Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7


Crush

Jay-jay's POV

Na-stroke yata ako! Muntik na akong hindi makagalaw kanina. Buti na lang tinawag na ako ni ateng tindera. Baka hindi na ako nakagalaw nang tuluyan sa harap n'ong Kiko na 'yon.

Bakit ba may mga gano'n kagwapong nilalang?

OA man yung pagkagwapo na sinasabi ko. Gwapo kasi talaga!

Yung kulot na medyo mahaba niyang buhok, mahabang pilik-mata, kulay brown yung mata, jaw line that fits perfectly on his face, kissable lips, and samahan pa ng tanned color niya.

Ahh daba? Gwapo? Napapa-English pa ako sa pag-describe!

Kasalukuyan akong nasa second floor ng building ng Section E. Sa dating pwesto ko. Kumakain akong mag-isa rito. Hindi ko alam kung saan pumwesto si Ci-N. Pagkaabot ko kasi sa kaniya ng pagkain, mabilis pa siyang tumakbo kay FLASH paalis. Kakaibang bata!

Tapos na akong kumain at nililigpit ko na yung baunan ko. Tutal maaga pa naman, naisip kong silipin yung mga kwarto rito sa second floor. Na-curious lang ako sa kung ano'ng meron dito bukod sa basura.

Apat yung mga kwarto rito na may tig-dadalawang pinto. Marumi na yung mga kwarto, basag-basag yung mga jalousie, sira-sira na rin yung mga lamesa at bangko. Pwede pa rin naman sanang pakinabangan kung aayusin lang at papalitan mga gamit.

Pumasok ako sa isa sa mga room. Maraming nagkalat na papel sa sahig. Lalabas na rin sana ako para silipin yung kabila nang may mapansin akong sobre na kulay pink at may heart design sa sahig. Ang cute kasi ng pagkakaayos niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi pakialaman.

Pinulot ko 'yon at pinagpag. Makapal na kasi yung nakabalot na alikabok. Binuksan ko yung sobre at nakita kong may sulat pa sa loob.

Hindi naman sa pakialamera ako pero nangangati kasi yung utak ko na malaman yung laman. Saka isa pa, wala namang may-ari nito. Kung meron, bakit iniwan dito? Ibig sabihin, ayaw na niya. O pwede ring hindi natanggap nung dapat makakatanggap. Hmpf! Bahala na nga!

Buksan ko na lang!

Stationary pa yung gamit nung nagsulat at halatang babae dahil sa ganda ng pagkakasulat.

Dear Calix,

HAPPY MONTHSARY!! I U

Pasensya kana ito lang nakayanan ko para sa monthsary natin. Pinag-iipunan ko na kasi yung gusto mong sapatos, at promise ko sa 'yo na 'yon yung ibibigay ko sa 'yong regalo sa birthday mo.

Gusto ko sanang sabihin sa 'yo 'to nang personal kaya lang natatakot ako kasi lagi kang galit kaya idadaan ko na lang sa sulat.

Calix, nagpapasalamat ako sa 'yo kasi ako yung pinili mo sa dami ng naghahabol sa 'yo at kahit sikreto to, masayang-masaya ako. 'Wag kang mag-alala kasi hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na iba talaga yung girlfriend mo at marami kang babae. Mahal na mahal kita at malaki yung tiwala ko sa 'yo.

Sa totoo lang, minsan, naiinis na ako sa 'yo kasi minsan na nga lang tayo magkita, hindi mo pa ako pinapansin pero siyempre, hindi naman kita matitiis. Lagi mong tatandaan na kahit anong galit or inis ko sa 'yo, isigaw mo lang na mahal na mahal mo ako, mawawala lahat ng 'yon.

Happy monthsary ulit!! I You!

Mica 😘

Bakit parang pamilyar 'tong Calix? Classmate ko yata 'to, eh! Ewan! Hindi ko pa naman kasi sila gano'n kilala. Kahit kaunti lang sila, nakakatamad ding alamin pangalan nila, ah. Malalaman ko rin naman siguro 'yon sa mga susunod pang araw.

Pumapag-ibig?! Feeling ko babaero 'tong Calix na 'to. Ewan lang. Hindi dapat ako manghusga pero feeling ko talaga, eh. Malakas ang kutob at paniniwala base na rin sa sinabi nitong Mica sa kaniya. Sino kaya 'tong Mica na 'to? Dati rin kaya siyang Section E? O baka nag-room dito bago maging tambakan ang lugar na 'to?

Binalik ko yung sulat sa loob ng sobre. Balak ko sanang ibalik sa sahig kaya lang parang bigla akong nagdalawang isip. Wala rin namang may-ari nito kaya akin na lang. Kuwari may nagbigay sa 'kin kaya sinilid ko na lang sa bag.

Lumabas na ako ng room at sinilip yung kabila dahil maaga pa naman. Kaya lang saradong-sarado yung room; pati mga bintana may pintura at saradong-sarado rin. Ano kayang meron dito? Bakit kaya isinara?

Tumunog na yung bell. Agad akong bumaba at baka ma-late na ako sa susunod na subject. Buti na lang at malayo 'tong room namin sa civilization. Late na rin kasi nagsisidating ang mga teaher.

Nakita ko yung mga classmate kong mukhang lantang gulay. Wala si Yuri kaya feeling ko hindi sila napakain. Si Yuri pala kasi ang nagdadala ng pagkain para sa kanila dahil nga siyempre, sila rin ang dahilan kaya hindi na sila makapunta sa cafeteria.

Si Ci-N naman, smiling face as usual. Si Keifer naman naka-poker face lang habang may subong lollipop. Nakita ko si Felix na naka-pout sa 'kin at parang tutang nanghihingi ng pagkain sa amo niya. Naawa naman ako kaya kahit iisa lang yung baon kong sitsirya, ibinato ko na sa kaniya.

Biglang nabuhayan yung mga classmate ko. Kaya lang halatang walang balak mamigay 'tong si Felix. Madamot din ang kumag!

Nagsitingin sila sa 'kin at mga naka-poppy eyes pa. Kaya lang nag-sign lang ako ng wala sa kamay ko. Kaya mga nagsiyuko na lang ang mga loko. Kulang na lang umiyak na sila dahil sa pagmamakaawa.

Naupo na ako at naghintay ng klase. Habang naghihintay, parang may naramdaman akong malamig sa upuan ko pero hindi ko na rin pinansin kasi nawala rin. Baka lumamig lang ang upuan ko dahil sa tagal kong nawala.

Habang nagkaklase, alam mo yung pakiramdam na pinagtatawanan ka? Kapag tiningnan mo naman kung sino yung nagsisitawa, wala naman akong makita.

Nababaliw na yata ako!

Kahit sa mga sumunod naming klase, gano'n din ang eksena. Bakit ba kasi? Ano'ng meron? Nang-iinis na naman siguro 'tong mga 'to!

Mga impakto!

Natapos ang klase at naglalabasan na ang mga classmate ko. Nag-aayos pa ako ng gamit kaya medyo nahuhuli ako. Nung matapos na ako at akmang tatayo, may mali. May mali talaga! Sumasama yung upuan sa 'kin. Tiningnan ko yung puwetan ko at... Shit! Nakadikit yung palda ko sa bangko.

Nakarinig ako ng nagtatawanan sa harap malapit sa pinto. Si Keifer ay naka-smirk at sina Felix at mga kaklase niya ay nagtatawanan. Mga hayop! Nilagyan ng glue yung upuan ko! Animal!

Kingina this!

Tinangka kong alisin pero ayaw talaga. Anak ng!

Tiningnan ko nang masama si Keifer.

"Don't look at me like that... I don't know anything about it," sabi niya at nag-smirk ulit.

"Mga pisti kayo!"

Bigla silang nagtawanan nang malakas dahil sa sinabi ko.

Lumapit sa 'kin si Ci-N. "Anyare sa 'yo?"

"Ci! Tulungan mo ako!" sigaw ko habang tinatangkang humiwalay sa bangko.

Tinangka niya akong hatakin. Ipinatong niya pa yung isang paa niya sa bangko at hinatak ako.

"Ayaw, eh!" reklamo niya.

"Ci-N! Hayaan mo na 'yan diyan! Umuwi na tayo!" sigaw nung isa sa nakikitawa.

Animal! Putang ina kasi!

Tumingin sa 'kin si Ci-N tapos ngumiti. "Uuwi na daw kami."

Lintik na lalaki to! Nang-aasar yata!

"Kingina! Iiwanan mo ako matapos ang lahat!"

Biglang naghiyawan mga classmate namin. Putik! Binigyan ng ibang meaning yung sinabi ko!

"Joke lang! Iiyak ka naman agad!" sabi ni Ci-N habang natatawa.

"Hayop! Kapag nalaman ko kung sino'ng may gawa nito! Babalatan ko siya nang buhay!" galit na sigaw ko.

Nagtawanan ulit sila nang malakas na kinainis ko nang husto. Mga hayop, men!

Pinilit ulit akong hatakin ni Ci-N pero pati siya ay halatang nahihirapan. Lalo lang lumalakas ang tawanan ng mga hayop!

"Jay, pa'no ba 'yan? Ayaw talaga!"

Aba! Gagalitin ako nitong Ci-N na to!

Pinandilatan ko siya ng mata. "Seriously? Susukuan mo kao dito?!"

"Eh kasi..." Bigla siyang tumawa nang malakas. "'Wag mo akong pandilatan. Ang pangit mo."

Buset! Gagalitin talaga ako!

"Ci-N! Mapapatay kita!"

"Kung makakaalis ka diyan bago ako makauwi," paghahamon niya.

Tungunu! Kumukulo yung dugo ko mga 45°C!!

Tumingin ako sa grupo ng boys na nanonood pa rin sa 'min. Nagtatawanan pa rin sila at ang mga hayop... Naka-video na kami!

Wala na kong pagpipilian. Aabutin kami ng gabi dito, unless kung...

"Hubarin mo na lang kaya palda mo," suggest ni Ci-N habang nakangiti nang nakakaloko.

Biglang nahiyawan ang lahat at may sumipol pa. Mga animal!

Nalukot na sa galit yung mukha ko. "Putang ina! Seryoso ka diyan?!"

Tumawa na naman siya nang malakas. "Joke lang!"

Hayop 'to! Naiiyak na yata ako sa inis! Kabusit! Mauubusan ako ng dugo sa mga ito!

Pero may point siya. Pwede kong hubarin. Naka-cycling na itim naman ako. Medyo maikli pero mukha namang short shorts.

Sinubukan kong kapain yung zipper sa likod pero may problema, kalahati lang yung pwede buksan kasi kasamang naidikit yung kalahati.

Shutanginames naman! Ugh!

Wala na talaga! Mukang iuuwi ko 'tong bangko sa bahay namin. Nauubusan na ako ng paraan hanggang sa mapatingin ako kay Felix. May utang na loob pa sa 'kin 'tong hayop na 'to! Ilang beses ko siya binigyan ng Nova!

"Hoy, Felix!" tawag ko.

Tumingin naman siya sa 'min. "Hmm?" sagot niya sabay turo sa sarili.

"Ay hindi, hindi naman ikaw si Felix, 'di ba?" sarkastiko kong sabi. Pagtawa lang ang sinagot niya sa 'kin.

"Lumapit ka dito, Felix!" sigaw ko.

Tinignan muna niya si Keifer bago lumapit sa 'min. Ano 'yon? Nanghingi ng permiso?

"Bakit?" tanong niya paglapit sa 'min.

"Tulungan mo si Ci-N! Alisin niyo ako dito!" utos ko. Bubuka pa lang sana ang bibig niya para pumalag pero inunahan ko na. "May utang na loob ka sa 'kin! Ilang beses kitang binigyan ng pagkain!"

Nag-isip naman siya sandali sa sinabi ko. "Okay... I'll help you!"

Hinawakan niya ako sa braso. Si Ci-N naman pumwesto sa likod para hawakan yung bangko.

"Okay... On the count of three—"

"Is it after three or on exactly three—" putol ni Ci kay Felix.

Sinigawan ko siya. "ON FUCKING THREE!"

Nag-nod naman sila pareho at pumwesto ulit.

"One... Two... THREE!" sabay-sabay naming sigaw.

Yung feeling ng nakalaya ka... Masaya sana kaya lang kasabay kasi ng paghatak nila, eh yung tunog ng napunit na damit. Punit, eh! Punit talaga! Hindi ko na kailangang itanong kung ano 'yon.

Hindi ko na rin kailangang lumingon para tingnan ang reaksyon ni Ci-N. Ramdam kong maligaya siya sa nakikita.

"Wow... Nice ass."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro