CHAPTER 1
Napamura si Vince ng mapansing may galos ang kanang braso n’ya. Hindi n’ya ito ininda pero nong pagtayo n’ya naisip n’yang tatamaan s’ya ng bala pero ginawa n’ya paring tumayo para tumungo sa pinto. Pero laking gulat nalang nito nong mapansing nasa unahan n’ya na si Mia , hawak ang baril at asintadong kinakalabit ang gatilyo habang nakatutuk ang baril nito sa kung saan galing ang mga pagbaril kanina.
Walang paki alam si Mia kong ilang bala pa ng baril ang maubos n’ya sa mga oras na iyon, ang mahalaga lang sa kan’ya ay tuluyang mapatay kung sino man ang may gawa non sa amo n’ya.
“ Wala na sila, Umalis na tayo. ” walang emosyon na pagkakasabi nito sa binata.
“ At pano mo naman nalaman na wala na sila? Andon kaba?”
“ Hindi kana binabaril diba? Idi wala na sila. Malalaman mo namang andyan pa sila kung may babaril sa’yo ngayon at mamatay ka. ”
Pabalang na sagot ni Mia dito na s’ya namang kinainis ni Vince.
“Mauna kana may mahalaga pa akong dadaanan ngayon. ”
“ Pano sugat mo? ”
“ Kaya ko na sarili ko. Kaya mauna kanang umuwi. ”
“ok.”
“Hindi ka manlang ba mag aalala sa’kin? At talagang ok lang ang sagot mo ah. Nainlove kana ba? ”
“ Malayo sa bituka ang sugat mo, malaki kana rin. Kaya, kaya mo na sarili mo. Ghe alis na ako. ”
Hindi na nakasagot pa si Vince dahil mabilis itong iniwan ni Mia, dahil sa mga nangyari kanina pumunta si Vince sa mga kasamahan nito sa Mafia , para alamin kung kaninong bala ng baril ang ginamit kanina sa pagpatay sa kan’ya.
“Oh! May nangyari ba? Killer, May sugat ka yata? Ano may gusto naman bang pumatay sa’yo? ”
Tanong ng isa sa mga tauhan nito nang makarating s’ya sa Organisasyon nila.
“ Kilala n’yo ba kung kaninong bala ng baril ito? Hindi ito ang balang ginamit sa’kin nong muntik rin akong mamatay dahil sa pagbaril sa’kin? Alam n’yo ba san galing ito? ”
“Sa ganitong klase ng bala ng baril imposibleng may iba pang gumagamit nito bukod sa mafia Queen. Ang Mafia Queen lang ang may kakayahang gumamit ng ganitong uri ng baril, so ibig sabihin lang nito hindi tuluyang namatay ang Queen at buhay pa ito, ang tanong sino ba talaga ang Queen na iyan at bakit gusto ka n’yang patayin? May nagawa kabang pagkakamali sa kan’ya?”
“Imposible! Patay na ang Mafia Queen diba? Pano s’ya nabuhay pagkatapos nong mga nangyari, Ako mismo ang nag utos na patayin ang Mafia Queen. At saksi kayong lahat doon. ”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro