Chapter 262
School Bukol
Jay-Jay's POV
Ayokong pumasok! Alam kong ang haba na ng bakasyon ko mga 3 days din. Kayalang wala pa rin akong gana.
Gumawa kaya ako ng excuse letter? Nakalagay 'extended ang hospitalization' ko. Tatanggapin kaya nila 'yon?
Kayalang baka tawagan nila si Kuya Angelo. Ayun talaga! Paniguradong babalik ako sa ospital. Baka matapyasan na ko ng tenga sa kakapingot niya. Kung namamalo nga siya malamang paga na ang pwet ko kakapalo niya.
Buti na lang hindi.
Nakarinig ako ng lagabog sa pinto ng kwarto ko. 'Yong lagabog na parang masisira ang pinto. Syempre alam ko na kung sino 'yon.
Lintik! Daig pa may sunog kung makakatok.
"Ang bagal!" sigaw niya.
"Oo na! Ikaw ba magbubukas ng school at kailangan lagi ka maaga?!" inis na sagot ko.
Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang Horoscope.
Ay hindi pala naka-lock.
"Ano? May sinasabi ka?" tanong niya at agad ko namang kinuha ang bag ko.
"Ito na nga. Alis na tayo. Dapat lagi maaga sa school para makarami. Most factual tayo," sabi ko habang naglalakad.
Alam ko namang nakasunod siya dahil ramdam ko ang masama niyang tingin sa 'kin. Malamang na iniisip na niya kung paano ako papatayin.
"Factual? Baka punctual."
Haha mali pala ako.
"Oo nga. Medyo bobo tayo sa part na 'yon," sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Bobo ka lang talaga," sagot niya at pasimple ko siyang nginusuan.
Nagsalita ang matalino.
Hiyang-hiya ako sa kaniya. Sino kayang mulala ang nakidnap kakahanap ng cellphone? 'Di ba? Shunga rin! Kalalaking tao na-kidnap. Puro Ella kasi laman ng utak.
Nakarating kami sa garahe at ngayon ko lang naisip na nakauwi na pala ang kotse niya. Buti pa siya marunong umuwi. Sana hindi all. Kasi nakakatakot ang kotseng marunong umuwi mag-isa.
"Pwedeng mag-request?" tanong ko habang busy sa pagmamaneho 'tong kapatid ko.
"Ano?"
"Hindi ako papasok, wag mo sasabihin kay Kuya Angelo."
Try-try lang. Baka lumusot.
"Sige," walang buhay niyang sagot.
"Weh?" Parang hindi true.
"Wag ka pumasok. Hindi ko sasabihin kay Kuya."
Napapalakpak naman ako sa tuwa. Kulang na lang pumalakpak din ang tenga ko. Unti-unting lumawak ang ngiti ko.
"Ite-text ko na lang," dagdag niya na nagpabagsak ng balikat ko at nagpa-urong sa ngiti ko.
Ayos talaga kausap to. Sarap niyang ibalik sa ospital. Banatan ko kaya siya rito tapos sabihin ko mga kalaban niya may gawa. Kapag tinanong kung sino isasagot ko na lang samahan ng mga tukmol at laging gutom.
Jay-jay gang and corporation.
Napilitan akong manahimik at isandal ang likod ko. Walang pakikisama 'tong kapatid ko.
Hindi naman sa tinatamad ako mag-aral pero isa 'yon sa dahilan—Given na 'yon parte na ng buhay istudyante 'yon eh—Pero ang tunay na dahilan talaga ay baka ipatigil ng school ang klase dahil pumasok na ang tunay na dyosa. Charot.
Feeling ko maling gamot ang nasaksak sa 'kin sa ospital.
Nahihiya kasi talaga ako sa mga Ulupong. 'Yong inasta ko no'ng nangangailangan ng tulong ang Hari nila. Matapos niya kong iligtas, itinaboy ko lang siya no'ng siya naman ang nangailangan. Napaka-walang kwenta ko sa part na 'yon.
Huminto ang kotse ni Aries sa parking at halos itali ko na sa leeg ko ang seatbelt para lang wag niya ko palabasin.
"Dito muna ko," pakiusap ko.
"Labas." May pagbabanta sa boses niya.
"Mamaya na."
"Tatawagan ko si Kuya."
Ayun! Nauna pa kong lumabas sa kaniya. Pabalibag kong sinara ang pinto.
"Bahala ka! Hindi ka bati ni Taurus!" sigaw ko at mabilis naglakad paalis.
Napatingala ako sa malaking building sa harap ko bago tuluyang maglakad papasok. Bakit parang hindi ako masaya na nandito na kami sa bagong building? Mas bet ko pa rin sa mukang tambakan na building namin. Kahit puro basura 'yon masaya do'n.
Nakasimangot akong pumasok sa building at agad akong pinagtinginan ng mga istudyanteng taga-ibang section.
Ito pang isang problema dito. Tadtad ng kalaban ang buong building, paano kung bigla na lang kaming sugurin ng mga 'to? Pagtulong-tulungan kami.
Nagtuloy na ko sa hagdan papunta sa floor ng room namin. Hindi pa rin mawala sa isip ko na baka pag-initan nila kami lalo na ngayon na mas malapit na kami sa kanila. Baka mamaya tambakan na naman kami ng basura. O kaya habang naglalakad kami sa hagdan bigla na lang kaming itulak.
Saktong may kasalubong akong dalawang babae na Section B. Nagtatawanan sila at bahagyang nagsisikuhan. Malamang na paraan nila 'yon para maitulak ako. Mamaya lang lalakas na ang tulakan na 'yan pagtumapat sila sa 'kin.
Uunahan ko sila!
Agad kong pinalipad sa ere ang dalawang kamay ko, sabay taas ng isang paa na parang nanga-ngarate.
"Hindi niyo ko maaapi!" sigaw ko sa kanila.
Halatang nagulat ang dalawa sa ginawa ko at lumayo sa 'kin. Hindi nila inalis ang tingin sa 'kin habang patuloy sa pagbaba sa hagdan.
"'Di ba Section E siya?"
"Baliw."
Dinig ko pang sabi nila habang nagmamadali makalayo sa 'kin. Hindi siguro sila makapaniwala na naunahan ko plano nila.
Ako pa!
Naglakad na ulit ako paakyat ng hagdan. Panibagong grupo ng istudyante ang kasalubong ko. Mga lalaki sila na kung hindi ako nagkakamali ay mga Section D. Mga tunay na kalaban!
Agad kong sinuntok-suntok sa ere ang kamao ko at sumipa na hindi naman abot sa kanila. Gulat na gulat sila na may napaupo pa sa pagkabigla. Ang iba naman napakapit sa katabi.
"Ano 'yon?!" gulat na tanong isa sa kanila.
"Hindi niyo ko kaya!" sigaw ko at akmang sisipain sila pero mabilis silang nagtakbuhan.
Magkaka-iba pa ang direksyon nila kaya nagkahiwalay-hiwalay sila.
"Problema no'n?!"
"Nabaliw na yata."
"Sira-ulo! Sino ba 'yan?"
Nawala na sila sa paningin ko. Ang ibang istudyante na nakakita sa 'min ay agad na umalis at umiba ng direksyon. Maganda 'yan, umiwas kayo sa 'kin.
Dahil naman do'n, tahimik akong nakarating sa room namin. Akala siguro ng mga 'yon, magagawan nila ako ng masama. Wais to men, wais!
Handa na sana akong buksan ang pinto ng room namin pero nagdalawang isip kagad ako. Paano kung hindi na pala ako welcome? Paano kung hindi na nila ko tanggap dahil sa ginawa ko sa Hari nila? Paano kung....haizt!
Bahala na.
Binuksan ko ang pinto. Halos walang pinagbago sa mga asta nila tuwing papasok ako. Nagkakagulo, nagku-kwentuhan at nagkukulitan. Ayoko mang humakbang papasok, wala akong choice.
Inaasahan ko ng hindi nila ko papansinin o kaya naman paparinggan ng masasakit na salita. Pero paghakbang ng paa ko papasok—.
"Good morning Jay," bati ni Denzel na nakikipagkwentuhan kay Josh na siya namang tumango sa 'kin bilang pagbati.
"G-Good morning," ilang na sagot ko.
Binati nila ko na parang walang nangyari. O baka sila lang 'yon? Baka ang iba sa kanila galit pa rin sa 'kin.
"Aga mo Jay," bati ni Drew habang naglalakad palapit sa pwesto niya.
"Hello Jay!" bati ni Eren na medyo malakas kaya tumingin ang iba sa 'kin at kumaway.
Ilang kong tinaas ang kamay ko para kumaway din.
"Jay-jay!" masayang bati sa 'kin ni Ci at ngumiti ng labas ang gilagid.
Agad akong lumapit sa pwesto ko at binaba ang bag ko.
"Bakit ganyan itsura mo?" tanong niya. Nahalata siguro niya na hindi ako mapakali.
"H-Hindi ba sila galit sa 'kin?"
Umiling siya. "Hindi. Bakit naman sila magagalit?"
"'Di ba? 'Y-Yong sinabi ko no'ng kay Keifer?"
Sandali niya kong tinitigan na para bang pilit inaalala ang mga nangyari no'n. Mabilis naman siyang napa-tango-tango ng tuluyan na niyang maalala.
"'Yon ba? Okay na 'yon, naiintindihan naman nila. Pinaliwanag na ni Yuri na may takot ka sa dugo kaya gano'n ang naging reaksyon mo."
Nakahinga ako ng maluwag. Buong akala ko masama ang loob nila sa 'kin dahil do'n.
Napadukdok naman ako sa table ko. Sobrang nakakapagod tong mga nakaraang araw. Pero mas nakakapagod mag-isip lalo na kung wala naman talagang isip.
Sakit yata no'n.
Napatingin ako kay Ci-N na busy sa mga maliliit na laruan sa table niya. Gusto ko kasing itanong sa kaniya kung may balita ba siya sa Hari nila. Gusto ko sana siyang i-message kaso hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Isa pa napaka-desperada ng gagawin ko na 'yon.
Malalim ang buntong hininga ko pero naudlot ang pag-iisip ko ng may tumalsik na balat ng mani sa table ko. Kinuha ko 'yon at tinignan. Hinanap ko agad kung saan galing at nakita ko naman si Kit na may kinakain. Katabi niya si Mayo na nakatalikod sa gawi ko.
Lumapit ako sa kanila at binalik ang balat ng mani. Ngumiti sa 'kin si Kit.
"Gusto mo Jay?" alok ni Kit.
"Wag mo bigyan 'yan," singit naman ni Mayo at nilayo ang supot ng mani.
"Edi wag! Saksak mo sa baga mo!" inis na sabi ko.
Mabilis siyang binatukan ni Kit. "Wala kang karapatan magdamot. Ako may dala niyan."
Harap-harapan ko siyang pinagtawanan. Halata naman ang inis sa 'kin ng gago—gaga—gago—basta kung ano siya!
Umupo ako sa upuan sa harap ni Kit. Kumuha rin ako ng mani at naki-balat-balat. Inipon ko muna sa isang sulok at kapag marami na tsaka ko kakainin. Nakakapagod ang balat-kain-balat-kain. Mas gusto 'yong balat-ipon-balat-ipon-kain.
"Ano naman naisipan mo at nagdala ka nito?" sabi ko at nagpatuloy sa pagbabalat.
"Mahilig siya sa mani," sabi ni Mayo at ngumiti ng nakakaloko. "Pero mas bet talaga niya ang hotdog."
Mabilis na umitsa ang paa ni Kit para sipain sya. Nakatingin lang naman ako sa kanila dahil hindi ko maintindihan kung bakit nadamay ang hotdog sa usapang mani.
"Masakit ah," reklamo ni Mayo habang hinihimas ang tagiliran na tinamaan ni Kit.
"Lumayas ka nga rito. Sasamain ka sa 'kin," banta niya.
"Bakit ako pinapaalis mo?"
"Sino bang bwisit dito?"
Bigla na lang ako tinuro ni Mayo.
"Bakit ako?" reklamo ko.
"Gusto mo ng flashback?" sarcastic na tanong niya.
"Tumigil ka na nga! Tapos na 'yon. Nakaganti ka na 'di ba? Sinampal mo siya," sabi ni Kit.
"Kulang pa 'yon. Dapat dyan mag-asawa sampal binibigay," sagot naman niya na nagpatigil sa 'kin.
"Hindi ka pa rin nakaka-move on? Na-kidnap na ko at niligtas n'yo tapos 'yan pa rin issue mo?" seryosong tanong ko.
"Mayo tumigil ka na," singit ni David na nakikinig pala sa 'min.
Gising pala siya. Kala ko tulog.
Napatingin tuloy ang ibang malapit sa 'min dahil sa sinabi ni David. Pati si Ci-N tinigil ang paglalaro at tumingin din sa 'min.
"Masisisi mo ba ko? Laking problema sa 'min ng nangyari," sabi ni Mayo.
"Sa 'kin ba hindi? Baka nakakalimutan mong nasaktan din ako. Sobra-sobra pa nga dahil ang dami niyong trumaydor sa 'kin."
"Ikaw nga dapat ang sampalin niya. Dahil sa pang-ga-gago mo sa kaniya," singit ni Kit.
Umiwas siya ng tingin pero sinalubong naman siya ni David ng may pagbabanta. Agad siyang humarap pabalik sa 'kin. Huminga pa siya ng malalim bago ilapit ang pisngi sa 'kin.
"Oh ayan na! Sampal na! Gumanti ka na," sabi niya habang tinituro ang pisngi.
Inamba ko naman ang palad ko pero sa halip na sampal, tapik lang ang ginawa ko.
"Okay na 'yon. Wag mo na isipin. Deserve ko naman," sabi ko at tipid na ngumiti sa kaniya.
Kita ko ang paglambot ng tingin niya sa 'kin. Alam ko namang tukmol 'tong si Mayo pero isa rin naman siya sa nagtatanggol sa 'kin dati. Kahit madalas kaming mag-away.
Kapour!
"Kung inisip ko lang talaga mga sinasabi ko no'n. Baka hindi kayo nag-away-away," sabi ko pa at mabilis akong nginitian ni Kit.
"Pero malamang na mag-away-away din kami sa huli kapag nalaman na nila ang totoo. Mabuti na rin sa 'kin nanggaling."
"Okay na? Wala ng sampalan?" sabi ni Mayo.
"Ako na lang sasampal," biglang sabi ni Ci-N na nasa harapan na namin.
Bago pa makasagot ang Mayo tumama na ang palad ni Ci sa muka niya. Tuwang-tuwa pa siya habang pumapalakpak palayo matapos masampal ang kaharap. Sa sobrang gulat walang nakapagsalita sa 'min. Huli ko na rin napansin na gumawa na ng pila ang mga lintik na Ulupong.
"Pasampal!"
"Ako rin! Ako rin!"
"Lakas-lakasan niyo!"
"Mga gago kayo—!" Hindi na natuloy ni Mayo dahil may sumampal na naman sa kaniya.
Sinubukan pang manlaban ni Mayo pero may pinabagong sampal na naman siyang natatanggap. Minsan sa mismong muka pa talaga patatamaan at pati na rin sa noo o kaya sa dibdib.
Tuwang-tuwa naman ang mga Ulupong. Matapos ang sampalan nanlalambot na bumagsak ang ulo ni Mayo sa lamesa.
"Ang sakit . . ." Umiiyak na sabi niya habang nakaharap kay Kit. "Himasin mo ko. Masakit talaga."
Literal na may luha ang lintik.
Hindi naman siya pinapansin ni Kit. Patuloy pa rin sa pagbabalat at pagkain ng mani 'tong isa. Siniko ko siya at tinuro si Mayo.
"Himasin mo daw muka niya," sabi ko.
Napasimangot si Kit.
"Wag sa muka," sabi ni Mayo. "Do'n sa baba—."
Tumilapon si Mayo. Literal. Muntik pa siyang tumama sa kabilang lamesa. Malakas na sipa kasi ang ginawa ni Kit para mapatahimik siya.
Kaso hindi ko naman narinig ang huling sinabi niya kaya hindi ko na lang pinansin. Tinuloy ko na lang ang ginagawa kong pag-iipon pero napatigil ako ng mapansin na nawala ang iniipon kong mani.
Tinignan ko agad ang sahig dahil baka natapon ng hindi ko namamalayan pero wala talaga. Malinis na para bang nahigop ng vacuum.
"Nakita mo inipon ko?" tanong ko kay Kit pero umiling lang siya.
"Wala sa sahig?" balik niyang tanong sa 'kin.
"Wala," sagot ko at tatanongin sana si Mayo na kasalukuyang pinapagpag ang damit kaso nakay Kit lang ang paningin niya kanina pa.
Tengene! Nasalisihan ako!
"Sino nanguha ng mani ko dito?!" inis na tanong ko.
Nagtawanan ang mga loko. Akala yata nagbibiro ako. Seryoso ako! Inipon ko ang mga mani na 'yon!
"Sino nga nanguha?! Umamin na!"
Lalong nagtawanan ang mga lintik na Ulupong.
"Sinong tirador ng mani dyan?"
"Ito si Eren!"
"Wala akong kinukuhang mani!"
"Kingina! Iniipon ko 'yon!"
"Ilabas niyo na nga ang mani ni Jay-Jay!" sabi ni Mayo pero naduktongan ng malakas na tawa. "Dapat yata mani ni Kit. Kay Kit talaga kasi 'yan. Nanghingi lang si Jay-jay."
Sunod-sunod na nagtawanan ang mga walanghiya.
"Ilabas niyo na mani ni Kit," sabi ni Eren at tumawa ng sobrang lakas. "Si Kit may mani. Gago!"
Bwisit 'tong mga 'to!
Walang tigil sa pagtawa ang mga loko. Nakita ko ang pamumula ni David habang nakatingin sa 'kin. Mabilis siyang dumukdok ng mapansing nakatingin ako sa kaniya.
Bago pa man ako makapagmura ng malakas-lakas dumating na si Sir Alvin at nakangiting bumati sa 'min.
Bumalik ako sa pwesto ko ng nakasimangot. Nasayang ang pag-iipon ko sa wala.
"Nag-e-enjoy naman kayo sa bago niyong room?" tanong ni Sir Alvin.
"Oo sana Sir."
"Lalo na kung bukas ang aircon."
Halos sabay-sabay silang tinuro ang malaking aircon sa likod. Muka namang luma na at hindi gumagana. Kaya hindi na rin ako umaasa sa aircon.
"Ahh 'yan ba?" Merong kinuha si Sir sa drawer sa table niya.
Puting remote na tinapat niya sa aircon at pinindot. Bumukas ang aircon at nagsimulang bumuga ng malamig na hangin. Halos sabay-sabay kaming napa-yes. Sobrang presko at hindi na namin kailangan magtiis sa iisang ceiling fan na meron kami sa room namin dati.
"Ando'n lang pala ang remote," sabi ni Ci-N at napansin kong may nginunguya siya.
Nakita kong may dinudukot siya sa bulsa ng polo niya at diretso sa bibig. Pinagmasdan kong mabuti 'yon at mabilis na nanlaki ang butas ng ilong ko sa inis.
"Ikaw ang nanguha, talipandas ka!" sabi ko at akmang hahampasin siya pero mabilis siyang umiwas.
Siya pala ang kumuha ng inipon kong mani ni Kit. Kasi hiningi ko lang kaya mani pa rin ni Kit 'yon.
"Pahingi lang," sagot niya na animong nagpapaawa.
Hingi, tapos kinuha lahat.
"Ayos ka rin," sabi ko at akmang kukuhanin ang nasa bulsa niya.
Napatingin kaming lahat sa pagbukas ng pinto. Pumasok ang Yuri na may magulong buhok. Ang salamin niya, malabo pa ang isang lens. Gusot din ang uniform niya at wala sa ayos.
"S-Sorry po late ako," sabi niya at yumuko kay Sir bago dumiretso sa pwesto niya.
Nakasunod ang mga mata ko sa kaniya. Ngayon lang siya na-late ng ganito tapos gano'n pa ang ayos niya. Pag-upo niya inayos kagad niya ang buhok niya.
Nagsalubong ang tingin namin ng humarap siya sa gawi ko. Mabilis siyang ngumiti sa 'kin. Hindi ko itinago ang pag-aalala ko sa kaniya pero siniguro niya na okay siya sa pagngiti ng matamis sa 'kin.
Napilitan akong humarap ulit kay Sir kahit marami akong tanong sa kaniya.
"Ngayon lang siya nagkaganiyan," sabi ni David na hindi tumitingin sa 'kin.
Pasimple akong tumango dahil totoo naman. Hindi ko maiwasan na hindi isipin ang nangyari sa kaniya. Maalaga ang Nanay niya at lagi sinisigurog maayos ang lahat sa kaniya. Madalas kapag pumasok siya maayos ang damit at ang itsura niya tapos dito na lang malulukot ang uniform niya.
May nangyari kayang hindi maganda.
"Wala pa rin ba si Keifer?" biglang tanong ni Sir na nagpatalon ng puso ko.
Tsk! Sir! Don't say bad words!
Pangalan palang niya ganito na agad epekto sa 'kin. Hindi to maganda! Baka bigla na lang humiwalay ang puso ko sa 'kin sa susunod.
Ayaw ko pang mawalan ng puso.
"Wala pa Sir," sagot ni Felix.
Tumango-tango lang si Sir habang nakatingin sa records niya. Napansin ko agad ang pagsulyap niya sa 'kin at pagsilay ng pilyong ngiti.
"Ang tagal ding bumalik," mahinang sabi ni Sir. "Ms. Mariano?"
Whut?
"Ano? Sir?! Bakit ako tinatanong niyo?! Malay ko diyan sa lalaki na 'yan?! Paki ko sa kaniya! Baka extend ang vacation! Wala akong alam! Do'n na lang siya! Bwisit siya! Nakakatuwa nga 'yon wala ng peste! Baka may babae na 'yon do'n kaya hindi makaalis! Malamang mas masaya siya do'n! Masaya rin kami rito! Happy-happy!" sabi ko at naghabol ng hininga.
Napakamot ako sa ulo. Ang O.A naman yata ng sagot ko. "Hayaan na po natin baka nagpapahinga lang. May ano kasi—sa ano—likod—may ano—." Pilit kong tinuturo ang likod ko pero hindi ko masabi ng diretso na nabaril siya.
Malamang kasi na magtanong siya ng magtanong. Mahirap mag-explain.
Napansin ko ang mahinang tawanan ng mga Ulupong at ni Sir Alvin. Napasibangot ako. Ang dami kong sinabi wala namang kinalaman sa tinatanong ni Sir.
Ano nga ulit tinatanong ni Sir?
"Ano nga po ulit 'yon Sir?" tanong ko habang napapakamot sa ulo.
"Itatanong ko sana kung okay ka na. Kalalabas mo lang ng ospital 'di ba?" tanong niya na may nakakaasar na ngiti.
Iba pala ang nasa isip ko. Akala ko tungkol kay Keifer ang itatanong niya.
"O-Okay na po. Alive na alive pwede na mag-kicking."
Nadinig ko na naman ang tawanan ng mga luko. Bahagya kong nilingon ang iba sa kanila. Narinig kong umubo si Felix pero may kasamang salita na agad ko namang naintindihan.
"Miss *ubo* na niya *ubo*!"
Agad ko siyang tinignan ng masama pero malapad na ngiti lang ang sinagot niya sa 'kin.
Pagtripan niyo ko mga tukmol kayo!
"Hindi ko siya na-mi-miss!" depensa ko.
"Wala naman kaming sinasabing ikaw 'yon," natatawang sagot ni Felix sa 'kin.
"Nakow! Alam na!" sigaw ni Rory at agad silang naghiyawan.
"Shutanginamers kayo!" sabi ko habang pinanlalakihan ko sila ng mga mata.
Lalo silang nagtawanan at naghiyawan. Tinignan ko si David para sana manghingi ng tulong pero nakikitawa rin siya sa mga Ulupong na 'to.
"Gutom lang 'yan Jay," sabi ni Eman kaya tumingin ako sa kaniya. "Gutom sa pagmamahal ni Keifer." Dagdag niya at tuluyan ng nagwala ang mga mokong na 'to.
Mga sira-ulo kayo!
Bago pa man ako mainis ng husto sa mga pinagsasa-sabi nila, pasimple kong tinignan si Yuri. Hindi ko maiwasan na hindi siya alalahanin.
Pero parang hindi siya apektado. Halata kasing malalim ang iniisip niya. Bukod do'n tulala siya at hindi na napansin ang pagkahulog ng salamin niya.
"Tama na 'yan. Start na tayo," sabi ni Sir kaya napilitan akong tumingin sa harap.
Gusto ko pa sana tumingin kay Yuri. Gusto ko siyang lapitan at alamin kung okay lang ba siya.
++Don't forget to Vote, Comment and Share. ++
Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Author's FB Page: Lara Flores - eatmore2behappy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro