Chapter 9
Order
Yuri's POV
"Ano'ng sabi ni Ci-N?" I asked.
"Halata daw ang sugat niya sa mukha... Hindi daw muna siya papasok," Keifer answered.
Nakarating kasi sa 'min na nakipag-away siya. Pito raw ang nakaharap niya. Knowing Ci-N, alam naming kaya niya 'yon pero nung sinabi niyang may natamo siyang sugat at pasa, malakas ang kutob naming hindi basta-basta ang mga nakalaban niya.
"Galing daw siya kina Jay-jay nung sinalubong siya ng mga loko," dagdag ni Felix habang kumakain.
Napataas ang isang kilay ko. Jay-jay?
"Ano namang ginawa niya do'n?" Keifer asked.
"Hinatid yata..." sagot niya kasunod ng malakas na pagdighay.
Arrghh! Kadiri!
Tiningnan ko siya nang masama. "Saan na naman ba galing 'yang kinakain mo?!" galit na tanong ko sa kaniya.
"Kay Jay-jay."
Seriously?
Nagsalubong ang tingin namin ni Keifer.
"Akala ko ba,wala na dapat babae sa section na to? Bakit parang wala siyang balak lumipat?"
"Ayaw niya, eh. Ano'ng gagawin ko?" Keifer answer boredly.
"Baka kasi kulang pa yung ginawa niyo? Yung nauna sa kaniya, isang beses niyo lang pinagtripan."
"Talagang papaalisin na natin si Jay-jay? Sayang naman..." singit ni Felix.
"Felix, napag-usapan natin to dati, 'di ba?"
"Yeah..." he answered shortly.
Binalik ko yung tingin ko sa harap at inayos ang salamin ko. Hindi sa galit ako sa babae or something pero babae kasi ang naging dahilan ng kaguluhan namin.
Ayoko nang maulit 'yon. Napapagod na nga ako sa mga nangyayari sa bahay, pati ba naman dito?
+++++++++++++++++++++++++++++
Jay-jay's POV
Para akong tanga rito sa kotse ni Aries. Hindi kasi ako gumagalaw. Kung pwede ko nga lang pigilin yung paghinga ko, ginawa ko na kanina pa. Buti na lang hindi ako nauutot.
"Uhmm... Aries..." panimula ko pero deretso pa rin ang tingin niya. "Alam kong galit ka sa 'kin. Gusto ko sanang mag-sorry—"
"Jay, your sorry won't change anything," seryosong sagot niya.
"I-I know... I just want to—"
Bigla niyang hinampas yung manibela ng kotse. Medyo nagulat ako pero gano'n pa rin yung itsura niya. Sayang yung eEglish ko.
Ayokong dagdagan ang galit niya sa 'kin. "Aries... Pakihinto yung kotse. Dito na lang ako."
Kaya lang hindi niya ko pinansin at tuloy-tuloy pa rin ang kotse. Hanggang sa makarating kami sa school at inihinto niya sa parking. Bababa na sana ko pero naka-lock pa rin yung pinto ng kotse.
Tiningnan ko siya pero tahimik lang siya. He released a heavy sigh.
"Matagal bago mawala ang galit... Sundin mo na lang ang gusto ko at ni Kuya, baka sakaling magbago 'yon."
In-unlock niya yung pinto at lumabas. Lumabas na rin ako agad at naglakad palayo sa kaniya.
Baka sakaling magbago...
Binibigyan niya ako ng chance. Ito na 'yon. Pwede na kaming magkasundo ni Aries. Papatunayan ko na nagbago na talaga ko. Yeah! I'm a good girl now.
Nakangiti akong pumasok sa room namin. Pero nawala rin 'yon nang makita ko yung upuan ko. Nando'n kasi yung bahagi ng palda kong nadikit sa bangko.
Tiningnan ko nang masama yung grupo ni Keifer. Aba! Pumasok na si Yuri! Poker face lang ang loko pati si Keifer.
Dahil para sa 'kin, parte ng masakit na nakaraan itong retaso ng palda ko, hindi ko na aalisin 'yan. Diyan na 'yan forever. Kuhanan ko picture mamaya. Kinapa ko muna yung upuan bago maupo. Mahirap na!
Agad kong hinalungkat yung bag ko para kunin yung notebook at libro ko. Kaya lang dahil sa dami ng chocolate sa bag ko, nahirapan akong kunin 'yon.
Bakit parang ang lalim ng bag ko?
Napadami yata yung dala kong chocolate. Sina Ci-N at Felix lang naman yung bibigyan ko. Si Kuya Angelo kasi may kasalanan nito, eh.
Sobrang dami niyang pasalubong sa 'kin. Meron pa ngang damit at handbag. Para namang gagamitin ko 'yon.
Lumingon ako sa likod para tawagin si Felix. Halatang kakakain lang niya ng Nova. Dinidilaan pa niya yung daliri niya eh. Eewww!
"Felix! Tara dito!" tawag ko.
Tatayo na sana siya para lumapit pero pinigilan siya nung Yuri. Problema nito?
"Kung ikaw ang may kailangan, bakit hindi ikaw ang lumapit?" sabi ni Yuri.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Napakasungit pala nito! Inirapan ko naman siya.
Kumuha na lang ako ng isang malaking chocolate sa bag.
"Felix!" tawag ko at hinarap ang chocolate sa kaniya.
Parang asong naglaway ang loko. Pati mga classmate namin, napatingin na rin at mga kuminang ang mata sa hawak ko. Ngayon lang ba nakakita ng chocolate 'tong mga 'to?
Pati si Keifer tumingin din sa 'min pero naka-poker face lang.
Walang nagawa si Yuri nang tumakbo si Felix palapit sa 'kin para kuhanin yung binibigay ko.
"Akin talaga 'to?!" tuwang-tuwang tanong niya pagkakuha ng chocolate.
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Oo... Sa 'yo 'yan."
Parang batang nagmamadali si Felix sa pagbukas ng kahon ng tsokolate. Dahil sa taranta, hindi niya mabuksan nang maayos hanggang sa agawin na ito sa kaniya ni... Keifer?
"Bagal mo!" reklamo niya at sandaliang binuksan ang kahon.
Kumuha siya ng kaputol at ibanalik 'yon kay Felix.
Taka ko siyang tiningnan. Mahilig din pala sa chocolate 'to pero mukhang ayaw niyang ipahalata. Tumaas ang isang kilay niya nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Ay shit! Bakit nga ba ako nakatingin sa kaniya?
"Gusto mo talagang nagdadala ng pagkain, 'no?" Keifer suddenly asked.
"Huh?!"
"Then I have a task for you," he said and get back to his seat.
Magtatanong pa sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin pero biglang dumating si Sir Alvin.
Ano kayang task yung ibig niyang sabihin? Kinakabahan naman ako. Mamaya, kalokohan na naman nila 'yon. Baka pagtitripan na naman nila ako. Ano na namang kayang balak nitong mga 'to? Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa tinuturo ni Sir.
Bakit nga pala wala pa rin si Ci-N? May nangyari na kaya sa kaniya? Naisip ko tuloy yung mga lalaking sumusunod sa kaniya.
Natapos ang klase. Nag-ayos na ako ng gamit para makaalis na ako dito at makapag-lunch sa hide-out ko. Gutom much!
"Jay!" tawag sa 'kin ni Felix.
Tiningnan ko siya at napansin kong palapit silang lahat sa 'kin. As in lahat! Buong klase pati sina Keifer and Yuri.
"Oh!" sabi nitong Keifer habang may inaabot na papel.
Kinuha ko 'yon at tiningnan.
Order #1
2 rice/ menudo/ 1 bottled water.
Order #2
2 1/2 rice / sinigang na hipon / orange juice
Order #3
Lasagna / iced tea
And so on....
"Ano 'to?" takang tanong ko.
"Order namin. Ikaw ang bumili sa cafeteria," sabi ni Keifer. Bakit ako? Ayos 'to! Nakakuha ng katulong ang hayop!
"Ano?! Ang dami niyan? Hello? Iisa lang kaya ako!"
"E di gawan mo ng paraan," sagot ni Yuri.
Woah... Kapang-init ng ulo 'to, ah! Hinga nang malalim.
"Bakit ba ako ang inuutusan niyo?"
"Mahilig ka lang din namang magdala ng pagkain, e di panindigan mo na. Ikaw magdala ng mga pagkain namin dito," sabi ni Keifer habang nakapamulsa ang isang kamay.
"What makes you think that I will follow you?!" sabi ko nang may pagtataray.
English 'yan para sulit sa katarayan. Akala niyo sa 'kin? Basta-basta susunod? Hindi, uy! Wais 'to, men, wais!
"Simple..." panimula niya. Biglang nag-iba ang itsura niya. Naka-smirk at malalim ang tingin sa 'kin at unti-unting siyang naglakad palapit sa 'kin. Ewan ba... May kung ano sa tingin niya at napaatras ako. Sa bawat hakbang niya ay bawat atras ko naman. Hanggang sa napahinto ako dahil sa lamesa sa likod ko.
Parang pati puso ko ay nataranta at tumibok na lang nang malakas at mabilis.
Hoy, puso! Bakit ka nagkakaganiyan?!
Sa magkabilang side ko, unti-unting pinadaan ni Keifer ang dalawang kamay niya hanggang sa mailapag niya 'yon sa lamesa sa likod ko. Wala na talaga akong kawala. Corner na corner na ako! Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin kaya bahagya akong lumiyad para mapalayo.
"Hindi mo gugustuhing gutumin kami. Nananakmal kami. Baka ikaw ang kainin namin 'pag nagutom kami." Then he winked.
Okay... Alam ko ang ibig niyang sabihin. Jusme! 'Wag po, Kuya! Ano'ng gagawin ko? Kumakain pala sila ng tao.
Napalunok na lang ako. "O-okay... Ibibili ko na kayo."
Malakas ang naging hiyawan ng mga kaklase namin. Umayos ng tayo si Keifer at inabutan ako ng pera. Nakahinga na ako nang maluwag, at unti-unti ring bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. Tumayo na rin ako at tinanggap ang pera.
"Ayos p're.."
"Makakakain na rin tayo."
"Oo nga. Nakakasawa na yung dala ni Yuri, eh."
Pwede bang tumawa? Natawa kasi ako sa huli kong narinig. Agad din kasi siyang tiningnan nang masama ni Yuri. Salbaheng bunganga.
Tiningnan ko ulit yung listahan na ibinigay nila sa 'kin. Putcha! Dinaig pa yung listahan ng grocery.
"May problema ka ba sa listahan?" tanong ni Keifer.
Ay marami! Pakain ko sa 'yo 'to, eh!
Siyempre hindi ko sinabi 'yon. Ngumiti na lang ako, yung plastik na ngiti. Para mahalata niyang inis na inis ako sa kaniya.
"Wala... Ang ikli nga ng listahan niyo, eh. Baka gusto niyo pang dagdagan," sarkastikong sagot ko sa kaniya.
Ngumisi lang siya ng nakaka-asar. "Umalis ka na. Nagugutom na kami."
Makautos naman 'to! Wagas! Pero ginawa ko pa rin. Siyempre, mahirap na. Kunwari lang 'yang reklamo, baka malintikan ako. Mabilis akong naglakad papunta sa isinumpang cafeteria. Isinumpa 'yon, malas kasi.
Pagpasok ko, as usual, tumahimik ang lahat at nasundan ng bulungan. Pero wala sa kanila ang atensyon ko. Sa pila!
Ang haba ng pila, putik! Dinaig pa ang pila sa relief goods ng mga nasalanta ng bagyo. Nakipila na rin ako at baka madagdagan pa yung nakapila.
Parang ang bagal umusad. Asar naman!
Tiningnan ko kung magkano inabot sa 'kin ni Keifer. Medyo makapal kasi yung pera.
1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... Dami yata? 8... 9... 10... Ten lang pala.
"Ten thousand?!" Napasigaw ako kaya agad na pinagtinginan.
Hinigpitan ko yung hawak sa pera. Lintik na lalaki 'to. Napaka-aming pera! Kasya na 'to sa handaan ng pa-birthday. Umitin ko kaya?
Umusad ang pila at nakalapit ako sa isa sa mga tindera. Inabot ko sa kaniya yung listahan at taka akong tiningnan.
"Ineng, saan ko ipaglalagay 'to? Napakadami nito."
Shete! 'Yon pa nga pala.
Palagay ko na lang lahat sa isang kasirolang malaki. Parang kaning baboy. Kaya lang baka magalit sa 'kin si Keifer kumag.
"Ate, may box ba kayo? Do'n niyo na lang ilagay para mabibit ko lahat."
"M-meron.., sige," sagot ni Ate at agad inasikaso yung order ko—nila pala.
Nagtawag pa siya ng kasama para matulungan siya. Ang dami kasi talaga. Sabagay, mga patay gutom naman ang mga 'yon kaya hindi na dapat ako magulat.
Habang naghihintay, do'n ko lang na-realize na pinag-uusapan pala ako ng mga tao rito.
"Talaga? Swerte niya nakasama niya sina Keifer."
"Pupusta ko papalipat din 'yan."
"Nakita ko nga silang magkasama ni Ci-N. Malandi din pala."
"Malay mo naman nagkita lang."
"Cute kaya ni Ci-N."
"'Di ba do'n din si Calix, yung ex ni Mica?"
"Nakita ko si Yuri. Pumasok na siya."
"Nakita mo sina Edrix? Gwapo niya, 'di ba? Kasama niya si Felix kanina."
Iba-iba yung nagsasalita, iba-iba rin ang sinasabi nila. Pero merong nakaagaw ng pandinig ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro