Chapter 17
Re-Election
Jay-jay's POV
"E di takot ka sa dugo?" tanong ni Ci-N.
Kanina pa 'yan. Malapit-lapit na akong mainis. Pagpasok ko pa lang sa room, nilapitan na ako at tinanong nang tinanong tungkol sa nangyari nung PE namin. Sinabi ko nang hindi pero ayaw niya akong tigilan.
"Ci! Hindi nga, 'di ba? Hindi ko din alam lung bakit ako nagkagano'n. Kulit naman, ih!" iritableng sagot ko sa kaniya.
"Pero nangyari na sa 'yo dati 'yon?" tanong ulit niya.
Dati? Oo...
"Hindi ko maalala."
"Pwede ba 'yon?"
"Oo naman... Ikaw naaalala mo yung ginawa mo 10 years ago? Lahat-lahat?"
Tumahimik siya at nag-isip. Ngumiti siya sa 'kin at umiling.
"Kita mo."
Nag-pout na lang siya habang nagkakamot ng ulo. Tama naman ako, eh. Ang kulit-kulit lang kasi sarap sampalin minsan.
+++++++++++++++++++++++++++++
Keifer's POV
"Any updates?" I asked Edrix and Rory.
"Yup. Nakuha ko na ang private information nila," Rory answered.
Rory is really the best information seeker in my group. Kahit NSO copy ng isang tao, kaya niyang kunin. I don't know how he did that but according to him, he has his ways, thanks to his father who is working as a private investigator and owns his own firm.
"How about Ci-N? Ginagawa ba niya yung trabaho niya?" I asked.
"Kasama niya si Jay-jay ngayon kagaya ng gusto mo," Edrix answered.
That's great. Makuha ko lang lahat ng information na kailangan ko, pwede ko nang simulan ang plano.
Hindi naman kalakihan ang planong 'yon but enough para malaman ang reaction niya sa bawat gagawin ko sa pinsan niya. If things went well, magagawa ko na ang huling plano ko and I will make sure he'll pay for everything.
+++++++++++++++++++++++++++++
Jay-jay's POV
Mabilis natapos ang morning class namin. Gano'n yata talaga kapag lutang ang isip. Lunch time na at balak kong bumalik sa tambayan ko para do'n kumain.
Tatayo na sana ako nang lumapit sa 'kin si Ci-N na may malapad na ngiti.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
Bigla na lang nawala yung ngiti niya at naging malungkot. "Nakalimutan mo?"
Taka ko siyang tiningnan. "Ang alin?"
"Ay... Nakalimutan talaga niya."
Wawa naman ang bata!
"Joke lang. Siyempre naalala ko."
Ang sarap niyang pagtripan. Akala niya siguro nakalimutan ko siyang ipagbaon. 'Yon kasi yung pangako ko sa kaniya nung nakaraan.
Bumalik yung malapad niyang ngiti kanina. "Salamat."
"Tara, do'n tayo sa tambayan ko..." aya ko sa kaniya at sumunod siya.
Baka kasi 'pag binigay ko sa kaniya yung baon niya na inihanda ko, kuhanin ng mga ulupong. Pero feeling ko hindi rin. Hindi pa rin kasi ako pinapansin ng mga loko.
Okay lang naman sa 'kin... KAHIT MAY KASALANAN SILA! Ang kakapal din! Sila na nga yung nantrip sa 'kin nung nakaraan, tapos sila pa yung may ganang hindi mamansin. Mahiya kayo, oy!
Nakarating kami ni Ci-N sa tambayan ko. Binigay ko sa kaniya yung isa pang baunan na dala ko. Next time, bento box na yung dadalhin ko para malaki at maraming laman.
"Bistek tawag dito, 'di ba?" tanong ni Ci-N habang sinisipat yung ulam.
"Oo na lang..." sagot ko sa kaniya.
Kumakain na kasi ako. Ayoko ng tanong nang tanong sa 'kin habang ngumunguya. Bahala siya diyan! Galit-galit muna kami.
Tamihik lang kaming dalawa. Mukang nakahalata na ayaw ko ng may kausap habang kumakain. Nauna akong natapos kay Ci-N kaya hinintay ko muna siya.
"Jay..." panimula niya habang ngumunguya. "Magkagalit ba kayo ni Aries?"
Hindi... Pero galit siya sa 'kin.
"Hindi naman... Bakit mo natanong?"
Nilunok muna nito ang nasa bibig bago magsalita. "Hindi ko kasi kayo nakikitang nag-uusap. Pero sabay kayong pumapasok tapos yung nangyari pa nung PE."
"Hindi lang kami close kaya gano'n."
Oo.. Gano'n lang 'yon.
Tumango lang siya at bumalik sa ginagawa. Matapos ubusin yung pagkain niya, binalik na niya sa 'kin yung lalagyan.
Maaaga pa naman kaya hindi muna kami umalis do'n. Tambay mode: On!
"Ano palang sabi ng mama mo nung umuwi kang red nose?" tanong niya habang natatawa.
Nang-iinis ba 'to?
Red nose talaga?!
"Wala... Hindi naman niya nakita," walang gana kong sagot. Masyado siyang busy sa bago niyang asawa para intindihin ako.
"Hindi nakita? Pa'no—"
"Hindi kami magkasama sa bahay. Nakikitira lang ako kina Aries."
Ayoko sanang pag-usapan 'to, kaya lang medyo matanong si Ci-N ngayon. Okay lang naman dahil friends na kami pero hindi pa rin ako komportabl'ng magkuwento.
Sandali siyang tumahimik. Sana lang nakaramdam siya. Humarap siya sa 'kin at ngumiti. Bakit parang may iba sa ngiti niya?
"Laro tayo..."
Bata talaga!
"Anong laro?"
"20 questions... Salitan ang magtatanong at dapat hindi maulit ang tanong. Hindi rin pwedeng sumagot ng 'secret' o kaya 'ewan'."
Ano'ng problema nito? Hindi ba talaga siya makaramdam? Pero baka may iba siyang gustong gawin. Baka nililibang lang niya ko.
"Sige... Pero ako muna ang magtatanong." Ngumiti siya at tumango sa 'kin. "Bakit ginawa ni Keifer sa 'kin 'yon?"
Nawala yung ngiti niya at hindi nagsalita. Pinilit din niyang umiwas ng tingin. Akala mo, ah! Kailangan ko rin ng mga kasagutan.
"A-ano... K-kasi..."
"'Wag na nating ituloy 'to kung ayaw mo."
"H-hindi naman sa ayaw kong sumagot. Baka kasi makagalitan ako ni Keifer."
Naglabas ako ng malalim na hininga. "Natatakot ka sa kaniya?"
Umiwas siya ng tingin. "Oo. May utang na loob ako sa kaniya. Saka tingnan mo 'ko compare sa kaniya."
Hindi ako natutuwa sa mga naririnig ko. Ang laking bully pala ng hayop na 'yon! Naiinis ako hindi dahil sa ginawa niya sa 'kin kundi dahil pakiramdam ko kayang-kaya niya lahat.
"Bumalik na tayo..." sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.
Sumunod naman sa 'kin si Ci-N. Paghakbang sa huling baitang huminto ako.
"Mauna kana sa room. Susunod na lang ako," sabi ko nang hindi humaharap kay Ci-N.
"H-ha? Mag-time na kaya."
"Alam ko."
"S-sige," sagot niya sa 'kin at tuluyan nang umalis pabalik sa room.
Naiinis kasi ako. Parang ayokong makita si Keifer. Ayoko ring makita yung buong Section E. Iisa lang si Keifer at kung tutuusin, kaya nila siya pero hindi sila lumalaban sa kaniya.
Ano'ng meron sa kaniya? Ano'ng meron kay Keifer? Ano'ng meron sa 'yo?
Sa sobrang inis ko, nasipa ko yung sirang bangko na nakakalat sa daan. Medyo masakit pero mas nanaig yung inis ko sa hayop na 'yon.
May araw ka rin sa 'kin, Keifer!
"Sira na nga, sisirain mo pa."
Speaking of the devil!
May hawak na naman siyang bola ng baseball. Binabato-bato niya pa 'yon sa ere habang nakatingin sa 'kin.
Nag-cross arm ako at tiningnan siya. "Paki mo!"
"Tss. Problema mo?" bored niyang tanong sa 'kin.
"None of your business."
Nag-smirk siya at lumakad pabalik sa room pero huminto siya nang makalagpas sa 'kin. "Re-election nga pala mamaya. Hindi natuloy nung nakaraan. Suportahan mo ako, ah?"
Kapal! Manigas ka diyan! Hindi kita susuportahan! 'Kala mo!
Bumalik na siya sa room at tumunog ang bell. Wala pa sana akong balak na bumalik kaya lang natanaw ko na yung teacher. Pfffttt...
As usual, wala pa ring pumapansin sa 'kin. Si Ci-N naman nagpipilit ng ngiti. Parang ang lalim din ng iniisip niya.
Natapos ang klase at uwian. Madalas, excited ako sa uwian pero ngayon, parang ang boring. Kasalanan 'to ni Keifer!
Paglabas ng teacher, nagsimula ang buong klase na ayusin yung mga bangko at lamesa. Nilagay nila sa gilid at nagmistulang pa-square ang itsura.
Ganito sila mag-re-election?
Nasa loob ng square yung dalawa samatalang kaming lahat ay nasa labas. Mukha silang nasa boxing ring at kami yung audience.
"Katulad dati... matira matibay! Ang matirang nakatayo ang panalo at magiging presidente ng Section E!" paliwanag ni Kit sa lahat.
Ano raw?
Anong matira matibay? Anong klaseng eleksyon 'to? Botohan ang kilala kong eleksyon.
Hinubad na nina David at Keifer mga polo nila. Pati sando at T-shirt na panloob ng isa't isa ay hinubad na rin nila. Wew!
May muscle si David kahit payat siya. Hindi nga lang kagaya nung kay Keifer. Masyadong malaki ang katawan ni Keifer para kay David. Parang lugi yata! Hindi patas ang laban!
Pareho silang pumorma ng parang sa boxing.
Anak ng...
Seriously? Ito talaga re-election nila? Boxing?
Kaniya-kaniya nang hiyawan ang mga loko.
"Go, David!"
"Pabagsakin mo 'yan, Keifer!"
"Keifer!"
"Keifer! Kayang-kaya mo 'yan!"
Mas maraming supporters si Keifer kumag. Kawawa naman si David.
Tumayo si Kit sa isa sa lamesa. "Simulan na ang laban!!" sigaw niya at sabay-sabay nagkalampagan ang mga loko sa lamesa.
Si David ang unang sumuntok pero nakailag si Keifer. Bumawi si Keifer pero nakaiwas din si David. Lumayo muna sila sandali. Mukang nagpapainit lang.
Banatan mo, David!
Ay... Bakit pati ako nakikisali na?!
Muling sumugod si David. Nakaiwas ulit si Keifer pero sinundan pa niya ng isa.
BAGSAK SI KEIFER!
"SIGE PA! BANATAN MO!" sigaw ko.
Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi naman ako pinansin ng mga katabi ko. Okay lang naman siguro kung makiki-cheer ako.
Tumayo si Keifer at halatang galit na siya. Hindi pa nakakaporma si David nang sunggaban niya ng suntok. Bagsak si David.
"Madaya... HOY! MANDURUGAS KA!" sigaw ko habang humahampas sa lamesa.
Napatingin sa 'kin si Keifer at iba pa. Ano? Tama naman ako!
Tumayo si David at bumalik sa laban. May ilang beses din silang nagpalitan ng suntok. Bumagsak ulit si David at halatang pagod na.
Hindi pwede 'to! Matatalo yung manok ko!
Lumapit ako sa pwesto niya at nagsisigaw. "DAVID! 'WAG KA PAPATALO SA IMPAKTO NA 'YAN!"
Tiningnan ako nang masama ni Keifer at iritable akong tiningnan ni David.
"Tsk! Ingay mo!" reklamo nung David sa 'kin.
"WALA AKONG PAKI! BASTA BANATAN MO 'YANG MOKONG NA 'YAN!" sigaw ko at muling tumayo si David.
Para talaga kaming nasa boxing. Donaire vs. Pacquiao. Siyempre parehong Pinoy 'tong naglalaban, eh!
Sana lang hindi 'tong Keifer na 'to ang manalo.
Matalo ka, Keifer!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro