Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

GAMIT ANG PANYONG NAKASUKBIT, pinunasan ko ang aking pawis na dumadaloy sa gilid ng aking mukha. Ingat na ingat akong gawin iyon, nagbabasakaling sa ganon man lang ay mababawasan ang init at lagkit ng aking katawan.

Matirik din kasi ang sinag ng araw. Bukod pa roon ay wala rin punongkahoy sa lupang pinagbungkalan namin kaya nililimutak ng pawis ang buong katawan ko.

Pagkatapos kong magpunas ay kinuha ko ang bote ng tubig na nasa aking paanan. Dali - dali kong binuksan iyon at binasa ang panyo na aking hawak. Nang masiguro kong basa na ito ay tinakip ko ito sa aking mukha. Napapikit ako nang manuot sa aking balat ang lamig ng tubig. Wala akong pakialam kong sisipunin ako sa ginawa ko. Sadyang hindi na talaga ako komportable at mas nanaig sa akin ang kagustuhan na maibsan kahit papaaano ang init ng mukha ko.

Isinampay ko ang panyo sa aking balikat. Kinuha ko naman ang bote sa aking paanan at kaagad na ininom ang laman niyon. Saglit akong naghabol ng hininga. Sa sobrang init ay uhaw na uhaw ako. Idagdag na rin ang ginagawa namin. Hindi tumalab sa sistema ko ang samyo ng hangin. Sa sobrang init ni Haring Araw ay kahit ata mga tubig na nakatambak sa mga silidan ay maiinit kahit na hindi sinalansan sa apoy.

Alas tres na nang hapon at pawang nangangagat pa sa balat ang mga galamay niya. Kung hindi lang ako nagbalot ay baka kanina pa siguro ako natusta sa init.

Pagkatapos kung tumungga ay napabuga ako ng hangin. Tiningnan ko ang botelyang hawak. Sinipat ko kung kasya pa ba ang tubig. Napagtanto kong nasa gitna pa ng botil ang tubig ay bigla akong napatingin kay Araw.

Naningkit ang aking mata. Nagdikit ang aking kanang kamay at noo, sinikap na masulyapan ito kung saan na siya nakatutok.

Bumagsak ang aking balikat. Kumukinang pa rin sa dahon ang bawat tama ng sikat nito. Kung ganoon ay dalawang oras o higit pa ang kailangan kong tiisin.

Tinignan ko si Tiya na panay pa rin sa paghila at pagbunot ng mga tangkay ng kamote. Binalingan ko rin ang aking pinsang lalaki na si Jinn. Magkaharap silang dalawa at parehong abala sa pagilinis. Parang Wala lang sa kanila ang init kahit na tirik na tirik pa rin ang araw. Napapikit ako.

Kasalukuyan kasi kaming nag - aani ng tanim namin na kamote sa aming bakuran. May lote kasi na bakante roon. Naisip ni Tiya na taniman imbis na hayaan na lang na nakabuyangyang ito. Tataniman nalang daw ito ng bago. Bukod sa kamote ay may kaunting taniman din ng gulay ang parteng iyon.

Sakto naman na pagtaniman dahil malapit lang lokasyon nito sa maliit na lawa. Na siyang pinagkukunan naman ng tubig ng aming mga pananim. Sa parteng gilid nito ay may nakatayong maliit na kubo para tambayan namin. Ang dalawang paa ng kubo na nagsilbing poste sa ilalim ay lantad na lantad dahil sa desinyo nitong paharap pa Kanluran. Pinasadya pa ito ni Tiya sa kadahilanang nakatapak nasa tubig ng lawa ang dalawang poste. At para mas maganda at nakakaayang tignan; pinalagyan ni Tiya ng lotus ang gilid nito. Para may bahay na pwedeng pagtaguan ang mga ilaga naming isda na Koi.

Mahilig kasi silang mangutkot sa putikan, lalo na kung panahon na nila para magparami.

Kung gusto naming ilublob ang aming paa ay pwedeng dumaan sa tulay papunta gitnang bahagi ng lawa. Doon ay malaya ang mga bisita na makipaglaro at magbigay na pagkain sa alaga namin. May maliit din na bangka na nakatambay sa gilid ng kubo sa kung sakaling gusto naming tignan ang palibot ng lawa. Lalo na kung tag - ulan at malamig ang temperatura ng tubig.

Masasabi kong medyo malaki ang lupang pagmamay-ari ng aking Tiya. Bukod sa may taniman din siya ng gulay ay may lupain din siya na bakante.

Pero hindi ito isang tipikal na bakanteng lupain, naghalo ang dayami at bulaklak sa lupain iyon na siyang nagbibigay ng berdeng atmospera sa lupain ni Tiya. Madalas na rito namin pinapastol ang alaga naming kabayo dahil ito iyong parte na may puno. Kapag tag - init na ay kusang nagiging kulay ginto ang mga tumutubong tanim dito.

Kung pagsama - samahin lang iyong mga lupain niya, kasing laki na siguro ito ng lupain ng mga haciendera sa bayan.

Iyon nga lang ay binebenta niya ang iba. Hindi na rin namin kayang alagaan at bantayan kaya mas naisip niyang ipagbenta.

Sabi ko nga sa kanya na taniman na lang iyon tapos kukuha na lang kami ng katulong. Pero sabi niya dagdag lang daw sa gastusin iyon. Na siyang pinagtaka ko rin kasi hindi ko rin naman masasabi na naghirap kami.

Ang tanging natira na lang sa lote namin ay ito, ang pinag - aalagaan din namin ng mga hayop. Na siyang konektado rin sa bakuran namin dito sa likod. Ang pastulan ng mga kabayo at ang pinagtaniman namin ng gulay at ang lawa.

Pasado alas dos na kaming nagsimula sa pag - ani dahil sabi ni Tiya ay masyado pang mainit ang ala una. Lulumukot pa nga ang kilay ko no'n. Kasi ano naman ang pinagkaiba niyon? Mainit pa rin at nakakapaso sa balat ang init ng araw. Pero ano nga ba ang magagawa ko?

Nagbunyi pa ako kanina nang sabihin ni Tiya na alas kuwatro nalang daw kami magsisismula. Bumagsak lang talaga ang kasiyahan ko dahil imbis na alas kuwatro kami magsisimula ay napaaga kami ng dalawang oras. Ani pa kasi ni Tiya ay kailangan pa raw nilang kumuha ng panggatong mamaya.

Ayan tuloy, natusta ako sa init. Medyo matatagalan pa naman kami rito kasi medyo malaki rin ang napagtaniman namin ng kamote. Idagdag pa na hindi kumuha ng katulong si Tiya para mang - ani. Sus ko po!

"Mas mapapadali ang trabaho natin, Emilia kung hindi ka tutunganga riyan." Mas lalong bumusangot ang mukha ko nang mapansin ako ni Jinn na hindi gumagalaw.

"Ang init po, Tiya. Hindi ba pwedeng ipagbukas nalang natin ito?"

"May gagawin pa tayong iba bukas, Emilia. Alam mo iyan," pinal na sagot ni Tiya na siyang ikinabusangot ko.

"Eh po, Tiya. Mainit po kasi."

"May suot ka, Emilia. Sa taas ng mga isinuot mo ay halos hindi na makita ang iyong mukha. Maliban pa riyan ay may suot ka pa na damit sa loob. May sombrero ka pa. Sa sobrang balot mo ay mapagkamalan ka ng pintor na may sumasalisi sa pagbubunot. " Tumigil siya at tinignan ako.

Napaiwas ako ng tingin. Naiayos ko ang aking suot na sombrero dala ng pagkailang. Napilitan akong bumalik sa pamumunot. Kahit anong rason pa ang sabihin ko sa kanila. Hindi naman sila makikinig sa akin. Baka sabihin nila na nag - iinarte na naman ako.

Ipinagpatuloy ko na lang ang ginawa ko. Baka kung ano pa ang masasabi ko magagalit pa si Tiya.

Pasado alas kuwatro ay tumigil na kami sa pang - ani. May kaunting kamote pa ang hindi namin nabungkal ang ilalim dahil gahol na kami sa oras. Nakita kong nanguha rin si Tiya ng dahon ng Kamote. Ang iba ay itananim kaagad pagkatapos naming kunin ang laman. Ngayon naman ay may hiniwalay siya ng kaunti. Siguro ay igigisa niya mamaya. Nagkibit - balikat na lang ako.

Pumunta ako sa gilid ng lawa para kumuha ng mag - igib ng tubig. Nang sinubukan ko na itong buhatin ay nabitawan ko ang timbang dala. Bumalik sa lawa ang tubig na inigib ko. Nakagat ko an aking labi nang bumalusong pababa ang dala ko na timba.

"Jinn!" Malakas na sigaw ko. "Jinn, Hoy!"

Buti naman at nakinig siya sa akin. Tumigil siya sa pagtanim. "Bakit?" Ganting sigaw niya.

"Dale ka muna!" Kumaway pa ako sa kanya.

"Bakit nga!"

"Dali muna kasi!"

Kunot ang noong binitawan niya ang palakol. Nang umayos siya ng tayo ay tumambad sa akin ang kahubdan ng kanyang itaas.

Kung ibang tao pa siya baka kanina pa ako pinamulahan ng mukha. Kaya lang ay pinsan ko ang isang to at madalas ay kaagaw ko siya sa mga bagay - bagay. Nakakainis iyong buto't - balat na nga siya ay ang lakas pa ng loob niyang maghubad. Buti na lamang at nasa lupain namin siya dahil kung hindi ay bakay may nahimatay na sa kilig.

"Ano ba ang iyong sadya?" Diretsong tanong niya sa akin. Napameywang pa siya nang tumabi siya sa akin.

Tinulak ko siya. "Nasaan ang pang - itaas mo at bakit ito'y hinubad? At huwag ka ngang dunikit sa akin. Naliligo ka sa sarili mong pawis."

Nagsalubong ang kanyang kilay. Hindi naman ako nagpatalo at nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Nakita ko pa ang pagbagsak ng kanyang pawis sa kanyang buhok at noo. Mas lalo tuloy nadepina ang pagka - itim ng kanyang buhok. Medyo nabasa rin kasi sa pawis.

"Nasa lupain tayo ni Tiya, Emilia at walang mambubuso sa akin dito. At huwag ka masyadong maarte, hindi bagay sa iyo." Pangtamama niya pa.

Pinag - ekis ko ang aking braso sa dibdib. "Kahit na. Babae ako, Jinn. Baka nakalimutan mo?"

"Tch. Ni hindi nga ako siniway ng Tiya na mas pormal pa siya kaysa sa iyo. Ikaw pa kaya?"

"Bakit? Pinsan mo ako."

Pinitik niya ang noo ko. "Huwag mo na akong sermunan. Pagod na ako."

"Tsk. " Inirapan ko siya. Tinuro ko nalang iyong timbang nalunod. "Pakikuha nga po niyan."

Yumuko siya. Hinanap niya pa noong una ang timba sa kung saan ito nahulog. Nang makita niya na ito ay tinapunan niya ako ng tingin.

"Hindi ko naman sinasadya. Nadulas ako kanina at nabitawan ko ang timba."

"Tapos uutusan mo akong kunin iyan? Medyo malalim na iyan, Emilia at hindi ko gusto ipahamak ang sarili ko."

Napakamot ako sa ulo. "Paano iyan?"

Pinitik na naman niya ang noo ko. Pinandilatan ko siya ng mata pero mas lalong kumunot ang kilay niya. Tumiklop ako.

"Sa susunod kung may gagawin ka na hindi mo kaya ay magtawag ka." Pangatuwiran pa niya.

"Kaya nga kita tinawag, hindi ba?"

"Tsk." Nameywang siya sa harap ko. "Pabayaan muna iyan. Kumuha ka nalang ng ibang timba sa likod. At huwag kang magpapakita kay Tiya. "

Tumango - tango ako. "S-sige. "

"Tsk. Bilis na. Baka makita pa niya."

Iniwan ko na siya. Hindi na ako nagpatumpik - timpik ka. Naiintindihan ko siya kaya kahit labag man sa aking kalooban ay sinunod ko ang utos niya. Mas mabuti na iyon kaysa masermunan kami.

Kailangan ko pa kasing diligan ang mga pinagbunutan namin kanina para mas mabilis na bumalik sa paglabong ang kamote.

Lumipas ang kalahating minuto ay nagawa ko ang pinag - uutos niya. Buti na lamang at pumasok na pala sa loob ng bahay ang Tiya. Dahil kung hindi ay malamang nabesto niya na kami.

Si Jinn na rin ang nag - igib ng tubig. Tapos ako naman ang nagdidilig.

Isasali ko na rin sa pagdidilig ang mga koleksiyon ni Tiya. Pumasok sa simple niyang bahay - halaman.

Mahilig kasi siyang mangolekta ng rosas. Ang alam ko ay nasa pito ang iba't - ibang kulay nito. Maliban sa kulay ay meron pa itong iba't - ibang bulaklak pero ang Rosas ang pinakapaborito niya.

Lima na kulay ng rosas ang mayroon si Tiya. Ang dalandan, puti, pula, lila, rosas, at ang dilaw. Haling na haling si Tiya sa bulaklak na ito kaya pinalagyan pa niya ng bahay - halaman at bakod para hindi masira ang koleksiyon niya. Hindi ko rin naman siya masisisi. Sayang din naman kung mamamatay lang at masira. Talagang bukod tangi rin ang kagandahan ng rosas. Nasaksihan ko ang ilan sa kanila na mamulaklak. Nakakawala ng pagod, lalo na kung namulaklak nang sabay - sabay. Para kang nakapasok sa hardin ng mga maharlika.

Kung gusto ko man tumambay at maglagi parati rito ay hindi ko magawa. Mahigpit ang bilin sa amin ni Tiya na bawal kaming magtambay rito lalo na kung maglilikot lang daw kami rito.

Pero malikas sa akin ang hindi sumusunod kay Tiya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong pumupuslit at nagtatago rito. May isang beses pa na sa sobrang inis ko kay Jinn ay rito ako nagmaktol at nagmukmok.

Tanda ko pa iyon, rinig na rinig ko pa ang boses ni Tiya na pinapagalitan si Jinn dahil sa parati niya ako inaalaska. Paano, kung saan - saan na nila ako't hinanap ay hindi nila ako nakita. Hinalublob na nila ang buong bahay pero walang ako na nahanap doon. Tanda ko pa iyong mura ni Jinn sa mga oras na iyon habang tinatawag ang pangalan ko. Ilang beses pa siyang humihingi ng sorry.

Dito ako nahanap ni Tiya. Hindi ko pa nakalimutan iyong aura niya sa noong panahong iyon. Kahit na nakatago ako sa rosas ay nasisilip ko ang mga galamay niyang nakapameywang.

Magmula noon, pinahati na niya sa dalawa ang bahay - halaman. Ginawa niyang tambayan ang kalahati nito. Ang kalahating parte nito ay may la mesa at dalawang bangko na gawa sa patay na baging. Pinaglagyan niya rin ng debisyon at pinalagyan niya ng halaman na gumagapang. Habang malayang namumuhay at nagpapalaki sa kabilang parte ng kanyang bahay - halaman ang kanyang mga koleksiyon ay pwede ka naman magpakasarap sa kabilang parte ng bahay.

Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumapit sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. Nabungaran ko ang aking Tiya.

"Ako na Emilia. Pakihinaan mo na lang ang gripo."

Dali - dali ko namang hininaan ang hawak ko na hose. Kahit na hirap na hirap ako dahil napalibutan ako ng mga halaman ni Tiya. Sinikap ko na mag - ingat. Kapag ako nakasagi, ewan ko na lang kung ano ang aabutin ko.

Kaagad naman akong bumalik sa tabi niya. Gusto ko rin kasing panoorin ang mga koleksiyon niya. Nang makalapit ako sa kanya ay kasalukuyan na niyang dinidiligan ang tumpok ng kulay puti na rosas. Kaagad akong napangiti. Iba kasi ang pagkaputi nito,napakapuro. Parang itong isang gatas bagong labas palang mula sa katawan ng baka. Walang katulad. Kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na lumapit sa isang tangkay nito na may nakatiklop pa na rosas.

Napapikit ako nang inamoy ko iyon. Pagkatapos ay tinitigan ang gitnang parte nito. Grabe, nakakamangha. Ang ganda!

"Pansin ko'y nagustuhan mo iyan, Emilia," ani ni Tiya na nakatitig nasa akin.

Sa galak ko ay napatango ako sa kanya bilang tugon. "Opo, Tiya! Ang ganda niya kasi."

"Maganda naman silang lahat. Kahit anuman ang kulay nila."

Napangiti ako. "Wala naman po akong sinabing hindi na maganda ang iba pa nilang kulay, Tiya. Sadyang nahatak lang ng kulay puting rosas ang atensiyon ko. Siya ang umaangat sa paningin ko."

"Kung ganoon ay kakaiba ang iyong napili." Bumalik na ito sa pagdidilig. "Ang akala ko'y pula ang nagugustuhan mong kulay. Kung ako kasi ang tatanungin, maihahambing ko sa pula ang iyong ugali."

May sumipil ng magandang ngiti sa labi ni Tiya na siyang ikinagulat ko." T-tiya? Totoo ba 'yan?

Nilingon niya ako. "Ang alin?"

"N-ngumiti ka po?" Pagkasabi ko niyon ay bumalik ulit sa walang emosiyon ang mukha niya. "Hala! Tiya! Ngumiti ka!"

"Hinaan mo ang iyong boses, Emilia."

Pumalakpak ako. "Hala! Tiya, nakita kitang ngumiti."

Tinitigan na naman niya ako nang matagal. Parang naupos ako bigla. Napakamot ako sa batok at panis na tumawa. "H-hindi po. H-hindi ka po ngumiti." Binalik ko ang aking atensiyon sa mga rosas. "Ikaw po Tiya? Ano pong gusto mo na kulay? Pero po, pansin ko. Nakahiligan mong tignan iyong kulay lila na rosas."

Tumango ito." Bihira ka lang makakita ng ganitong kulay. Maliban pa roon, hindi mo rin siya basta - basta makukuha ang pagkalila niya kung hindi niya nagustuhan ang temperatura. Minsan pumupusyaw, minsan masyadong matapang, at kung papalarin, kung minsan balanse. "Hinawakan niya ang kulay lila na rosas malapit sa kanya." Nakakamangha dahil mahirap kunin ang loob nito para makapamulaklak ng magandang lila."

"Parang ikaw po, mahirap kang tansiyahin." Nabulalas ko bigla. Natakpan ko ang aking bibig nang maanalisa ko ang aking sinabi.

Napabuntonghininga ito. "Siya nga pala, apat na araw na lang at mag didise - nuebe ka na."

Napangiwi ako. "Ganoon na nga po."

"Anong gusto mo?"

Napasulyap ako kay Tiya. "Po?"

"May gusto ka ba na bagay?"

"Ha! Eh?" Napatingin ako kay Jinn na nasa labas. "W-wala po."

"Sigurado ka?"

Natagalan ako sa pagsagot. Nahalata siguro iyon ni Tiya kaya nagsalita siya, "Ako na lang ang mag - iisip. Bukas, pagkatapos natin kumuha ng panggatong, samahan mo ako sa bayan. Isasama ko na rin si Jinn. Maliwanag?"

Tumango ako sabay sabing, "O-opo."

"Aanihin din natin ang lahat ng puting rosas dito para sa kaarawan mo. Gawin nating palamuti."

Namilog ang mata ko. "Po?"

"Oo."

"Pero..." Tumingin ako sa paligid."Pananim niyo po ito."

"Kaya ko nga sasadyaing putulin para mas gaganahan naman sila yumabong."

"Pero kasi..."

"Ayaw mo?"

Ngumiwi ako. "Sayang po kasi."

"Oh siya, kuha tayo ng kaunti para sa palamuti. Ilalagay natin sa la mesa."

Napilitan akong tumango. "Sige po." Sinipat ko ang puting rosas. Iyong inamoy at nilapitan ko kanina. "Tiya, pwede ko po bang pitasin 'to? Isa lang po."

"Gamitan mo ng gunting. Para hindi magtampo. Kunin mo roon sa lagyanan ng gamit panghalaman."

"Sige po." May ngiti sa labing pumunta ako sa gilig ng la mesa.

Dali - dali kong hinanap ang gunting na sinasabi niya. Ang alam ko kasi ay mag naka reserba na gunting dito para pamputol ng tangkay. Sinubukan kong kalkalin ang mga gamit doon at hinanap ang naturang bagay. Hindi naman ako nabigo. Pagkatapos ng ilang segundo, nakita ko na ang hinahanap ko.

"Ingatan mo ang tinik." Paalala ni Tiya sa akin na ang atensiyon ay nasa diniligan nito na kulay lilang rosas.

"Opo," sagot ko. Lumapit ako sa kumpol ng puting rosas. Hindi ako kaagad nagputol kasi gusto ko pang pumili.

Napakamot ako sa ulo. Ba't ko pa pipiliin eh pareho naman silang lahat na maputi. Sa huli ay napagdesisyunan ko na kunin na lang iyong nasa paanan ko. Yumuko ako at inihanda ko na ang gunting.

Dahan - dahan kong hinawakan ang puting rosas na nagustuhan ko. Namukadkad na ito at amoy ko na ang pabango nito na siyang dahilan ng ikinasabik ko. Puputulin ko na sana siya nang biglang nag - iba ang paningin ko at pawang nagliwanag. Sa isang iglap ay may naglaro sa utak ko na na isang senaryo na hindi ko maintindihan.

May ibang kamay na nag - abot sa akin ng isang puting rosas. Na kaagad ko namang tinanggap at kinuha. Ang dalisay ng ngiti ko nang mahawakan na ang rosas ay napalitan ng takot nang bigla ay napatakan ito ng dugo. Na siyang dahilan ng pag - iba nito ng kulay. Mula sa puti ay naging pula ito, hanggang sa naging itim, natuyo, nalanta at namatay. Nabitawan ko ang rosas. Pagtingin ko sa aking kamay ay puno na rin ito ng dugo, maging ang gunting.

Napangangang nabitawan ko ang gunting. Pagkabitaw ko ay kumalat ang dugo sa palibot. Hanggang sa ang dugo ay napalitan ng itim. Ang paligid na kanina ay napalibutan ng halaman ni Tiya ay napalitan ng tagtuyot.

Umulan ng patay na dahon sa palibot. Sa gulat ko ay nailibot ko ang aking paningin. Tinignan ko ang puting rosas naa hawak ko. Sa lahat ng nakita ko ay ito pa rin ang hindi nagbago.

Kinipkip ko ito sa aking dibdib. Ibinalik ko ang aking paningin sa paligid. Napalunok ako ng laway nang maanalisa ko ang nangyari.

Hindi ko na maintindihan kung anong nangyari sa palibot ko. Dalawang beses kung pinagmasdan ang paligid ko pero nagbago ang mga nakikita ko.

Naging walang ka buhay - buhay ang halaman ni Tiya. Lahat ng mga halaman niya ay natuyo at namatay. Bumuhos sa ulohan ko ang mga rosas na iba't - iba ang kulay. Napatingala ako pero ang ganon nalang ang gulat ko nang nagbago ang kulay nito . Nang bumagsak ang mga ito sa lupa ay bigla rin nawalan ng kulay.

Nabitawan ko ang rosas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro