Chapter 3
Cleaners
Jay-jay's POV
Nagsipasok na sila sa loob matapos nilang ubusin ang pagkain ko dapat at kami na lang ni Felix ang nasa labas. Pati pala si Keifer kumag nandito rin pero nasa malayo siya.
"Wala na sila... Pwede ka nang maglabas ng chibog," sabi nung Felix.
Ginawa ko naman at kinuha ko yung Nova. Kaya lang, hindi ko pa nabubuksan nang hablutin naman ni Felix 'yon. Ano ba?! Snatcher lang?
"Hoy! Aba naman!"
"Sorry... Favorite ko 'to, eh!" sabi nung Felix at naglakad palayo habang kumakain.
Nag-iisa na lang ako. Wala nang kukuha ng ilalabas kong pagkain. Hehe! Finally!
Nilabas ko na yung Chippy. Kaya lang ang lintik... hawak ko pa lang ang Tear Here, may humablot na naman sa kamay ko.
Aaarrrgggghhhhh.... Ano ba?
Tiningnan ko nang masama yung animal na nanguha ng pagkain ko.
Si Keifer?
"Ano ba?! Hindi ba uso dito manghingi?! Kung nagugutom pala kayo, magsibili kayo!"
Tiningnan din niya ko nang masama. "Hindi kami makakabili..." halos pabulong niyang sabi.
"Ano?!"
Hindi niya ko pinansin. Pumasok lang siya sa room habang kinakain yung sitsirya ko. Kaasar naman!
Binalik ko sa dati yung table at chair na kinuha ko. Inayos ko na rin ang sarili ko.
Pagpasok sa loob, parang bumaha ng paper balls. Sobrang punong-puno yung sahig at sa bawat hakbang ko, hindi pwedeng walang masipa or tumalsik.
Hindi man lang nila nilinis. Ibang klase!
Naupo na ko sa pwesto ko kung saan ako ang tuldok sa gitna ng U. Gitnang-gitna naman kasi ako.
Masyadong tahimik ang paligid. Masama ang kutob ko kapag gano'n. Lumingon ako sa likod para tingnan sila.
Sa awa ng langit, wala namang milagro sa likod ko. Kumakain lang sina Felix at Keifer ng sitsiryang binili KO!
KAPAL!
Ninanamnam pa nila yung bawat subo nila ng pagkain. Ang weird lang dito ay yung mga classmate kong takam na takam sa nakikita nila. Nakasunod ang mga mata nila sa kinakain nung dalawa.
Hindi ba sila pinapakain?
Pati ako ay napatitig sa pagkain nila. Nang-iinggit kasi yung hayop, with sarap na sarap expression pa ang mga gunggong.
Kapal muks!
Binalik ko ang tingin sa harap. Lalo lang ako naiimbyerna sa ginagawa nila. Akin 'yon, eh! Akin dapat 'yon!
Sa wakas, tumunog ang bell at dumating ang teacher namin. Sa itsura ng room namin, expected ko nang magagalit siya pero parang wala lang sa kaniya yung mga kalat na nasipa niya.
"Ang room niyo bagay na bagay talaga sa inyo," bored na sambit nung teacher.
Mag-uumpisa na sana siyang magturo nang makita niya ko. "Bakit may babae dito?"
"T-transferee po..." sagot ko.
"Ahh... Yung Jasper Jean Mariano?"
Nag-smile naman ako. "Opo."
Binigyan niya ko ng ah reaction bago harapin ang libro niya. Kagaya ng mga naunang teacher, binigyan din niya ko ng mga lesson na hindi ko naabutan.
Habang nagsusulat ng lecture, nilapitan ako ng teacher. Mrs. Zaragosa ang pangalan niya, nasa mid-50's na siya. Siyempre, may katandaan ang itsura pero hindi siya mukhang istrikta.
"Kung papipiliin ka, saang section mo gusto?" tanong niya sa 'kin.
Taka ko siyang tiningnan. "Po?"
"Hindi ka kasi pwede dito. Nag-iisa kang babae."
Waaahhhh... Kaya pala. Akala ko absent lang sila.
"Seryoso po kayo? Ang sabi po kasi sa 'kin sa registrar dahil daw po sa records ko kaya dito daw po ako napunta."
Pakiramdam ko, bigla na lang tumahimik. Para bang lahat ng tao sa room, pinapakinggan yung usapan namin.
"Walang problema do'n. Pagtutulungan namin ni Alvin ang pagpapalipat sa 'yo. Yung nauna sa 'yong babae, nailipat na namin sa B."
"Pag-iisipan ko po..." 'yon na lang ang naisagot ko.
Sa totoo lang, malaking bahagi ko ang tumatanggi na magpalipat. Para kasing hindi ko naman deserving, pero ramdam ko yung pag-aalala nila. Iisa nga lang naman kasi ako, eh.
Nag-iisa akong magandang dilag dito.
Natapos ang klase kay Mrs. Zaragosa at iba pang sumunod sa kaniya. Nasa huling subject na kami para sa araw na ito.
"Ayokong magturo!" galit na sigaw ng teacher.
Parang mga asong ulol naman na nagwala yung mga classmate ko sa tuwa. Wow! Napayuko na lang ako dahil sa gulat sa kanila.
"Maglinis kayo ng room niyo... A-attend muna ko ng meeting."
Ano kaya 'yon? May meeting pala, kuwari pang ayaw magturo. O pwede ring may choice siya na 'wag na pumunta ro'n pero tinatamad lang talaga siyang magtturo dito kagaya ng sinabi niya.
"Pagbalik ko dito at ganito pa rin ang classroom niyo... magtuturo ako! Walang tatakas sa inyo o tatadyakan ko kayo isa-isa!" dagdag niya at umalis na.
Ms. Cindy Smith ang pangalan niya. Nasa mid-20's na siya at ang astig niyang tingnan.
Paglabas niya, laking gulat ko nang biglang magtayuan yung buong klase. Akala ko maglilinis sila pero bigla silang lumabas.
"Hoy! Aano kayo?!" sigaw ko. Sinubukan kong sumunod pero pagdating sa pinto, bigla na lang nilang isinara.
Hala! Hala!
"Buksan niyo 'to!" sigaw ko habang kinakalampag yung pinto.
Nakita kong sumilip ang Keifer sa bintana kaya agad akong lumapit do'n.
"Hoy! Ano na naman bang trip 'to?!"
"Linisin mo 'yang room," bored na sagot niya.
Aba!
"Ayoko nga! Bakit ko gagawin 'yon? Kayo kaya 'tong nagkalat dito!"
"Tss. Ikaw ang dahilan kaya kami nagkalat. Now, you clean it!"
"Eh kung ayoko?!"
"Then we will not open the door kahit dumating pa si Ma'am Sexy."
Narinig kong nagsalita yung mga classmate namin.
"Linisin mo na!"
"Dali na!"
"Nakakangawit dito!"
Aba! Ang kepal ng muke nenye!
"Ang kakapal niyo! Matapos niyong lamunin yung binili ko! Uutusan niyo pa akong maglinis!"
"Tss. 'Wag mo ngang isumbat sa 'min 'yan. Bakit nga ba nagdala ka ng pagkain?"
Aba talagang! "Mga punyeta kayo!"
Narinig ko silang nagtawanan. Talagang ginagalit ako ng mga hayop na 'to!
"Just clean the room. Ikaw din, pag nainip kami, magsisiuwi na kami. Baka wala nang abutan si Ma'am Sexy dito. Nasa amin din ang susi."
Shutanginames!
"Hay! MGA PISTI!" sigaw ko.
Buset 'yan! Ang kakapal ng mga mukha. Mga patay guts na nga, kapal muks pa!
Ano pa nga bang gagawin ko? E di linisin tong pesteng kwarto na 'to.
Naka-cross arm akong nakatingin sa paligid. Karaniwang kwarto lang din ito kagaya sa iba except sa may mga tambak ng plywood, yero, at karton sa likod na part. May cabinet din at mukhang doon nakalagay yung mga walis.
Lumapit ako ro'n at binuksan iyon. Kaya lang parang sampung taon yatang hindi nabuksan yung cabinet. Bumulaga sa 'kin yung alikabok at halos hikain ako dahil do'n.
"Ano ba 'yan?!"
Hinanap ko yung mga walis at dustpan na mukhang pamana pa ng ninuno ng school na 'to dahil sa kalumaan. Maswerte ako at mayroong roll ng garbage bag.
Sa totoo lang, maagiw ang kisame at saksakan ng alikabok ng bintana. Pero ang kalat lang sa sahig ang balak kong galawin.
Ano sila, nakakuha ng katulong? Swerte naman nila. Pwede naman silang magpalinis sa school facilitator, bakit ayaw nilang ipalinis 'to?
Mabilis kong winalisan ang sahig. Siniksik kong mabuti yung mga basura sa garbage bag. Habang nagwawalis, aksidente kong nabunggo yung kumpol ng karton na nakatambak sa likod malapit sa upuan ni Keifer.
Hala! Naglaglagan yung mga karton sa sahig. Lumipad sa ere ang makapal na alikabok at bumungad sa 'kin ang.... rice cooker?
Inalis ko yung mga karton para makita iyon nang maayos. Nakakahon pa yung rice cooker at mukhang bago pa. Doon ko lang napansin, nakapatong siya sa shoe shelves—parang locker pero walang sarahan.
May pangalan ang bawat box or space. Nakita ko yung pangalan ni Keifer.
"Mark Keifer Watson."
Tiningnan ko pa yung iba. Nakita ko rin yung kay Felix.
"John Felix Collins."
Pero mayroong umagaw ng pansin ko higit sa lahat. Katabi ng pangalan ni Keifer. Mayroong puso na nakadikit sa divider ng space, at katabi ng space ni Keifer ay isa pang space na may pangalan ng babae.
"Ella Dianne Hyun."
Ito kaya yung sinasabi ni Ma'am kanina na nauna sa 'kin at nailipat na nila sa kabilang section?
Narinig kong nangangalampag na sila ng pinto at tinatanong kung tapos na ko.
"Hindi pa!" sigaw ko sa kanila.
Binalik ko yung mga patong at nakasandal na kahon. Naisipan ko ring silipin yung iba. Yung mga nadadaganan ng yero at plywood.
Mayroon silang electric frying pan, yung ginagamit sa korea. Mayroon din silang water dispenser. Mayroon din silang maliliit na kasirola. Kusina lang?
Speaking of kusina, mayroon silang maliit ng lababo. Mayroon pa ngang bote ng Joy na walang laman.
Ano 'to? Nag-camping sila rito?
Binalik ko rin yung mga pinagbubuklat ko. Kakaiba 'tong section na 'to. Ang daming anik-anik. Kaya pala yung iba, mukhang gusgusin.
Natapos ang paglilinis ko at kinalampag ko nang malakas yung pinto.
"Tapos na!"
Agad na bumukas ang pinto at nagpasukan ang mga walang hiya pero ang Keifer, huminto sa harap ko.
"Nasaan ang nilinis mo?"
"E di yung mga kalat nuyo nilinis ko!" sabi ko sabay turo sa sahig.
Bigla niyang inikot ang paningin niya at agad na kumunot ang noo. "'Yan pa kaya yung agiw!"
"Ano? Ano ka, nakakuha ng katulong? Ayoko ngang linisin 'yan!"
Nagsalubong sa inis ang kilay niya. "'Wag mo nga akong sinisigawan!"
"Gusto kitang sigawan!"
"Isa pa! Bubusalan ko 'yang bunganga mo!"
"Isa pa, bubusalan ko 'yang bunganga mo," panggagaya ko sa kaniya habang humahaba ang nguso at naniningkit ang mata.
Nagulat ako nang may biglang tumawa. Pinapanood pala kami ng buong klase.
"You look like husband and wife," sabi ni Felix at nagkaroon ng malakas na hiyawan.
Tiningnan ko si Keifer na may pandidiri. Gano'n din ang naging reaksyon niya sa 'kin.
Mag-asawa talaga? Agad-agad? Hindi ko feel maging asawa 'tong si Keifer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro