Chapter 267
Real Friendship
Jay-Jay's POV
Ano ang resulta kapag wala kang maayos na tulog?
Bangag.
Ano ang tawag sa taong walang maayos na tulog?
Bangagers.
Ano ang ginagawa ng mga taong walang maayos na tulog?
Wala sa sarili.
"Ano bang ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka?" tanong ni Percy bago inumin ang kape ko.
Oo, kape ko.
Ang kapal ng muka nitong Blue eyes na 'to. Ipinagtimpla ako kuwari ng kape siya rin naman ang iinom.
Napatingin ako kay Felix ng mapansin kong tapos na siya magtimpla ng juice nila. Si Ci-N naman naghahalungkat pa rin ng pwedeng kainin sa refrigerator.
"Nakipagkurutan," wala sa sarili kong sagot.
Ang aga-aga mangbulabog ng tatlo na 'to. Akala ko pa naman mapapahinga ako kasi weekend ngayon at walang pasok. Pero hanggang dito ba naman susundan ako ng Ulupong at tukmol.
"Ito na lang, cake," sabi ni Ci at inilabas ang nakakahon pang cake.
Pumasok ng kusina si Tita kaya nakita agad niya ang hawak ni Ci-N.
"Nakapili ka na pala, gusto mo ba ng carbonara? Papaluto ako," alok ni Tita habang palapit sa batang kumag.
Kita ko ang pagkislap ng mga mata ng tatlo. Lalo na syempre 'yong pinaka-matakaw.
Hindi ako 'yon.
"W-Wag na Tita. Nakakahiya," sagot ni Percy habang pasimpleng napapangiti.
Hindi siya nakita ni Tita dahil busy na siya sa pangunguha ng sahog at pasta.
"Okay lang 'yan. Tagal mo ring hindi dumalaw dito. Kahit sana sandali nakipagkwentuhan ka sa 'min," sagot ni Tita. "Meron pa pala kaming manok dito, gusto niyo ba ng fried chicken?"
Kita ko ang malapad na pagngiti ni Ci-N at walang habas na pagtango na parang sirang laruan. Pati ang simpleng pagngiti ni Felix ay hindi nakaligtas sa 'kin.
Hindi pa rin sila nakikita ni Tita dahil naka-silip siya sa loob ng ref at parang naghahanap pa ng pwedeng lutuin.
"Nag-almusal ka na ba Jay? May bacon at ham dito. Ipagluluto rin kita."
Bahagya akong nag-inat. "Ako na lang maglu—."
Agad na humarap sa 'kin si Tita na puno ng pangamba. Kulang na lang ituro niya kong may sala sa pagpatay ng kung sino.
Ang sakit niyo naman makatingin.
"K-Kami na lang siguro nila Manang," sabi niya at tinawag ang isa sa mga kasambahay nila.
Dala nila lahat ng kailangan at pumunta sa dirty kitchen. Nang mawala sila sa paningin namin hinarap ako ni Ci na may pang-aakusa.
"Hindi pa rin sila nakaka-move on sa ginawa mo," sabi niya at napanguso naman ako.
Sabay na tumingin sa 'kin si Felix at Percy. Parehong nagtatanong sa sinasabi ng Batang Kumag kaya pasimple kong tinuro ang dating magandang kalan sa kusina.
Mamahalin 'yon na may kilalang brand. May apat na kalan at oven. Pero ngayon mukang display na lang sa kusina ang ganap niya. Bukod do'n hindi pa rin nawawala ang marka ng katangahan ko.
Suuuunnnnooooggggg!
Isa 'yong sekreto na dadalhin sana namin ni Ci-N hanggang kamatayan. Kaya nga never kong binanggit kahit sa sarili ko. Pero masyadong madaldal ang batang 'to.
Pati pader at katabing cupboard may marka pa rin ng madilim na kahapon.
"Sinunog mo?" tanong ni Felix.
Napanguso ako. "Hindi ko sadya."
Dinig ko ang mapang-asar na tawa ni Percy. Parang gusto ko tuloy ibuhos sa kaniya ang kapeng iniinom pa rin niya.
"Taga-kain lang talaga ang role mo sa kusina, ano?" pang-aasar pa niya kaya lalo akong nainis.
"Hindi ko nga sinasadya. Yung isa kasi dyan! Nakikitira na lang ng panahon na 'yon, kung maka-utos magpaluto wagas!" inis na sabi ko habang nakatingin ng masama kay Ci-N.
"Sumunod ka naman," sagot naman niya.
"Nakakahiya naman kasi sayo—."
"What the hell?" mahinang komento ng kung sino kaya pare-pareho kaming napalingon sa pinto ng kusina.
Si Kuya Angelo.
"Good morning Kuya," bati ko sa kaniya.
"Boss," bati naman ni Percy.
"Good morning po," bati ni Felix.
"Kuya!" masayang bati ni Ci-N.
"Good morning din," seryosong bati naman niya sa 'min. "Ang ingay niyo. Kumain na ba kayo?" tanong niya habang palapit sa ref.
"Nagluluto pa lang si Tita," sagot ko.
Binuksan niya ang ref at kumuha ng dalawang chuckie. Sinara niya 'yon at tuloy-tuloy na naglakad. Nagawa pa niyang tapikin ang balikat ni Percy bago tuluyang makaalis.
Walang kumibo sa 'min kahit nakalabas na siya ng kusina. Hanggang sa maubos na ang kape, ang juice at ang cake wala pa ring nagsasalita.
Mukang totoo na may dumaang anghel, pero mukang demenyo. Hindi ko sasabihing si Kuya Angelo 'yon.
Joke lang. Labs ko 'yan si Kuya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit nandito ang tatlo na 'to. Ginising ako ni Tita at sinabi sa 'kin na may bisita raw ako. Ayoko sana bumangon dahil madaling araw na kami natulog ni Aries pero baka maghintay ng matagal nag bwisita kaya hinarap ko na.
Si Felix at Percy lang ang nakita ko no'ng una pero pagpunta namin ng kusina, nakaharap na sa ref ang Batang Kumag habang kausap si Tita Gema.
At home na at home ang mga ugok na nakialam sa kusina. Daig pa nila may-ari ng bahay sa paghahanap ng makakain.
"Bakit nga pala kayo nandito?" basag ko sa katahimikan.
Si Ci-N ang unang sumagot. "Tinext ako ni Felix."
Agad na lumingon si Percy sa kanila. "Sinasabi ko na. Bakit mo ba tinext 'yan? Hindi naman 'yan kailangan dito."
Agad na ngumuso sa galit ang Batang Kumag. "Paki mo! Nag-worry ako kay Jay-jay, bakit ba?"
"Worry-worry? Magpalaki ka muna, bansot!"
"Patule ka muna, supot!" sagot naman ng isa.
Dali-daling tumayo ang Percy. Akala ko susugurin niya si Ci kaya hinawakan ko siya sa damit pero napansin ko ang pagtanggal niya ng sinturon. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko.
"Ang kulit mo! Papakitaan kita!" sabi niya habang nadidinig ko ang ingay ng bakal ng sinturon niya.
"Tumigil ka nga!" pigil ni Felix.
"Jay? Gaano kadaming—SUSMARYOSEP!" dinig kong sigaw ni Tita Gema kaya agad kong binaba ang mga kamay ko para tignan.
"S-Sorry! Tita! Hindi ko sadya!" sigaw ni Percy habang tarantang binabalik ang sinturon.
"Ay bastos! Buti nga!" mapang-asar na sabi ni Ci.
"Ayaw mo tumigil eh, buti nga sa 'yo," sabi ni Felix habang napapailing.
Agad na tumalikod si Tita at naglakad pabalik sa dirty kitchen. Mabilis kong binatukan si Percy. Tinignan niya ko ng masama pero inambaan ko ulit siya batok.
"Hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang papasok siya," paliwanag niya. "At least alam niyo ng hindi supot at may ipagmamalaki ako."
"Wala kaming nakita," sabi ni Ci.
"Si Tita meron. She felt amaze and she can't hold it that's why she called the name of a whole family," mayabang na sagot nitong tukmol kong step-brother habang tumataas-taas pa ang mga kilay.
"Kapal," parinig ng Batang Kumag bago naglakad papuntang dirty kitchen.
"Oy! Oy! Maghintay ka rito! Manlalamang ka na naman," habol sa kaniya ni Felix.
Naiwan kaming dalawa nitong tukmol na 'to. Sesermonan ko sana siya sa ginawa niya pero bigla na lang naging seryoso ang itsura niya.
"I felt scared and worried, when Angelo called me this morning. Akala ko may masamang nangyari na sa 'yo," sabi niya bakas ang pag-alala sa boses niya.
"B-Bakit ka tinawagan ni Kuya?"
Parang alam ko na ang sagot.
Bakit kailangan pa niyang tawagan si Percy? Hindi ba pwedeng sa 'min na lang ang mga 'yon? Para namang may magagawa ang step-brother ko na 'to sa napanaginipan ko.
"Please tell me what is your nightmare about. Kung hindi mo masabi sa kanila, subukan mong sabihin sa 'kin. You trust me, right?" sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad kong iniwas 'yon.
Umiling ako. "Ayoko ng maalala."
Tama na!
"Jay, I know your scared—."
"Wag mo kong pilitin," sabi ko at nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. "Tama na. Ayoko ng isipin 'yon."
Mabilis niya kong niyakap ng mapansin ang pagbagsak ng ilang luha ko. Mahina akong umiyak sa mga bisig niya.
"Sshh... Hindi na kita pipilitin. Tama na."
"Ayoko ng maalala 'yon. Nakakatakot," bulong ko.
"Nag-aalala lang kami. Hindi magandang kimkimin mo mag-isa lahat," paliwanag niya.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang alam ni Percy tungkol sa nakaraan ko. Pero hindi na ko nagtataka na marami siyang alam. Kung kanino man niya nalaman 'yon, hindi na mahalaga. Sana lang wala muna siyang ibang pinagsabihin.
Pinilit kong patahanin ang sarili ko. Unti-unti ring bumitaw si Percy sa 'kin. Tinulungan niya kong punasan ang mga luha ko sa muka.
"Hahayaan kita ngayon pero sana sa susunod magsabi ka na," dagdag pa niya.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-aayos sa sarili ko. Naging tahimik na kami pareho matapos 'yon hanggang sa pumasok si Felix at Ci-N na may dalang pagkain. Umayos ako ng upo para hindi nila mahalata na may nangyaring hindi maganda habang wala sila.
"Luto na!" anunsyo ni Ci habang dala ang mga fried chicken.
Binaba ni Felix ang plato na may Ham at Bacon sa harap ko.
"Wow, yayamanin Bacon strips," komento ni Percy sabay amoy ng pagkain sa plato. "Penge! Penge!" Kukuha na sana siya pero bigla siyang huminto na parang may naisip. "May slice bread ba kayo?"
Tumango ako. "Pakuha naman dyan sa parang cupboard sa tabi ng ref," utos ko kay Felix.
Pagtalikod niya agad na hinawakan ni Percy ang kamay ko. Ngumiti siya sa 'kin na parang sinasabi niya na 'okay lang ang lahat at nandito lang ako'. Ngumiti rin ako sa kaniya at tumango.
Bumalik si Felix dala ang supot ng slice bread. Sunod namang pumasok si Tita dala ang container ng carbonara. Napapalakpak na lang sa tuwa si Ci.
"Ready na," nakangiting sabi ni Tita bago ibaba ang container. "Kain na. Magsabi lang kayo kung meron pa kayong gusto."
Lalakad na sana siya pabalik ng dirty kitchen ng makita niya si Percy. Mabilis siyang lumapit at kinurot ang pisngi nitong katabi ko.
"A-Aray! Tita! Masakit po!"
"Puro ka pa rin kalokohan. Wala kang pinagbago," sermon ni Tita bago siya tuluyang bitawan.
Napangiti naman ako dahil parang tuta na inapi si Percy. Himas-himas pa niya ang pisngi bago sumubo ng ginawa niyang sandwich na ham at bacon ang laman. Pati si Ci at Felix natatawa na rin.
Napatingin kami sa pinto ng biglang pumasok ang isa sa kasambahay.
"Miss Jay, andito po ang kaklase niyo. Pinapasok ko na po," sabi niya at pumasok si David na may dalang dalawang plastic bag.
"Dabid!" masayang bati ni Ci sa kaniya kasunod ng pagsalubong para kuhanin ang dala niya. "Ice cream!"
"What the hell are you doing here?" may iritasyon sa tono ni Percy.
"Visiting Jay. Ci-N message me through chat," kaswal na sagot niya bago lumapit kay Tita para magmano.
Wow, respekpul!
"Magandang umaga po," bati pa niya.
"Good morning din. Tara, sumalo ka na sa kanila. Kung may gusto ka sabihin mo lang."
Kita ko ang pagsibangot ni Percy. Ngumiti naman ang David kay Tita bago lumapit sa 'min at maupo sa tabi ni Percy. Nanguha naman ng mga plato at ice cream cup si Tita para sa amin.
"Kuha na," sabi ni Felix na kanina pa pala nilalantakan ang carbonara.
Tumango lang ang David sa kaniya bago ako harapin.
"May nangyari daw hindi maganda sabi ni Ci. Kaya namili ako ng ice cream, comfort food mo," sabi niya sabay abot ng isang plastic bag na may 1.5 litre na ice cream.
Nice! Mukang masarap.
"Salamat—."
"Miss Jay?" tawag ng isa pang kasambahay. Iba sa naunang naghatid kay David. "May tao po sa labas, naghahanap sa inyo."
Nagtinginan kaming lahat. Pare-parehong walang clue sa kung sinong pwedeng naghahanap sa 'kin.
Tumayo ako at sinundan ang kasambahay papuntang gate ng bahay. Sa labas nakatayo ang dalawang lalaking parehong may dalang tig-isang bilao na may nakabalot na celopane.
"Edrix? Rory?" sabay namang humarap sa 'kin ang dalawa at ngumiti ng malapad.
"Para sa 'yo!" sabi ni Rory sabay abot ng isang bilao. "Ispabok."
"Ito, palabok," singit naman ni Edrix.
Pareho ko silang takang tinignan. "Anong ginagawa niyo rito?"
Kamot batok na sumagot si Rory. "Nag-message sa group chat si Ci-N. May nangyari raw hindi maganda kaya nagdala kami pagkain para sa 'yo."
Group chat? Anak nang...
"Salamat. Pasok kayo, andito sila Ci-N," sabi ko at nauna pa silang maglakad sa 'kin papasok.
Napangiwi nal ang ako habang tinuturo ang kusina kung nasan sila. Mabilis naman silang pumasok pero hindi pa man ako nakakahakbang meron na namang nag-doorbell kasunod ng pagtawag sa pangalan ko.
Ako na ang nagbukas ng gate at bumungad sakin si Mayo, Kit at Eren na namamaga pa ang kaliwang pisngi at may black eye ang kanang mata. Resulta ng pambubugbog ng mga jowa niya.
May kaniya-kaniya rin silang dala ng supot at container. Hindi na ko nagsalita, umusog na lang ako para hayaan silang makapasok sa loob. Sinara ko ang gate at naglakad papasok kasunod nila.
"Sa kusina—," naputol ang sasabihin ko ng makita kong maglipatan sila papunta ng dining.
Kaniya-kaniya pa sila ng dala. Huling lumabas sila David at Percy na matay suntukin ang tagiliran ng kasabay.
"Pinopormahan mo? Pinopormahan mo? Sinabing wag ka ng makisali," dinig kong bulong ni Percy sa kaniya.
Napapangiwi naman si David dahil ayaw siyang tigilan ng tukmol na step-brother ko. Ano kayang problema niya kay David.
"Do'n daw tayo, hindi na tayo kasya sa kusina," sabi ni Ci na hawak-hawak ang container na may fried chicken.
Tumango naman ako at sumunod kami sa kanila. Binaba nila Eren ang mga dala nila sa lamesa at isinama sa mga pagkain kanina. May pistel na ngayon ng juice.
"Ano ba nangyari? Bakit napa-emergency message 'tong si Ci-N?" tanong ni Kit habang binubuksan ang container na dala ni Mayo.
Si Percy na ang sumagot. "Bangungot. O.A lang talaga 'yang bata na 'yan."
Medyo nakahinga ako ng maluwag. Wala pa naman akong maisip na isasagot sa tanong nila.
"Tukmol ka! Akala ko naman kung bakit," inis na sabi ni Mayo pero nakakuha na siya ng fried chicken.
"Syempre nag-alala pa rin ako—."
"Andito rin kayo?" tanong ng kung sino.
Paglingon ko, nakatayo si Yuri sa pinto habang may hawak na dalawang malalaking paperbag.
Japanese Food!
Hindi pa man ako nakakapagsalita, pumasok na si Mica at Calix na pareho ring may dala.
"Hello Jay, kumusta? Okay ka na ba?" tanong ni Mica sa 'kin.
"Okay lang naman ako. O.A lang talaga 'tong si Ci," sagot ko habang napapakamot sa batok.
At dahil nandito na ang karamihan, malakas ang kutob kong meron pang pupunta. Hindi naman ako nagkamali dahil ilang minuto lang, dumating na si Blaster at Josh at syempre meron din silang dala.
Napapakamot ako sa ulo. Wag lang sana magising si Aries siguradong magagalit 'yon kapag nakitang nandito na halos lahat ng mga Ulupong. Baka bigla na lang topakin 'yon.
Napaisip tuloy ako kung ano ang nilagay ni Ci sa group chat at bakit gano'n na lang kabilis pumunta ang mga 'to.
Kaniya-kaniya na sila ng usap at ng kwentuhan. Nagawa pang makisama ni Percy sa kanila na para bang kasing-edad at matagal na niyang kaibigan ang mga kaharap.
"Kain na," alok ni Yuri sabay baba ng plato ng chickrn karaage at tonkatsu sa harap ko.
Napatitig ako sa muka niya. Ang lalim ng eyebags niya at parang matamlay din ang kulay ng balat niya.
Anyare.
Hinawakan ko ang muka niya para alamin kung may sakit ba siya pero mabilis niyang inalis ang mga kamay ko.
"Naghugas ka ba?" tanong niya na kinangiwi ko pero kinangiti naman niya. "Joke lang."
Inagaw ko ang kamay ko. "Tse! Kumain ka na nga."
Bigla na lang pumasok si Tita Gema na may dalang bagong batch ng pagkain. Kagulo naman ang mga Ulupong at hindi magkanda-ugaga sa pagkuha.
"Hindi niyo kami hinintay," sabi ng kapapasok lang na si Denzel.
Napatanga ako ng makita ko kung sinong kasama niya.
Si Canvas-2.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" mataray na tanong niya sa 'kin kasunod ng paghimas sa tiyan.
"Ang laki ng muka mo," tuloy-tuloy na sagot ko.
Huli ko na napansin ang pagsenyas ni Denzel sa 'kin ng para bang sinasabi niyang tumahimik ako.
Totoo na lumaki siya dala ng pagbubuntis. Pero kahit gano'n kita na hindi siya nahihirapan at alagang-alaga talaga. Ganito yata ang blooming.
"Hiyang-hiya ako sa muka mo," sagot naman niya.
Kinuha niya ang hawak ng asawa niya na pagkain at binaba sa tabi ng dala nila Eren. Pansin ko ang pagsunod ni Denzel sa bawat kilos niya.
Bantay sarado lang?
Tinapik ko siya. "Hindi mawawala 'yan. Makabantay ka."
Napakamot siya sa batok. "Hindi sa gano'n, nag-aalala lang ako."
Tumango ako. Sabagay, sinong hindi mag-aalala sa buntis na asawa.
Tinignan ko ang lamesa at halos wala ng paglagyan sa dami ng pagkaing dala nila at binibigay ni Tita Gema. Daig pa namin ang handa sa fiesta sa sobrang dami.
Isa lang ang inaalala ko. Ang pagkain dala ni Eman. Paniguradong babawi 'yon dahil matagal-tagal siyang hindi nakapagluto para sa amin.
May pa-lechon.
At tama nga ako dahil bitbit ni Eman at Drew ang isang buong lechon pagpasok ng kusina. Napahawak na lang ako sa noo ko. Hindi ko kinaya ang dala nilang pagkain.
Bibitayin na ba ko bukas at ganito karami ang dapat kong ubusin?
Pero hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Ang sarap pagmasdan ng mga tawanan nila. Mga asaran na wala sanang magkapikunan. Napabuntong hininga ako. Halos kumpleto na kami.
Maliban sa kaniya.
"Ayan, Jay. Marami ka ng choices. Pili na!" sabi ni Kit
"Hindi ka mabibitin. Marami na kaming dinala," sabi ni Blaster habang may hawak na plato.
"Baka naman . . . Jay," sabi ni Denzel at ngumiti. "Pwede mo na kaming patawaring lahat sa ginawa naming—."
Hindi ko na siya pinatapos pa. "Pinapatawad ko na kayo. Matagal na."
Kita ko ang pagliwanag ng mga muka nila. Halos sabay-sabay pa silang naghiyawan.
Hinarap ko si Yuri na nakangiti sa 'kin. "Akala ko sinabi mo na sa kanila."
"Sa 'yo dapat manggaling 'yon," sagot naman niya.
Tuloy lang sila sa pag-celebrate ng biglang pumasok si Kuya Angelo. Literal na tumahimik at kulang na lang kuliglig.
Halatang hindi alam ni Kuya kung anong sasabihin. Kanina nga naman kasi kaunti lang sila tapos ngayon marami na.
"Kain ka Kuya," aya ni Ci sabay hatak pa sa kaniya.
Close kayo?
Nagpatangay naman si Kuya at ngayon ay nakaupo na. Agad siyang inasikaso ng mga Ulupong at inalok ng mga pagkain.
Natatawa na lang ako dahil hindi siya makatanggi. Idagdag pang parang close ng mga ugok na 'to si Kuya Angelo.
Pinagmamasdan ko lang sila ng sunod namang pumasok si Aries. Napatayo pa ko dahil ang tindi ng salubong ng mga kilay niya. Kulang na lang magmura siya ng malakas.
"Wag ka na magsalita. Maupo ka na lang at maki-kain," banta ni Kuya kaya walang kahit na anong lumabas sa bibig niya.
Agad na lumapit si Percy sa kaniya. "Dito ka, Baby," sabay hatak.
Agad namang umamba ng suntok si Aries pero tinawanan lang siya. Pumalag pa siya no'ng una pero naupo din siya at nakisalo sa pagkain.
Tuloy lang ang celebration.
Ang ingay, ang gulo at ang kalat pero ang saya na makita kong andito ang mga taong malapit sa 'kin at ang mga kaibigan. Kumpleto kami . . . sana.
Ayoko man siyang isipin dahil may kasalanan siya sa 'kin pero hindi ko mapigilan.
Tangina kang lalaki . . . Sarap mong sapakin.
"Oy! Si Keifer! Video call!" sigaw ni Edrix at napatingin ako sa kanila.
Hawak niya ang cellphone na nakataas para masiguro na makukuhanan kaming lahat. Bigla na lang akong kinabahan. Napatingin ako ng di-oras kay Aries na nakatingin din pala sa 'kin.
"Keifeerrrr!" sabay-sabay na sigaw nila.
Pasimple akong tumingin at halos maiyak ako ng makita kong nakahiga pa rin siya at naka-hospital gown.
"Hey, what's the gathering for?"
"Para kay Jay-Jay. Nag-aalala kami sa kaniya at pinatawad na niya kami," sagot ni Edrix na may hawak ng phone.
"So, she forgive you. I wish she could do the same to me."
Sabay-sabay na nag-oohhh ang mga lintik na Ulupong.
"Pagaling ka at umuwi ka na. Pinopormahan na siya rito." singit ni Percy na agad kong tinignan ng masama.
Animal kang Blue Eyes ka.
"Sino ka?" tanong ni Keifer na nagpatawa kay Felix at Ci-N ng malakas.
"Gwapo kong 'to hindi mo ko nakilala?"
"Oh, so much air. Percy indeed."
Lalong lumakas ang tawanan nila Felix at sinabayan pa ngayon ng ibang Ulupong. May ilang minuto pa silang nag-usap tungkol sa kung anong pwedeng pag-usapan.
Aaminin ko, gusto kong marinig na hinahanap niya ko pero hanggang sa matapos ang video call hindi ko narinig na hinanap niya.
Naramdaman ko ang paghawak ni Yuri sa kamay ko. Ngumiti siya sa 'kin na parang sinasabi niya na magiging okay lang ang lahat.
Sana nga gano'n.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro