Kabanata 2 - Dise nuwebe
Dedicated to: @sevanibaby :)
Salamat sa iyong pagsuporta :)
-----------------------------------
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon. Napatigil ako sa pag - ayos ng higaan ko.
"Sino po iyan?"
Kumatok muli ng tatlong beses ang nasa likod ng pinto saka ito sumagot. "Kami po ito, Señorita."
Napakurap ako. Tama nga ba ako ng rinig. "A-ano?"
"Kami po ito, Señorita, ang inyong tagapag - ayos ngayong araw."
Napaawang ang bibig ko. Bago sa aking pandinig ang kanilang beses. Hindi ako pamilyar sa boses ng kausap ko. Hindi ko ito kilala at mas lalong hindi ko alam kung bakit tinatawag nila ako na Señorita.
Sinubukan kong analisahin ang sinabi nito pero wala talaga akong natatandaan.
"Kung isa man kayo sa mga babae ni Jinn at ako'y inyong biniro ay mas mabuti pang magsitigil na kayo. Huwag ninyo ako isali sa kalokohan ninyo."
"P-pero Señorita --- "
"Nahihibang na ba kayo? Hindi niyo ba narinig ang aking sinabi?"
Sa inis ko ay binitawan ko ang hawak na kumot. Wala ako sa hulog ngayon para pumatol sa mga kalokohan.
Dali - dali kong binuksan ang pinto.
Tumambad sa akin ang tatlong kababaihan na may mga bitbit na malalaking bayong. Nakapaganda ng kanilang mga ayos. Halata sa kanilang mukha ang kanilang kagalingan sa paglalagay ng kolorete. Palipat - lipat ang mata ko sa kanila.
Kung sa ibang pagkakataon pa siguro ay maiinggit pa ako sa itsura nila. Halata rin kasi sa kanila na magaling sila pumili ng mga damit. Nagmukha akong utusan sa suot ko na simpleng paldang puti at itim na bestida. Bukod pa roon ay walang nakalagay na kolorete sa mukha ko. Magulo na rin ang buhok ko kahit nakatali. Nagkandabuhol - buhol pa nga iyong iba. Bukod sa isang beses lang nadaanan ng suklay ang buhok ko ay nakadagdag sa pagiging magulo nito ang pagiging maalon - alon nito Pabayaan ko lang ito ng ilang oras ay talagang sasabog ang buhok ko.
Kung itatabi ako sa kanila ay ako pa itong magmumukhang gusgusin. Sa itsura ko palang ay hindi ako pasado para tatawagin nilang Señorita. Kung narinig lang ng taga - bayan ang pinagtatawag ng tatlong ito sa akin ay talagang makakatanggap ako ng isang mapanuyang tingin. Silang tatlo pa siguro ay pwede pa tawagin Senorita. Ngunit kung ako ...
Kumunot ang noo ko dahil sa aking naisip.
Kaya hindi ko maiwasang mainis. Ganito na nga ang aking itsura tapos ...
Mawawalan yata ako ng modo sa oras na ito.
Napaatras ako nang biglang yumukod ang mga ito sa aking harap. "Maligayang kaarawan po sa iyo, Señorita Emilia."
"T- Teka, teka s-sandali." Marahas akong napakamot sa aking buhok. "A- ano bang pinaggagawa ninyo?"
Ngunit imbis na umayos ng tayo ang mga ito ay hindi ito nagpatinag sa kanilang pagyukod. Pumalatak ako.
"Magsitayo nga kayo!"
"M-maraming salamat, Señorita." Saka umayos ng tayo ang mga ito sa harap ko.
Napailing ako. "Alam niyo ba ang pinaggagawa ninyo?"
Hindi sumagot ang mga ito. Mas lalong umalsa ang inis sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung ano meron sa tatlong ito. Gusto ko silang barahin pero hindi ko naman pwedeng gawin. Baka magsumbong pa sila at ako pa ang malilintikan. Ang masama pa ay baka ako pa malintikan kay Tiya.
Napapikit ako. Pinakalma ko ang aking sarili dahil may gusto pa akong itanong sa kanila. Gulong - gulo na ako.
"Sino kayo at bakit nakapasok kayo rito?"
Marahang yumukod sa harap ko ang nasa gitna na babae. "Kami po ang kinuha at inatasan ni Señora para sa inyong kaarawan, Señorita."
"Hep! Hep!"
Inawat ko siya. Paano at may plano na namang yumukod sa harap ko.
"Anong sinabi mo? Kinuha?"
Nagtinginan pa ang mga ito saka marahang tumango ulit iyong nasa gitna. "Opo, Señorita."
"Teka nga." Pumalatak ako. "Kanina pa kayo Señorita ng Señorita. Emilia ang pangalan ko at hindi ako anak mayaman para tawagin niyo ako ng ganyan."
"P-pero ---"
"Emilia ang pangalan ko. Isang Señorita pa at papalabasin ko kayo rito."
Naumid ang dila nito. Nakita kong yumukod din ng marahan ang dalawang kasama niya na nasa gilid.
Napakurap ako. "Kinuha?" Tinuro ko sila. "Kinuha kayo ni Tiya?"
"Opo Sen---"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko?"
Kinagat nito ang labi. "H-hindi po."
"Kung ganon ay sundin mo," pinal kong ani.
Biglang humakbang ng isang beses ang babaeng nasa kaliwang gilid. Ito naman ang yumukod sa harap ko. "Mawalang galang na po, Señorita pero hindi po namin masusunod ang iyong nais."
Siniko ito ng babaeng nasa gitna at gumanti naman ito. Tumingin ito ng isang beses sa akin at nagbulungan pa.
"Ano't nagbulungan kayo? Nasa harap ko kayo," maawtoridad kong sambit sa harap nila.
Tumikhim ang babaeng nasa kaliwa.
"Kagaya po ng sinabi ng aking kasama kanina, kami po ang kinuha ni Señora Augusta para mag - ayos sa inyo, Señorita. At bilang pamangkin ng isang kagalang - galang na Senyora sa bayang ito, tama lang na tawagin ka namin na Señorita dahil ikaw ay kanyang pamangkin."
Nadagdagan na naman ang katanungan sa isip ko. Hindi ko tuloy maiwasan na haplusin ang noo ko.
"Nagpunta ang Senyora sa aming pagawaan noong nakaraang araw. Personal niya kaming kinausap tungkol sa kanyang plano. At iyon nga po ay tulungan ka sa pag - aayos. Hindi ba't magdadaos ng malaking pagsasalo ang iyong Tiya para sa iyong kaarawan?"
"P-po?" Napakurap pa ako.
"Hindi mo po ba alam?" Takang tanong ng babaeng nasa kanan. "Kung pagbabasehan ang iyong reaksiyon Senorita ay pawang wala po kayong alam sa nangyayari."
"W-wala." Napailing ako.
Matamis na ngumiti ang pangalawang babae. "Marahil ay nais po kayong surpresahin ng iyong Tiya, Senorita."
"Nais niya siguro na maging maayos ang lahat. Alam ng taga - bayan kung gaano ka kahalaga kay Senyora kaya ganito nalang kung magplano ang iyong Tiya."
"H-hindi, nagkamali lang siguro kayo."
"P-po?" Nagkatinginan pa silang tatlo.
"Malabong mangyari iyang sinasabi ninyo," paninigurado ko.
"K-kung ganoon po pala ay..." Napahinto sa pagsasalita ang babaeng nasa gitna. Inayos nito ang suot na pulang headband sa ulo. "P-paano niyo po maipapaliwanag ang nagaganap na paghahanda sa loob ng mansiyon, Señorita? Para saan po iyon?"
"Paghahanda?" Naguguluhan kong tanong.
Natutop nito ang bibig at saka tumingin sa mga kasama nito.
Hindi ko na kaya pa ang mga nalaman ko. Talagang gulo - gulo na ako sa sinabi ng tatlong dayo. Oo, alam ko na kaarawan ko ngayon pero simpleng salu - salo lang ang magaganap. Anong mag - aayos eh hindi naman uso sa amin ang magarbong okasyon.
Napukaw ang atensiyon ko nang umalingawngaw sa buong bahay ang isang tugtugin. Nang - aanyaya ang melodiya nito, nanghihimuk, dahilan upang mas lalong magising ang kyuryosidad ko para hanapin kung saan nanggaling ang tunog.
Tumakbo ako papunta sa barindilya ng pangalawang palapag ng bahay.
Parang nawalan ako ng boses dahil sa aking nasaksihan. Napaawang pa ang bibig ko.
Masyado ba akong nalunod sa pinaggagawa ko kanina kung kaya't wala akong narinig na kaluskos dito sa baba? Anong nangyari at pawang dinaanan ng mahika ang bahay ni Tiya?
"T- totoo ba itong nakikita ko?" Naibulalas ko nang wala sa hulog. Tutok na tutok pa rin sa ibaba. "May paganito talaga sa kaarawan ko?"
"Bakit naman po hindi, Señorita?" Narinig kong tanong ng isang babae sa likod ko. "Hindi ba't ganito naman talaga ang handaan ng mga mayayaman?"
Nagsalubong ang kilay ko. Nilingon ko sila. "At kailan pa po kami naging mayaman?"
"H-ha?" Naisambit ng babaeng nasa kanan. Napatingin ito sa kanyang mga kasama.
Napahaplos ako sa aking mukha. "Pwede po bang iwanan niyo muna ako?"
Naunang tumango ang nasa kaliwa. Nagsunuran naman ang mga kasama nito at walang imik na umalis sa harap ko. Sinundan ko sila ng tingin. Nang hindi ko na sila makita ay naihilot ko ang aking kilay sabay pikit ng aking mata.
Masisiraan yata ako ng bait sa oras na ito. Ni wala pa akong matinong tulog at naguguluhan pa ako kung bakit may paganito ang Tiya. Maayos at sanay na ako sa simpleng handaan lamang. Wala silang sinasabi sa akin at mas lalong hindi ko narinig na may plano pala sila na ganito.
Narinig kong nag - iba ng tugtugin ang nasa baba. Napalitan iyon ng isang masayang melodiya. Napangiti ako.
Dali - dali akong humakbang papunta sa hagdan. Sa galak ko ay hindi ko na inisip na magdahan - dahan sa pagbaba. Pinadaus - us ko ang aking kanang kamay sa barindilya. Naramdaman kong bahagyang uminit ang aking kamay ngunit hindi ko na iyon alintana. Pagdating ko sa huling baitan ay kaagad naglikha ng tunog ang suot ko na sapatos.
Napatingala ako. Sumabay sa pagkislap ang mata ko sa bawat pagkislap din ng mga bombilya na nasa chandelier. Napangiti ako. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa nakitang ganyan pala kaganda ang aming muwebles kapag napalitan ng bombilya. Napakaliwanag at napaka - elegante nitong tignan. Sa laki nito ay kaya na nitong tapatan ang chandelier sa pinakamayamang angkan dito sa San Itris.
"Emilia?"
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan. Lumapad ang aking ngiti nang makita ko ang aking pinsan.
Pansin kong nag - iba siya ng kasuotan. Madalas kasi ay naka - tunika lamang siya lalo na kung nasa bahay lang kami. Ngayon ay may suot siya na pulang korseta. Nagsuot na rin siya na itim na botas.
Hindi ko tuloy maiwasang mabighani sa taglay na kagwapuhan ng aking pinsan. Lalo na at sabay na ngumingiti ang kanyang singkit na mata. Isama mo pang kanyang mala - asul na mata na nakakalunod kung titigan.
Matagal ko ng alam na guwapo ang aking pinsan. Dati pa ng nag - aaral kami sa bayan. Sa dami ba naman ng mga dalagang tumitili sa tuwing dadaan siya ay sino ba naman hindi magtataka.
Iyon nga lang ay dahil alam niyang guwapo siya ay sinagad naman niya ang kanyang kayabangan. Halos buwan - buwan ay nagpapalit siya ng babae at kasintahan.
Lumapit ako sa kanya. "Jinn."
Ngumiti siya. Isinuksok niya sa kanyang bulsahan ang kanyang dalawang kamay. "Maligayang kaarawan sa iyo, Emilia."
"Salamat, Jinn." Ngumiti rin ako dahil nahawa ako sa kanyang ngiti.
Inilibot ko ang aking paningin. Itinaas - baba ko ang aking mga braso habang masayang tumitingin sa bahay.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ba't dumating na ang mga tagapag - ayos mo?" Takang tanong pa ni Jinn.
"Alam mo?"
Tumango siya. "Sinamahan ko si Tiya noong nakaraang sa bayan. "
"Ah. "Naisambit ko. "Maaga pa naman siguro para magbihis hindi ba?"
Umiling siya. "Sakto lamang Emilia dahil kailangan mo pa magbihis para sa pagpipinta mamaya. Hindi ka ba sinabihan ni Tiya?"
Ako na naman ang umiling. "Hindi. Ni hindi ko nga siya nakita simula kanina."
"Malamang ay abala lamang siya sa ibang gawain. Hayaan mo at nandito naman ako."
"Pero ang nagtaka ako sa iyong sinabi, Jinn. Anong pagpipinta ang iyong binabanggit?"
Ngumiti siya ng matamis. "Nais ni Tiya na kumuha ng litrato mo. Kaya nagsadya siya ng isang magaling na pintor sa bayan upang maguhitan ka ng magandang debuho."
Napaawang ang bibig ko. "Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"At bakit naman ako magsisinungaling?"
Lumiwanag ang mukha ko. "Hindi ko alam. Sana ay sinabihan niyo ako ng maaga."
Masyado akong nalula sa kanilang paghahanda.
"Ngunit, Jinn, bakit biglaan? Akala ko ba ay simpleng salu - salo lang ang gagawin natin?"
"Nagbago ang isip ng Tiya, Emilia." Inakbayan ako ni Jinn. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay na nakadantay sa aking balikat. Mabagal kaming naglakad. "Hindi raw maganda lalo na't mag - didise nuwebe ka na."
Kumunot ang aking noo. Napatingala ako at napatitig sa kanyang mukha. "Paanong hindi naging maganda, Jinn?"
"Naalala mo ba ang plano ni Tiya noong nakaraang taon?"
Napaisip ako. "Oo."
"Hindi ba't hindi natuloy iyon dahil nagkasakit ka?" Paalala ng aking pinsan.
Kung hindi ako nagkamali ay ang engrandeng okasyon na inihanda nila para sa aking kaarawan ang kanyang tinutukoy.
"Gusto ni Tiya na ituloy iyon, Emilia at ngayon natin gagawin iyon."
Napatigil ako sa aking paglalakad. "Ngunit hindi naman siguro kailangan, Jinn."
Malakas niyang pinitik ng aking noo. Bahagya akong napadaing. Aalisin ko sana ang kanyang braso sa aking balikat pero mas mabilis itong pumulupot sa aking leeg. Sinamahan ko siya ng tingin.
"Hindi maaari, Emilia. Napaka - importante ang araw na ito. Hindi ito palilipasin ni Tiya na pawang normal na araw lamang"
"Tsk." Naisambit ko lamang sa kawalan ng maisasagot.
"Isa pa, matagal na itong nakaplano. Matagal na gusto ng gawin ito ni Tiya, Emilia. Sa ating angkan, ikaw lamang ang pinakabata at natitirang dalaga. Hayaan mo ang Tiya sa kanyang nais. Pagbigyan mo na siya."
"Narinig mo bang akong tumutol?"
"Oo, at hindi kita sesermunan kung hindi kita naririnig."
Napaismid ako.
Pinaharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at bahagyang yumuko. Nakipag - pantay siya ng titig sa akin.
"Alam ng Tiya na sanay ka na sa simpleng handaan, Emilia. Ngunit gusto niyang maranasan mo kung paano magdiwang sa ibang paraan. Ginagawa lamang niya ito upang hindi ka magmukhang hampas - lupa."
"Ganyan na ba ako kapangit sa iyong paningin at iniinis mo ako ng husto, Jinn?"
Nakagat nito ang pang - ibabang labi. "Medyo."
Sinubukan ko siyang ambaan ng suntok pero hawak niya ang balikat ko.
"Umayos ka. May nakatingin sa atin."
Saka siya tumingin sa mga taong abala sa pag - aayos. Napalingon din ako sa kanila.
Abala ang mga ito sa iba't - ibang gawain. Ang iba pa rito ay nakatungtong sa de - kahoy na hagdan upang maglagay ng mga makukulay na bulaklak sa malalaking plorera ni Tiya.
"Makinig ka sa akin."
Naramdaman kong bahagya dumiin ang kanyang mga kamay sa aking balikat.
Napalingon ako sa kanya.
"Sasabihin ko ito sa iyo. Hindi ko alam kung bakit pero ibig kong ipaalala sa iyo ang isang bagay."
Ayon na naman ang aking kilay at nagsimula na naman itong lumukot. Hindi ko kasi maiwasan lalo na't pawang misteryoso masyado ang dating sa akin ng pinsan ko ngayon.
"Alam mo ba kung bakit nagdaos ng ganitong okasyon ang Tiya, Emilia?"
"Tinatanong pa ba iyon? Kaarawan ko ngayon."
"Maliban pa roon, may nalalaman ka ba?"
Umiling ako.
Napabuntonghininga siya. "Emilia, seryoso ito."
Marahas na inalis ko sa aking balikat ang kanyang galamay. "Wala akong panahon para makipagbiruan sa iyo. Sa tingin mo ba ay may oras pa ako para sumakay sa mga laro mo? Hayaan mo na nga ako."
Aalis na sana ako sa harap niya nang pinigilan niya ako. Napalingon na naman ako sa kanya. Hindi na maipinta ang aking mukha. Hindi ko na gusto ang kanyang kilos.
"Bitawan mo ako, Jinn."
"Emilia, huminahon ka," pakiusap pa niya sa akin.
Napabuntonghininga ako. "Paano ako hihinahon? Pinapakaba mo ako sa iyong kilos."
Pareho kaming natahimik. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Siya naman ay parang tinitimbang niya pa ang reaksiyon ko.
Hanggang sa siya ang naunang bumasag ng katahimikan sa aming dalawa.
"Hindi mo talaga tanda, Emilia? Hindi ka ba sinabihan ng Tiya?"
"Ang ano ba, Jinn?"
Hindi ko na maiwasang hindi iparinig sa kanya ang tono ng pananalita ko. Talagang hindi ko na gusto ang nangyayari. Kanina pa siya panay pa - suspende.
"Ano ba iyan, Jinn at bakit hirap kang ibigkas ang salitang iyan?" Napipika ko ng tanong sa kanya.
Nag - iba ng tugtog ang mga musikerong kinuha ni Tiya.
"Jinn." Pagpukaw ko sa kanyang atensiyon. "Jinn, nakikinig ka pa ba?"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumingin siya sa mga musikerong nag - eensayo para sa ipapatugtog mamaya.
"Itigil niyo muna ang inyong pag - eensayo at iwanan niyo muna kami." Sigaw ni Jinn na siyang ikinamilog ng mata ko.
Nagtagumpay naman siya sa kanyang gusto. Kaagad na sumunod ang limang musekero. Dahan - dahan pa nitong nilapag ang mga instrumentong dala sa upuan.
"Iwan niyo muna kami." Pang - ulit niya pa.
Ang kanya na naman pinakiusapan ay ang mga taong naglalagay ng palamuti sa aming sala. Maging ang mga utusan na naglilinis at nag - aayos ng mga gagamtin para sa handaan.
"Pakisirado ang pinto, salamat."
"Masusunod po." Yumukod pa ang mga ito sa harap namin bago pa sila lumisan sa malaking silid.
Ang pagsara ng pinto ang siyang nagbigay ng hudyat kay Jinn na magsalita.
"Hindi talaga ako makapaniwala sa iyo, Emilia. Nagawa mong kalimutan ang isang importanteng bagay."
Doon na tuluyang napukaw ang aking atensiyon. Paano at pawang sinisisi pa niya ako. Kung kanina ay parati niya ako pinapahinto mula sa pag - iisip, ngayon naman ay binigyan niya ko iisipin. Naglayag ang isip ko sa karagatan ng imahinasyon.
"Hindi kita maintindihan."
"Emilia." Napabuntonghininga pa siya sabay yuko. "Emilia, hindi mo ba tanda?"
Umiling ako pero ang aking puso ay kaunti na lamang ang kulang at pawang sasabog nasa inis.
"Emilia, ngayon mo matatagpo ang iyong mapapangasawa."
Nasa tradisyon iyon, paano mo ito nakakalimutan?
At doon na ako nilamon ng kaba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro