EPILOGUE
“ Wag kanang maki alam dito, away ito sa pagitan namin ng Queen na iyon. Kapag dumating s’ya gusto kung manood kalang at huwag kaming papaki alaman. ”
“ naku naman, hindi ko maipapangako iyan. Baka kasi mawalan ka ng ganang mabuhay kapag malaman mo kong sino ang Queen na binabangga mo. Ano ba iyan ngayon palang nalulungkot na tuloy ako. Bakit kasi n’ya pinatay si Mama at Papa. Pati tuloy ako nang gigigil na e. Parang ang sarap n’yang durug durugin. ”
Ang lahat ay naghahanda sa biglaang pwedeng pagdating ni Mia, kasalukuyan silang nag aabang at tila pinipilit na paaminin si lea kong ano ang totoong pangalan sa likod ng Mafia Queen.
Napangisi si Lea at hindi pinakinggan ang kahit na anumang tanong nong mga kumuha sa kan’ya. Nang mga oras na iyon nasa labas na si Mia, kasalukuyang nakikipag away sa mga bantay dito.
Naalarma lang ang lahat dahil sa sunod sunod na pagputok ng baril na s’ya namang kina alisto ng karamihan. Dahil don minaigi ni Vince na bantayan si Lea kasi alam na alam n’yang si Lea ang unang pupuntahan ng Mafia Queen para iligtas ito. Pag nagkataon ay mas mabilis n'ya itong mapatay.
“ Lea? Wake up! ”
Sigaw ng isang babae na di sa kalayuan, labis naman ang tuwa ni Vince ng mapagtanto na baka iyon na ang Queen na hinihintay n’ya, sumagi rin sa isip nito na ang tinig na iyon ay tila ba parang may kapariho at hindi n’ya lang matandaan kung saan n’ya ito nadinig.
Tanaw ni Vince ang isang babaeng nakablack lahat at may hawak itong baril at unti unting papalapit sa kanila.
“ Mabuti naman at sumunod ka sa usapan, midyo natagalan pero ayo— MIA! ”
gulat na tanong ni Vince dito ng buong masilayan ang babaeng mahal n’ya na nasa harapan n’ya at nakatayo. Hindi na nagulat si Mia sa nakita n’ya. Dahil narin siguro sa alam n’yang magkapatid si Vince at Harold. Ang iniisip n’ya lang ay kung bakit kailangan gawin iyon ni Vince.
“ Tanga kanga talaga, hinayaan mong lagyan ng walang kwenta ang isip mo ng walang kwenta mong kapatid. Papatayin mo’ko tama ba? Ayos lang sa’kin nang sa ganon mabayaran ko manlang ang kasalanan ko sa magulang mo.
“K-Kung ganon, ikaw ang Mafia Queen, a-ang babaeng pumatay sa magulang namin ni Kuya. Bakit? Alam mo bang nagulo ang buhay ko dahil sa ginawa mo! Inisip mo manlang ba na baka may mga anak ang pinatay mo.Alam mo bang hindi kita mapapatawad. ”
Nanatiling nakatayo si Mia, habang kaharap si Vince. Binaba n’ya rin ang hawak n’yang baril na para bang sinasabi nito na ayos lang sa kan’ya kahit barilin s’ya.
Nakatitig lang si Mia kay Vince na ngayon ay tila ba parang tolero ito sa kung ano ang pwede n’yang gawin.
“ Hindi ako ang pumatay sa magulang mo. Pero ako ang kumidnap dito. Inutusan ako ng kuya mo na dukutin ang magulang mo para patayin pero di ko ginawa iyon. Alam mo bang hindi kayo totoong magkapatid ni Harold? Ikaw ang tunay na anak at dahil sa’yo iniwan lahat ng kayamanan, kaya n’ya pinatay ang magulang mo, ako sana gagawa pero hindi ko kaya kasi wala namang kasalanan sa’kin at dahil sa pagtanggi ko, pati ako binaril n’ya.”
“ SINUNGALING! ”
Sigaw ni Vince na halatang gulong gulo na sa mga nangyayari, hindi n’ya rin binaba ang baril na hawak n’ya. At nanatili itong nakatutuk kay Mia habang nanginginig ang mga kamay nito.
“ At nakilala kita nong mawalan ako ng ala - ala. ” pahabol na sabi ni Mia.
“ ang ingay naman, tumahimik kana. Masyado kanang maraming sinasabi alam mo ba! ”
Halos umalingaw ngaw sa loob ng hideout ang putok ng baril papunta kay Mia, kita naman ni Vince kung pano bumagsak si Mia sa harapan n’ya . Pero ni hindi n’ya manlang nakitang nasaktan si Mia kahit nabaril ito, gusto n’ya itong lapitan pero hindi magawa ng mga paa n’ya. Dahil don, patuloy lang sa pagtawa si Harold na para bang wala ng bukas.
Halos nakatoon ang lahat sa pagbagsak ni Mia, pero kahit na ganon nagawa parin ni Mia na tumayo para lang barilin ang kapatid ni Vince. Binaril n’ya ito hindi dahil sa binaril s’ya ,kundi dahil sa nakita n’yang nakatutuk na sa likuran ng ulo ni Vince ang baril ni Harold.
“ MIA! ”
tawag ni Vince saka tumakbo ito papunta sa babaeng mahal n’ya. Ang kaninang litong lito ay napalitan ng kaba at tila pag aalala. Nawala narin sa isip n'ya ang mga nalaman n’ya. Naitapon n’ya ang baril na hawak n’ya at mabilis na niyakap si Mia.
Puno nang pagsisisi ang mga mata nito ng makitang hirap na sa paghinga si Mia. Dahil sa galit n’ya nagawa n’ya naring suntukin ang kuya n’ya dahil sa pinaniwala nito sa kasinungalingang hindi naman totoo.
“ Sorry, siguro naman tapos na lahat diba? S-Siguro naman oras ko na para maging masaya. Ayuko na sa gulo, nakakasawa. Pasensya na rin sa lahat dahil sa’kin kaya ka nagulo. Kung di k-ko lang sana sinunod ang kuya mo , buhay pa sana lahat ngayon..”
“ Bakit? Bakit di mo ’ko binaril? Bakit pumunta ka kong alam mo naman pala na si Killer at ako ay iisa, bakit? Mia? Bakit mo kailangan ayusin ito mag isa? Bakit? ”
“ Ako ang n-nagsimula nito, kaya ako rin ang t-tatapos. Matagal ko naring alam na Mafia ka, nong mga oras pa na pumunta tayo kila kuya mo. D-Don palang alam ko na. Ang gusto ko lang ikaw mismo magsabi sa’kin at mapatawad ako sa paraang gusto mo. Ayos na sa’kin ang mamatay ako, p-pero hindi pa pwede ngayon h-hindi pa. ”
Kahit hirap si Mia ay nagagawa n’ya paring magsalita dito... Sakto ring dumating ang ambulance at ibang police na s’ya namang kinontak ni Lea, hindi pinuruhan ni Mia si Harold kaya naman buhay pa ito. Dadalhin lang sa ospital at pagkatapos ikukulong na.
Habang nasa ambulance sina Vince, hindi naman nito maiwasang magdasal at nangako sa sarili na gagawin ang lahat, basta buhayin lang ang babaeng mahal n’ya.
Tuluyan nangang bumagsak ang Luha ni Vince ng mapansing tila nakapikit na si Ryu at hindi na gumagalaw. Pagkarating nila sa ospital agad din itong sinugod sa operating room kasabay si Lea na gagamutin rin ng ibang nurse.
Dumating din sa mga oras na iyon ang parents ni Mia, kaya naman nagawang umalis ni Vince doon para puntahan ang kapatid. Kahit may tama ng baril si Harold ay nagawa parin nitong suntukin ulit ni Vince dahilan para umawat na ulit ang mga pulis.
“ Napatay ko ba? napatay ko ba pati ang sanggol? ”
Nagtaka si Vince sa winika nito , balak pa sana nitong magtanong pero pansin n’yang lahat ng doctor sa ospital ay nagsi takbuhan kung saan inooperahan si Mia. Dahil don tumungo si Vince sa simbahan para ipagdasal ang babaeng ayaw n’yang mawala sa kan’ya. Mga ilang minutes pa nong bumalik s’ya at tila natulala ito ng mapansing wala na doon ang parents ni Mia, don n’ya ring napagtanto na wala na din sa operating room si Mia. Napatanong naman s’ya sa isa sa mga nurse at nasabi nito na sinakay si Mia sa isang ambulansya para dalhin sa ibang bansa kasama ang parents nito para doon ipagamot dahil hindi kakayanin ng doctor na mag opera dahil sa sanggol na, nasa loob ng tiyan nito na s’ya namang kinatulala ni Vince.
Pag iyak at tila gulong gulo sa sarili nang marinig n’ya iyon, Tuwa at tila ba hindi na makagalaw sa kinatatayuan n’ya pagkatapos n’yang malaman ang lahat.
Napatakbo si Vince pabalas ng ospital, ngunit huli na nang makarating ito, wala nang Mia na andon. Napaluhod nalang s’ya at sising sisi na hindi agad inaalam kung sino talaga si Mia, idi sana nasa tabi n'ya pa ang babaeng mahal n’ya.
Sana makikita n’ya kung pano lumaki ang batang masaya nilang binuo ni Mia nong gabing iyon. Hindi alam ni Vince na sa mga oras na iyon kung makikita n’ya paba si Mia at ang magiging anak nila dahil wala namang s’yang idea kung saang bansa dinala ito. Pinalangin n’ya nalang na sana kung muli mang magtatagpo ang landas nila sana sa maayos na, naparaan, at kung sakali mang mangyayari iyon sinisigurado n’yang papakasalan n’ya na ito at di na hahayaan pang bumalik sa pagiging Mafia Queen.
Halos mag iisang taon na ang nakalipas ni hindi magawang ngumiti ni Vince dahil sa mga nangyari. Araw araw itong nakatambay sa hideout na s’ya namang tinutungo ni Lea na nagbabakasakali ding bumalik na si Mia.
“ Miss mo noh? Balita ko din nag quit kana bilang C. E. O sa isa n’yong kompanya at pinagpatuloy nalang ang pagiging isang engineer. Bakit hindi mo sila dalawin? Alam kong sobrang miss muna sila, gusto mo ba alamin ko kung san sila sa ibang bansa?”
“ Hihintayin ko nalang na bumalik sila, alam kung babalik sila. At paghahandaan ko lahat sa pagbalik nila. Magbabago ako mas magiging matatag pa, mas mamahalin ko sila ng lubos, promise hinding hindi ako magsasayang ng oras na makasama sila. Sa ngayon ayos na muna sa’kin na ganito kami kasi habang inaayos ko ang sarili ko , alam ko namang magiging maayos rin sila doon. ”
Sampung taon ang lumipas simula nong dinala si Mia papuntang ibang bansa, ang daming nagbago kay Vince at sa lahat Mas naging maayos ang takbo ng organisasyon nila at naging mas matatag pa ito. At sa bawat pagtakbo ng oras masasabi mong lahat ng bagay pwedeng mabago kung gugustuhin mo.
Sampung taong hindi nakita ni Vince si Mia hindi n’ya rin alam kung babae o lalaki ba ang anak n’ya basta ang mahalaga sa kan’ya ngayon ay patuloy na hintayin ang babaeng mahal n’ya. “ Engineer, Montenegro. Nasa labas po ang babaeng magiging kasusyo n’yo para sa project na gagawin sa susunod na taon. ” ani ng secretary nito.
Kampanti naman si Vince na tumayo saka tinungo ang nasabing babae. Papunta na ito sa kinaruruunan ng babae nang may makabangga itong isang bata na s’ya naman kinatingin nito.
Nanginginig at tila kinakabahan si Vince na tignan ng mabuti ang bata, isang lalaki at sa tansa n’ya ay nasa syam o sampung taon na ito. Kinilatis n’ya ito ng maigi at tila ba kinakabahang niyakap ito, kamukhang kamukha n’ya ang bata. Mula sa mata, ilong at sa kulay nang mata nito. Mas lalo s’yang natuwa nong tawagin s’ya nitong Daddy.
Hindi alam ni Vince kung ano ang gagawin. Bagkus ay sunod sunod na luha ang lumabas sa mga mata n’ya dahil sa tuwa na nararamdaman nito. Nanatili s’yang nakayakap don sa bata.
“ baby? Sino iya— Vince? ” gulat at tila ba parang nananabik ang mga mata nitong makita ang lalaking minahal n’ya.
“ Mia!?. ”
Napatayo nalang si Vince dahil hindi makapaniwala na nasa harap n'ya na ang babaeng sampung taon niyang hinintay, mas lalo itong gumanda at maiksi narin ang buhok nito.
“ Nakilala mo na pala s’ya, baby he’s your dad Vince Montenegro, Vince your son. Vincent Duke Montenegro. ”
Napayakap ang bata sa ama n’ya at ganon di si Vince kay Mia. ni hindi n’ya ngang magawang bitiwan si Mia dahil sa pagkamis n’ya rito. Patuloy lang s’yang umiiyak.
“Kumusta? Namiss kita? Wag muna ulit akong iiwan ha? S’ya nga pala hindi na ako Mafia iniwan ko na lahat simula nong iniwan mo’kong mag isa. ”
“Isa parin akong Mafia, at hindi ma mababago ang lahat ng iyon. Kung gusto mo’kong makasama habang buhay at ang anak natin kailangan mo munang pumunta sa bahay at talunin ang parents ko sa laban. ”
“ Hindi ko magagawa iyon, nagbago na ako at kailanman hindi na ulit ako gagawa ng disisyong pagsisihan ko habang buhay. ”
“Nasa patakaran namin ang lahat, Vince. Kung di mo gagawin ang sinasabi ko. Bukas pangalawa ipapakasal ako sa anak ng kaibigan ni Papa na isang ring mafia. Maghihintay ako sa’yo simula mamaya hanggang sa susunod na araw. ”
Ani ni Mia at tuluyang umalis kasama ang anak nila. Naiwan naman si Vince na tila ba, hindi alam kung maniniwala ba sa sinabi ni Mia o balak lamang s’ya nitong asarin para pumunta s’ya sa bahay ng mga Flores.
Hindi n’ya alam kung ano ang gagawin n’ya dahil mamayang gabi ang alis n’ya papuntang bakasyon para tignan ang pagtatayuan nila ng building na nasasabing project nila. Inisip ni Vince na posibleng matanggalan s’ya ng License bilang engineer kapag di s’ya tumungo sa napagkasunduan nilang partnership para sa project.
Habang nasa trabaho ito, hindi n'ya namang maiwasan na masagi sa isip nito ang mga sinabi ni Mia bago s’ya umalis. Kung sakali mang ikasal nga si Mia sa iba ay tututol ito at gagawin ang lahat sa kan’ya lang mapunta ang anak n’ya at ang babeng mahal n’ya.
Nasa kalagitnaan ng meeting si Vince ng may matanggap itong mensahe galing sa Mafia Organisasyon na ngayong araw mismo ang kasal ng Mafia Queen at ng lalaking anak ng kaibigan ng papa ni Mia.
Halos magulat naman ang lahat sa biglaang pagtayo ni Vince, gayong sa pagkaka alam n’ya e sa susunod na araw pa ang nasasabing kasal. Dahil don hindi na nag abala pang tumakbo si Vince patungo sa simbahan, dahil narin sa traffic ito kaya ayos ang disisyon nito na tumakbo nalang papunta doon.
“ Vince? Anong ginagawa mo dito? Late kana sa simbahan ano kaba! Ano pabang hihintay mo dito? Ano ba? Pababayaan mo nalang bang matapos ng ganito ang lahat? May anak kayo diba? Hahayaan mo nalang ba? ”
“Kaya nga tumatakbo ako papunta doon at pakiramdam ko naman ay H-Huli na ako. ”
Tanging sambit nalang ni Vince saka napaupo sa may gilid ng kalsada. Ramdam n’yang hindi siguro para sa kan’ya si Mia, hindi n’ya narin kasi kayang humarap pa doon kung alam n’ya naman na masasaktan lang s’ya, pag makitang masaya na sa iba ang babaeng minahal n’ya ng ilang taon.
“Talagang huli kana kung tutunganga ka d’yan, asan na ang Vince na matapang ha? DALIAN MO NA ! DON DIN AKO PAPUNTA WAG KANA MAG INARTE! sakay na. ”
Sigaw ni Lea dito, binigay n’ya rin kay Vince ang toxido para sa kasal. At sinabing gawin ang lahat makausap n’ya lang si Mia. Mga ilang minutes ang byahe tungo doon pag dating nila mabilis pa sa isang minuto na kumaripas ng takbo si Vince papasok ng Simbahan, ayos narin sa kan’ya kahit di sila ni Mia ang magkatuluyan basta nag mahalaga sa kan’ya ay makasama n’ya lagi ang anak nila.
Kita n’yang andon lahat ng mga kapwa nito mafia, ang parents ni Mia mga kaibigan pati nadin ang lalaking papakasalan ni Mia. Kahit masakit kay Vince na makitang sa iba na iikot ang mundo nito ay andon parin s’ya. Gusto nya rin kasing makita ang babaeng mahal n’ya na naka gown kahit hindi s’ya ang grom.
Pagpasok ni Mia, kasabay ng musika na tila ba nakaka antig ng puso ay s’ya ring paglakad ni Mia patungo sa gawi nila. Umiiyak at tila sa kan’ya lang nakatingin, ganon paman napatalikod si Vince para magpunas ng luha, ang tumungo sa kasal ng taong mahal n’ya ang pinaka masakit na mararamdaman n’ya.
Nong nasa harapan na ito, nagulat nalang s’ya nang sa kan’ya binigay ng papa ni Mia ang kamay nito. Saka malugod itong binati at sinabing ingatan ang unika iha n’ya na patunay lang din na pinapaubaya na sa kan’ya ang anak nila. Kunot noo namang napatitig si Vince kay Mia dahil kahit si Lea walang alam sa kung ano man ang nangyayari.
“ Ano? Ayaw mo? Sabihin mo lang ititigil na natin ito. ”
Malamig na tanong ni Mia kay Vince, habang si Vince naman tila nagpipigil lang itong bumoses ng malakas.
“ B-Bakit? Akala ko ba—.”
“ Kasi ikaw ang ama ng anak ko, hindi pwedeng ikasal ako sa iba habang may anak tayo. Ganito kasi ang gustong mangyari ng magulang ko. Para alamin kong talaga ngang seryuso ka sa’kin at hindi mo’ko hahayaang mapunta sa iba, at napatunayan nila iyon ngayon. Dahil andito ka, sa’yo ako ikakasal at hindi sa ibang lalaki. Kahit sino pa iyan basta ikaw ang mahal ko at hindi ako gagawa ng ikakasira ng tiwala mo. Ganon kita kamahal. ”
Nagsimulang maghiyawan sa loob ng simbayan ng yakapin ni Vince si Mia, todo pasalamat ang binata dahil sa sayang dinulot nito sa kan’ya.
Maayos na naikasal ang dalawa, lahat ng tao at mga bisita ay masasabi mong lahat sila nasayahan sa kasalang naganap. Puro pagbati at pagbigay ng regalo ang natanggap ng dalawa , pagkatapos ng masayang araw na iyon.
Nabiyayaan pauli ng isang anak si Mia at Vince at sa pangalawa nilang anak isa na itong napakagandang babae. Tinupad rin ni Vince ang pangako n’ya kay Mia na mamumuhay sila nang masaya at malayo sa gulo.
Hanggang dito nalang... Maraming salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro