
Chapter 265
A/N: A little change for Freya's subplot.
Chat
Jay-Jay's POV
"Oy Aries."
Hindi niya ko pinansin.
"Oy Aries."
Hindi pa rin siya lumilingon.
"Oy Aries."
Kita ko ang pagsandal niya sa upuan at pagtaas baba ng balikat na para bang malalim ang buntong hininga niya.
Bumalik ulit siya sa ginagawa.
"Oy Aries."
Pansin ko ang pagtaas ng kamao niya na mahigpit ang hawak sa ballpen. Malakas din ang naging pagbuga niya ng hangin.
Meron siyang binubulong na hindi ko marinig at maintindihan. Mukang bumubulong na siya ng sumpa para sa 'kin.
May sa impakto pala talaga ang lahi namin.
"Oy . . ." Huminto ako sandali ng sumandal ulit siya. " . . . Aries."
Padabog siyang tumayo at hinarap ako. Agad naman akong rumolyo sa puting kumot niya para magtago kahit alam ko namang alam niya kung nasan ako. Nagmuka tuloy akong lumpiyang sariwa sa handaan.
Ayan na! Tago!
"Ano ba?! Nakaka-istorbo ka na!" inis na sabi niya sa 'kin.
Hindi ako nagsalita. Kumibot-kibot lang ako na parang uod na naputulan ng katawan at kikisay-kisay.
Naramdaman ko na lang ang pagtulak niya sa 'kin. Sinubukan kong manlaban pero dahil sa nakarolyong kumot nahirapan akong gumalaw. Nawalan din ng saysay 'yon ng maabot ko na ang dulong bahagi ng kama.
"Waaggg! Mahuhulog ako!"
"That's exactly my plan!" sagot niya at hinayaan akong malaglag.
Napa-aray na lang ako ng tumama ako sa sahig. Kahit makapal ang kumot na nakabalot sa 'kin naramdaman ko pa rin ang impact.
Mabilis akong bumangon para tignan ng masama ang walanghiya.
Akala mo! Talagang hindi ka bati ni Taurus.
"Ikaw pa galit?" tanong niya na may halong pagbabanta.
Ngumiti ako ng matamis. "Hindi. Tuwang-tuwa nga ako eh."
Tinalikuran niya ko at bumalik siya sa ginagawa niya. Pinilit ko namang alisin ang kumot na nakabalot sa 'kin. Nang makatayo ng maayos binalik ko sa kama niya 'yon.
Nakanguso akong lumipat sa bahagi ng kama na malapit sa kaniya. Naupo ako do'n at pinagmasdan ang likod niya. May gusto akong itanong sa kaniya kayalang ayaw naman niya pa-istorbo.
Siya na masipag mag-aral.
"Oy Ari—."
"The fvck!" sigaw niya sabay hampas ng palad sa ibabaw ng lamesa. "Suko na ko. Ano bang kailangan mo?" Inis niya kong hinarap.
Naks! Sumuko rin.
"Tatanong ko lang ang nangyari kanina. Paano mo kinausap ang guidance counselor?"
"Edi nagsalita ako. Nakakita ka na ba ng nag-uusap na walang salita?" sagot niya at tumalikod na naman.
Tang'na rin kausap!
Sa sobrang inis ko inambaan ko siya ng sabunot. Buti na lang at nakapagpigil ako at baka mauwi kami sa away.
"Ano ngang sinabi mo? Bakit na-areglo ng gano'n?" inis na tanong ko at nagpapadyak.
Hinarap niya ko at tinitigan. Napaka-seryoso ng itsura niya kaya tumigil ako sa pag-iinarte. Hinintay ko ang sasabihin niya kaya matagal-tagal din kaming natahimik.
Nagbuntong hininga siya. "Tinanong ko sila kung gusto ba nila na isang Watson ang kumausap sa kanila."
Parang may maliit na kamay ang sumampal sa puso ko ng marinig ko ang apilyido niya.
Ganiyan ang impact.
"A-Anong sabi nila?"
"Ayaw daw nila ng maraming usap dahil sobrang busy ngayon ng mga tao. Kaya pumayag silang kausapin sila Yuri," paliwanag niya.
Mabagal akong tumango. Tinamad lang pala sila makipag-usap. Akala ko naman natakot sila kay kumag na Keifer.
"'Yon lang pala."
"Okay na? Can I continue studying now?"
Tinitigan ko siya at ngumiti ng malapad. "Pwedeng makitulog?"
Umiling siya. "Hindi. Go back to your room." Tinalikuran na naman niya ko.
Nakasimangot akong tumayo at bumalik sa kwarto ko. Pero hindi para sundin ang utos niya. Kinuha ko ang isang unan ko at si Snorlax.
Mag-sleep over kami.
Mabilis akong lumakad pabalik sa kwarto ni Aries. Agad naman siyang lumingon ng marinig ang pagsara ko ng pinto.
"Sabing hindi pwede," inis na sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at lumapit na sa kama niya. Inayos ko ang mga unan at kumot para sa magiging pwesto namin. Nang matapos, saka ako humiga at ngumiti sa kaniya.
"Goodnight!" sabi ko.
Binaba niya ang hawak na ballpen sa lamesa bago tumayo at dumampot ng unan. Ihahampas niya 'yon sa 'kin kaya agad kong tinakpan ang ulo ko gamit ang mga braso ko kasunod ng pagsigaw.
"Masakit!" sigaw ko pero wala naman akong naramdamang tumama sa 'kin.
Napansin ko paggalaw ng kama at nang tignan ko, inaayos niya ang hihigaan niya. Napangiti ako ng malapad.
Hindi rin makatiis.
"Kulit," komento niya bago tumayo at bumalik sa table niya.
Kinuha niya ang cellphone niya bago nag-type do'n. Mukang meron siyang katext. Niligpit din niya ang mga gamit sa lamesa bago lumapit sa kama at ibaba ang cellphone niya do'n.
"Maliligo lang ako," sabi niya at pumasok sa banyo.
Agad kong dinampot ang cellphone niya. "Palaro."
"Ano ka bata?" sagot niya.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ang cellphone niya. Hindi pa rin pala niya nilalagyan ng password. Napangiwi nga lang ako ng makita ang wallpaper niya.
Silang dalawa habang magkayakap. Todo smile si Ella samantalang tipid na ngiti lang ang kapatid ko pero kahit gano'n kita ko pa rin ang kislap ng kasiyahan sa muka niya. Hindi ko nga lang makuha kung nakahiga pa sila o tabingi lang ang kuha at pilit tinuwid sa cellphone.
Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng inggit. Wala kaming picture ni Aries kahit yata no'ng mga bata kami. Siguro para sa iba simpleng litrato lang 'yon, pero para sa 'kin malaking bagay 'yon. Lalo na ngayon na bumabawi siya sa 'kin, sana magkaroon kami kahit kaunting litrato lang.
Bahagya kong nalayo ang cellphone ng biglang mag-ring 'yon. Gustong makipag-video call ni Ella.
"Aries! 'Yong jowabels mo, video call daw!" sigaw ko para sana marinig niya ko pero nangingibabaw ang tunog ng shower.
"Ano?!" sagot naman niya.
"Jowa mo! Video call!" mas malakas na sigaw ko.
"Hindi kita maintindihan! Kapag tumawag si Ella sagutin mo! Baka mahalaga!"
Ay sagutin daw. Edi sagutin.
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Sinagot ko ang tawag at ang makinis niyang muka ang bumungad sa 'kin. Hindi kagaya sa 'kin, butas ng ilong ang unang nakuhanan ng camera.
Iba talaga pagmaganda. Ilong ang nauuna.
"Jay? Bakit ikaw ang may hawak ng phone ni Aries?" tanong niya sa 'kin na may halong iritasyon.
"Naglalaro," inosenteng sagot ko.
"Pwedeng pakibigay kay Aries ang phone?" utos niya.
Umiling ako. "Naliligo siya. May kailangan ka?"
Kita ko ang iritasyon sa mga mata niya at kulang na lang sunod-sunod siyang umirap sa 'kin.
Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa arte niya sa 'kin ngayon. Matagal na kong yamot sa babaeng 'to, pinapalagpas ko lang. Pero hindi ko palalagpasin 'yong pinagdamutan niya ko ng pagkain bago kami lumabas ng ospital.
Yari ka sa 'kin, iinisin kita.
"Naliligo pa kasi si Aries, maghahanda siya sa pagtulog naming dalawa," sabi ko at ngumiti ng matamis.
"Pagtulog niyong dalawa?"
Ayan na, malapit-lapit na.
"Tabi kaming matutulog," pagyayabang ko at kita ko ang pag-awang ng bibig niya.
"Sa tingin ko hindi magandang magtabi kayo sa higaan. Pareho kayong dalaga at binata. Ano nalang ang iisipin—."
"Oy, magkapatid kami. Anong masama do'n?"
"Kahit na!" Tumaas na ang boses niya.
Mukang napipikon na talaga siya. Gusto kong ngumiti ng malapad at tawanan siya kayalang baka lalong magalit sa 'kin. Dapat sulit ang pambubuska ko sa kaniya.
"Ang dumi ng isip mo. Wala naman kaming gagawing masama. Magkayakap lang naman kaming matutulog."
Tuluyan ng lumabas ang pagka-inis niya sa 'kin. Kulang na lang hablutin niya ko mula sa cellphone at makipag-sabunutan sa 'kin.
"Alam mo, masyadong mahaba ang araw na to para kay Aries. Marami siyang ginawa at kailangan niyang magpahinga. Hindi makakatulong na dyan ka matulog."
Mautak din pero mas mautak ako.
"Hindi. Tutulungan ko siya matulog. Imamasahe ko siya. Lalamasin ko ang—."
"Oh my gad!"
"—ang mga masel niya." Kuwaring nagtataka ako sa reaksiyon niya. "Bakit ganiyan ka maka-react? Hindi ko naman mamanyakin ang kapatid ko."
Matalim niya kong tinignan bago siya ngumiti ng peke.
"Syempre hindi. Hindi 'yon magugustuhan ni Keifer."
Ay tang'na!
Bakit kailangan banggitin ang impakto na 'yon? Hindi yata alam ng babaeng 'to na masamang salita 'yon. Personal na ba ang labanan? Hindi talaga papayag matalo ang isang 'to.
Mas lalo naman ako!
"Kahit hindi niya magustuhan, wala naman siya magagawa." May halong pagyayabang ang tono ko. "At wala akong paki sa kaniya. Kahit magsama pa kayong dalawa."
"Wow, tapang," sabi niya na halata namang sarcastic.
"Oo naman. Kaya wag ka mag-aalala kay Aries. Ako na bahala sa kaniya. Yayakapin ko siya ng mahigpit para hindi siya makawala mamayang gabi," sabi ko sabay ngiti ng malapad.
Sandaling tumaas ang isang kilay niya bago bumawi ng ngiti. Sobrang tamis ng ngiti niya feeling ko maaubos siya ng langgam. Sana 'yong malalaking langgam.
"Sige lang, yakapin mo siya. Medyo malikot nga siya matulog, hindi kagaya ni Keifer na kaunti lang ang paggalaw pagtulog," sabi niya at kumindat pa.
Ano? Putang'na paki-ulit nga!
Napakurap-kurap ako ng ilang segundo. Kung hindi ko na naisip ang plano kong inisin siya malamang niratrat ko na siya ng mura.
"Hindi kagaya ni Keifer, mabilis makatulog si Aries kapag walang kayakap," pagdag niya pa. "Pareho naman silang hindi naghihilik."
Tang
"Pero mas mahimbing matulog si Keifer," pagpapatuloy pa niya.
I
"Pareho nilang gustong matulog ng walang pang-itaas."
Na
"Mas gusto nga lang ni Keifer na patay ang ilaw."
Mo
"Syempre hindi mawawala ang mahigpit na yakap paggising niya."
Ella
"At gusto rin pala niya yung hinahalikan siya pagka-gising," pahabol niya.
Ang balak ko inisin siya para makaganti sa pagdadamot na ginawa niya sa 'kin pero mukang iba ang nangyari. Mukang iba ang napikon sa sinimulan kong pang-aasar.
"Oh bakit? May nasabi ba kong hindi maganda?" kuwaring pag-aalalang tanong niya.
Pinakatitigan ko siyang mabuti bago kumurap-kurap. Bet kong gasgasan ang makinis niyang muka. Pinanganak yata siyang walang pores.
"Alam mo?" sabi ko at kita ko ang paghihintay niya sa susunod kong sasabihin. "Mamayang hating gabi." Tumaas ang isang kilay niya. "Dadakmain ko ang ano ni Aries."
Nanlaki ang butas ng ilong niya sa galit at gulat. "Ang ano?!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya agad kong pinatay ang video call. Lumabas ang Aries na naka-boxer shorts at sandong blue habang nagpupunas ng twalya sa buhok.
"Anong dadakmain mo?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin.
Narinig pala ako.
"Narinig mo mga sinasabi ko kanina?" balik kong tanong sa kaniya.
Umiling siya. "'Yong huli lang, kaso hindi ko maintindihan." Binato niya ang twalya sa isang basket malapit sa pinto ng banyo. "Ano nga ang dadakmain mo?"
'Yong ano . . .
"'Yong kumot mo," sagot ko na kinakunot ng noo niya sandali. "Bakit?"
Umiling siya bago gulihin ang buhok. Uupo na sana siya sa kama ng may kumatok at bumukas ang pinto. Sabay pa kami ni Aries na tinignan kung sino 'yon.
Si Kuya . . . may ginawa ba kong kasalanan?
"Olah Kuya!" bati ko.
Nangunot ang noo niya ng makita ako. "Bakit ka nandito?"
"Makikitulog."
"Whatever," sagot niya bago harapin si Aries. "I need a hand."
Tumango si Aries at naglakad palapit sa kaniya. Agad akong tumayo para sana sumunod pero pinigilan ako ni Kuya.
"Si Aries na lang. Manahimik ka dyan at bumalik ka sa kwarto mo, do'n ka matulog. Nang-iistorbo ka lang," sermon niya bago tumalikod at maglakad paalis.
Napaka-sungit!
Napangiwi na lang ako. Napailing si Aries bago sumunod sa kaniya. Naiwan akong mag-isa kaya naman nagpagulong-gulong na lang ako sa kama. Napatigil lang ako ng matamaan ko ang cellphone ni Aries.
Mukang hindi na talaga niya dinala. Dahil dyan continue ang pang-aasar kay Ella.
Mabilis kong dinampot ang phone at binuksan ang messenger ni Aries. Balak ko sanang i-message si Ella kayalang baka makita ni Aries at makagalitan ako.
Isusumpa ako niyan. Horoscope 'yan.
Naisipan kong maghanap ng magandang games at maglaro na lang. Aalis na sana ako sa messenger pero may message na biglang dumating galing sa buhay na coloring book. Wala naman sana akong balak pansinin 'yon ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit ganito ang mensahe niya.
'I need money'
Nangunot ang noo ko. Nangungutang ba siya? Bakit naman kay Aries siya nangungutang? Hirap na hirap na ba siya at nangungutang na siya? Alam ko na may kaya sa buhay ang babaeng 'to dahil may sarili siyang kotse.
Magka-mag-anak kaya sila ni Drew.
Nagkibit balikat na lang ako at itutuloy ko na sana ang balak ko pero panibagong message ang pumasok galing ulit sa kaniya. Sa pagkakataong 'to hindi ko na maiwasang hindi basahin ng buo ang message.
'Keifer is not givin . . .'
Putol na ang message. Nangangati ang daliri kong pindutin ang pangalan niya para lumabas ng buo ang message. Kayalang malalaman ni Aries na binasa ko ang message niya. Iisipin din ni Freya na online si Aries.
Kagat ko ang kuko ko habang nagtatalo ang isip ko kung babasahin ba o hindi.
Bahala na si Batman at Robin. Dalawa na sila para may back up.
Pinindot ko ang pangalan ni Freya at lumabas ng buo ang conversation nila. Tinignan ko muna ang huling message na dumating.
Freya:
"Keifer is not giving me money anymore. I'm blaming your cousin —turn out sister of yours."
BINIBIGYAN SIYA NI KEIFER NG PERA?
Hindi ko maintindihan kung bakit siya bibigyan ng pera ng Hari ng mga Ulupong. Alam kong pera niya 'yon at wala akong karapatan na pakialaman 'yon pero hindi ko pa rin maintindihan.
May kung anong kirot sa dibdib ko. Nanginginig ang labi ko kaya kinagat ko 'yon. Bahala ng makagalitan ni Aries pero maraming tanong ang isip ko na kailangang-kailangan ng sagot.
Tinignan ko pa ang mga naunang message. Sinubukan kong puntahan ang pinaka-una pero masyadong malayo. Kahit kakaunti lang ang conversation nila-tipong buwan ang pagitan, masyado pa ring malayo.
Hindi pa rin ako tumigil hanggang sa makahanap ng clue o ano mang sagot sa mga tanong ko.
Freya:
"I have a new car. He gave it to me.❤️"
Aries:
"Ano kapalit?"
Freya:
"None. Wala siyang karapatan na manghingi ng kapalit."
Aries:
"When will you stop?
Tigilin mo na si Keifer."
Freya:
"He promised this to me."
Nabitawan ko ang cellphone at hinilamos ang muka ko. Pati ang kotse niya si Keifer din ang nagbigay.
Pero bakit? Anong pangako 'yon?
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng conversation nila.
Freya:
"She's eww.
Stop talking to her."
Aries:
"Walang ginagawa sa 'yo si Ella."
Freya:
"Nalate ang bagong phone ko na bigay ni Keifer dahil sa kaniya!"
Aries:
"Just stop."
Freya:
"She's a silent bitch.
I can sense her."
Kung hindi ako nagkakamali, ito na ang panahong nasa Section A na si Ella. Kung titignan ko ang date sobrang tagal na ng pagitan ng mga sumunod na message. Para bang once in a blue moon lang talaga sila mag-usap.
Freya:
"You okay? How's your face?
Which is more painful?
Keifer or Yuri's fist?😂
Talagang papanindigan mo 'yan.
Pumili ka naman ng disenteng babae.
Mas bet mo talaga ang sosyaling palingkera?
She's a fvcking social climber."
Aries:
"One more insult.
Baka makalimutan kong kaibigan kita."
Freya:
"Whatever."
Nag-scroll pa ulit ako at naghanap ng mga clue pero parang palayo ng palayo ang mga sagot sa tanong ko. Hanggang sa isang message ang tuluyang bumasag sa 'kin.
Freya:
"I think your former friend still likes me."
Aries:
"Seriously? You're delusional."
Freya:
"Jeez. Gano'n na ba kalala tingin mo sa 'kin?"
Aries:
"When will you learn?"
Freya:
"Like, never?
I know for a fact, that he probably still likes me."
Aries:
"Go to sleep."
Freya:
"You don't believe me? Just wait."
Napahawak na lang ako sa muka ko. Kusang nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa 'kin ng mga nabasa ko. Kahit hindi malinaw sa 'kin kung siya sunusoportahan ni Keifer financially.
Hindi ko rin masabi kung siya ba ang former friend na tinutukoy ni Freya.
Lalo akong naguluhan kay Keifer, bakit kailangan niyang makisali sa mga nangyayari kay Freya? Bakit binibigyan niya ng pera ang babaeng 'yon? Pati ng kotse at cellphone? At alam ni Aries ang mga bagay na 'yon.
Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit pinakalma ang sarili ko. Tinignan ko ang date ng message. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yong mga panahong engage pa kami ni Yuri at alam na niya ang tungkol sa 'min ni Keifer.
Wala akong maintindihan. Sinubukan ko pang maghanap ng clue tungkol sa former friend na binanggit niya pero wala ng ibang nakalagay. Sinubukan ko ring hanapin ang dahilan ng pag-aabot ng pera ng Hari ng mga Ulupong sa kanya pero wala rin.
Paano kung si Keifer pala 'yon? Dati silang magkaibigan ni Aries.
Naguguluhan ako at hindi ko maiwasang hindi nasasaktan. Masakit at mabigat pa rin sa dibdib. Gulong-gulo na ko. Paano kung si Freya pala talaga ang gusto niya? Mali yata ako na alalahin si Ella dahil ibang babae pala ang kinahuhunalingan niya.
Napadapa ako kasunod ng pag-iyak. Nahihirapan ako dahil wala akong makuhang sagot sa mga katanungan ko. Kailangan na niyang umuwi para magpaliwanag. Dapat ng tapusin to kung hindi naman pala talaga ako ang mahal niya.
Bumalik ka ng tukmol ka para masapak na kita!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro