Chapter 6
Love Triangle
Jay-jay's POV
Niloloko yata akong nitong lalaki na 'to. Nakarating na kami sa school at hindi pa rin natatapos ang kuwento niya kung bakit Ci-N ang pangalan niya.
Hindi talaga ako nakikinig kaya wala akong naintindihan. Ang haba ng kuwento niya. Bigyan ko kaya ng papel, ballpen, at sobre to para ipadala na lang niya kay Ate Charo yung istorya niya? Hindi ko namalayan kung nasaan na kami dahil sa haba ng kuwento niya. Hindi ko nga sure kung may saysay pa yung mga detalye ng kuwento niya, eh.
"Kaya ayun... Ci-N na lang daw," pagtatapos niya.
Sa wakas!
"Wow... Ang galing naman ng kuwento mo." Binigyan ko siya ng plastic na ngiti. Sana lang hindi niya maramdaman na sarcastic yung pagkakasabi ko n'on. Pero mukhang hindi naman; ngumiti na naman kasi siya. Para siyang bata kapag ngumingiti. Madaldal din, parang hindi nauubusan ng kuwento.
"Pwede ba akong maghingi sa 'yo ng favor?"
Tiningnan ko lang siya at hinintay yung sasabihin niya.
"Pwede mo ba akong ibili ng pagkain sa cafeteria mamayang lunch?"
Ayun! Naalala ko na yung gusto ko itanong kay Kuya Angelo kanina. Buti na lang pala nakasabay ko 'tong mokong na 'to, sa kaniya ko na rin itatanong 'yon.
"Bakit ba hindi kayo makapunta sa cafeteria?"
Ngumiti na naman siya sa 'kin. "Wala lang... Tinatamad lang kami."
Saksakin ko kaya gilagid nito? Tingnan ko kung makangiti pa siya.
"Tsk! Bahala ka! Hindi kita ibibili mamaya!" inis na sabi ko. Binilisan ko yung lakad ko para maiwan siya pero hinabol pa rin ako.
"T-teka..." Tiningnan ko siya. "Kapag sinabi ko sa 'yo, 'wag mong sabihin kina Keifer na sa 'kin nanggaling, ah?"
"Oo... Promise, hope you die," sabi ko habang nakataas ang kanang kamay.
"Hope TO die 'yon, eh..." paglilinaw niya kabang nagkakamot ng ulo.
May kuto siguro 'to?
"Oo! Basta 'yon."
"Hindi naman sa hindi kami makapunta... Pwede naman talaga kaming pumunta, pinagbawalan lang kami ng grupo nina Keifer at Yuri."
Taka ko siyang tiningnan. "Sabi sa 'kin bawal daw kayo do'n."
"Bawal nga! Binawalan nga kami NILA..."
Tiningnan ko siya nang masama. Nakakainis din kausap 'to, eh.
"Oh, bakit kayo binawalan nina Keifer at Yuri?"
Tumingin muna siya sa paligid. Malapit na kami sa building namin kaya wala na masyadong students. Section E lang yata kasi yung nagru-room sa area na 'to.
Nang masiguro niyang wala nang estudyante sa malapit, doon lang siya nagsalita.
"Dahil sa babae... May naging classmate din kasi kaming babae bago ikaw. Mas matagal siya sa section namin kumpara sa mga nauna. Naging sila ni Keifer. Ang tsismis, ginamit lang niya si Keifer para makarating sa higher section kahit lagpas na siya ng periodical exam."
Parang lalo akong naguluhan. Ang dami niyang kuwento, ang layo naman sa tinatanong ko. Babae? Hindi kaya yung Ella Dianne 'yon?
"Teka! Akala ko ba teacher ang tutulong sa paglipat sa student? Kaya nga pinapapili ako ni Ma'am Zaragosa ng section, eh."
"Kasi... depende talaga sa average 'yon at kung may backer ka, sureball na!"
Ahh... Hindi maganda yung grades at record ko sa dati kong school. Ibig sabihin, backer ang dahilan kung bakit ako pinapalipat. Pero sino?
"Tuloy ang kuwento..." utos ko sa kaniya.
"Sige... 'Yon na nga, siya yung reason. Nung nakarating na siya sa higher section, nagbago na ang ugali niya. Hindi na niya kami pinapansin, ikanahihiya din niya yung section namin. Tapos one day, nakita ni Keifer na may kahalikan yung babae sa cafeteria. Nagwala na ang mokong at muntik pang mapatay yung kahalikan ni girl."
Pffftttt... Girl?! Bading lang?
"Tapos nasundan pa 'yon mga dalawa or tatlong beses pa. Nagalit ang principal ng school kaya ie-expel na sana si Keifer pero malakas ang backer niya, eh. Kaya ayun, binawalan na siyang pumunta ng cafeteria or lumapit do'n sa babae at lalaking binanatan niya."
Ang haba ng explanation niya. Muntik nang sumakit ang ulo ko. In the end, napaaway lang pala ang loko sa cafeteria. Pero meron pa kong pinagtataka. Saka paano nagamit nung girl si Keifer para makarating sa higher section? Dahil kaya sa backer niya? Tsk! Si Yuri pa pala.
"Eh, ano yung kay Yuri? Bakit pati siya pinagbawalan kayo?"
Hindi siya sumagot. Huminto ako sa paglalakad nang makita kong malapit na kami sa room. Naglakad pa siya ng ilang hakbang palayo sa 'kin bago huminto at harapin ako.
Nakangiti lang siya. Nakangiti na naman?!
"Yung tanong ko..." sabi ko sa kaniya.
"Chicks din kasi ni Yuri 'yon... Inupakan din niya yung lalaki sa cafeteria din, maraming beses. Nagalit ang principal at tinangka din siyang i-expel pero—"
"May backer..." pagdugtong ko.
Ngumiti na naman siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Napakatinding revelation nito. Love triangle lang ang peg. Sino kaya yung girl at saka yung boy na inupakan nina Keifer at Yuri?
Ang haba ng hair ni girl, hindi ko kinaya. Ano kayang gamit niyang shampoo? Pero hindi ko na rin siguro bet na alamin pa. Parang ayaw ko siyang makilala. Wala naman kasing dahilan pa.
+++++++++++++++++++++++++++++
Aries's POV
Kanina pa tumatawag sa 'kin si Kuya. Alam kong nakauwi na siya ng bansa at alam ko na rin na may balak siyang pabalikin ako sa bahay.
Not gonna happen.
"Hey, dude!" bati sa 'kin ni Kiko.
"What's up, dude?!" bati ko naman.
Tumabi siya sa 'kin sa pagkakaupo sa bench.
"I saw your cousin." I looked at Kiko. "She's pretty, malayo sa sinasabi mong takaw basag-ulo."
I chuckled. "Bumabase ka lang ba sa itsura?"
He also chuckled. "Minsan... Para sa pinsan mo? Siguro, oo."
I laughed shortly while shaking my head. "Stop it, Kiko. Baka magsisi ka kapag nalaman mong muntik na siya makapatay."
"You're kidding... right?"
I shook my head. He's now looking at me seriously.
"H-how?"
"Inatake ang lola ko sa puso ng dahil sa kagagawan niya."
Parang naginhawaan si Kiko na hindi ko maintindihan. Type niya talaga si Jay-jay? No fucking way!
"Akala ko naman with her hand talaga..." he said and walked away.
Hindi sa sinisiraan ko si Jay-jay pero 'yon naman talaga ang totoo. At hindi lang si Lola ang muntik nang mamatay nang dahil sa kaniya. Napahawak ako sa ibabang parte ng dibdib ko. The pain, I still remember how it feels like. Ang pagiging bayolente niya no'ng araw na 'yon ang bumago ng lahat sa pagitan namin.
Sa parehong araw din na 'yon nakita ko siyang lumaban sa mas malaki sa kaniya. Wala siyang takot at parang walang naririnig. Sobrang dami ng dugo sa kamay niya, wala ring buhay ang mga mata niya. Simula no'n, nag-iba na ang tingin ko sa kaniya.
At hanggang ngayon, gano'n pa rin ang tingin ko sa kaniya.
+++++++++++++++++++++++++++++
Keifer's POV
"Ano'ng balak natin sa kaniya?" bulong sa 'kin ni Felix habang nakatingin sa harap.
"Bahala kayo... Wala akong maisip," I whispered back.
Nakita kong lumingon si Jay-jay kay Ci-N. May nagsabi rin sa 'kin na sabay silang pumasok. Mukang nakakuha na siya ng kaibigan.
Friendly si Ci-N, pero isip bata. Masyado rin siyang madaldal. Kahit gano'n, hindi naging problema 'yon sa pakikipag-away. Kaya niyang labanan ang limang tao kahit mag-isa lang siya.
Hindi ko alam kung paano sila nagkausap pero wala na kong pakialam do'n.
+++++++++++++++++++++++++++++
Jay-jay's POV
Buset! Sa kagustuhan kong makasagap ng kasagutan sa mga tanong ko, pumayag akong magpauto sa lintik na Ci-N na 'yon. At ngayon, ito ako papasok sa lungga ng mga pisti para lang bumili ng pagkain ng hayop na lalaking 'yon. Nagbaon nga ako para hindi na pumunta rito, eh.
Hay! Ito na, papasok na ako!
Pagtungtong ng dalawang paa ko sa pinto, agad akong tiningnan ng lahat. Huminto sila para lang tingnan ako at maya-maya lang, nagbulungan na sila. Bulungan na malakas, may microphone uata sa lalamunan.
"Siya 'yon?"
"Sa Section E daw 'yan..."
"Nag-iisang babae do'n."
"Aalis din siya do'n..."
"Kailan pa?"
Lumapit ako kay ateng tindera. Wala kasing nakapila. Sinabi ko sa kaniya yung mga bilin ni Ci-N. Inaasikaso na niya yung special order na halatang out of this world—may mangga't bagoong kasi, mayroon ding puto at dinuguan.
"Hi, Jay-jay!" Tumabi sa 'kin si Rakki at kumaway.
Kumaway rin ako pero ibinalik ko yung tingin ko sa ateng tindera. Hindi ko feel makipagkuwentuhan sa 'yo. Bahala ka diyan!
"Kumusta ka pala sa Section E?"
"Ayos lang..." walang gana kong sagot.
Tiningnan niya ako habang naka-pout. "Galit ka ba sa 'kin?"
Hindi naman... Medyo lang.
"Ha? Hindi naman..."
"Ahh... Akala ko—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Meron kasing nagpasukan na grupo ng mga estudyante. Nagtatawanan sila at nagkakaingayan.
Pareho kaming lumingon ni Rakki sa pinto at nakita si Aries. Meron siyang kaakbay na babae. Ang ganda nung kasama niya. Mukang Koreana, ang haba ng buhok at sobrang puti—gluta? Ang pula rin ng labi niya samahan pa ng mahabang pilikmata. Artistahin lang ang peg.
"Ayan na ang Section A," bulong ni Rakki.
Section A pala si Aries. Pati kaya yung kasama niyang babae, A rin?
Napansin kong dederetso sila sa pwesto namin kaya agad akong humarap ulit kay ateng tindera. Dinig kong papalakas yung mga boses nila. Palapit na sila.
Bakit ba ang tagal ni Ate?
"Hi, Rakki..." May bumating babae kay Rakki pero hindi ko tiningnan.
Hanggang sa tuluyan na silang naglapitan at nabunggo pa ako nung isa. Hindi man lang nag-sorry! Ayos!
"Hey, Rakki Babe!"
"Fuck off!" inis na sagot ni Rakki ro'n sa tumawag sa kaniya ng babe.
"Sungit mo tala—wait! Is that the new girl?" sambit nung lalaki.
Putcha! Nananahimik na ko! Lumapit sa 'kin yung lalaki at kinalabit ako.
"Hi! Ako pala si Kiko. Ikaw si Jay-jay, tama?"
Wow! Ang bilis ko namang sumikat.
Ayoko sana siyang harapin kaya lang nakakahiya. Nagpapakilala yung tao, oh! Ang bastos ko naman kung hindi man lang siya babatiin kahit simpleng ngiti lang. Pwede na siguro yung pilit.
Humarap ako sa kaniya at tiningnan siya. Ay! Putik! Kagwapong nilalang nito!
Bakit ang gwapo nito? Kaasar!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro