Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Polo

Jay-jay's POV

Ngayon ko ramdam yung kahihiyan na sinasabi nila. Although lagi na akong napapahiya dati pero iba 'to, eh!

Uuwi akong may nakabalot na polo sa pwetan ko. Buti na lang at naawa sa 'kin si Ci-N at pinahiram sa 'kin yung polo niya. Tinupi ko 'yon ng tatlo para kumapal at binalot ko sa pwetan ko. Ginamit ko yung manggas pang-tali. Salamat na lang at ang laki ng polo niya.

Para tuloy may design ang palda ko. Sobrang fitted tuloy sa may pwetan at hita ko. Ang hirap maglakad dahil pakiramdam ko matatanggal ang balot kapag nagkamali ako ng galaw.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante tapos magbubulungan. Hindi ko naman sila masisi dahil sa itsura ko.

Papalabas na ako ng school at kasunod ko yung mga hinayupak na may kagagawan ng kahihiyan ng buhay ko.

"Ci-N! Sexy ba?" tanong nung classmate naming hindi ko pa know ang name.

"Oo. Kahit naka-cycling, kita ko yung kaseksihan," sagot ni Ci-N. May pumito sa kanila at bigla silang nagtawanan.

Mga hayop! Huminto ako sa paglalakad at tiningnan sila nang masama.

"Don't get mad! It's a compliment!" sabi nung Keifer at ngumiti nang nakakaloko.

"Fuck your compliment!" sigaw ko sa kaniya.

Bumalik na ako sa paglalakad pero bigla na lang akong napahinto nang makita ko si Aries na nakatingin sa 'kin. Shete! Ang masama pa, kasama niya yung mga classmate niya at si...Kiko!

Sobrang nakakahiya yung itsura ko! Putang ina naman kasi, eh!

"Hey, Jay!" bati sa 'kin ni Kiko habang nakangiti. Pero nawala rin yung ngiti na 'yon nang makita niya yung nakabalot sa 'kin. "What is that for?"

"Ahh... Ano... Kasi—"

"Tinagusan siya!" sigaw ni Ci-N mula sa likod at bigla silang nagtawanan.

Ay putang ina! Papatay na ako ng tao, malapit na!

Ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko. Nagtawanan na rin yung mga classmate ni Aries dahil sa sinabi ni Ci-N. Pero si Aries, seryoso pa rin ang mukha na nakatingin sa 'kin—hindi, nakatingin siya sa likod ko.

Biglang naging seryoso yung mukha ni Kiko. "Tell me, Jay... Binu-bully ka ba ng mga 'to?"

Ramdam ko rin yung biglang pagseryoso ng mga tao sa likod ko. Naku! Baka magsimula pa ng away rito 'tong mga 'to!

"H-hindi... Ano kasi... T-totoo yung sinabi ni Ci-N... Woman thing lang 'to." Sana lumindol at bumuka ang lupa. Sobrang nakakahiya 'tong ginagawa ko!

"Sure?" tanong pa niya. Ngumiti naman ako at nag-nod.

"Ahh... Sabihin mo lang kung may ginagawa silang hindi maganda sa 'yo. Ako'ng bahala," sabi niya pa na parang handa talaga akong ipagtanggol.

Pwedeng kiligin?! Kakakilig kasi 'tong crush ko na 'to! Tapos ngingiti pa. Feeling model ng toothpaste.

Partida! Hindi pa kami close niyan, ah!

"Tss. Parang kaya mo kami," parinig ni Keifer dahilan para lahat ng classmate nina Aries at Kiko ay maalarma.

Busit 'to! Naghahanap talaga ng gulo!

"Of course, kaya ko... Napabagsak ko nga si David, kayo pa kaya?"

Hala! Basag ulo din pala itong lalaking 'to! Okay... Bawas pogi points.

Napalingon ako sa grupo nina Keifer. Ayan na! Lahat sila seryoso na yung mukha. Yung feeling ng mabigat na awra.

"Naawa lang sa 'yo si David kaya hinayaan ka niyang manalo," sabi ni Felix.

Sinong David? Sino na naman 'yon?

"Really? Parang hindi kasi 'yon yung nangyari." Ngumiti naman siya nang nakakaasar.

"Okay... Obvious na obvious kung saan mapupunta 'to! Kaya bago pa kayo makarating do'n, magsiuwi na kayo," awat ko sa kanila.

Tumingin naman sa 'kin si Kiko at ngumiti. Sumunod ka! Kahit pogi ka, sumunod ka!

"Mabuti pa nga... Wala din naman ako sa mood para makipag-away," sagot niya sa 'kin.

Buti sumunod siya. Good boy!

"Tss. Coward," parinig na naman ni Keifer at nagsimula na siyang maglakad papunta sa ibang direksyon malayo sa 'min.

"Mabuti pa, Jay, sumabay ka na sa 'kin. Ihahatid na kita," offer ni Kiko.

Enebe?! Mwuhehehe...

"Hindi pwede... kasi ihahatid ko na siya," sabi ni Ci-N at nag-smile.

Oo nga pala yung polo niya. Pwede ko namang ibigay 'to sa kaniya bukas. Kaya lang nahihiya rin akong sumabay kay Kiko.

Hanu ba 'yan?!

"S-sorry, Kiko... Ibabalik ko pa kasi sa kaniya 'tong polo niya. Sa... sa kaniya na lang ako sasabay."

Sorry naman!

"Uhmm... But next time, sa 'kin ka na sumabay, ah?" sabi niya habang nakangiti nang matamis. Nag-nod naman ako. Naglakad na kami paalis ni Ci-N. Nang masiguro kong malayo na kami, agad ko siyang hinead lock.

"Kingina mo! Ano yung sinasabi mo kanina?!"

"Aarrgghhh... Masakit, Jay!"

"Masasaktan ka talaga! Hinayupak ka!"

Lalu kong hinigpitan yung pagkakasakal sa leeg niya. Hinampas-hampas ko rin siya sa ulo.

"Jay! Masa... kit!"

"Gago ka kasi!"

Ramdam kong hirap na siya sa paghinga. Wala naman akong balak patayin siya kaya binitiwan ko na rin.

"P-papatayin mo na talaga ako?!" sabi niya habang umuubo.

"Oo sana! Nahiya lang ako sa polo mo!" Sabay turo sa polo niya na nakabalot sa 'kin.

Tumuloy na ako sa paglalakad. Hindi muna ako gagamit ng short cut kasi nakalimutan ko na rin ang daan. Sa tabing daan lang ako at nakasunod naman sa 'kin si Ci-N.

Hindi ko alam kung galit siya sa 'kin o ano. Seryoso kasi yung mukha niya. Panay rin ang lingon sa paligid. Paranoid lang?

Nakarating kami sa bahay. Totoo pala yung sabi nila na mas mabilis maglakad kapag uwian. Huminto ako sa gate ng bahay at hinarap si Ci-N. Ngumiti naman siya sa 'kin.

Smile lang... Smile!

"Hintayin mo ako dito... Magbibihis lang ako."

"Hindi na. Hinatid lang talaga kita."

"Pa'no 'tong polo mo?"

"Hindi na... Marami ako niyan sa bahay."

Wenks!

"Kahit na... Tutal nandito ka na, kunin mo na!" Hindi ko na siya hinintay makasagot. Agad akong pumasok sa loob.

Nakita pa ako ni Tita pero agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng short at agad na tinanggal yung polo ni Ci-N. Hinubad ko na rin yung palda ko.

Hay... Halos wala nang matira sa likod na part ng palda ko. Sayang naman 'to!

Sinuot ko na yung short at pinagpag ko naman yung polo ni Ci-N para maunat kahit kaunti. Hindi muna ako nagpalit ng blouse baka kasi layasan na ko nung ulupong.

Agad akong tumakbo palabas. Hindi pa ko nakakalapit kay Ci-N pero kita'ng kita ko na naka-smirk siya. Nakaharap sa ibang direksyon at parang may tinitingnan. Lumabas naman ako at tiningnan din 'yon pero wala naman.

"Ano'ng tinitingnan mo?"

Ngumiti siya sa 'kin. "Wala. Alis na ako," sabi niya tapos kinuha yung polo niya sa kamay ko.

Hindi man lang hinintay yung sasabihin ko at mabilis na siyang nakalayo. Nagmamadali?! Ay teka...

"CI-N! THANK YOU!" sigaw ko.

Hindi ko nga lang alam kung narinig niya. Hindi kasi siya lumingon o huminto man lang. Gano'n?

Papasok na sana ko sa loob ng bahay nang may mapansin akong grupo ng kalalakihan na sumunod kay Ci-N. Nakaramdam naman ako ng kaba. Baka mapaaway 'tong mokong na 'to.

+++++++++++++++++++++++++++++

Ci-N's POV

"Akala mo ba papalagpasin namin yung ginawa mo sa mga kasama namin kanina?" sabi ng isa sa kanila habang pinapatunog ang buto sa kamao. Kaya ko rin 'yan, lalo na sa buto sa paa.

Ngumiti naman ako sa kanila. "Not really."

Kanina ko pa sila hinihintay. Akala ko nga susugod sila sa harap ng bahay nina Jay-jay. Buti na lang at may takot din sila. Nakakahiya sa mga tao ro'n 'pag nagkataon. Pagkakaguluhan ang ka-cute-tan ko.

"'Wag ka ngang ngumiti!" sigaw nung isa sa kanila.

Pito silang nakapalibot sa 'kin. Kakayanin ko kaya? Bahala na.

Lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan, nasasabik ako.

"Tingnan ko lang kung makangiti ka pa pagkatapos ng gagawin namin sa 'yo."

"Bungi nga nakakangiti... Ako pa kayang buo ang ngipin?"

Pati sila tumawa rin sa sinabi ko. Pero alam kong iba ang meaning ng pagtawa na 'yon.

"Yung babaeng kasama mo... Maganda siya. Pagkatapos namin sa 'yo, siya naman ang pupuntahan namin."

Nawala ang ngiti sa mukha ko. Mali pa yata na hinatid ko siya. Delikado, pati bagong classmate namin nadamay ko pa. Wala akong pagpipilian kundi ang siguraduhing wala silang gagawin kay Jay-jay.

"Daldal niyo... Anong oras pa ba tayo magsisimula?" I said boredly.

Biglang sumugod yung isa sa kanila. Malakas na suntok ang binigay niya pero siyempre, nakailag ako. 'Yon nga lang, hindi ko naiwasan ang suntok ng kasunod niya. Shit! Hindi ko nakita 'yon.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Ang sama ng loob ko. Siyempre dahil pa rin do'n sa palda ko. Pa-frame ko kaya ito para damang-dama?

Buset kasi yung mga talipandas na 'yon! Sumpain sila! Magsara sana butas ng pwet nila! Kaasar!

"Miss Jay... Kakain na daw po," tawag sa 'kin nung maid nina Tita.

Bakit kaya may miss pa? Dalagang-dalaga ang dating.

Lumakad na ako palabas ng kwarto at dumeretso sa dining area nina Tita. Nando'n na si Tita at Kuya Angelo pati na rin si Aries.

Aries? Nandito siya? Umuwi na siya.

"Upo ka na, Jay," utos ni Tita.

Umupo naman ako at sandaling sumulyap kay Aries. Nakatingin lang siya kima Tita at Kuya Angelo na katabi ko.

"Simula bukas, isabay mo na si Jay-jay sa kotse mo," sabi ni Kuya Angelo.

Napatingin ako kay Kuya at Aries na salubong ang kilay sa inis.

"Kuya... Mas gusto kong maglakad," sabi ko at halatang hindi nagustuhan ni Kuya 'yon.

"No. Sasabay ka na kay Aries."

Hala! Baka tuluyan nang maghurimentado 'tong si Aries kapag sumabay ako sa kaniya.

Nagtagpo ang tingin namin ni Aries. Ramdam kong gusto na niya akong ilibing ng buhay. Si Kuya naman kasi kung ano-ano yung pinagsasasabi.

Siya rin siguro ang nagpauwi kay Aries dito sa bahay. Kahit sino kasi ay susunod dito kay Kuya. Nakakatakot kaya siyang magalit.

Siya rin lagi ang tinatawag nina Lola para kumausap sa 'kin. Alam kasi nilang takot ako kay Kuya. Buti na lang behave na ako ngayon. Si Aries na yung mainit sa mata niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro