "Medyo naninibago lamang ako pagkat ito ang unang araw na nakapag - suot ako ng ganitong damit. At Tiya." Tinitigan ko ang kanyang suot. "A-ang suot mo, napakalayo sa iyong tipo."

  Ngumiti siya ng matamis. "Bakit? Hindi ba pwedeng maiba?" Tanong niya sabay nakapameywang. Itinaas pa niya ang kanyang noo.

  Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang laruin ang kilay sabay halik sa hangin.

  "Tiya, nakakapanibago naman po kayo."

  "Ganoon ba?" Ngumiti na naman siya. "Kung ganoon man ay lubus - lubusin mo na, pagkat ito lamang ang isa sa mga araw na nakikita mo ang isang bahagi ng aking pagkatao."

   "Mas bagay po sa inyo ang ganyang ayos, Tiya. Parang hindi ka man lang tumanda."

   Tumaas ang kanyang kilay. "Magpapalit na lamang ako." Sabay talikod sa akin.

  "Ay Tiya! H-huwag na p-po. Nagbibiro lamang ako," ani ko sabay peke ng tawa. "H-hwag na po kayo magbihis. B-baka, baka mas lalo tayong matatagalan sa pagbaba."

"Palalampasin ko ito ngayon, kayo ni Jinn. Hindi ko naman kayo masisisi pagkat ngayon niyo pa lamang nasaksihan na kaya ko ring magdala ng ganitong klaseng damit."

  Napangiwi ako. "Ni Jinn?"

  Tumango siya. "Pareho kayo ng iyong pinsan. Nang makita niya rin ang aking ayos ay pareho kayo ng reaksiyon." Napabuntonghininga siya. "Mukhang kailangan ko ng baguhin ng kaunti ang aking pananamit. Mukhang Lola na ako sa inyong paningin."

  Sinipat niya ako."Nababagay lamang sa iyo ang isang gown, aking pamangkin. Araw mo ngayon, dapat lang na espisyal ang iyong susuotin."

  "Salamat po, Tiya. N-ngunit ..." Pinagmasdan ko ang aking suot. "Totoo po ba na pinasadya mo ito sa ibang bansa?"

  "Oo, Hija." Hinaplos niya ang aking braso. "Ang tagal ko ng pinangarap na makita kang magsuot ng magagarang damit. Kaya gusto kong maganda ang iyong susuotin para hindi basta - basta makakalimutan ng tao, ako, ang iyong itsura habang naglalakad papunta sa gitna ng Bulwagan."

  Natahimik ako. Napagmasdan ko pa ang paggalaw ng kanyang leeg para lumunok lang ng laway.

"Kung nandito lang ang iyong Ina ay tiyak na iiyak iyon sa tuwa."

"T-Tiya, H-huwag na po natin pag - usapan ang Mamma. Malulungkot lang po tayo." Pagsusumano ko pa.

  Tumango - tango siya.

  Nararamdaman ko ang kakaibang atmosperang nakapalibot sa amin. Maging ako ay hindi ko na rin mapangalanan ang aking emosiyon. Ngunit winaglit ko na lamang iyon. Sapagkat ayaw kong mahalata nila na naapektuhan ako nang banggitin nila ang aking Ina.

Bahagya akong lumundag para mawalan ang kakaibang atmosperang bumabalot sa amin. Nang tumunog ang suot ko na sandalyas ay napatakip ako sa aking bibig. "Pasensiya na po, Tiya. Nasasabik lamang ako."

  Hinaplos niya ang aking balikat sabay tatango - tango. Lumayo siya kaunti at sinipat niya ang aking kabuohan, mula ulo hanggang paa.

  "Maaring bang umikot ka?"

  Hindi ako nagdadalawang - isip. Kaagad ko iyon ginawa. Ngumiti pa ako ng napakatamis para mas lalo siyang masiyahan.

  Bahagya pang nakabuka ang aking kamay habang umiikot. Nang magkaharap na kami ay dahan - dahan akong yumuko sabay tingin sa kanyang mata.

  "Napakaganda mo sa iyong suot, Emilia. Napakadali ng panahon. Hindi ko inaasahan na makakaabot ako sa pagdiwang ng iyong Dise - Nuwebe na kaarawan."

  "Tiya?"

  Ngumiti siya. "Hayaan mo na ako at minsan lamang ako maging bokal. Alam mo niyo naman ang aking ugali."

  "Nagmukha kang tao sa iyong suot, Emilia."

  Lumapit sa akin si Jinn. Napatagilid ang aking ulo nang bigla niyang kunin ang kanang kamay at hinalikan ito.

  "Mukhang may babantayan ako ng maigi ngayong gabi, Tiya. Pagkat may isang dalaga na ani ba'y dudumugin mamaya ng aking mga kabaro."

  "Nasa iyo ang pasya, Jinn. "Tinapik ni Tiya ang  kanyang balikat. "Ngunit huwag mo lamang sila takutin, baka mamaya ay walang makakasayaw ang iyong pinsan."

  "Ikanga Tiya, depende sa akin." Sumupil ang nakakalokong ngiti ni Jinn. "Mukhang marami akong paglalaruan ngayong gabi."

  Umingos ako. "Kailan ka ba nawawalan ng matitipuhan, ha?"

"Lalaki ang aking tinutukoy, Emilia."

"Ayon nga. Hindi ba't mahilig ka naman maglaro? Kung sa kababaihan ay panay ang palit mo ng kasintahan, sa kalalakihan naman ay panay rin ang pagpapalit mo ng iyong matitipuhan.

  Nagkibit- balikat siya. "Hindi ko alam ang iyong paratang, aking pinsan. Masama ang mambintang, lalo na kung wala ka namang ebidensiya."

  Napaingos ako. "Hindi ko na kailangan ng ebidensiya dahil ikaw na mismo ang nagsabi kanina. Nahuli ka na nga ng sarili mong bibig ay ibig mo pang magsinungaling. " Napailing ako. "Tila hindi ka na yata tatanda."

  Tumaas ang kanyang kilay. Lumantad din ang kanyang ngiti. "Ahh, at ikaw ay tatanda na. At kaarawan mo ngayon."

  "I-ikaw! ---"

  "Magsitigil na kayo."

  Pareho kaming natahimik nang pumagitna sa aming banggayan si Tiya.

  "Jinn, nasaan ang kahon?"

  May inilabas si Jinn mula sa kanyang suot. Napataas ang aking kilay nang mahalata ko ang kanyang kasuotan. Napakataas ng manggas nito. Maihahalintulad sa isang dyaket ang kanyang suot ngunit ang kanya ay may butones. Pinapalooban niya ito ng isang asul na corset.

  "Napakabago sa aking paningin ang uri ng iyong pananamit, Jinn. Saan mo ito nakuha?"
 
  "Bigay lang ito ng Tiya kanina sa akin."

   "Bakit? May problema ba, Emilia?" Tanong pa ng aking Tiya.

  Umiling ako. "Wala naman po, Tiya. Ipagpaumanhin ninyo ngunit naninibago lamang ako. Ito kasi ang pagkakataon na nakita kong nagsuot na ganyang kasuotan ang aking pinsan."

  "Masanay ka na Emilia, pagkat sa ating pinagmulan, normal lamang ang ganyang kasuotan." Iminuwestra niya ang kanyang kanang kamay. "Lumapit ka sa akin."

  Nagdadalawang - isip man ay lumapit ako sa kanya.

  Pagkalapit ko sa kanya ay binuksan niya sa aking harapan ang isang malapad na kayumangging kahon. Tumambad sa akin ang isang pares ng kulay asul na hikaw at isang korona na kulay asul din ang mga batong nakapalamuti.

  Kapareho lang ang desinyo nito sa suot ko na korona ngayon. Ngunit itong dala ni Tiya ay may naka pagitan na asul na bato sa bawat dahon.

  "Kay ganda naman ng mga alahas, Tiya."

  "Sinadya ko ito para sa iyo." Binigay niya kay Jinn ang kahon. Nang makuha ito nang aking pinsan ay binunot niya mula sa lagyanan ang isang pares na hikaw. "Suotin mo ito."

  Saglit akong napatingin sa kanya. Kukunin ko sana ito mula sa kanyang kamay nang siya na mismo ang naglagay niyon sa aking tainga. Yumuko ako ng kaunti para hindi siya mahirapan.

  "Alam mo bang binili ito ng iyong Ina nang magbuntis siya sa iyo?"

  Napalamugat ang aking mata.

  "Hindi ko alam kung ano ang naisip ng iyong Ina rati. Tandang - tanda ko pa,  sigurado - siguradong siya na babae ang kanyang dinadala sa sinapupunan. Palagi niyang bukambibig sa akin, sa amin, ng yumao mong Ama. "

  "Talaga po?"

  "Hmmm. " At lumipat ang kanyang kamay sa kanang tainga ko. "Kapag sasabihin ng iyong Ama na lalaki ka, kaagad niya itong aawayin at pagbubuhatan ng kamay. Napaka - sadista kong pakikinggan ngunit walang pakialam ang iyong Ina kapag nasasaktan ang iyong Ama. Mas nasisiyahan pa siya kapag nakita niya itong nasasaktan dahil sa pinagbuhatan niya ito ng kamay."

  "Hindi ba't bawal iyon, Tiya?"

  Tumango naman ang aking Tiya. "Sa lugar na ito? Oo, dahil isa itong kawalan ng respeto sa asawa. Ngunit sa ating lugar ay napakanormal na gawain iyon ng isang mag - asawa, Emilia."

   Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ni Jinn.

"Emilia, nasaan ang kuwentas ng iyong Ina?" Takang tanong pa ni Tia sa akin.

 



Author's Note: Sorry at ngayon lang nakapag - update. Nabusy kasi ako sa Goodnovel. Doon nakatambay ang ate ni'yo, my goodness! Actually, nakapagsulat na ako ng draft noong November pa. Ngayon ko pa pi - nost dahil ngayon ko pa naipolish. Sorry mga friends! Wove ü :')

Ps: At yes! May part two etey! Namnamin niyo 'to Gooooo! Todo na 'toooooo! :')

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro