Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


Blood

Aries's POV

"PE daw ng Section E ngayon... Can we watch?" Mykel asked me.

Bakit sa 'kin siya nagpapaalam?

"Bahala kayo..."

"Sure akong nando'n si Jay-jay... Ano kaya itsura niya kapag nag-PE?" Kiko said.

Why do I have this feeling na bastos yung ini-imagine niya?

"Hoy, Kiko! Pinsan ko pa rin 'yon!"

"Bakit? May masa—"

"Babe!" Ella called me. Lumapit siya sa 'min at hinalikan ako sa pisngi.

"Pupunta kami sa gym. May practice kami. Sama ka?" she asked.

Wait! Sa gym? PE ng Section E ngayon. Keifer.

"Yeah, sure," I answered shortly.

Binigyan ako nina Kiko at Mykel ng makahulugang tingin. Alam ko namang gets nila kung bakit ako pumayag.

Naglakad na si Ella papunta sa gym at sumunod naman kami. Pagdating do'n, halos mapahinto si Ella nang makita ang buong Section E sa loob ng gym.

Inakbayan ko siya agad. I don't know why I do that but I know I have to. Masama ang tingin sa 'min ng grupo nina Kiefer at Yuri.

"Look who's back," Kiko said.

Napatingin ako sa kaniya bago tingnan kung sino yung sinasabi niya. Si David, ang laki ng pinayat niya. Muli kong tiningnan ang grupo ni Keifer pero iba ang nahagip ng paningin ko.

Si Jay-jay.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Class, grab a partner!" utos ng PE teacher namin.

Batuhan bola raw muna ang gagawin namin. Pares-pares muna ang peg. Siyempre, obvious naman na walang mag-partner sa 'kin kaya hinatak ko na si Ci-N.

"Partner tayo!" sabi ko habang nakayapos sa braso niya.

Mabilis namang siyang tumango habang nakangiti. Sabay pa kaming naglakad at kulang na lang kumanta kami habang papaleng-paleng ang ulo kagaya sa mga pelikula o commercial sa TV. Feeling ko bagay talaga kaming partners o BFF ni Ci.

Humanap ako ng pwesto para sa 'min at sumunod naman siya. Kumuha ako ng bola. Kulay pula 'yon na medyo malambot, madalas gamitin sa dodgeball.

Nag-umpisa na kami ni Ci-N. Nung una, tahimik lang kami sa batuhang ginagawa namin hanggang sa may lumipad na bola sa harapan ko.

Woaahhh... Muntik na!

Muntik na akong tamaan kaya napatingin ako sa pinanggalingan n'on. Kaya lang patay malisya yung mga ulupong.

"Nakita mo kung saan galing 'yon?" tanong ko kay Ci-N.

"Ang alin?"

"Yung dumaan sa harap ko!"

"H-hindi."

Hindi ko na lang pinansin at baka aksidente lang. Bumalik kami sa ginagawa namin. Bato rito, salo ro'n, bato ulit at—woah! May lumipad na namang bola malapit sa mukha ko! Hindi lang isa, kundi dalawa.

Tumingin ulit ako sa pwedeng panggalingan. Hindi na aksidente 'yon, dalawa na, eh.

Nakita ko yung mga classmate namin. Masama ang tingin sa 'min—sa 'kin lang pala. May mga hawak silang bola. Iba-iba, pati bola ng football, tennis, volleyball, at basketball meron.

B-bakit?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kakaiba yung kaba ko. Hindi rin maganda 'to, parang alam ko na kung saan mauuwi.

Tumingin ako kay Ci-N para humingi ng tulong pero ang walang-hiya, biglang nawala. Ci-N!

Napalunok na lang ako at napaatras. Hanggang sa bigla silang pumwesto at bumwelo.

Anak ng... Tumakbo ka na, Jay!

Ayaw gumalaw ng binti ko. Asar!

"Section E!" sigaw ni Keifer. May hawak siyang bola ng baseball. Kagaya noon, bumwelo rin siya.

"Charge!" sigaw niya.

One word?! Masakit! Gaano kasakit? Pvtang'na! Sobrang sakit!

Sa pagsigaw ni Keifer, nag-umpisa na silang batuhin ako ng bola. Wala akong magawa kundi ang protektahan ang ulo ko. Kahit kasi tumakbo ako, wala na ring saysay.

Dinig na dinig ko yung tawanan nila at hiyawan. Pati pagsipol ng teacher namin sa pito niya, dinig ko din. Pati students na nakatambay lang yata, naghiyawan at nagsigawan din.

Kusang bumagsak ang katawan ko. Hindi naman kasi ako poste para tumindig lang kahit anong tama or sipa.

Masakit! Pati damdamin ko, nasasaktan!

Mapapaisip ka na lang na bakit ikaw. Bakit nga ba? May ginawa ba akong masama sa kanila? Natapos ang pambabato nila at tiningnan ko sila.

Nakatawa lang silang lahat sa 'kin. Si Ci-N hawak-hawak ni Felix at ng iba pa. Kita ko yung pag-aalala niya. Nakita ko rin yung ibang students na nakatingin sa 'kin. Do'n ko lang din na-realize na nando'n pala si Aries at mga classmate niya.

Si Aries. Kung hindi ko ba siya naging pinsan, mangyayari ba sa 'kin to? Siya ba ang dahilan kung bakit nila ginagawa 'to?

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umiyak. Siguro dahil masakit yung katawan ko sa tama ng mga bola o dahil hindi ako makapalag sa mga ginagawa nila kahit gustong-gusto kong lumaban.

Babae pa rin naman ako. Mabilis masaktan, hindi lang pisikal pero pati mental at emosyonal.

Pinilit kong tumayo. Pakiramdam ko kasi aping-api na ako at ayoko ng gano'ng pakiramdam. Papatayo na ako nang makita ko si Keifer na bumwelo.

May hawak siyang bola ng baseball. Teka! 'Di ba binato na niya 'yon? Para siyang pitcher sa paraan niya ng pagbato.

Binato niya yung bola at masyadong mabilis ang pangyayari para harangan o iwasan ko pa 'yon. Deretsong tumama yung bola sa ilong ko dahilan para bumagsak na naman ako sa sahig.

"Ugh... Aray..."

Tama na! Pagod na ako, ah! Masyado nang masakit!

Sandali akong nagtagal sa paghiga, para kasi akong nahihilo. Ilang segundo pa bago ko pinilit ulit tumayo. Tiningnan ko nang masama si Keifer pero naka-smirk lang siya sa 'kin.

Isang suntok lang! 'Yon lang hinihingi ko! Maligaya na ako!

Naramdaman kong parang may lumalabas sa ilong ko. Feeling ko sipon, dahil siguro naiiyak na ko kaya meron.

Ginamit ko yung kamay ko pamunas sa ilong ko. Nakakahiya kasi kung makikita nila. Kaya lang ayaw mawala meron pa rin akong nararamdaman na tumutulo sa ilong ko.

"Jay..." dinig kong sabi ni Ci-N.

Tiningnan ko siya at sobra yung pag-alala na nakikita ko sa kaniya. Kinabahan ako bigla.... Ayoko sana pero tiningnan ko yung kamay ko na ginamit kong pamunas.

Na sana pala hindi ko ginawa.

"D-dugo..."

Huminahon ka, Jay! Kaunting dugo lang 'yan!

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Nag-umpisa na rin ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi 'to maganda! Nauulit na naman! Hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sa 'kin.

Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil sa luha o dahil nag-uumpisa na naman.

Ganito rin 'yon. Ganito rin pakiramdam ko no'n bago magdilim ang lahat at hindi ko na maalala ang mga pangyayari.

Labanan mo, Jay! Dugo lang 'yan! Huminahon ka!

Kahit anong kausap ko sa sarili ko, parang wala ring saysay.

"Napakatigas ng ulo mo! Sumunod ka sa sasabihin ko!"

"Wala kang kwenta!"

"Mamatay ka na! Dagdag palamunin!"

"Wala ang nanay mo kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko!"

Ayan na naman. Mga memorya na hindi naman pamilyar sa 'kin. Mga boses ng mga lalaking paulit-ulit sumisigaw sa isipan ko. Nakakatakot sila pero kahit gano'n nando'n pa rin yung pakiramdam ko na dapat akong lumaban.

Nakatitig lang ako sa kamay ko. Kitang-kita ko ang panginginig nito. Nag-uumpisa na rin akong maakit sa dugo at parang may sariling isip ang kamay kong unti-unti lumalapit sa bibig ko.

Hindi! Jay! 'Wag! Makinig ka!

Halos guhit na lang ang pagitan ng kamay ko sa bibig ko nang may tumabig nito. Para akong nagising sa panaginip at tumingin sa gumawa n'on.

Aries.

"Kuhanin mo gamit mo at uuwi na tayo," ma-awtoridad niyang utos.

Naguguluhan ako. Hindi rin ako makagalaw. Ayaw kumilos ng paa ko.

"JAY!" galit na sigaw ni Aries.

Medyo nagulat pa ako pero agad din akong sumunod. Mabilis akong tumakbo pabalik sa room.

+++++++++++++++++++++++++++++

Keifer's POV

Mukang may napikon. Hindi ko naman alam na dudugo yung ilong niya. Pero bakit gano'n yung reaksyon niya sa dugo?

"Pwedeng 'wag mong idamay si Jay-jay dito?" Aries said.

"Affected ka?" I asked and smirked.

Nice! Dagdag na alas laban sa 'yo!

"Hindi... Nag-alala lang ako para sa inyo," he said and also smirked. "Kung ako sa 'yo, hindi ko hahayaan na makakita siya ng dugo."

"Kailan ka pa nag-worry sa 'min?"

"Ngayon lang... Ikaw din, baka magulat ka at makaharap mo bigla ang delubyo."

I crossed my arm. "I don't believe you and besides, your cousin belongs to Section E kaya wala kang pakialam kung ano'ng gawin namin sa kaniya."

He chuckled. "Don't say I didn't warn you," he said and walked away.

Kasunod niya si Kiko na nag-iwan ng matalim na tingin kay David. Kasunod din niya si... Ella.

She looked very disappointed in me. I couldn't blame her. I'm still a failure, maybe that's the reason why she didn't choose me.

I'm sorry, Ella...

"Keifer! Bakit kailangan mong gawin 'yon?!" galit na sigaw sa 'kin ni Ci-N.

"It's an accident! Hindi ko naman alam na dudugo yung ilong niya."

"Yeah, right... 'Yan din ang sinabi mo sa huling laro mo ng baseball," Ci-N said.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang ipaalala 'yon? Agad kong hinawakan ang shirt niya at tiningnan siya nang masama.

"'Wag mo akong pagsasalitaan... Baka nakakalimutan mo kung sino ako."

"Alam ko pero si Jay—"

"Ano? Lumalambot ka na?"

"Keifer... Ibaba mo na 'yan," Yuri said boredly.

Binatiwan ko si Ci-N pero nasa kaniya pa rin ang tingin ko.

"'Wag mong hinatayin ang galit ko. Sundin mo lahat ng sasabihin ko." I looked at everyone. "Jay will stay at Section E!"

"What?!" Yuri asked in disbelief.

"You heard me. She will stay. I have a plan."

Thanks to Aries, I now know what to do with his cousin. Hindi ko alam na magagamit ko siya. Like what I said, panibagong alas laban sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro