Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


Sorry

Jay-jay's POV

Pwede bang ibalik yung oras? Sana pala hindi na ako lumabas ng cubicle kanina o kaya hindi na ko nag-CR para hindi ko na-encounter 'tong mga coloring book na 'to.

Panibagong problema 'tong mga 'to. Ang sakit sa ulo!

"Ano pang hinihintay mo Jay? Luhod na..." sabi ni Freya habang nakangiti sa 'kin.

"A-ayoko," sagot ko sa kaniya at agad na nagbago ang mood niya.

"What?! Anong ayaw mo?!" galit na sabi niya habang nagpapapadyak.

"Jay... Just do what she said," utos ni Aries.

Huminga ako nang malalim. Nakakairita sila. Silang lahat na nakapaligid sa 'kin. Para bang kaligayahan nila ang kahihiyan ng iba.

Yung mga ganitong tao yung masarap patikimin ng sarili nilang gamot. Yung kasabihan sa US na 'Taste of their own medicine'. Basta sinasabi nila 'yon kapag binabalik nila yung lakokohan nung tao sa gumawa.

"Okay..." sagot ko na ikinangiti ni Freya nang husto.

Dagdagan ko kaya ng kulay yung mukha nito gamit ang kamao ko. Makakangiti pa kaya siya?

"Ano pang hinihintay mo? Luhod na!" sabi ni Freya.

Excited lang? Hindi makapaghintay? Huminga muna ako ulit nang malalim. Mga ilang ulit ko ding ginawa 'yon.

Totoong lagi akong nakikipag-away dati. Ewan ko, feeling ko mawawala yung galit na nararamdaman ko kapag nasaktan ko sila.

Pero kung meron man akong natutunan sa pakikipag-away ko, 'yon ay labanan ang dapat labanan at 'wag pag-aksayahan ng oras ang hindi dapat nilalabanan. Sa sitwasyon ko ngayon, mas gusto kong lumaban kahit hindi na dapat patulan ang mga kagaya ni Freya.

"Gagawin ko yung gusto mo pero bago 'yon, hindi ba dapat mag-sorry ka muna?" sabi ko habang seryosong nakatingin kay Freya.

Bahagya siyang tumawa. "Kanino? Sa 'yo? Why would i?"

"Hindi sa 'kin... Ano nga ulit pangalan n'on?... Tss. 'Yon! Ella."

Biglang naging seryoso ang mukha ni Freya at gano'n din ang dalawang Canvas na kasama niya.

Hindi lang away na suntukan ang alam kong gawin. Marunong din akong lumaban sa ibang paraan.

Biglang naging interesado si Aries at bahagyang lumapit sa 'min. Malinaw sa 'kin na girlfriend niya si Ella kaya alam kong may chance na makialam siya.

"Kay Ella?" tanong ni Aries at tumingin kay Freya bago ibalik ang tingin sa 'kin.

"Bakit sa 'kin?" May mahinhing boses na nagsalita.

Pare-pareho kaming napatingin do'n at bumungad sa 'kin ang babaeng kaakbay ni Aries dati, yung mukhang Koreana. Siya yung Ella? Nagbago na ang isip ko, gusto ko na pala siyang makilala. Mas maganda siya sa malapitan.

"W-what are you talking about? B-bakit ako magso-sorry kay Ella? Wala naman akong ginawa sa kaniya," tarantang tanong ni Freya.

"Pero sinabi niyo kanina sa CR, 'Si Ella na malandi, lahat na lang ng famous sa school nilandi'. Narinig ko sa inyo 'yon."

Natigilan si Freya sa sinabi ko. Halata rin ang takot niya. Bull's eye!

Nagkuyom ang kamao ni Aries kasabay ng pagsalubong ng kilay nito at pagtitig nang masama kay Freya.

"W-what? No! 'Wag ka ngang gumawa ng kuwento! Hindi namin sinabi 'yon..." Humarap siya kay Ella. "Maniwala ka sa 'min! Gumagawa lang ng kuwento 'yang babae na 'yan! 'Di ba girls?" tanong ni Freya sa mga kasama niyang Canvas.

"O-oo... T-totoo yung sinabi ni Freya," pilit na sagot nung dalawa.

"See... Gumagawa lang ng kuwento ang babaeng 'yan!" Muling humarap sa 'kin si Freya at nanlilisik na yung mata. "'Wag ka ngang gumawa ng kuwento! Gusto mo lang makaligtas sa pinapagawa namin sa 'yo!"

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Hindi yata nakakaintindi ng instruction 'tong babae na 'to.

"Bakit ko ililigtas yung sarili ko sa paggawa ng kuwento? At kung hindi mo naiintindihan, lilinawin ko sa 'yo. Handa akong lumuhod, halikan 'yang sapatos mo, at mag-sorry sa 'yo kung magso-sorry ka muna kay Ella dahil sa mga pinagsasabi niyo tungkol sa kaniya," paliwanag ko.

In short, hindi ko nililigtas ang sarili ko. Gusto ko lang maging patas yung paghingi ko ng sorry. Pare-pareho kaming may ginawang mali sa loob ng CR. Saka parang unfair sa 'kin dahil binasa ko lang naman sila ng tubig.

Lumapit si Aries kay Freya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo nito.

"Tinawag mong malandi si Ella?!" galit na tanong ni Aries.

Nakita ko ang pangingilid ng luha ni Freya. Sa takot na rin siguro kay Aries. Hindi ko pa nakikitang magalit si Aries pero dahil magkapatid sila ni Kuya Angelo, malamang pareho sila.

"H-hindi... Maniwala ka sa 'min, Aries. Hindi namin sinabi 'yon," mahinahong sabi ni Freya at may halong pakiusap.

Medyo naaawa na rin ako sa kaniya pero naumpisahan ko na. Masama na yung ginawa ko sa masama pero naunahan na ako ng inis sa kanila. Ayoko mang may mangyaring hindi maganda sa kanila, kailangan din nilang madala.

"Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yon! Ano'ng karapatan mong husgahan si Ella?!" galit na sabi ni Aries.

Sa itsura ni Aries, halatang napakalaki ng galit niya kay Freya. Napaka-protective din ng dating niya kay Ella.

Bakit parang nakakainggit?

"Aries!" Biglang sumigaw yung Canvas-1. "Makinig ka... Pwedeng narinig nga ni Jay-jay yung mga sinabi niya sa CR pero hindi kami ang nagsabi n'on?"

Lahat ay nakatingin na ngayon kay Canvas-1. Ha?! Ano'ng gusto niyang sabihin? Eh sila-sila yung nasa CR. Alangan naman na galing sa tao sa labas 'yon.

"Ginagago niyo—"

"Hindi naman nakita ni Jay-jay yung nagsalita, 'di ba? Narinig lang niya," dagdag nung Canvas-1.

Ano'ng gusto nilang sabihin? Kakapasok lang nila sa CR nung lumabas ako ng cubicle? Imposible!

Parang nagkaroon ng ideya si Freya. "Totoo 'yon. Nasa loob siya ng cubicle nung may nagsabi n'on."

Binitiwan siya ni Aries. Halatang lalo siyang nainis sa ginagawa nung mga coloring book.

"Kung hindi kayo ang nagsabi n'on, sino?! SINO?!" galit na sigaw ni Aries.

Kahit ibang section halatang natatakot din sa kaniya.

"Si Mica... Siya ang may sabi n'on," sabi ni Canvas-1.

Lahat sila tumingin sa katabi ni Ella. Siya nga yung kasama nina Freya kanina, yung naiiba. May halong pagtataka at takot ang itsura niya.

"H-ha?" sagot niya.

"Totoo 'yon. Siya yung nagsabi n'on habang nagkukuwentuhan kami kanina sa CR," paliwanag ni Freya.

Totoong magkakasama sila pero parang imposible na siya 'yon.

Hinawakan ng dalawang lalaki yung Mica at dinala sa harap ni Aries. Nakita kong ngumiti si Freya sa dalawang canvas na kasama niya.

"Sinabi mo 'yon?" mahinahong tanong ni Aries.

"H-hindi..."

Hindi talaga. Malumanay ang boses nung Mica. Hindi ko nga narinig ang boses niya sa loob, eh.

"Siya talaga 'yon ,Aries. Kasama namin siya sa CR." Humarap sa 'kin si Freya. "Nakita mo din siya sa loob, 'di ba?"

"Oo... pero—"

"See? It's her not us!" mataray na sabi ni Freya.

"Oo nga pero hindi—"

"Siya dapat ang parusahan!" sigaw ni Canvas-1.

"Teka nga! Hindi ko—"

"Oo nga. Parusahan na yan!" dagdag ni Canvas-2.

Pakshet! Pagsalitain niyo ako!

Lalapit na sana ko kay Aries para magpaliwanag pero bumagsak yung isang lalaking may hawak kay Mica at nasundan pa nung isa.

Si Calix!

Agad niyang niyakap si Mica. "Walang pwedeng manakit sa kaniya! Dadaan muna kayo sa 'kin!"

Pinilit magpumiglas ni Mica pero mahigpit ang yakap sa kaniya ni Calix.

"'Wag kang makialam dito!" sigaw ni Aries sa kaniya.

Naalarma rin ang ibang Section A. Napatingin ako sa Section E at nakita kong lumapit si Keifer kay Calix. Sinundan siya ni Felix, Kit, at dalawa pa.

"Basta gulo, ang hilig niyong makisali, 'no?!" mayabang na sabi ni Aries.

Okay... Hindi na kailangang pakiramdaman. Mauuwi lahat 'to sa away! Wala bang aawat sa kanila? Guard! Security! Teacher! Kahit sino?!

"Section E nga kami, 'di ba? Walang sinusukuang laban," sabi ni Felix.

"At wala ring iwanan," dagdag ni Kit.

Ramdam ko yung tensyon sa pagitan nila. Isama pang lumapit na rin yung ibang Section A sa tabi ni Aries.

Putik 'yan!

Lalapit na sana ako para makiawat pero biglang may humatak ng buhok ko.

"Aray! Ano ba?!"

"This is all your fault!" sigaw ni Freya habang patuloy sa pagsabunot sa 'kin.

"Anong ako?! Kayo kaya—" Malakas na sampal ang nagpatigil sa 'kin.

Pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko sa sakit. Hindi na kailangang itanong kung sino gumawa n'on. Obvious naman na si Freya.

'Wag kang makikipag-away! Hindi dapat patulan 'yan!

Tama! Hindi na dapat—aaaarrrggghhhh!! Nakakagigil ang pagmumukha niya!

Gumanti ako ng sampal dahilan para bumagsak si Freya sa lupa.

'La! Napalakas yata!

Ramdam ko ang pagtigil ng lahat at pagtitig sa 'min. Bigla na lang umiyak si Freya at nag-umpisa na ring mamula ang pisngi niya.

"Ang kapal ng mukha mong gawin 'yon kay Freya!" sigaw ni Canvas-2.

Akala ko susugurin ako nung dalawang canvas pero laking gulat ko nang makitang hawak nila yung timba at ihahagis ang laman sa 'kin.

Huli na para tumakbo ako. Huli na rin para umiwas. Tanging pagtakip na lang sa mukha ko gamit ang mga braso ko ang ginawa ko.

Hinintay kong mabasa ako pero sa halip na tubig, mainit na katawan ang tumama sa 'kin. May yumakap sa 'kin. Saktong pagtingin ko kung sino 'yon ay ang tilamsik ng tubig sa timba na tumama sa yumakap sa 'kin.

David?

Tiningnan niya ko. "Quits na tayo." 'Yon na lang ang nasabi niya at bigla na lang siyang bumagsak sa 'kin.

Pinilit kong pigilan ang pagbagsak niya at napahawak ako sa likod niya. Bukod sa basa, malagkit ito at parang putik at meron ding gumagalaw.

Napaupo ako sa sahig dahil sa bigat niya. Do'n ko lang din nagawang tingnan ang likod niya. Puro putik at.... BULATE!!

'Yon pala yung nilagay ni Canvas-2 sa timba. Yuck! Eeiihhh!

Pero hindi 'yon ang inaalala ko. Walang malay si David! Ang init din niya.

Ano'ng gagawin ko? Tumingin ako sa Section E para humingi ng tulong pero busy sila sa panonood ng away. Nagsusuntukan na sina Aries at Keifer.

Ano ba? Wala bang tutulong sa 'min?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro